DRAVEN's POV:
Nandito na ako sa labas ng school naghihintay sa de paz na yun,ang problema baka nandito na siya sa labas,tang ina ! di ko alam yung pagmumukha niya tiyak mahahalata talaga ako nito ..
Buti na lang tumawag siya sa akin sinagot ko kaagad ito
De paz:ano ka ba keith !!(galit niyang sabi)talaga bang tatayo ka lang diyan magdamag,anong gusto mo ako ang lalapit diyan sayo,kita munang wanted ako ngayon,gusto mo talagang mahuli ako ng mga pulis ano (galit na galit)pumunta ka na dito sa van,bilisan mo !!
So tama pala si samantha na kriminal tong de paz na to at siya rin ang tinutukoy ni papa ,paano kaya kung makipag tulungan ako sa de paz na ito laban kay papa ..at buti na lang isa lang ang van na nandito ,kaya heto papunta na ako sa van at maya maya ay nandito na ako,dahan dahan kung binuksan ang pinto ng van at nagulat ako sa pagmumukha ng de paz na to kasi grabe bakit ganito yung mukha niya para siyang maligno ,may hiwa ang kanyang mukha ,yung ilong niya ay na deform na ,wala na rin siyang kilay ,ewan ko bigla akong natakot sa mukha niya sa mga tunay na engkanto ay di ako natatakot pero sa pagmumukha niya natakot ako.
De paz:ngayon mo lang ba ako nakita keith,para kang nakakita ng aswang diyan,pumasok ka na !!
Ako:pasensya na po ninong,sige po ..
Ang hirap pala maging mabait ,bwesit !! ayun pumasok na ako at tabi pa talaga kami ng de paz na to ewan ko di ko ma tingnan yung mukha niya.
De paz:julius ,sige na paandarin muna to ,pumunta tayo dun sa exhibit
Ako:exhibit ?
De paz:oo keith ,pupunta tayo sa exhibit kasi tutulungan mo ako na kunin yung diamond na nilagay ng client ko .
Ako:diamond ? bakit po ako ang kukuha nun,baka madamay po ako niyan ninong
De paz:sandali nga lang,bakit kung kailan matagal ko na tong pinapagawa sayo,paulit ulit mo na lang to ginagawa pero ngayon ka lang nagreklamo ng ganyan,tumingin ka nga sa mga mata ko keith..
Kaagad na hinawakan ni de paz yung mukha ko para magkatitigan kami,tang ina !! Nakakatakot talaga yung mukha niya walangya !!,
De paz:anong nangyayari sayo keith ? Sabihin mo ?
Ako:wala ! pasensya na po ninong,sige po susundin ko na po yung utos niyo,
De paz:natatakot ka ba sa mukha ko ? sa tagal na nating magkasama ngayon ka pa natakot,teka parang may iba sayo ngayon ..
Ako:ninong naman eh !
De paz:nasaan na yung peklat mo sa leeg ?
Patay !! mukhang mahahalata na ako nitong de paz na to bwesit !! .
Ng biglang may tumawag kay de paz,kaagad niyang inalis yung pagkakahawak niya sa mukha ko,
Sinagot niya yung tumawag sa kanya
De paz:hello ! menard nasaan ka na ?
--------------------------
De paz:sige nandiyan na ba yung mga pulis ,siguraduhin mo lang na di nila mahahalata yung gagawin natin,lalo na yung jazz na yun ,nandiyan na ba siya ..
-----------------------------
Teka nandun sila papa sa exhibit,patay !! tiyak makikita niya ako dun,baka nandun rin si keith,bwesit !! ,anong gagawin ko ,tiyak mabubuko kami nito
De paz:sige menard,papunta na kami ngayon ni keith diyan ..bye ..
Ayun binaba na niya yung tawag at kaagad na tumingin sa akin si de paz
De paz:nandun na yung papa mo keith,
Nagulat ako sa sinabi ni de paz,teka alam na niya na papa ko si jazz ,
Ako:po ?
De paz:ano bang nangyayari sayong bata ka,bakit kanina ka pa lutang diyan,sabi ko nandun na si menard yung papa mo,kaya wag kang papalpak ngayon,,wag ka lang pahahalata sa mga pulis lalo na yung jazz na yun,
Ako:sige po ninong ..
Deep inside ,kinakabahan ako ,ewan ko bakit nakaramdam ako ng kaba ,tang ina !!..nandun si papa ,sana wala dun si keith ..
De paz:wag kang mag alala keith,pag matagumpay yung pagkuha mo sa diamond ay bibigyan kita ng regalo kahit ano ..
Ako:salamat po ..
Buti na lang nakalimutan na niyang tanungin sa akin about sa peklat sa leeg ,maya maya ay nandito na kami sa exhibit ,kaagad kung nakita si papa ,nasa labas ,di siya naka uniform na pang pulis ..
De paz:talagang nag disguise pa talaga sila,akala nila di ko sila makikilala ,talagang nandito rin yung kevin na yun..
So kilala niya rin si tito kevin ,ano kaya ang history nila papa at tong de paz na to ..bakit ganun na lang ang galit nila sa isa't isa ..
De paz:keith ,sandali lang ,tatawagan ko lang si menard ,kung pwede ka ng pumasok ..
Ako:sige po ..
Ayun tinawagan na niya si menard ..
De paz:ano pwede na bang pumasok sa loob si keith
----------------------------------
De paz:sige sige bye !
Binaba na niya yung tawag .
Ako:ano po ninong ?
De paz:sige na keith ,pwede ka ng pumasok,basta wag kang magpapahalata ,yung diamond nasa painting ni manuel baldemor ,nakalagay dun sa likod magpatulong ka sa ABM dun kilala ko yun ..
Ako:so kaagad akong lalapit sa ABM dun tapos magpapa assist ako sa kanya dun sa gawa ni manuel baldemor ,
De paz:oo keith,pero bago ka lumapit sa kanya,magmuni muni ka muna dun na para bang namimili ka ng paintings dun ,para di ka mahalata ..
Ako:sige po ..
De paz:sige keith,goodluck ..
Kinakabahan talaga ako bwesit !!
Mukhang heto yung favor na hinihingi sa akin ni papa ,pero hindi yata to kasi natatandaan ko na yung mga model yung kinukuha nila,wala namang model na nandito ,kundi mga painting lang ,
De paz:keith,magsoot ka ng jacket pati cap tanggaling mo nga yang uniform mo .
Ayun tinanggal ko na yung umiform ko naka white t shirt lang ako at sinuot ko na yung jacket pati cap heto bumaba na ako ng van .
Teka saan ako dadaan dapat di ako makita ni papa kaya heto dumaan ako dito ss likod nila,buti di ako nakita ,may kausap kasi siya ..
Habang papasok ako sa museum ay bigla akong may nakabangga ,pagtingin ko walang iba kundi yung panget na arianne na to ,nagulat siya nung makita niya ako,teka ano ang ginagawa niya dito
Ako:ohh ! ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo,umalis ka nga diyan sa harapan ko ,nakakasira ka ng araw,ang panget panget mo na nga nandiyan ka pa sa harapan ko .(galit kung sabi sa kanya)
Arianne:draven,bumalik na yung memory mo ?(gulat niyang sabi sa akin)at akala namin na di ka pupunta dito .
Ako:pwede ba wala kang pakialam,tabi nga diyan(tinulak ko siya at heto iniwan ko na siya)
Tarantado ! wala akong pakialam sa kanya,bahala siya ..
Heto pumasok na ako sa loob ng museum ,sinunod ko yung sinabi nung malignong de paz na yun nagmuni muni muna ako dito ng biglang may isang babaeng lumapit sa akin at sinampal ako ,kaagad ko yung kinagulat ,kaagad siyang sumigaw na ..
Babae:Oo !! Pokpok ako !!(galit na galit niyang sabi sa akin)eh ! ikaw ! malungkot ka na nga ang panget mo pa !!!
Kaagad na nagtinginan sa amin yung mga tao na nandito,teka sino ba tong baliw na babaeng to ,,magsasalita na sana ako ng bigla siyang kunin ng guard ..
Guard:matigas talaga ulo mo miss,dadalhin na kita sa mental ospital , sino nagpapasok sayo dito ..
Bwesit !! tama nga pala ako baliw naman pala yung babaeng yun ,nagulat ako ng biglang may kumalabit sa akin at paglingon ko nakita ko si febbie ,nagulat ako ng bigla niya akong yakapin
Febbie:motmot ,hehehe,
sabi mo di ka pupunta dito hehehe,ayieehhh !! ,nag disguise ka pa talaga akala naman nito na di kita makikilala ,hahaha
Ewan ko bigla ko siyang tinulak pero mahina lang,bakit ba sila nandito patay ako nito ,kaya pala di pumunta dito si keith ..
Febbie:draven,bumalik na ba yung memory mo ?
Ako:ano ba ang ginagawa niyo dito ?
Febbie:di mo alam,diba sinabi na ni tito jazz kung ano ang gagawin natin dito kaya lang sabi mo di ka sasama dito,kaya si arianne na lang ang isinama ni tito jazz
Ako:iihi lang ako saglit lang ..
Febbie:sige draven,tiyak matutuwa to si tito jazz ,na nandito ka,hehehe
Ayun iniwan ko na si febbie,dapat makaalis na ako dito,kailangan kung puntahan yung ABM dito ,ayun kaagad akong lumapit sa guard para magtanong.
Ako:sir,nasaan po ang ABM dito
Guard:yung assistant branch manager,halika sasamahan kita sa kanya
Ako:salamat sir..
Maya maya ay nandito na kami sa opisina ng ABM ,pumasok na ako sa loob ,
ABM:may nakasunod ba sayo dito maliban yung guard
Ako:wala po maam,,
ABM:sige ,dito ka lang ,kukunin ko lang yung paintings ..
Ako:sige po ..
Ayun lumabas na yung ABM,grabe kilala niya na ako ,sabagay baka sinabihan na siya ni de paz,pero anong ginagawa dito nila menard,eh ! napakadali naman pala tong pinapagawa ni de paz sa akin,
Ng biglang tumawag sa akin si keith,sinagot ko ito
Keith:draven,totoo bang nandiyan ka ngayon sa museum
Ako:oo ,si febbie ba nagsabi yan
Keith:nagtext sa akin si febbie kung nasaan na ako ,sabi niya na iihi lang daw ako dito sa museum tapos ang tagal ko raw umihi ,draven kailangan mo ng umalis diyan,mapapahamak ka ..
Ako:wag kang mag alala keith,kayang kaya ko to ,sige na ibababa ko na to ..
Ayun binaba ko na yung linya at maya maya ay nandito na yung ABM,dala na niya yung painting ni manuel baldemor,
Kaagad niyang kinuha yung diamond sa likod ng painting,grabe ang dami namang diamond na nakalagay sa plastic ,binalutan niya ito ng panyo at saka binigay sa akin
ABM:sabihin mo sa ninong de paz mo keith,na buo pa yan,saka na ako hihingi ng parti ko ,sige na umalis ka na baka mahalata pa tayo dito
Ayun tinago ko na yung diamond dito sa bulsa ko at dahan dahan ko ng binuksan yung pinto ,nagulat ako sa pagbukan ng pinto kasi nakita ko si papa at tito kevin na nasa harapan ko gulat na gulat silang dalawa nung makita nila ako lalo na ako.
Tito kevin:draven ? anong ginagawa mo dito
Papa:ano yang nasa bulsa mo ?
Itutuloy.