Chereads / Undenial Love / Chapter 2 - Episode 2

Chapter 2 - Episode 2

"Ate ! Ate! Your phone is ringing so many times."

Niyugyog ako ni Lindsey para magising. Oo nga kanina ko pa naririnig ang cellphone ko pero hinahayaan ko lang kasi antok pa'ko.

"Hand me my phone. Please"

Si Elaine? Ke aga naman tumawag.

Sinagot ko naman.

" Ang aga — — "

" What did you do?" Singhal niya.

Anong problema nito sinisigawan ako ng ganito ka-aga.

"Anong ginawa ko? Hoy Babae! Sinisigawan mo ako ganito ka-aga!"

"Remember the person who called last night?"

"Oo yung kupal mong Ex! Bakit ba?"

"Did you read the callers name? "

"Yes! Russel Cardova in short Rusty diba? Yung ex mo?"

"Its not him! Its not Rusty!"

"Paanong hindi? "

Oo nga no? Kasi pareho namang R ! Rusty ? Russel? Malay ko ba!

"Oh my God! You're so incredible! Nakakahiya kay Sir Russel"

"Edi mag sorry ka! Sabihin mo napagkamalan mong ex mo siya! Ang dali lang non!"

"Sophie hindi yun ganun kadali! Alam mo ba nagsend siya ng voice message na usapan niyo"

"Oh tapos?"

"My God! Minura mo siya and all! Sinabihan mo pa siya UNGGOY!"

Natawa ako.

"Hindi nakakatuwa Sophie huh! Alam mo bang pipirma dapat ako ng contract sa company nila for a project? And they texted me na icacancel nila yun"

Okey. Napahinto ako sa pagtawa. Hindi ko naman alam ei.

"Okey. Sorry! Fine! Do I need to apologize to him personally para ibalik yung contract mo?"

" I don't know! Hindi ko alam! Just nevermind. May flight ako. I'll call you later"

Naguilty ako. Down na down yung boses ni Elaine, maliban kasi sa pagiging FA ei model din siya.

Anong gagawin ko? Puntahan ko kaya yung Russel! Oo tama. Magsosorry ako ng personal.

Nagsearch ako sa social media ng "Russel Cardova"

" Cardova Mining Company?"

Bigla akong kinabahan. Ang laki pala niya. I mean kilalang tao pala siya. Wala naman akong makitang picture niya. Article lng about sakanya and sa company. Isinulat ko ang address ng company.

Nagsuot ako ng mini-skirt and loose shirt and ang paborito kong denim jacket.

Palabas na'ko ng pinto ng

"Ate you forgot to wear your bra"

"Oh? "

Oo nga! Hindi ako nakapag-bra. Kalakihan pa naman ang hinaharap ko kaya halatang-halata.

Pero nagmamadali ako kaya pinasok ko nalang ang bra ko sa bag.

Nagtaxi ako. Titig na titig naman si Kuya driver sa ganda ko I mean sa dyoga ko. Masarap sa feeling ang walang bra. HAHAHA

"Ihinto mo na jan sa tabi Kuya"

Nagpacute ako kunte. Baka malibre sa pamasahe medyo cute pa naman ang taxi driver na to.

" 270 po Miss" sambit niya.

"Ang mahal naman!"

"Don't grab a taxi if namamahalan ka"

Aba! Englishero si Kuya!

"I can understand you! Oh here's 300 pesos! Keep the change!"

Kung bastos ka mas bastos ako. Psh.

Dali-dali akong pumunta sa Front-Desk.

"Hi! Excuse me! Saan po ang office ni Mr. Russel Cardova"

"Do you have a appointment Ma'am?"

"Wala ei." Napakamot ako sa ulo ko.

"Sorry Ma'am, hindi po basta-bastang tumatanggap ng guest si Sir Russel maliban nalang kung isa kayo sa sa babae niya"

Whaaat? Babaero din pala tong Russel. Nakaisip naman ako agad ng idea. Si Sophiang madiskarte ata to. HAHAHA

"Actually Ms. isa nga ako sa babae niya. Nakalimutan ko kasi yung key ng car ko sa office niya last week"

Tiningnan ako ng babae tip-to-toe na tingin. Sumenyas naman yung kasama niyang babae na "Okey"

"Okey po Ma'am. Sakay nalang po kayo sa elevator. Umakyat po kayo sa 5th Floor. And sa right side may glass elevator po doon papunta sa floor ni Sir Russel"

Ay ang galing! Benta ang plano ko.

"Thanks"

Dali-dali akong tumakbo sa elevator. Sumakit boobs ko doon ah.

Nakaakyat nko sa 5th floor. Asan kaya yung glass elevator.

Pinagtitinginan ako ng empleyedo niya sa elevator.

"Sa lahat ng babae ni Sir Russel siya ang pinakamaganda at pinakasexy"

Sabi ng ni Manyakis 1.

"Oo nga Bro. That's my ideal type" dagdag ni Manyakis 2

Pasakay nako ng Glass Elevator. Hinahawakan ko ang boobs ko. Ang sakit kaya lalo na pag tumatakbo ka.

Huminto sa isang floor ang glass elevator.

At napanganga ako sa nakita ko na papasok sa loob ng elevator.

Ang laki ng katawan! Ang sarap! Ang tangkad! Ang sarap ulet! Napahawak ako sa labi ko baka kasi tumulo laway ko.

Yung tipong kasing gentleman ni Christian Grey at kasing misteryoso ni sa 365 DNI!

Yung sasabihan ka niya ng "ARE YOU LOST BABY GIRL?"

Baka empleyedo rin to dito. Hmm Tamang landi lang naman ako pero virgin pa po ako. FYI.

Napa usog ako sa gilid ng elevator. Parang kakainin niya naman ako sa titig niya na may halong pagtataka. Hmm

Pero hindi ko na kaya yung sakit ng boobs ko at kinuha ko ang bra sa bag ko.

Dahil makapal ang mukha ko.

"Ahm Excuse me? Kuya? "

Pinindot ko ang braso niya. Syet! Ang tigas.

Tiningnan niya lang ako.

"Kuya pwede bang pahawak ng bag ko. Magsusuot lang ako ng bra"

Walang salita-salita at hinawakan niya ang bag ko. At bumalik ang tingin sa pinto ng elevator.

Nilalagay ko na ang bra ko pero hindi ko maabot.

"Kuya patulong naman. "

Lumingon siya.

"Pakabit naman ng hook ng bra ko sa #3 huh. Ang laki kasi ng boobs ko. Hehe"

Binaba niya naman ang bag ko at ikinabit ang bra ko.

Pipi ba to? Hindi marunong magreklamo. Syempre opportunity na din to para sa kanya HAHA

"Thank you Kuya. Nagtatra —— "

Tiiiiiingggggg! (Open na ang elevator)

Oo nga pala. Nakalimutan ko ang pakay ko dito. Magmamakaawa pala ako kay Sir Russel.

Nag ayos ako ng buhok at naglipstick ng makapal.

Kasi diba yung mga may ari ng company mga manyakis na matanda. Kaya baka makumbinsi ko siya ko siya gamit ang tactics ko.

Lumabas na sa elevator si Kuya Yummy! Sinundan ko siya. Ang daming pinto naman nito. Kaya tinawag ko si Kuya Yummy!

"Kuya Yummy!"

Napalingon naman siya. Tumakbo ako papalapit sakanya.

"Asan dito ang office ni Sir Russel Cardova?"

Ilang minuto siyang napaisip at tinuro ang front desk nanaman. At dali-daling umalis.

Baka hindi talaga yun nakakapagsalita. Sayang naman! Ang sarap pa naman niya. Hmm

"Excuse me?"

"Yes Ma'am? Oh! Sorry po. Hatid ko na kayo sa office ni Sir Russel"

Wala pa nga akong sinasabi ei. Ang galing ni Ateng nakabangs!

Naglakad kami mga 5 doors bago namin marating ang gold na pinto na nakalagay ang malaking pangalan na "RUSSEL CARDOVA"

Kinakabahan ako sa matandang to.

"Ma'am please come in"

"Thanks!"

Iniwan na ako ni Ate Bangs sa pinto.

Pumasok ako ng dahan-dahan.

Kinakabahan ako hindi lang halata. Paano ko kaya sasabihin na ako yung nagmura sakanya sa telepono. Napayuko ako para mukhang kaawa-awa ako.

Hmmm

"Ahm! Hi! Sir Russel. Ah kasi I'm the friend of Ms. Elaine Lustre, kasi Sir ako po yung nakausap niyo sa cellphone ni Elaine. Kaibigan niya po ako. Iexplain ko lang po kasi na napagkamalan ko po kayo yung nagbreak kay Elaine. Kala ko po kasi Russel yung Rusty dapat. Sorry po! Kasi tinawag ko kayong Unggoy!"

Whoooo! Best actress goes to me.

"That's all?"

Para akong napalid ng hangin sa ganda at tigas ng boses niya.

Napaangat ako ng ulo.

ANAK NG PUTING PU..xmskdmed!

Ayun! Napa upo ako sa harap niya.

Ang tanga-tanga mo Sophiaaaa! Double kill ka ngayon.

Explain ko huh. Kasi nga diba may nakasakay ako sa elevator na pinabit ko ng bra ko at halos maghubad ako sa harap niya.

Siya na pala yun.

Si RUSSEL CARDOVA!

"Can you please stand!?"

"Ayoko po! Ilibing niyo nalang po ako ng buhay! "

"I said get up now! You're making me hard!"

Ano? Natitigasan siya? Bingi ata ako.

"Nahihiya po talaga ako!"

"FUCK! I can see your underwear! Stand up!"

Napatingin ako sa posisyon ko. Takte! Oo nga! Flower flower pa naman design ng panty ko. Tumayo ako agad at tumingin sakanya. Napakagat ako ng labi sa sobrang kaba!

Magkunwari kaya akong nahimatay.

Epilepsy? or Bulag?

"Sino bang nagpapapasok sayo dito?"

"Sorry Sir. Despereda na po kasi ako na humingi ng sorry sainyo about sa nasabi ko sainyo kagabi sa phone"

Tumayo naman siya at pumunta sa harap ko. Pinulot niya ang bag ko.

"Actually hindi ako ang nakausap mo kagabi. Its my assistant."

"Po?"

"Don't worry hindi ko naman kinancel ang project ko with Ms. Lustre. At wala akong planong tanggalin siya with just a careless phone call"

"Talaga po?"

Sa sobrang excitement ko. Napahawak ako sa braso niya. Tiningnan niya naman ako "get off me look" 😑

"Sorry po. Kung ganun po aalis na'ko. Thank you po!"

Paalis na sana ako ng ——

"Where do you think your going?"

"Uuwi na po. Okey naman na diba? Balik na yung contract ni Elaine"

"What's your name?"

"Sophia ... Sophia Samantha Flynn"

Tinititigan niya ako.

"Pwede na ba akong umalis?"

"Yes but tell Elaine na she need to sign the contract as soon as possible" sabay upo.

"Okey. Noted. Sige po. Bye!"

"Wait!"

Sir Yummy naman! Sige lang! Pigilan mo lang ako para masilayan ko pa ang kagwapuhan mo. HAHA LANDI!

"Ano po ulit yun?"

"Give me your contact info?"

"Po?"

"Ayoko ng paulit-ulit"

Bingibingihan ka ghorl?

Lumapit ako sa harap ng table niya.

"Pahiram akong ballpen uh, pahingi na din ng papel"

Iritang-irita naman ang mukha niya. Padabog pa magbigay ng papel.

Yumuko ako at sinulat ang number ko. Sinadya ko naman para makita niya ang cleavage ko HAHA pero umiiwas siya. Bakla ata to. Tsk. Sayang!

"Ayan po. Sige. Aalis na'ko"

Hinawakan ko na ang doorknob ng magsalita nanaman siya.

"Hindi ba parang hindi na bagay sa edad mo flower designs"

Tumawa siya ng slight. Inirapan ko siya kasi alam ko naman ang gusto niyang ipuna yung design ng panty ko. Tseeee!

Binagsak ko ang pagsara ng pinto.

Napakaaaaa 🤬😤😖

Dumiretso na'ko sa bar para sa rehearsal and shift ko na rin from 7pm to 10pm.

* * *