Chereads / XANTHEI: Quien morirá después? / Chapter 1 - Chapter One : GUNS AND ROSES

XANTHEI: Quien morirá después?

Catherine_Presto
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One : GUNS AND ROSES

X A N T H E I

"You're next," I murmured while my History teacher is in the middle of her discussion.

Silence occured. No one dared to speak.

"W-who are you referring to, Ms. Bañez?" Our Professor asked.

"You," I answered directly.

Last night, I was preparing to go to sleep when I noticed that the notebook my Mom gave to me when I was eighteen lighten up. I'm afraid opening it but I had no choice. I was shocked when I saw her name.

Clara Ramirez

My classmates started to create a noise.

"Hala, kawawa naman si Ma'am."

"Grabe, siya talaga?"

"Ano kayang mangyayari sa kaniya?"

"STOP THE NOISE, EVERYONE!" Ma'am Clara shouted.

Lumingon siya sa'kin at takot na binigyan ako ng tingin. Gustuhin ko mang maawa ay wala na 'kong magagawa.

"You're just mistaken, Xanthei. Hindi maaaring ako ang susunod," saad niya.

"Hindi malabo ang mga mata ko para magkamali ng basa, Ma'am. Malinaw na nakita ko ang pangalan mo sa puting pahina ng kuwaderno," turan ko.

"No," she said, bewildered. "Baka may paraan pa, tulungan mo 'ko."

"I'm not going to dig my own grave, Ma'am Clara. Helping you might cause my own life," I said.

Napaupo na lang siya sa sahig, umiiyak. Wala na 'kong magagawa. Hindi ko siya maaaring tulungan sa magiging kapalaran niya. I can't change her fate and if I could, I'm still not going to help her.

"Please, Xanthei. I know you can help me," she begged. She's hysterically sitting on the floor, crying.

"Kapag tinulungan kita, ako ang mamamatay," nakayuko kong saad.

Pinipilit kong magmukhang walang pakialam. Pinipilit kong hindi maging apektado. Hanggang kailan?

The bell rang.

She still managed to stand up.

You're a brave woman, Ma'am Clara. I admire you since the first day of class. Your death will be a big loss not just for me but for the whole school.

"C-class dismissed," she mouthed.

Isa ako sa mga naunang lumabas ng klase. Ayoko siyang makita, naaawa ako. Kung meron man akong magagawa, mas pipiliin kong 'wag gawin.

My mom said that I shouldn't meddle with the will of that cursed notebook because if i will, I'll die.

Nanggaling pa raw 'yon sa ina ng aking lola. Someone gave it to her and warned her. Oras na sirain, sunugin o pumunit man lang ng isang pahina do'n ay may mangyayaring masama sa kaniya. Kailangan niya itong ipamana sa kaniyang unang anak na babae. Ipinasa kay lola, kay mama at ngayon nasa akin na 'to.

I'm unlucky.

"Xanthei."

Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

"Please, help me," ani Ma'am Clara.

"I can't," I answered and turned my back to her.

Third Person's POV

Nanlulumo man ay pinilit umuwi ni Clara.

Isa siyang matapang at matalinong ginang. Tinitingala siya ng mga estudyante sa pagiging mabait at epektibong guro sa klase. Ngunit lahat ng tao ay may tinatagong madilim na sikreto.

Pumasok siya sa kaniyang condo at nakita ang isang bungkos ng rosas sa lamesa sa sala. Agad na pumasok sa kaniyang isip na marahil ay nakauwi na ang kaniyang asawa galing sa trabaho.

Kataka-takang man na nauna pa itong nakauwi kaysa sa kaniya ay hindi niya pa ring maiwasang mapangiti at kiligin sa inasta ng asawa. Pansamantalang nakalimutan ang mga salitang ibinulalas ni Xanthei sa kanilang klase.

Pulang-pula ang mga rosas. Nakakabighani ang ganda ng bulaklak.

Napangiti na lamang siya nang biglang may yumakap sa kaniya mula sa kaniyang likuran.

"I missed you," turan ng kaniyang asawa.

"I missed you too, Luke," kinikilig niyang saad.

Gayon na lamang ang gulat niya ng makaramdam ng isang matigas na bagay sa kaniyang tagiliran.

"Akala mo ba hindi ko alam?" Galit na saad ni Luke.

Naalala niya ang sinabi ni Xanthei.

Ito na ba 'yon?

"Alam ang alin, Luke?" Natatakot niyang tanong sa kaniyang asawa. "Saka ano ba 'yang nasa tagiliran ko? Ibaba mo 'yan."

"Bakit? Natatakot ka ba?" Tanong ni Luke.

"Natatakot na 'ko sa'yo, ano ka ba?" Nanginginig na turan ni Clara.

"Dapat lang kasi papatayin kita. Papatayin kita, Clara, papatayin kita!" Mahina ngunit mariin na sambit ni Luke.

"Ano bang ginagawa ko? Pag-usapan natin, mahal." Ani Clara.

"Mahal? Mahal pero nagawa mo 'kong pagtaksilan. Anong klaseng babae ka?" Naiiyak na saad ni Luke.

Lingid sa kaalaman ni Clara ay ilang araw ng hindi pumapasok sa trabaho si Luke para manmanan siya. May nakapagsabi kasing isang estudyante rito na may relasyon si Clara at ang isang guro sa kanilang paaralan. Malaki ang galit noong estudyante kay Clara dahil ibinagsak daw siya nito. Hindi nagdalawang-isip na magsumbong kay Luke bilang ganti.

Tama lamang ang ginawa no'ng estudyante.

"Ano bang sinasabi mo?" Pinilit maging matapang ni Clara.

Lalo lamang idiniin ni Luke ang baril sa kaniyang tagiliran dahilan para mapa-aray siya sa sakit.

"Papatayin ko kayong dalawa," ani Luke. "Tinuring kong kaibigan si Sebastian. Hindi ko binigyan ng malisya ang pagiging malapit n'yo simula pa lang noong magnobyo tayo tapos gano'n ang malalam ko?"

Napaiyak na lamang si Clara. Hindi niya naman sinasadyang mahulog ang kaniyang loob sa kababatang si Sebastian. Nangyari lamang ito noong minsang malasing silang dalawa sa isang reunion nilang magkakaklase. Hindi namalayang sumama siya kay Sebastian sa pag-uwi at may nangyari sa kanilang dalawa. Sising-sisi silang dalawa sa nangyari pero hindi napigilan ang kanilang mga damdamin at ang isang beses na 'yon ay naulit pa ng maraming beses.

Mga taksil!

"Mahal kita, Luke. Patawarin mo 'ko," naiiyak na saad ni Clara, nagmamakaawang 'wag siyang patayin. "Hindi namin sinasadya."

"HINDI SINASADYA? PUTANGINA, HINDI SINASADYA?" Sigaw ni Luke.

Tuloy-tuloy na bumuhos ang luha sa kanilang mga mata. Minsa'y humahagulgol at humihikbi pa si Clara.

"Patawarin mo 'ko," nanghihina niyang saad.

"Huli na, Clara."

Kinalabit ni Luke ang baril at umalingawngaw ang isang malakas na putok nito. Nasundan pa ulit ito ng dalawang putok na tiyak ay narinig ng lahat.

"I love you, Clara. May you rot in hell," bulong ni Luke sa tainga ni Clara saka siya binitawan at tuluyang bumulagta sa sahig.

Umalingawngaw ang tunog ng sirena ng pulis. Walang balak tumakas si Luke. Kusang-loob siyang sumama sa mga pulis. Pagbabayaran niya ang kaniyang ginawa sa asawa.

---

X A N T H E I

Isang balita ang agad na kumalat sa internet. Nalulungkot ako sa sinapit ng aking guro. Maraming estudyante ngayon ang nagluluksa.

Umilaw ang maliit na kuwardeno sa aking side table kaya't dinampot ko ito.

October 18, 2019

Clara Ramirez, pinatay ng kaniyang asawa dahil sa galit. Pagtataksil ang ugat ng lahat kung bakit niya sinapit ang kaniyang masakit na kamatayan.

Alam ko ang tinatago niyang sikreto dahil kapansin-pansin ang pagiging malapit nito kay Sir Sebastian na nagtuturo ng Matematika.

Matagal ko ng iniisip na may affair sila at nakumpirma ko lamang ito noong minsang nakita ko silang naghahalikan sa pinakadulong bahagi ng library na minsan lang mapuntahan ng mga estudyante.

Rest in Peace, Ma'am Clara.

---

Reads, votes, and comments are highly appreaciated.

Thank you and God bless!

---