Chereads / Anak, ikaw ang salarin / Chapter 1 - One shot story

Anak, ikaw ang salarin

John_Archeon
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - One shot story

Puno ang mukha ng mga guhit---mga linyang tanda ng pagbabago. Mabilis ang tibok ng puso, kinakabahan sa bawat lumilipas na segundo. May butil ng pawis sa gilid ng aking mukha, maging ang mga hindi pasmadong kamay ay namamasa. Sa kabila ng lahat ng nararamdaman, sa likod ng takot at kaba sa maaaring kahihinatnan, may isang sana akong kahilingan.

"Sana matanggap pa 'ko ng lipunan"

Sa loob ng purong puting kwarto na napapaligiran ng mga berdeng kurtina, ako' y tahimik na nakahiga sa kama. Sa akin ay nakatutok ang nakakasilaw na araw, dahilan para ipikit ko ang mga mata. Lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso ay ang mga patalim sa aking gilid. Iba't-ibang klase, iba't ibang uri.

Ilang sandali pa'y pumasok ang isang unipormadong lalaki, kasunod niya ay ang dalawang dalaga. Kasabay ng paglapit nila sa 'kin ay ang pagkamatay ng lahat ng ilaw sa paligid, maliban sa nasa aking harap.

"Handa na po ba kayo?"

Tango lamang ang naging sagot ko sa doktor na iyon. Nang marinig ang kalansing ng mga patalim na gagamitin sa' kin ay hinayaan ko na ang sariling mahimbing.

"Hoy! Osang pango!"

"Puno ng tigyawat, hindi ba uso sa inyo ang ligo?"

"Ayan na si taba! Daig pa si jollibee kung bumida."

Kasunod ng mga tuksuhang iyon ay mga nakakabinging tawa. Bawat araw na lumilipas ay isang bangungot para sa akin. Bangungot na sana pinatay na lang ako---sana hindi na ako ginising.

"Ma'am? Si O sang na lang po muse natin!"

Oo nga! Isang dagan lang sa kalaban, sure win na!"

May mga pagkakataon na sinubukan kong ayusin ang sinasabi nilang mali. Ngunit bigo ang puso lalo't humahanap lamang sila ng bagong mababati. Lumaki akong mag-isa---pakiramdaman ko mag-isa ako. Maski mga amagulang ko'y halos itaboy na 'ko.

" We need someone with a pleasing personality."

Napagod akong mabuhay. Napagod ng bumangon. Ayuko nang gumising pa at humarap sa salamin na puro luha sa mukha. Gusto ko na lamang habangbuhay na mahimbing, yalap ang unang walang reklamo sa aking bigat. Gusto ko na lamang manatili sa dilim, kung saan walang makakakita at papansin sa

aking mga tigyawat. Inayawan ko ang salamin, ang bawat bagay na magpapakita sa 'kin ng aking sarili. Nawalan ako ng kakampi dahil maging ako, inayawan na ang sarili.

_

Nang imulat ko ang mata, sumalubong sa akin ang puting kisame. Pilit iniangat ang sarili kahit na mabigat ang pakiramdam. Sa pader na katapat mismo ng aking higaan ay isang malaking salamin. Tinungo ko iyon, pinagmasdan ang sarili. Sa hangin na mas malamig pa sa aking natuyong luha, bumulong ako,

"Hindi ko nabago ang lipunan, ako ang nabago nito."

_

JN