Chereads / KIDNAPPED SERIES (DRESS TO KILL) / Chapter 1 - KDTK-BLINDDATE

KIDNAPPED SERIES (DRESS TO KILL)

Sabel_Ortiz
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - KDTK-BLINDDATE

Thalia's Point of View

Abala ako sa pagkain ng chips na nakalagay sa maliit na bowl na hawak ko habang nakasalampak ako sa sofa habang pinapakinggan ang nakakarinding paninermon ni Alessia sa akin sa kadahilanang tinanggihan ko ang blinddate na inayos at inihanda niya para sa akin. Well hindi pa naman kase ako ready sa mga ganyang bagay kahit na ilang taon na akong single. Matagal na kaming magkaibigan ni Alessia. Pareho kaming naulila ng maaga kaya naman simula noon ay ginabayan namin at naging sandigan namin ang isa't isa sa lahat ng bagay.

"Seriously!" bulalas ni Alessia ng tinanggihan ko ang inaalok at inaayos nitong blinddate para sa akin.

"What..?" medyo tinatamad ko pang sambit dito habang nginunguya ko ang chips na hawak ko.

"I can't believe tinatanggihan mo ang isang Miko Sawyer." dahan-dahan pa nitong sambit habang dahan-dahan din itong umupo sa tabi ko at tinitigan lamang ako. Nagkibit balikat lamang ako saka muling nagsalita.

"I told you I'm not interested-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil agad na siyang nagsalita.

"ohhhh, your not interested. My god Thalia your three years single! At kailan ka naman magiging ready at interested aber? Maybe siguro pag nasa 50's,60's,70's kana baka nga mamaya masikip na yan e!" sunod-sunod nitong sambit sa akin na may kasamang pang pangiinis habang kumuha siya ng chips sa may bowl na hawak ko at kinain ito. Halos nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko sa kanya. I just did roll my eyes on her bilang tugon.

"Joke ba yun? Tatawa na ba ako." sambit ko sa kanya at sinabayan ko ng malakas na halakhak na batid kong kinainis niya.

"ohh, don't roll your eyes on me darling. And it's not a joke it will really happen to you if you will not give yourself a chance." nakangiting sambit ni Alessia sa akin habang sumilay ang ngiti ng pagiinis sa labi nito.

"Whatever." tanging nasambit ko na lamang sa kanya. Nakaramdam na ako ng pagkauhaw kaya nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng maiinom. Habang nakasunod pa rin siya sa akin at tila may gusto pa itong sabihin.

"Ano ba naman kase ang hindi mo magugustuhan sa guy na yun. He has everything-" hindi ko na pinatapos si Alessia sa kanyang sasabihin at agad na akong nagsalita.

"Oh, shut up honey. I already memorized all of it keso he's a good guy, he has everything, bla..bla..bla.." sambit ko dito saka ko binuksan ang refrigerator at kumuha nang malamig na tubig at ininom ito.

"Totoo naman kase yung sinasabi ko. Why can't you just give it a try pag hindi nagwork sayo. Then stop it." sambit muli nito sa akin habang nakasunod pa rin sa akin.

"Ayoko! Ayoko! Gets! kahit ano pang sabihin mo ngayun hindi ako makikipagdate." matigas kong tugon dito habang hawak hawak ko ang baso na may laman na malamig na tubig.

"Uggghhhh! Why are you making it so hard. Nahhh, makikipagdate ka kay Miko sa ayaw at sa gusto mo." pagpupumilit pa nitong sambit sa akin. Ibinaba ko ang hawak kong baso sa lamesa at hinarap siya saka ako muling nagsalita.

"At bakit ko naman gagawen yun hah aber!" nakapamewang kong sambit sa kanya habang inaantay ko siyang magsalita ay bakas sa muka nito ang pagkabalisa na tila bang may hindi magandang sasabihin.

Alessia's Point of View

Here we go I'm so dead now hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya na nakapromise na ako kay Miko and he's expecting her tonight. I hope it will goes well.

"Ummm.. Kase nakaoo na ako kay Miko and he's expecting you tonight." mejo kinakabahan ko pang sambit dito pagkasabi kong iyon ay bumakas sa mukha nito ang pagkagulat sa sinabi ko.

"What?!" bulalas nito sa akin.

"Ummmmm yes." sambit kong muli sa kanya halos hindi na ako makapagsalita sa naging reaction ng best friend ko.

"What did you do? Oh my god. Are you for real! Kaibigan ba talaga kita? how could you do this to me?" inis na nitong sambit sa akin habang padabog na nagtungo ito sa sofa at umupo habang bakas pa rin sa muka nito ang pagkairita. Agad ko naman siyang sinundan at umupo rin sa tabi niya.

"Duhhhhhh! Itigil mo nga yang kadramahan mo it's just a date. Just give him a chance." sambit ko muli dito habang bakas sa muka nito ang pagkainis.

"Sandali lang just let me think about it. Binigla mo ako tangina." sambit nito habang bakas sa muka nito ang pagkadismaya.

"Fine! Ano pa bang magagawa ko.? Eh umuo ka na doon sa tao. Hindi na ito mauulit Alessia." matigas na sambit nito sa akin. Sumilay ang mga ngiti sa labi ko ng marinig ko iyon mula kay Thalia. Isang matamis na ngiti lang ang naitugon ko saka ako muling nagsalita.

"Perfect! That's mah girl." nakangiti kong sambit sa kanya. Inirapan lamang niya ako na may kasama pang pagiling iling at saka niya kinuha ang remote at binuksan niya ang tv upang panuorin ang paborito niyang palabas.

"Now please, excuse me! I'm gonna watch my favorite tv show. It's airing now." nakairap pa rin nitong sambit sa akin.

Thalia's Point of View

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko kay Alessia. She just literally made me go out on my comfort zone. Pero wala na rin naman na kaming mapamimilian kundi umoo kase she just said yes to that guy without my permission. Let's just see nalang what will happen. Pinapanuod ko ang paborito kong palabas pero parang lumilipad ang utak ko sa kung saan. Hanggang sa napansin ako Alessia at muli itong nagsalita.

"Hey, are you okey? Kung tungkol ito sa date i can cancel it ku-" hindi ko na pinatapos si Alessia sa kanyang sasabihin at agad na akong nagsalita.

"It's fine don't worry about it. I'm good." sambit ko sa kanya na may kasamang ngiti na nagpakalma sa kanya.

"Anyways, Ihahatid ka namin ni Rico sa date niyo ni Miko. He will be here at 8.30pm sounds good?" nakangiting tanong nito sa akin. Isang ngiti lang ng naitugon ko at saka muli akong nagsalita.

"Yeah." nakangiti kong tugon sa kanya. Isang matamis na ngiti lang ang naitugon niya sa akin at muling ituon ang atensyon nito sa kanyang telepono.

Charlie's Point of View

Sunod sunod na papuri ang natanggap ko kay Ama ng maging successful nanaman ang misyon na ibinigay niya sa akin. Simula ng maulila ako sa magulang ay si Ama na ang gumabay sa akin sa lahat ng bagay. Si Ama o mas kilala sa tawag na Don Manolo ng aking mga kasama at ang mga iba pa niyang tauhan ay ang aking tiyuhin. Si Don Manolo ay ang leader ng SA o (La Familia Alejandro) Ang LFA ay isa sa pinakamalaking gang sa asia na ang layunin ay pumapatay ng mga masasama at maimpluwensyang tao sa mundo o high profile criminals. LFA also doing big transactions about big weapons,guns,bombs etc. Simula ng makapagtapos ako sa aking pagaaral ay sinanay na ako ng mabuti ng aking tiyuhin upang sumunod sa yapak ng aking ama bilang isang hired killer. Kaya naman ngayun ay bihasa na ako sa mundong kinagisnan ng aking ama.

"Magaling, maasahan kana talaga Charlie. Mabuti naman at natutunan mo lahat ng mga itinuro ko sa iyo." nakangiting sambit nito sa akin habang nilalagok nito ang alak na nakalagay sa wine glass na hawak niya. Isang matamis na ngiti lang ang naitugon ko saka ako nagsalita.

"Opo Ama, at lahat po ng ito ay dahil po sa inyo. At lubos ko pong ipinagpapasalamat sa inyo lahat ng magagandang nagawa niyo para sa aming magkapatid." nakangiti kong sambit sa kanya. Kasabay nun ay nagsindi siya ng isang tabako saka muli siyang ngsalita.

"Kalimutan mo na iyon Anak, masaya ako para sa iyo at proud na proud ako sa mga narating mo." sambit nito sa akin habang hinihithit nito ang tabako na hawak niya.

Charlie's Point of View

Maya-maya pa ay napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng kanyang muka kaya naman agad ko siyang tinanong kung anong problema. Matagal na din ako sa ganitong mundo at pinapangarap ko din na lumagay na sa tahimik na buhay malayo sa buhay na kinagisnan ko at ipinamulat sa akin ni Ama. Alam na kaya niya na may balak na akong magbagong buhay.

"Ama may problema po ba?" tanong ko sa kanya habang hinihithit pa rin nito ang kanyang tabako.

"Narinig ko kay Dimitri na may balak ka na daw magbagong buhay. Totoo ba ito Anak? Akala ko ba ay gusto mo pang mahanap at makapaghiganti sa mga taong pumatay sa mga magulang mo?" sunod-sunod na tanong ni Ama sa akin. Kasabay non ay nagsalin siya ng wine sa wine glass at iniabot sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Si Dimitri talaga, naunahan pa ako. Actually kakausapin ko po kayo ngayun ngunit wala na eh naunahan na niya ako. Opo plano ko pa naman pong hanapin at paghigantihan ang mga walang pusong pumatay sa mga magulang ko. Pero sa ngayun buhay ko muna yung uunahin ko at isa pa pangarap ko rin hong lumagay sa tahimik at makabuo ng isang masayang pamilya." paliwanag ko kay Ama habang nakatingin lamang siya akin at sinasangayunan ang mga sinasabi ko sa pamamagitan ng pagtango tango nito sa akin.

"Naiintindihan kita Anak, Nandito lang ako para suportahan ka sa lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo." masayang sambit nito sa akin habang tinatapik tapik pa nito ang balikat ko.

"Salamat Ama," nakangiti kong sambit sa kanya. Ama ang tawag ng lahat sa kanya dahil ito ang gusto niyang itawag sa kanya. Pinipilit kong hindi maging emosyonal sa harap ng isang taong umaruga at nagpalaki sa akin. Habang tinititigan ko siya ay parang di ko maatim na iwanan sa ere ang tumayong ina at ama sa aming dalawa ni Channa pero kailangan kong gawin ito para sa aming dalawang magkapatid.

"Pero Anak, may hihilingin lang sana akong huling misyon para sa iyo. Maari ba Anak?" hiling nito sa akin. Halos di ako makasagot kay Ama pero sumangayon naman ako kinalaunan at kung sa ganong paraan ako makakaganti sa lahat ng nagawa niya para sa aming magkapatid bakit hindi.

"Opo Ama, ano po bang misyon ito? tanong ko dito?" tanong ko dito.

"You need to get Scarlett Sawyer. Get her at dalin mo siya sa safehouse natin sa Ilo-Ilo." sambit ni Ama sabay abot ng kapirasong papel sa akin na agad ko namang kinuha.

"Nandiyan lahat ng detalye kung saan at kailan mo siya kukunin." dagdag pa nito sa akin.

"Scarlett Sawyer. Is it Antonio's daughter? tanong ko dito.

"Oo anak, gusto kong pagbayarin ang kanyang ama sa lahat ng kasalanan niya sa akin." sambit ni Ama sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil biglang may tumawag sa telepono at agad itong sinagot ni Ama at lumayo ng bahagya sa akin. Nasa ganoong sitwasyon siya ng iwan ko upang makausap niya ng maayos ang tumawag sa kanya sa telepono.

Don Manolo's Point of View

Labis pa rin akong nalulungkot sa mga nagiging pasya ni Charlie. Iniisip ko pa lang na aalis na siya sa organisasyon ay nalulungkot na ako. Hindi lamang dahil sa isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko at isa sa pinakamagaling kong tauhan kundi ay napamahal na din silang magkapatid sa akin. Naaawa man ako sa kanya sa ngayun pero hindi pa napapahon upang malaman niya kung sinu ang pumatay sa mga magulang niya. Hindi pa ito ang tamang panahon. Inantay ko muna siyang makaalis bago ko itinuon ang atensyon ko sa teleponong hawak ko at kausapin ang nasa kabilang linya.

Thalia's Point of View

Sunod-sunod na tapik ang gumising sa mahimbing na pagkakatulog ko sa sofa. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang pinapanuod ko ang paborito kong palabas sa tv. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at tumambad sa akin ang makinis na muka ni Alessia. Her hair was curled Alessia is also wearing a red lipstick na lalong bumagay sa kanyang kutis nagpaganda pa sa kanya lalo ang kulay kape nitong buhok. Now i know why her boyfriend Rico is so inlove with her. Anim na taon nang magkasintahan ang dalawa. Niyugyog ako ng niyogyog ni Alessia ng napansin niya ipinikit ko muli aking mga mata. Masisi niya ba ako eh inaantok pa ako. Ilang saglit lamang ay iminulat ko ang aking mga mata at dahan dahan kong ibinangon mula sa pagkakahiga ang aking sarili. Inayos ko ang nagulo kong buhok mula sa pagkakahiga sa sofa saka muling nagsalita."

.....