July 14, 2018.
Naglalakad habang kumakain ng isang cheese flavored ice cream si Selena nang may nag-abot sa kaniya ng isang flyer tungkol sa isang unibersidad.
"Gusto mo bang mag-apply?" Isang lalaking makisig at may katangkaran. Napakaaliwalas na kaniyang mukha ngunit makikitang medyo may bahid siya ng suplado.
Hindi maintindihan kung nakikiusap ba ang lalaki sa kaniya na maging employee niya si Selena o tila ba papatayin niya ito sa titig kung hindi ito papayag.
Sa ganoong paraan napuno siya ng kuryosidad dahil sa lalaking nasa harapan niya ngayon.
Kakaibang personalidad ang mayroon si Selena. Gusto niya ang mga bagay na may thrill, mga bagay ba astig at mga taong may kakaibang personality.
"Sure, I want to try this out." Ngumiti siya sa lalaking 'yon.
Pumayag hindi dahil sa nangangailangan siya ng pera kundi dahil sa nararamdaman niya. May kakaibang feeling siyang nadama at inaasahan niyang may bagong adventure ang naghihintay sa kaniya.
Pagkatapos ng pagsang-ayon ni Selena, tumigil na sa pamimigay ng mga flyers ang lalaki at inalok na sumakay siya sa sasakyan at pumunta sa university.
Isinakay siya sa isang magarang sasakyan. Makikitang maayaman ang lalaki hindi lang sa sasakyan kundi pati na rin sa peesonalize plate number nito na CCI1111 mukhang pinagkagastusan talaga dahil bihira lang ang makakuha ng ganiyang numero.
Mabilis ang pagpapatakbo ng lalaki sa sasakyan kaya ilang oras ay nakarating na rin sila.
Namangha at halos lumuwa ang mata ni Selena paglabas ng sasakyan. Isang napakalaking gate na medyo nababalutan na ng mga halaman ang bumungad sa kaniyang harapan. Parang haunted house kung titignan pero isa lamang itong lumang paaralan.
Bagamat isang lumang unibersidad lang ang nakita niya makikita pa ring siya ay napapabilib sa pakakagawa nito.
Selena is just weird when exploring things. Siya ang mahilig mag-imagine and thinking outside the box.
Binuksan na ng lalaki ang gate at saka sila pumasok.
Napakalaki ng open grounds at may isang malaking waterfalls sa gitna. Napapaligiran ito ng mga puno at bulaklak na nalanta na dahil yata sa napabayaan na ang mga ito.
Napakaluma na ang estraktura ng unibersidad ngunit makikita pa rin na matibay ang buong lugar.
Pagkapasok nila sa pinaka-loob, nagulat si Selena dahil medyo maliit man ito tignan sa labas, may 5 itong palapag at maraming mga kwarto. Inikot niya pa ang kaniyang paningin at para siyang isang munting bata na nakakita ng isang malaking bahay na maaring gawing palaruan.
"Dito tayo," saad ng lalaki.
Bagamat makikita sa kaniyang mga mata ang pagkasabik mas minabuti na lamang niyang sumunod sa sinabi ng lalaki.
" I see na pumayag ka. Kailangan mo lang sagutan ang extrance exam para mailagay na kita kung saan ka nararapat."
Ito ang mga tanong na nakasulat sa papel:
1. What has to be broken before you can use it?
2. I'm tall when I'm young, and I'm short when I'm old. What am I?
3. What month of the year has 28 days?
Answer: All of them
4. What is full of holes but still holds water?
5. Riddle: What question can you never answer yes to?
Hindi niya alam kung naglalaro lang ba sila dito o ano. Inakala niyang isang written interview ang ipapagawa sa kaniya ngunit limang riddles ang tumambad sa kaniyang harapan.
"Wth?Hindi lang isa kundi limang riddles huh? HUHUHUHUHUHU di pa naman ako magaling sa pagsagot ng mga ganyan. Ang pinaka-ayoko pa naman ay yung pinipilipit ang utak ko." Pagsasalita niya sa kaniyang isipan.
Nababahala siya sa mga dapat niyang sagutan kaya naging mapagbiro siya at tinanong ang lalaki.
"Magkano ba sweldo?" Pagtatanong niya rito.
"Walang sweldo."
" Aba napaka-ano talaga nito. Ako na nga magtatarabaho tapos ang suplado niya pa rin. Ano ba nangyayari sa kaniya? Ang mga lalaki ba ngayon nireregla na rin?" natatawang pag-iisip ni Selena.
"Ha? Wala pala, aalis na lang ako dito."
"Tss, libre ang tulugan, pagkain, tubig at kuryente."
"WHAAAAAAAAAT?!" Bakas ang pagkagulat na emosyon habang sumisigaw siya ng tahimik.
Napatigil siya sa pagtayo dahil sa mga sinabi ng lalaki.
Nangungupahan lang ito kaya malaking tulong na din. Isang bagay na hindi na kailangan pang pag-isipan. Kahit lubos na hindi pa rin ito makapaniwala patuloy niyang sinagutan nang mabilis ang mga riddles na nakasulat sa papel.
Tamang kamot sa ulo at dahan-dahang pagpiga sa ulo.
Makalipas ilang minuto at maraming pagkagat-kagat ni Selena sa ballpen natapos na rin niya itong sagutan.
" Yuck, just throw that ballpen in the trash can." Pandidiri niya.
[Bakit ginagawa niyo naman 'yan ha? Ano ilag ka? HAHAHAHAHAHAHAAH]
"Kala mo naman talaga hindi ginagawa ng mga tao 'yon." Pabulong na sinabi niya.
"Saying something?"
Matapos tignan ng lalaki ang mga sagot ni Selena saka siya nagsalita ulit.
"What position?"
"Gusto ko maging admin pero naisip ko na masyadong maraming aasikasuhin at mga kailangang gawin." Tahimik niyang pag-iisip.
"Handler? Marami din namang gagawin pero atleast hindi kasing dami ng admin. Ayaw ko din naman ng walang ginagawa dahil wala na akong gagastusin dito." Patuloy na pag-kausap niya pa sa kaniyang sarili.
"Handler." Pag-gaya niya sa blankong pagsasalitang lalaki.
"Okay, Selena Fern will be the MU: Bravura Department handler."
Pagkatapos sabihin 'yon ng lalaki makikita ang sa kaniyang mukha ang isang malambing ngiti.
"Damn, that smile." Bulong na may halong pang-gigigil ni Selena.
Nagtagal ng kaunti ang katahimikan sa pagitang ng dalawa.
"Anyways, I'm Clive Cairo Ideon."
" I'm your gorgeous Bravura Department Handler, Selena Fern."
Dito magsisimula lahat ng mga kakaibang kaganapan. Magbabago na ng unti-unti ang buhay ni Selena.
_____________________________________________
Mga mahal kong mambabasa,
Hi there! It's ARX.
And you are? [ Let's be friend comment your name in the comment section.]
Please enjoy reading and support my works. I'm glad to have you as my dear reader. I hope you had a great day! I would appreciate if you'll be leaving suggestions and criticism about my works. It will help me to improve my writing skills.
Nice meeting you! Have a great day!
Thank you,
akosiARX