Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Tasya Probinsiyana

razeup
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3k
Views

Table of contents

Latest Update1
Simula4 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

" Bahay kubo

  Kahit munti

  Ang halaman doon

  Ay sari-sari "

Magiliw kong pagkanta habang inaayos ang mga panindang gulay sa palengke rito sa probinsiya. May mga talong, sitaw, bataw at patani. Halos makumpleto na ang mga gulay sa bahay-kubo.

"Hoy, Tasya! Huwag kang kumanta, mabubuwiset ang mga tao sa boses mo. Mamalasin ang mga paninda" sabi ni Elsa, ang bayot na kasa kasama ko sa pagtitinda palagi sa palengke. 

"Hoy! karin Elsa, wala sa boses ko ang problema, nasa mukha mo. Palibhasa mukhang paa kaya nangangamoy paa ang mga paninda." taas kilay kong patutsada. Buwiset kaaga aga kamalasan ang dala.

"Bakla, kamusta na si Nay Theodora mo? Humihinga pa ba siya?" binato ko siya ng isang saging at napaaray naman ang baklang mukhang durugista. Pinatay niya na ang nanay kong buhay. Jusme

Bakla ang tawagan namin kahit siya lang ang bakla, ako naman napagkakamalang bakla dahil wala akong matambok na harapan at pwetan.

"Bakla ka, mas mauuna ka pang mamamatay kesa sa nanay ko" tinaasan ko uli siya ng kilay, poker fez kumbaga. "Nais ko lang naman siyang kamustahin. Pero thanks sa saging." Binalatan niya ang binato kong saging at sinubo. Hoo! Nangangamoy lugi na naman.

Sa totoo lang maysakit si Inay Theodora kaya ako na ang nagbebenta rito sa palengke. Ako na ang gumagawa sa mga gawaing bahay. Ako na rin ang nagpapastol ng mga baka, kambing at kalabaw. 'Di ba ang sipag ng ate niyo pero mukhang bakla.

Magmula nung mamatay si Amang Francisco at iniwan kami ni Ate Segunda, mas lumalala pa ang karamdaman niya. Lagi siyang inuubo at lagi niya ring sinasabi ang pangalan ng Ate ko.

Maliit palang ako nung mamatay si Ama at ganundin nang lumayas si Ate. Hindi ko alam kung bakit lumayas siya. Nalaman ko nalang isang umaga, wala na siya sa tabi ko at labis ang aking iyak dahil close kami sa isa't isa.

"Arrrrraaaayyyy" usal ko habang sapo ko ang ulo ko. Binato na pala ako ng bakla ng talong. Jusme. "Tanginang talong yan, bakit mo ako binato" poker fez ko na naman na tila papatay ng tao. Ngumuso lang siya na tila may tinuturo. Seryoso, ang itim ng nguso. Durugista talaga. Shabu pa Elsa.

"Magandang umaga binibining Tasya," bumungad sa akin ang isang lalaking may abs. Hindi sa katawan pero sa kaniyang mukha. Jusme. Si Juanito Alpunso, ang lalaking laging umaaligid sa akin.

"Ano na naman. Lumayas ka kung hindi ka bibili. Tsupe!" usal ng bibig kong walang sinasanto kahit nino. "Kung bibilhin ko lahat binibini, maipapangako mo bang ako'y iyong sasagutin na?" aba at may pagkamakata ang loko.

Matagal na akong nililigawan ni Juanito Alpunso. Isa siya sa pamilyang  mayaman dito sa probinsiya. Pero kahit gaano pa kayaman, hindi tumatalab ang mga banat niya at walang vulcanalization, ano raw.  Basta yung walang spark!

Sabi ni Inay Theodora, kapag nakita mo na raw ang taong bibiyak este kabiyak mo e makakaramdam ka nalang daw ng spark at parang may mga paru-paru na sa tiyan mo. Pero di ako naniniwala na may paru-paro sa tiyan, anong gagawin nila don? Nagswiswimming na nagbabackstroke?

"Basta bumili ka nalang. Pag-iisipan ko pa kung sasagutin kita" humalukipkip ako na tila nag iisip pero ang totoo talaga wala akong isip.

"Pag-isipan mo binibini nang maayos dahil kung naging tayo,ibibigay ko sa iyo ang mundo. Lahat ng mga bituwin sa kalangitan ay aking susungkitin. Ang pusod ng dagat ay aking lalanguyin at higit sa lahat dadalhin kita sa langit" napatakip nalang ako ng bibig. Jusme

"Sige na Juanito. Tsupe na!" Natawa naman si Elsa na mukhang durugistang sumisinghot ng rugby.  "Grabe ka bakla, anong kulam ang pina-inom mo kay Juanito? Baka naman pinainom mo ang pinaglabhan mo ng panty mo!" Napatawa ako ng bahagya. "Gaga!"

Napaaga ako ng uwi dahil naubos agad ang paninda ko dahil don sa lalaking yun. Salamat nalang sa kaniya at napabilis ang pagtinda ko.

O ginoong Juanito,

Kahit anong salita pa ang iyong ibato

Hindi ako matitinag at magpapauto Dahil kumpara sa bato, may matigas akong puso

Kaya patawarin mo ako.

Dito sa probinsiya pres na pres ang hangin. Sa dinadaanan ko ay nasasaksihan ko ang malawak na palayan. May mga nagtatanim ng palay at mayroong ding nag ku-kubota (yung pang patag ng putik sa pagpapalay). Sa kalsada rin ay may dumadaan na karison na hinihila ng kalabaw.

"Mang Dusyong, pwede pasakay?" Pinahinto niya ang kalabaw at binaba niya ang sumbrero niyang gawa sa sarakat (yung ginagamit panggawa ng banig). "Ikaw pala Tasya, sakay na. Dadaan din ako sa bahay niyo." Sumbat niya at hinampas niya ang kalabaw. Nagpatuloy ang karison.

Hindi ko mapigilang mamangha sa kagandahan dito sa probinsiya. Kahit simple at mahirap ang buhay ay masaya at mukhang malayo sa mga karahasan. Sa lawak ng sakahan dito ay maraming mapagtatamnan. Naala ko ulit ang sinabi ni Inay Theodora na amin daw lahat ng sakahan na ito noong araw pero di ako naniniwala sa pinagsasabi niya. Matanda na kasi si Inang, kung ano ano na ang pinagsasabi sabi.

"Nandito na tayo" sabi ni Mang Dusyong at tumalon ako sa karison pababa. "Salamat po Mang Dusyong at salamat rin kalabaw" sumbat ko. Napatawa si Mang Dusyong. E bakit, kung walang kalabaw, nandon parin ako naglalakad sa kalsada ngayon.

"Ikamusta mo nalang ako sa nanay mo, kay Theodora" agad namang pinatakbo ang kalabaw. "Sige po, salamat ulit" pahabol ko pa.

"Protasyaaaaa!" si Inay

Hindi pa man ako nakakarating sa bahay ay tinatawag na niya ang pangalan ko. Agad naman akong natarantang tumakbo.

"Nay, mamamatay na po ba kayo?" tanong ko. "Huwag sa ngayon. Kulang pa itong natinda ko pambili ng ataul ninyo" dagdag ko pa. "Gaga" ani niya.

Si Nay Theodora ay nakahilata sa kama. "Hindi pa ako mamamatay, sigurado ako diyan. Hanggang hindi pa natatapos ang kwentong ito, mabubuhay pa ako" sabi niya sabay ubo. Mandirigma. Ahu!!! Ahu!!!

"Anak," humugot siya ng hininga at bumuga. "Kailangan mong hanapin ang ate mo sa Maynila" may tangan tangan siyang litrato at iniabot niya ito sa akin. Ito ang lagi niyang hawak hawak.

Tinignan ko ang larawan. Medyo luma na at lukot lukot, dalawang batang nakaupo na nakatawa. Yung isa mas matanda at yung isa naman ay mas bata.

"Kayo ng ate mo ang nasa larawang ito" habol hininga siyang nagsalita at naghihingalo. "Nay, huwag ka nang magsalita, nahihirapan na kayo e" suway ko pa. Baka malagutan siya ng hininga. Ayoko pang mawala siya.

"E paano ko sasabihin kong anong gagawin mo sa kwentong ito kung hindi mo ako pagsasalitain, sige ka hindi uusad ang kwento mo" ang haba ng sinabi ni Inay, buti naitawid niya. Kung sabagay may point siya.

"Ikaw yang maliit na uhugin" pagtuturo niya sa larawan. Yaks! May sipon pala ako sa litrato. Ews!

"Yan naman ang ate mo," sabay turo sa mas matandang babae sa litrato. "Naaalala ko pa nung bata pa kayo, lagi kayong magkasundo pero nang lumalaki na e nawala na ang pagkamalapit niyo sa isa't isa" pagpapatuloy niya. Himala naitawid niya ulit yung dialogue niya na hindi hinihingal.

"Bago ako mamatay, kailangan mong mahanap ang ate mo sa Maynila. Kailangang madala mo siya rito sa probinsiya bago mahuli ang lahat. Nakasalalay sayo ang lahat" ano raw bakit sakin nakasalalay? Mahina pa naman din ako sa analilalization. Mahilig pa naman si Inay ng matatalinhagang mga salita.

"Eh Inay, kailangan pa bang lumuwas? Baka naman may kontak kayo Maynila. Pauwiin mo nalang" padabog kong sabi dahil ayaw kong lumuwas.

"Kailangan anak dahil hindi uusad ang kwento kapag hindi ka luluwas sa Maynila. Hindi mo matatagpuan ang pamilya Vergara" usal niya ulit. Sinong Vergara? Manghuhula ba siya?

Alam pala ni Inay mangyayari e di siya na magkwento hehez!

"Bukas na bukas. Aalis ka na" napaawang nalang ang bunganga ko dahil HUUUWWAATTTAAA! BUKAS?

"Pinabenta ko na yung kambing, baka at kalabaw natin para makaluwas ka na. Napabilhan na rin kita ng ticket ng bus." Umubo ulit siya at bumalik ang pagkahingal. Planado na pala lahat kaya hindi na ako pwedeng  makatanggi. Sayang naman ang ticket kung hindi ako aalis. Bye probinsiya na ba?

Kinagabihan ay naiiyak akong nagimpake ng gamit ko mula sa bayong na gawa sa sarakat. Ano naman kaya ang magiging kapalaran ko sa Maynila. Ang sabi ng mga tao rito sa probinsiya e malaki raw ang lugar na iyon. Baka maligaw ako huhu.

Sabi sabi rin na marami raw krimen o karahasan doon.Baka mauuna pa akong maliguwak kesa kay Inay. For sure marami ring rapist doon, baka roon na ako ma -unang dugo hehezz!

May kamag-anak ba si Elsa roon na mga durugista?

Sa pagkakaalam ko nandoon din ang mga sikat na artista gaya nila Daniel, James, Enrique at iba pa. Jusme, huwag yan ang isipin mo Tasya. Bura! Bura! Bura! Kailangan mong mahanap ang ate mo, yun ang layunin mo.

Sa huling sulyap ay pinagmasdan ko ang probinsiyang aking tinubuan. Iiwan muna kita sa ngayon, pero pinapangako kong babalikan kita hindi gaya ng mga iba diyan. Babalikan daw e asan na sila? Bura.Tasya.Bura.Huwag kang hugotera!

Hindi ko namalayan na matagal na palang umandar ang bus papunta sa Maynila. Hindi manlang ako nakapagpaalam kay Elsa na mukhang durugista at teka si Juanito kaya, baka magpapakamatay yon kapag nalaman niyang aalis ako. Baka hindi siya mabubuhay at makatiis kapag hindi niya makita ang kagandahan ko.

Ako si Protasya Realonda Makorva, ang probinsiyanang makikipagsapalaran sa Manila na pinagkaitan ng malaking dodo at matambok na pwetan na napagkakamalang kawayan. Ayronik lang na Makorva ang apelyido ko at ipinanganak akong plat.

Kita kits sa Maynila! Jusme. ba-bye-you.