March 02, 3030
Sunday
"What?"
"Yes tita, Damara woke up two times, different day and time."
"Bakit hindi mo agad sinabi sa amin? Ang alam lang namin ay isang beses!"
"Tita.. I'm sorry. I-I'm just really surprised and confused."
"Confused?"
"Yes tita, last time she woke up she said.."
"Ano? Ano ang sinabi 'nya?"
"S-sabi 'nya, habang natutulog 'sya sa higaan na 'to ay nabubuhay 'sya sa ibang panahon."
"What?"
"Mahal.."
"Tita, sabi pa po 'nya ang babaeng nag pakilala bilang 'sya ay nag sasabi daw po ng totoo, dahil ang sabi pa 'nya ay nasa ibang panahon daw po 'sya."
"Jazz, ijo. Hindi kaya nalipasan ka lang ng gutom?"
"Hindi po.. totoo po 'yon.. kaso bigla po 'syang nanigas at tumirik ang mga mata, hindi na po 'sya muling dumilat."
"Mahal, nabanggit nga sa akin ng doktor na namulat ni Damara ang ka'nyang mga mata, at sinabi 'nya na magandang pangyayari daw 'yon. Dahil ibig sabihin daw ay lumalaban ang anak natin."
"Kung ganoon.. ay masaya na ako, kahit na dumilat ang mga mata ng anak natin na hindi manlang natin na silayan.. masaya na ako. Dahil alam ko.. didilat pa ang anak natin at makakasama pa natin ng matagal.
Dahan dahan na dinilat ko ang aking mga mata dahil sa may naririnig akong bulong bulungan.
"Tell her the truth." rinig kong sabi ng isang pamilyar na tinig.
"No, we'll keep this secret." matigas sa pag tutol ng boses na lalaki, sa tingin ko ay si doc.
"Why? Afraid to lose her? Afraid that she might leave you? Afraid that she'll get mad at you? Afraid of consequences of your actions?" paghahamon ng babaeng sa tingin ko ay kausap 'nya.
"Shut up." boses ni doc.
Next thing I heard is laugh without humor.
"Come on Nicolas.." I heard a groan.
"So what if yes?"
Dahil sa ingay na aking naririnig ay tuluyan nang bumalik ang diwa ko at nagising na.
"Weak," huling narinig at wala ng sumunod pa.
Nakaupo ako sa kama at inosentemg ginala ang tingin sa kwarto na kinaroroonan ko, hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod 'sya, pero pamilyar ang boses, maging ang likod 'nya, hindi ko lang alam kung saan ko nadinig ang boses 'nya at kung saan ko ba 'sya nakita.
"Amara, kanina ka pa ba gising?" gulat na tanong ni doc dahil nakita 'nya akong nakaupo sa may kama.
"Uh.. oo." pero may napansin din ako sa tawag 'nya sa akin. "T'saka Amara? Paano mo nalaman yung palayaw ko? Damara ang tawag nila sa akin dito." takhang tanong ko sa ka'nya.
"Huh?"
"I heard you, many times."
"I did?" sa sinabi 'nya parang hindi makapaniwala.. o nag papanggap na inosente.
"Yes, how did you knew my nickname?" pangungulit ko pa.
"I told you Nicolas, malalaman at malalaman 'nya din yan." narinig ko ulit ang boses ng babae na kaalitan 'nya kanina, kaya nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses 'nya pero halos malagutan ako ng hininga sa nakita.
Kaya pala pamilyar ang tinig 'nya!
'Sya ang babae na nagsabi sa akin na may limitado na lang akong araw!
Anong ginagawa 'nya dito?
Paano 'nya nalaman na naandito ako?
Hanggang dito ba naman!?
"Oh! Good afternoon! Amara!" kumaway pa 'sya sa akin bago lumingon kay doc na tinawag 'nyang Nicolas.
"Ate ano ba!" naiinis na tinaboy ni doc yung ate 'nya.
Yung ate 'nya at ang dahilan kung bakit ako narito ay iisa.
Paano nangyari 'yun?
"Nicolas, tell her the truth! Total alam naman 'nya na limitado na ang oras 'nya!"
Anong karapatan mong sabihin 'yan?
"Damn it!"
"Ano ba yun doc?" tanong ko kay doc.
Hold your temper Damara..
"Don't call him 'doc', he's not a doctor at all." sabi ng babae at nagkibit balikat at umirap.
Nakakairita ka na talaga!
Hindi naman ikaw yung kausap ko!
"Damn you!" sinubukan ko 'syang sugurin dahil sa galit at inis ko sa ka'nya. 'Sya ang nag dala saakin dito! 'Sya ang may dahilan ng lahat ng 'to!
Nang nakatayo na ako ay pinigilan ako ni doc na lumapit sa babae na 'to.
The heck!?
"Easy!" parang nangaasar pang anya pa at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Your the reason why I am here!" sigaw ko sa ka'nya. Hindi ko alintana ang mga sugat ko at ang sakit ng ulo ko dahil pakiramdam ko matatangal na ang litid ko sa leeg dahil sa galit.
"I. Am. The. Way... Not the reason." pagdadahilan 'nya pa.
"Tinupad ko lang ang hiling ni'nyong magkapatid." sabi 'nya pa.
Ang kapal ng mukha!
Pinamumukha pa sa akin na kasalanan ng kapatid ko ang lahat ng 'to!?
"Shut up!" naiiyak na sigaw ko sa ka'nya.
Kahit nahihirapan na akong huminga ay pinilit ko parin silang harapin at sigawan.
"Amara, baka mabinat ka pa." rinig kong sabi ni doc sa tabi ko.
"Ikaw!" pagtutuon ko kay doc, lumingon ako sa ka'nya.
"Anong dahilan bakit ako naandito!? Plinano 'nyo ba 'to?! Bakit tinatawag mo 'syang ate! Alam mo ba na 'sya ang dahilan kung bakit ako naandito?!" nawawalan ng respetong sabi ko sa ka'nya.
"No, please Amara, calm down." nagmamakaawang sabi ni doc pero tinignan ko lang 'sya ng masama.
"What? Calm down!? Kahapon nga ang nakita kong tv sa baba e pinapanood ang lahat ng ginagawa ko! Tapos sasabihin mo calm down!? You fvcking watching me! I don't have a privacy because of that fvcking tv!" sigaw ko. "Stop fvcking tell me to fvcking calm down-!"
"Amara! Tone down your voice! And can you please stop cussing!?" binuka ko ang bibig ko para sana mag salita pero naunahan ako ni doc.
"Let me explain, please calm down."
Pinigilan ko na mag salita pa para pagbigyam 'syang mag salita at mag paliwanag kahit sa tingin ko ay hindi ko kakayanin ang mga malalaman ko.
"But let me introduce my self first. I am Nicolas La Vega, not a doctor but a nurse, and she's my sister, Melanie La Vega."
What the hell? A nurse!
Simula ng umpisa niloloko na 'nya kami!?
"And also I am your friend, not just a friend but a best friend."
"Nag pakilala ka sa amin bilang isang doktor! Doktor ko!" sigaw ko. "Hindi isang nurse!" sabi ko, iniignora ang sinabi 'nya tungkol sa pagiging kaibigan ko.
"No! Of course not! Let me finish first." ipinakita 'nya sa akin ang ka'nyang dalawang palad at minumuwestra na kumalma.
"I am your friend.. your friend at the year 2020, the reason why I know your nickname.. and the TV down there? I am monitoring you.. assuring if your doing fine.. not to enter your private life.." mahinahong sabi 'nya. "And you lost your memories, simula ng araw na napunta ka dito. That's the reason why you don't remember some things.."
"Sinadya namin 'yun, kasi naisip namin na baka mahirapan kang mamuhay dito kung maalala mo sila." dagdag 'nya pa.
"Pero hindi 'nyo rin inisip kung ano ang pakiramdam ng wala kang maalala! Pakiramdam ko ang tanga tanga ko, kasi ni ang sarili ko hindi ko kilala! Tapos sasabihin 'nyo sa akin na para sa ikabubuti ko ang mawalan ako ng alaala?! Ang pangalan ng pamilya ko! Kung sinoba sila! Hindi ko maalala! Tapos ni hindi ko nga alam ang buo kong ngalan! O kung ano ang apilido ko!" dahil sa mga sinabi ko tuluyan na akong humagulgol, hindi ko na pinansin ang pagsakit ng ulo ko.
"Si Nicaise at Jazz lang.. sila lang.. ang naalala ko." umiiyak na sabi ko.
"Amara.."
"I can bring your memories back." biglang singit na sabi ni Melanie na nakaagaw ng atensyon ko.
"Really?" gulat na tanong ko.
Pinilit ko na h'wag 'syang bulyawan dahil sa galit ko..
Lulunukin ko ang aking pag mamataas para maalala ang mga taong totoong parte ng buhay ko.
"Ate.."
"Don't be too selfish Nicolas."
"But.."
"Bring my memories back." utos ko sa ka'nya, hindi pinansin ang mga pag tutol ni doc-Nicolas.
"Damara.. are you ready? Y-your body.. baka hindi kayanin ng katawan mo.." nag aalalang sabi 'nya.
"Matagal na akong handa." saryosong sabi ko.
"So! Now, be ready, I'll bring your memories back." sabi 'nya at pumitik. With that sumakit ang ulo ko na parang binibiak na sa sakit!
Damn!
"Ahhhh!" napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit! Doon nagsimula ang sa tingin ko ay isa sa nga alaala ko.
"Ito ang ika isandaan, apat naput tatlo na sinabi mo saaking mahal mo ako simula ng araw na niligawan mo ako." sabi ko sa lalaking nakatalikod sa akin na parang hinihintay ako, habang naka ako ay nakatingin sa cellphone na hawak ko.
"Damara," lumingon ang lalaki sa harap ko.
Si Jazz.
"It's been one month of dating, I'm happy na nasasabi ko sayo ang mga gusto kong sabihin," sabi nito at hinawakan ang pisngi ko para hinalikan ako sa noo.
"Grabe ka! Nag bibilang ka pala ah!" sabi ko sa ka'nya pinisil bahagya ng ilong 'nya.
"Joke lang," ngumiti 'sya sa akin at yumakap kahit ka nakatayo kami sa lugar kung saan kay daming tao.
"Joke are half meant," sabi ko sa ka'nya.
"Ah, basta matyaga akong maghihintay sa magiging sagot mo," sabi 'nya at isinandal ang kanyang noo sa balikat ko.
"Hindi na kailangan," ngumiti ako sa ka'nya at niyakap 'sya pabalik.
"Anong gusto mong regalo?" tanong ko sakanya,
"Kahit ano basta galing sa puso ng kayakap ko ngayon."
"Gusto mo dugo?" biro ko sa ka'nya, pero pabiro 'nya lang ako na sinamaan ng tingin.
"Biro lang. Sige na nga, tara dito," kumalas ako sa ka'nya at pumunta sa fish ball vendor.
"Manong, bente po muna." ibinayad ko sa ka'nya ang bente bago kumuha ng dalawang stick at tumusok ng tig isang squid ball sa bawat stick. Habang pinapanood lang ako ng kasama ko.
"Nakikita mo 'to?" tanong ko sa ka'nya.
"Oo naman," natatawang sabi 'nya pa.
"Sige nga, basahin mo nga?" Paghahamon ko sa ka'nya.
"Huh? Uh.. O-o? Oo?" patanong na sabi 'nya. Tumango tango lang ako sa ka'nya habang ang abot langit ang ngiti ko.
"Oo?!" na e-exite na tanong 'nya bahagya pang nanlaki ang mga mata ng makuha ang ibig kong sabihin.
"Oo!" nakangiting sabi ko sa ka'nya.
"Ibig sabihin ba nito s-sinasagot mo na ako!?" tanong 'nya sa akin. Tumango lang ako at niyakap 'sya ng mahigpit habang hawak parin ang dalawang stick.
"Akin ka na! Wala ng bawian!" Niyakap 'nya ako at inikot ikot.
"Tama na!" sandali 'nya pa akong niyakap ng mahigpit at inikot bago bitawan.
"Bakit ngayon mo ako sinagot?" nakangiting sabi 'nya pa.
"Una. Ngayon kasi ang ika one hundred fourty three na beses na sinabi mo sa akin na mahal mo ako, at alam mo kung anong ibig sabihin ng 143 sa aming mga babae? Ibig sabihin 'non ay I Love You, ewan ko lang sa inyong mga lalaki. Pangalawa. Birthday mo ngayon, gusto ko memorable at especial ang magiging regalo ko. Yung tipong walang makakapantay at walang ibang makakapagbigay kundi ako." ngumiti ako at binigyan 'sya ng peck.
"I love you, Jazz." sabi ko sa ka'nya habang yakap 'sya sa kanyang leeg at hindi pa rin binibitawan ang hawak na pagkain.
"Mas mahal kita Damara."
Doon nag tapos ang alaalang 'yan. Marami pa ang sumunod, tungkol sa pamilya, kaibigan, sa pagaaral ko, sa trabaho ko, at marami pang iba.
Sa sobrang dami hindi ko alam na naluha na pala ako. May masasaya at malulungot, at madalas ng mga iyon ay kasama ko si Jazz.
Jazzaniah Vallerios..
Yung taong hindi umalis sa tabi ko..
Si Jazz..
Pero kahit na nag balik na ang mga alaala ko kay Jazz ay nag tataka pa rin ako. Bakit mag kamukha sila ni Harvey?
Bigla ay naalala ko ang sinabi ng kaibigan ko na si Christine tungkol sa reincarnation, muli kang mabubuhay ngunit sa ibang pagkatao at katawan.
Malungkot akong ngumiti at naiyak.
Jazz..
Bigla ay gusto kong pumunta at balikan si Harvey, para ipaalala ang sarili ko bilang ang taong mahal na mahal 'nya at mahal na mahal 'sya. Bilang si Amara.
Pero tama nga ba ako?
Na reincarnate nga ba si Jazz sa katauhan ni Harvey?
Tumayo ako at pinilit na tumayo at umalis sa kinaroroonan.
I will go to Harvey.
Bahala na kahit mali ako o tama.
"Amara!" rinig kong tawag saakin ni Nicolas.
Bahagya akong natigilan doon, at maya maya din ay nilapitan 'sya.
"Nicolas.. salamat sa lahat." ngumiti sako sa ka'nya at nagpatuloy.
"Salamat dahil sinundan mo pa talaga ako para lang bantayan, salamat sa lahat." pagkasabi ko 'non ay bahagya akong yumuko at tuluyan ng umalis sa harap 'nya, pero tinawag 'nya ulit ako.
"Gusto ko lang sabihin sayo na hindi nag bago ang nararamdaman ko sayo." natigilan ako sa sinabi 'nya dahan dahan ay lumingon ako sa ka'nya, nakita ko 'nyang ngumiti sa akin bago mag patuloy. "Gusto ko lang din sabihin na mayroon ka nalang isang araw." mapait na ngumiti 'sya sa akin at lumapit. "Spend it with your love ones," ngumiti 'sya sa akin bago mag prisinta na 'sya na ang mag hahatid sa akin sa pupuntahan ko. Kay Harvey. Pumayag ako kasi nga masakit pa rin ang katawan ko.
Harvey, hindi man ako maalala ng isip mo, sana maalala pa rin ako ng puso mo..
Dahil alam ko. Ikaw ang modernong Jazz..