"If that's so, then we need more space for COVID-19 coverage in our newspaper-"
"GUYS!"
Na-interupt ang sinasabi ni Mrs. Servidad, ang aming adviser nang biglang bumukas ang pinto. Sabay-sabay kaming napalingon dito at bumungad sa amin ang pigura ni Remi. Hinihingal ito ngunit kapansin-pansin ang kagalakan sa mata nito. May hint din ng gulat at surpresa sa kaniyang mata.
Mukhang importante ang kung anumang sasabihin ni Remi dahil bukod sa halatang nagmadali siyang magpunta rito, unusual din na tanging cellphone lamang niya ang dala niya. Walang araw kasing hindi siya nagdala ng notebook at ballpen.
Ngayon lang yata.
"What's so important this morning, Miss Tan?" tanong ni Mrs. Servidad.
"Baby Remi, mukhang hinihingal ka ah," bati naman ni Indigo, ang babaero sa campus chroniclers. Iminuestra niya ang bakanteng upuan malapit sa kaniya, "Upo ka muna rito, baby."
Tahimik na umupo si Remi. Napansin ko namang sumama ang tingin ni Rust, ang lesbian naming miyembro, sa kanilang dalawa.
"What's the good news, baby?" tanong niya kay Remi nang makaupo na ito.
Sinamaan siya ng tingin ng kausap niya bago sumagot, "One World Organization of Researchers already found a vaccine for Covid-19."
And we went silent for the next few minutes. Tila hindi kaming lahat makapaniwala sa ibinalita ni Remi.
"C-Come again, baby?"
Unang naka-recover- or at least unang nakapag-react si Indigo.
"YES! You heard it right. Yes!" masayang sagot ni Remi na may kasama pang pagtango. Nakuha naman ni Indigo ang gusto niyang sabihin kaya naki-yes na rin siya.
Parang sinagot ni Remi ng 'yes' ang isang manliligaw niya dahil sa sobrang saya niya. Kung nakatayo lang siya ngayon, baka tumalon-talon pa siya.
"Ibig sabihin, makakauwi na tayo?" nakangiti na rin si Rust. Tumango naman ang dalawa.
"Oo, Terry, kapag na-bakunahan na tayo," tugon ni Remi sa tanong ni Rust.
Kapag na-bakunahan na kaming lahat, mababawasan na ang mga nakatira sa apartment ng school. May posibilidad din na puntahan ng roommate ko ang pamilya niya pagtapos nitong lockdown.
Kaya mababawasan ang interactions. Hindi ko na kailangan makisama pa.
That's a good news, indeed.
"I heard someone said about Covid-19's vaccine. What about it again?"
Ibinaba ni Arson ang hawak niyang libro at isa-isa kaming tiningnan.
Inabot ni Remi ang phone upang ipakita kay Arson ang source ng kaniyang napakagandang balita.
Tiningnan lang ito ng huli ng halos kalahating minuto bago muling magsalita.
"No, no, I'm not asking for that. I'm asking for the whole details."
Napangiwi si Remi. Mukhang napansin niya rin ang katamaran ni Arson sa pagbabasa kaya pinapa-summarize niya ito sa kaniya.
Huminga muna siya nang malalim bago magsimula.
"Mayroon na raw vaccine para sa covid-19 at isa sa mga bansang unang dadalhan ng bakunang ito ay 'yong Pilipinas. Pero gagawa pa raw sila ng sapat kaya baka medyo matagal pa-"
Nahinto si Remi sa pagsasalita nang biglang tumayo ang kausap niya. We just gave him a questioning look.
"I already heard what I wanted to hear. You can blabber things here until you get tired but I? I'm gonna start my work now so I can sleep and go back in my apartment soon," sagot niya sabay lakad papunta sa favourite spot dito sa chroniclers' office. Nagsimula siyang mag-type sa kaniyang laptop.
"If that's a legit news, then we should let everyone know about this as soon as possible," wika naman ni Mrs. Servidad matapos ng mahaba niyang katahimikan.
Tumango silang lahat kaya muli itong nagsalita.
"Now, to work!"
"Aye, aye, baby Servidy!" malanding sagot naman ni Indigo. Hindi siya pinansin ng aming adviser. Kami naman ay pumunta na rin sa kaniya-kaniya naming spots.
"Gagawan mo ng editorial?" tanong ko kay Arson bago pa 'ko makalampas sa harapan niya.
At parang ang tanga ng tanong ko.
"Yes," rinig kong sagot niya nang hindi lumilingon. Akala ko, ang isasagot niya ay malapit sa mga linyahang, "What do you think, Madeleine? I'm an editorial writer. Alangan naman i-feature ko ang vaccine na 'to?"
***
"MISTER Callisto," panimula ni Mrs. Servidad sabay lapag ng folder sa mesa. Kinuha ito ni Indigo kahit walang pasabi o paalam na titingnan niya ang nilalaman niyon.
"I've noticed something off with your editorial entries these past few weeks."
Hindi sumagot si Arson. Nakatitig lang siya sa folder. Si Remi naman, nakitingin agad sa laman ng folder nang marinig salitang 'something off'. Si Rust, nagd-drawing sa sketchbook niya ng anime-like illustrations at nanonood lang ako sa ginagawa niya.
"It's seemed that you're doubting and questioning the One World Organization of Researchers-"
"I'm not doubting nor questioning them, all of those entries are for the vaccine they're talking about."
"What!?"
"Ano kamo?"
"What do you mean, pare?"
"Are you arriving at anything that resembles a point, Mister Callisto?"
Hindi ako nakapag-react dahil pasok sa isang tainga, labas sa kabila ang ginagawa ko sa nakaka-boring na meeting ngayon.
Ngunit dahil mukhang nakuha niya ang lahat ang atensyon dahil sa sagot niya, mukhang kailangan ko ring makinig.
"Based on the news that the news writer here had brought us last month, aside from the vaccine itself, they had to plant a microchip inside our bodies to track down how this vaccine immunes one individual's system against the plague. But I know they had an another agenda."
Naghintay pa kami sa idadagdag niya.
"I have read in some hidden websites that microchip implant is-"
"Dip web, you mean?" singit ko dahilan upang mapatingin silang lahat sa 'kin.
"Anong dip web?"
"Yes," sagot niya naman. "And as I was saying, those implants are-"
"Oo na, oo na, dude. Alam na namin 'yan. Nasabi ko na 'yan sa prologue," yamot na yamot na sabi ni Indigo. Oo nga naman, nasa prologue na 'yan e.
"And that only mean one thing: I need not to explain anything."
"And that only mean one thing;" rinig naming hirit ni Indigo kaya napalingon kaming lahat sa kaniya. "As the editor-in-chief of the campus chroniclers, I'd like all of us to investigate about that vaccine."
And all of us went silent. Mukhang nagulat silang lahat sa desisyon ng seryoso ngayong si Indigo. Unusual na mag-seryoso siya at gamitin ang kapangyarihan niya bilang editor-in-chief dahil bihirang-bihira lang talaga ito mangyari.
"Paranoia," untag ni Mrs. Servidad sabay iling. "That's just nothing but a paranoia."
"No," sabay na sumagot sina Arson at Indigo, dahilan para magkatinginan sila.
"I know it's not just a paranoia," dagdag ni Indigo. "Or at least, I feel like it's not."
"Hindi ba dapat hayaan na natin ang pulis at pamahalaan sa bagay na 'yan?" Rust asked. "Campus chroniclers lang tayo. Hindi na natin sakop 'yang imbestiga-imbestiga na 'yan."
"Miss Strauveron was right, you should not meddle with case as serious as this.''
"Hindi natin sakop kahit damay tayong lahat dito? Kapag naturukan tayo ng chip implant na 'yan, hindi ba tayo apektado?"
Hindi nakasagot si Rust. Nakuha ko rin naman ang gustong ipunto ni Indigo, 'yon nga lang, never kong inakalang may pakialam pala siya sa mga ganitong bagay. I thought of him as a happy-go-lucky man and I-don't-mind-the-others'-business-person.
"Madam Servidad," tawag naman ni Arson sa aming adviser. "You have said a while ago that it's just nothing but a paranoia but then you said that this is a serious case. How come that you called our theory- or paranoia a serious case if you don't believe on it?"
And then we went silent once again. Halata sa mukha ni Remi na nakuha niya rin ang gustong ipahiwatig ni Arson kay Mrs. Servidad kaya na-shocked din siya.
Oo nga naman, bakit mo tatawaging seryosong kaso ang isang bagay na kanila lang ay tinawag mong paranoia?
"What I mean by that is.." Huminga nang malalim si Mrs. Servidad bago magpatuloy. "You're just being paranoid, that's right. But I'm talking about the investigations you're planning to do against OWOR," paliwanag nito. "Hindi lang sila simpleng organisasyon, Arson at Indigo. International sila at konektado halos lahat ng mayayamang bansa. Ayoko lang-"
"That's not gonna happen if nobody would give them a word about it."
"Yes I know, Mr. Callisto, but still I don't agree."
"We don't need your-"
"I am your adviser," may diin sa bawat salitang wika ni Mrs. Servidad. "Nakalimutan niyo yata? I am the adviser here. I am in charge of the final decisions."
"Can I have the floor?" mahinahong tanong ni Indigo. Hindi sumagot si Mrs. Servidad ngunit hinantay nito ang sasabihin niya. "This is a democratic country, ma'am. The majority voting is the final decision. You're just the evaluator."
"Evaluator, then." Mrs. Sevidad crossed her arms. "At ano namang gusto niyo palabasin? Sasabihin niyo sa buong campus chroniclers ang tungkol dito tapos pagbobotohan niyo?"
"Hindi pupuwede 'yon, hindi pa naman tayo sigurado kung totoo ang iniisip natin," sa wakas, nagsalita na 'ko.
"I agree, the case as serious as this must stay for the six of us," pagsasang-ayon naman ni Arson. Idiniin niya ang phrase na, 'as serious as this' habang nakatingin sa adviser namin.
"Alright, men! Nasa ating anim ang desisyon." Indigo said. Bumalik na ang normal niyang mood. "Pero si Madam Servy-baby ang mag-e-evaluate kaya hindi siya puwedeng bumoto. Nasa ating lima ngayon ang desisyon. Rust, dude?"
"Hindi ako sang-ayon. Pabayaan na natin ang gobyerno, mga pulis at imbestigador diyan. Sayang naman ibinabayad sa kanila kung tayo rin ta-trabaho ng trabaho nila."
Umiling si Indigo. "Ikaw, Remi-babe?"
"Gusto ko nang makauwi, eh. Saka hindi naman tayo sigurado kung totoo 'yung iniisip ni Arson, no offense ha? Baka magsayang lang tayo ng oras diyan-"
"So it's a no as well."
Malungkot na tumango si Remi. Alam kong ayaw niya sa desisyong ginawa niya dahil mayroon siyang madi-dismaya. Ngunit gusto niya nang matapos ang pandemyang iyo at makauwi kaya 'no' ang isinagot niya.
"Yes kami ni Arson," deklarasyon ni Indigo. "Kaya na sa iyo ang final decision, mahal kong Lidge."
Huminga 'ko ng malalim. Ako ang tie breaker. Ako ang final decision. Kung anuman ang side na piliin ko, iyon ang mananalo at iyon ang susundin at gagawin naming lahat. Kaya dapat kong pag-isipan ng mabuti kung anong isasagot ko at kung saang side ako sasang-ayon.
Pinagbobotohan namin ngayon kung iimbestigahan ba o hindi ang teorya ni Arson na may lihim na agenda raw chip implant na ituturok sa mga tao sa buong mundo kasama ng bakuna. Ngunit hindi namin sigurado kung totoo ba ito o hindi. Para lang kaming mga maglalayag para hanapin ang nawawalang syudad ng Atlantis.
Ngunit kadalasan ng hula o teorya ni Arson ay nagiging totoo. Hindi naman kagaya ng mga hula ng The Simpsons at ni Nostradamus. Mga simple at mabababaw na hula lang naman gaya noong sinabi niya na hindi makakapasok si Mrs. Servidad last last Wednesday, hindi nga ito nakapasok, at noong sinabi niyang male-late si Indigo ng dalawa hanggang apat na minuto sa usual niya rito sa chroniclers room at na-late nga ito ng mahigit tatlong minuto.
Ngunit tama rin naman ang adviser namin kung sakaling maging totoo na naman ang hula ni Arson. O kahit kung sakaling hindi magkatotoo at purong teorya lamang ito, paniguradong mapapahamak kami dahil sa pag-iimbestiga namin sa One World Organization of Researchers. Gaya ng sabi ni Mrs. Servidad, hindi lang sila organisasyon. Organisasyon sila sa buong mundo, kasama ang ilang doktor sa Pilipinas kaya kung iimbestigahan namin sila, para na rin naming pinagdudahan ang buong mundo- kasama ang sarili nating bansa. Kaya sa tingin ko dapat..
"No for me as well."
Iyan ang litanya ko bago tumingin kay Indigo at Arson. Napakurap-kurap pa ang huli at tila hindi makapaniwalang iyon ang naging desisyon ko.
"Care to explain why?" tanong pa ni Indigo.
Magsasalita na sana 'ko ngunit naunahan na 'ko ni Mrs. Servidad.
"So you've got more no's than yes. Isa lamang ang ibig sabihin niyon. Do you know what is it, Mr. Cortez?"
Nakasimangot na sumagot si Indigo, "That means we're not doing any investigations."
"Brilliant!" tunog-masaya siya ngunit hindi siya mukhang masaya. "Don't do anything against the majority vote. I've got my eyes on you," banta niya pa sa aming lahat. "Now, the meeting is adjourned."
MAAGA natulog ang roommate ko kaya ako na naman ang naghugas ng mga pinagkainan.
Ano bang bago? Lagi naman tinatakasan niyon ang ganitong gawain. Palibhasa anak-mayaman-
"AY ANAK MO NADULAS!"
Automatic kong nasabi ang huling salita sa isip ko nang matisod ako dahil sa nakita kong dalawang pigura ng lalaki na nakaupo sa couch.
Si Arson at Indigo. Kumaway pa ang huli habang naka-dekwatro naman ang isa.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko nang makabawi. "Kumatok ba kayo?"
Iminuestra ni Indigo ang isa pang couch na kaharap ng inuupuan nila. "Have a seat first, Lidgey-baby."
Napakunot ang noo ko. "Anong 'have a seat,'? Eh dito ako nakatira?"
"Sinabi ko bang hindi? Kung ayaw mo, fine. We will start the discussion with you standing there. Huwag kang uupo, ah?"
Umirap muna ako bago umupo. Nakakahiya naman sa lalaking 'to na bisita lang dito pero kung makapag-paupo sa 'kin, wagas.
"Ano bang balak niyong i-discuss? Saka bakit tayong tatlo lang? At bakit ngayon pa? Hindi ba puwede bukas?" Napadako ang tingin ko sa wall clock. Quarter to 9 na. "Gabing-gabi na ah?"
Inaasahan kong si Arson ang sasagot dahil sa kaniya ako tumingin, ngunit naunahan siya ni Indigo.
"Tungkol sa investigation-of-the-chip-implant-voting na nangyari kanina. We'll let the other two know about this tomorrow. Because we're already here. No, we can't discuss it tomorrow. And yes, my love, we know how to read time."
Hindi ko na lang bi-nig deal ang sagot niyang walang kakuwenta-kwenta. "Kung sasabihin din pala natin kina Rust at Remi bukas, bakit hindi na lang natin bukas pag-usapan?"
"Hindi kasi maaaring ipaalam ang bagay na 'to kay Mrs. Servidad," sagot ni Arson. What's wrong with him? Nag-tagalog siya ng straight bigla! Unusual iyon sa kaniya. Whatever the reason is, it's not my business anymore.
But going back to his answer, lalo lang nitong napakunot ang noo ko.
"Bakit hindi?" takang tanong ko. "Saka e 'di ibig sabihin, kung ipapaalam natin sa dalawa bukas ang tungkol dito, hindi natin 'to sa chroniclers' room idi-discuss?"
"Yes, because we're here to ask you to change your mind."
"Change my mind? Tungkol saan?"
Bago pa siya makasagot ay naalala ko nang 'yong imbestigasyon tungkol sa chip implant ang tinutukoy niya.
"Final na 'yung desisyon ko, Arsen. Wala naman kasi akong mapapala riyan na kapaki-pakinabang. Saka marami na 'kong ginagawa sa buong araw. Ayoko nang dagdagan."
"I know you entertained the thought of agreeing with our side. But still you chose to be on the latter."
Umiling-iling ako, "Sa totoo lang, I didn't."
"Don't you lie to me, Madeleine. Naging malalim ang iniisip mo the moment Indigo asked you the question."
Ganoon ba talaga ako ka-obvious habang nag-iisip kanina?
"And I still wonder why you chose to vote for no." Tumingala siya para mag-isip. "Is it because of you having no life outside the campus? Or is it because Rust Averon is on that side?"
"What-"
"What's the reason, Madeleine? Is it because of Rust or the insecurity you feel with those teenagers who live with their parents before this lockdown star-"
PAK!
Hindi ko inaasahang dumapo ang kamay ko sa mukha niya. Nadala ako ng galit.
"What happened?" tanong ni Indigo na nakaidlip. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa.
Huminga ako nang malalim upang kalmahin ang sarili ko.
"Umalis na kayo."
"I'll let you sleep on it. Indigo, let's go."
Napansin kong lalong kumunot ang noo ni Indigo nang marinig niya ang sabay naming pagsasalita.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang mawala na sila sa paningin ko.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko nasampal si Arsen. Siguro totoong nakakaramdam ako ng inggit sa mga taong may pamilya pang nauuwian. Ako kasi, wala na.
Ang tatay ko, patay na. Ang nanay ko naman ay nasa US na. Nag-abroad siya simula nang mamatay ang tatay ngunit nito lang ay nabalitaan kong nakapangasawa siya ng mayaman doon. Iniisip ko tuloy kung alam ba ng bago niyang asawa na mayroon siyang asawang namatay at anak na naiwan dito sa Pilipinas.
Bihira na lang din ako padalhan ni mama. Dalawang beses na lang sa isang buwan kaya kinailangan kong mag-sideline at magsipag sa pag-aaral para mapanatili ko ang pagiging scholar ko.
Hindi na 'ko magtataka kung alam ni Arsen ang tungkol doon. Simula nang tumuntong kami ng High School, magkaklase na kami, hanggang ngayon.
Hindi kami ganoon ka-close ni Arsen kahit parang sinusundan namin ang isa't isa. Hindi rin namin matatawag na kaibigan ang isa't isa dahil magkaiba kami ng sinasamahan kung oobserbahan sa loob ng classroom.
Sadya lang talaga sigurong marami kaming similarities at mga mutual interests gaya ng dip web at strand na kinukuha namin.
***
"LIDGE."
Lilingon na sana ako ngunit na-realize kong boses iyon ng taong nagpawala ng mood ko kagabi. Wala pa ang adviser namin kaya papetiks-petiks pa kami.
Wala talaga 'kong balak tugunin ang tawag niya ngunit napansin kong 'Lidge' ang itinawag niya sa akin- which is unusual dahil sa pangalan kong Madeleine niya ako tinatawag.
Ibinaba ko ang phone ko bago tumingin sa kaniya.
"I just want to.. a-apologize for what I've said last night. It was so insensitive of me to tell-"
"Insensitive, indeed. Knowing na walang pinagkaiba ang kaso mo sa kaso ko. In-ampon ka lang naman ng magulang mo ngayon, hindi ba?" wika ko. Naalala ko na nasabi niya 'yung tungkol doon noon.
And he doesn't seem hurt. Ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Walang pinagbago.
"I'm sorry rin. Hindi dapat ako nag-react ng ganoon," dagdag ko dahil nakonsensiya rin ako sa pagsampal ko sa kaniya kagabi at 'yong patutsada ko sa kaniya kahit nag-sorry na siya.
Hindi siya tumugon. Napaisip tuloy ako kung may dapat pa ba 'kong sabihin o ipag-sorry.
"Nga pala, papayag na 'ko sa imbestigasyong pinaplano niyo. Wala naman siguro kasing masama kung iimbestigahan ang bakuna laban sa ncov na tinutukoy niyo."
Part of it was true and part of it is the opposite. Parte iyon ng aking peace offering dahil siya ang pinakaunang nasampal ko na hindi ko naman kaano-ano.
"Apology accepted," untag niya kasabay ng pagkurba ng dulo ng labi niya. "Three yes and two no's! We will start the investigation."
***