Chereads / Wings of An Angel / Chapter 1 - 1.0

Wings of An Angel

andrew_robins
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1.0

"Ma, I'm heading out first!"

The skies are beautiful,surrounded with green trees and wiy the sound of birds chirping, it feel I'm in a heavenly paradise.

"According to the weather forecast it may rain, bring your umbrell, Gav. You may got sick if you got wet," Mom is so concerned about me.

"No need, Mom. My classes is until noon so I may got home earlier than yesterday and another, I won't let myself get sick," I replied to her with a big smile and exciteness.

"Get to school safely!" she shouted to me.

I'm near our school, which is Llanes Colleges-Laguna (LC-L), it is near a convenience store, 7 11, and a milktea shop, Si-Em Tea. It is indeed a small school but it is a powerhouse school in our city for the students that was competing and representing our city is from us. It do really gives quality education that's why the students are competitive.

"YESHAAAAAA!" I shouted while getting near at my best friend, Yesha.

"Hold my bag, please."

I saw Paul in my front andfor your information, he is my frenemy. We do argue a lot but we also forgive each other in a short span of time.

"Gav Butt Attack!" while he's walking forward, I pushed him forward with my butt. My famous butt attack.

Paul got on the floor, lying down and our schoolmates is shoked for what happened.

"Paul, okay ka lang?" sabi ng kaibigan niya na si Josh habang si Red naman ay hindi na makahinga sa kakatawa.

Sounds fun pero nagalit siya sa'kin. Okay lang naman kasi araw-araw kong ginagawa 'yon and araw-araw niya din akong inaaway kaya I'm immuned.

"GAAAAAAAAAAV!" iba ang tono ng boses ni Paul ngayon and he looks very angry.

"'Wag kang papahagilap sa'kin or else 'di mo magugustuhan mangyayari sa'yo!"

Tumunog na ang bell bago pa ako maabutan ni Paul at dumiretso na ko sa classroom para maunahan siya total magkalayo naman upuan namin eh.

"Yesha pakibitbit na lang ng gamit ko ha! Antayin kita sa classroom," sigaw sabay ngiti ko kay Yesha.

"GAAAAAAAAAAAAAV! Intayin mo ko magkikita din tayo sa room!" sigaw ni Paul sa hallway.

Patuloy ako sa pagtakbo dahil hinahabol pa rin ako ni Paul. Lalo ko pang hinilisan ang pagtakbo at agarang pumasok sa room namin.

Inabot sa'kin ni Seann ang bag ko at nagtataka ako bakit sya ang may bitbit kaya tinanong ko siya.

"Seann, asan si Yesha?"

"Si Yesha? Ewan ko, nakita ko lang 'yang bag mo sa may pintuan e."

"Hays, yung babaeng 'yon talaga," mahinang sabi ko sa aking sarili at tumatawa.

"May sinasabi ka?" parang galit na atake ni Seann.

"Ah wala wala. Sige, salamat ha!"

Biglang sumagi sa isip ko na magkaiba pala kami ng klase ni Yesha. Sa kabilang room pala siya.

Patuloy sa pagtuturo ang aming mga guro para sa morning classes. Medyo boring na ang mga turo buti na lang at nag-ring na ang bell at hudyat ito na recess na.

Nakita ko si Yesha sa gilid ng canteen o tinatawag naming "Perfect Spot" HAHAHAHAHAHA. Perfect Spot dahil sakto lamang ang temperature duon para hindi ka lamigin or mainitan. Walang masyadong umuupo duon kasi gusto lagi ng students malamig para raw mukhang fresh pa rin sila pagkalabas ng canteen.

"Yesha, anong kakainin mo for recess? Tanong ko habang papaupo.

"'Eto, as usual, fried rice with sunny side up egg and orang juice," she replied very nicely as always. "Sige pila na ko ha."

"'Yung iyo na lang orderin mo kasi naka-order na ko kanina bago ka pa dumating," nginitian nya ko.

Pumila na ko para bumili ng fried rice with tocino (that's my favorite).

After couple of minutes bumalik na ko sa table namin and nakita ko si Patricia sa table namin, makikisabay daw siyang kumain sa'min. We laughed, talked about things at kung ano-ano pa man.

"That was great Yesha!" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik ng classrooms namin.

"Tsaka Pat dapat madalas ka nang sumama sa'min para masaya."

"Pa'no ba 'yan? Mamaya na lang ulit ha!" Yesha replied.

May klase pa kami hanggang 1:30 PM at last subj na 'yun for today kasi may meeting ang faculty dahil malapit na magsemestral break.

"Okay class pakikopya na lang nitong nasa board dahil ito ang assignment ninyo," sabi ni Sir Bryan, isang matipunong guro na kinahuhumalingan ng maraming babae at bakla.

"Sir, hindi po ba kulang ng variable dito sa no.2?" tanong ng kaklase ko dahil kulang nga naman.

"It's for you to find out bakit ito kulang and anong gagawin nyo para makuha ang sagot," medyo confusing na sagot ni Sir Bryan.

Nagbigay ng isang malaking question mark sa mukha ng bawat isa ang sinabi ni Sir Bryan.

"Sir, are you joking?" sabi ni Gemma.

"No, I'm not!" sagot ni Sir.

Nilapitan naman ni Kyla si Sir at dinaldal para makakuha ng tip sa no.2 dahil alam niya na kakaiba ang alindog niya kaya mahuhulog sa trap niya si Sir Bryan.

"Sir alam mo kasi gwapoh ka tas matipunoh pah. I kinda like you," sabi ni Kyla with matching malinding boses at pahawak sa balikat ni Sir.

"Kyla, maganda ka naman at matalino. Iba ka talaga!" pagkabilib ni Sir.

"Sir ansaya mo shiguro 'pag napapasaya mo students mo noh?"

"Of course naman. Nakakatuwa na makitang masaya sila dahil sa'kin."

"Sir if you want to make me happy, pa'no 'to sagutan Sir?" tinuro ni Kyla yung no.2 sabay pabebeng mukha ang binigay kay Sir Bryan.

"Ganto yan, mag-aral ka tapos masasagutan mo yan. May example akong binigay na ganyan pero medyo mas complicated lang 'to."

"Sir abshent poh ata ako nung nagbigay ka ng ekshample," pagpapatuloy na kapabebehan ni Kyla.

"Kyla, wala ka pang absent ha. 'Di mo na ko makukuha sa ganyang actingan," nginitian na lang ni Sir si Kyla.

Nagring na ang bell at umalis na si Sir Bryan pero ang buong klase ay gulong gulo pa rin.

"Goodbye class!" sabi ni Sir Bryan.

"Sir goodbye," sabi nung iba habang nakaupo dahil nagkakagulo na sa sobrang kalituhan nila.

Ngumiti ako at lumabas na ng classroom dala dala ang mga gamit ko at inabangan si Yesha sa kabilang room.

Nakita ako ni Yesha at kumaway ako.

"Yeshaaaaaa! Tara kain?" sabi ko sa kanya.

"Tara sa Stephen's? Tas diretso tayo sa Si-Em Tea?" she suggested. "Syempre naman. Basta masarap dun tayo!"

"Hoy! Masarap dun no, may libreng wifi pa nga sa Si-Em Tea eh."

Papunta na kami sa lobby ng school nang makita namin ang napagkahabang pila at ang sabi hindi pa raw nagpapalabas. 1:40 PM pa raw.

Lumapit ako sa guard at kinausap siya.

"Anong 1:40 PM? Eh 1:30 PM nga awasan namin ngayon bakit kailangan idelat ng 10 mins.?" sigaw ko kay Manong Guard pero hindi niya ko pinansin.

"Ay talaga ba? Hindi ka namamansin? Gusto mo bang sabihin ko sa Tito ko na COO ng eskwelahan na ito na napakawalang hiya ninyo?"

Patuloy ako sa pagdakdak pero hinila ako ni Yesha.

"Tama na Gav. Andaming tao nakakahiya," sabi ni Yesha sa'kin at ibinalik ako sa pila.

"Yesha naman, gusto mo bang maghintay ng matagal dito?" sabi ko.

"Wala tayong magagawa!" sigaw na pabulong niyang sinabi.

Tumahimik na ko at nag-intay kaming mag 1:40 PM. Medyo nakakatamlay dahil nasa tapat kami ng araw at tanghaling tapat pa.

After couple of minutes nakalabas na kami at dumiretso sa Stephen's Tapa House.

"Dalawa nga pong Tapsilog," sabi ni Yesha.

"Isa lang, busog pa ako e," sabi ko sa kanya.

"Ay kuya isa lang po pala." Dumating na ang order and pinanood ko lang si Yesha na kumain.

"Masarap ba?" tanong ko na may pang-aasar. Ginagaya ko ang pagnguya niya kasi wala lang para lang pagtripab siya.

"Tumigil ka nga sa pang-aasar Gav!"

"Okay. Okay."

Miya-miya lang ay tapos na kumain si Yesha at kumuha ng tubig sa jar dun sa may tabi.

"Kuya, ito po bayad," inabot ni Yesha ang bayad niya kay Kuya at pumunta na kami sa Si-Em Tea.

"Napapaisip ako minsan bakit hindi tayo napuntang SM?" tanong ko habang papalakad kami papasok ng Si-Em Tea.

"Ewan ko sa'yo. 'Di ka naman nag-aaya e," sagot niya.

"Oo nga noh! Siya sige bukas mag-SM tayo ha!" excited na sabi ko sa kanya.

Pumasok kami ng dire-diretso sa Si-Em Tea at walang masyadong tao. Pagkapasok nga namin umalis na yung nakaupo kanina sa four seats with table eh.

Nasa counter na kami para umorder ng milktea at napakatagal lagi pumili ni Yesha ng milktea.

"Gusto ko itry tong Nutella tsaka itong Strawberry. Or what if Taro? Alam ko na Green Tea!" nakakalitong pamimili ni Yesha.

"Yesha, Okinawa na lang ha," sabi ko ng malumanay.

"Okay, dalawa pong Okinawa, Large, 75% Sugar at 50% Ice. 'Yun lang po," nakangiting sabi ni Yesha.

"Bayad mo Gav?"

"Oh wait lang eto na, kukuhanin ko na."

Inabot ko ang bayad kay Yesha at umupo kami sa gilid ng Si-Em Tea, dun sa may two seats at isang table lang.

"Gav CR lang ako ha," Yesha smiled at me.

"Sige lang, intayin ko yung inorder natin."

Pumunta si Yesha sa CR at biglang dumating si Patricia, friend ni Yesha, at nakita ako dito sa may gilid.

"Uy Gav! Saan si Yesha?" tanong n'ya sa'kin habang papalapit sa'kin.

"Nag-CR lang siya," sabi ko.

"Dalawang Okinawa po for Yesha!" sabi nung lalaki na nasa may counter.

"Patricia tutal nakatayo ka naman, pakiabot nga," ngiti ko sa kanya.

Kinuha ni Patricia ang milktea at nilagay sa table. Kumuha din siya ng isang upuan para makasali sa table namin ni Yesha. Lumabas na si Yesha sa CR at nginitian si Patricia.

"Oh andito ka na pala Pat. Akala ko ba isasama mo si Lydia?" tanong ni Yesha kay Patricia.

"Umuwi na siya kasi sabi nga uulan daw mamaya e wala daw siyang payong na dala. Ayaw daw niya mabasa," sagot ni Patricia.

Bigla kong naalala ang sinabi ni mama na uulan ng malakas ngayong hapon.

"Ay oo nga pala, uuna na ko kasi wala rin akong dalang payong e. Baka magalit si mama kapag umuwi ako ng basa," sabi ko sa kanila.

"Ingat ka Gav ha," pag-iingat ni Yesha sa'kin.

Hinug ko sila parehas at umuwi na ko.

Saktong pagkauwi ko ay bumuhos ang malakas na ulan at sabi sa balita aabot daw ito ng halos dalawang oras.

"Ma, tutulog po muna ako ha," sabi ko kay Mama.

"Kumain ka muna, baka hindi ka magisig mamaya e!" sigaw ni mama sa'kin.

"Gigising ako mamaya," sabi ko at pumasok na sa kwarto.

"'Pag ikaw hindi gumising, malilimtikan ka talaga!"

Balak kong namnamin ang sarap ng buhos ng ulan habang natutulog ako.

Hanggang sa naalimpungatan ako at 6:00 AM na pala!

Hindi ko na namalayan ang oras at nag-ayos ng higaan, kumain, naligo, at nagbihis na ko para pumasok. Mga 6:30 AM na din ngayon at nagmadali na kong umalis dahil 7:00 AM ang oras ng first subject namin.