Chapter 2 - 02

"Ms. Skyla Velez!"

Sigaw ng mga photographer sa paligid ko habang papalabas ako sa building ng network namin. Ilang taon na ako sa industriyang ito kaya hindi na bago sa akin ang mga paparazzi, buti na nga lang at mayroong mga guards na tumutulong sa akin lalo na sa ganitong mga sitwasyon.

"Ma'am saan po tayo?" Tanong sa akin ni Kuya Darwin, ang driver ko. "Kuya, sa house na lang sa Cavite." Sagot ko. Okay lang naman na umuwi muna ako sa bahay namin sa Cavite dahil wala naman akong naka-schedule na interview o shows. Matagal tagal ko na rin kasing hindi nabibisita ang lola ko.

From: Ms. Vie

"Nakauwi ka na?"

To: Ms. Vie

"Pupunta lang po ako sa Cavite. I don't have shows or interviews pa naman right?"

From: Ms. Vie

"Wala naman, off ka ng 2 days."

I sighed in relief. Buti naman at off ko. Pagod na pagod na rin kasi ako. Halos buong linggo ako nagtrabaho, from photoshoots, to mall shows, nakakapagod talaga.

Ilang oras lang ay nakarating na rin kami sa Cavite. Pag hinto ng sasakyan sa harapan ng bahay, nakita ko si lola na pinagsisilbihan ang boyfriend ni mama at pati narin ang mga kaibigan neto. Bumaba ako sa sasakyan.

"Kuya Darwin, paki sundo nalang ako bukas." Paalala ko sa driver ko bago siya umuwi.

Pagka-alis ng driver ko ay pumasok na ako sa gate, lahat sila ay napatingin sa akin. Nakita ko rin ang tuwa sa mukha ni lola, at ang inis sa mukha ni Oliver, ang boyfriend ni mama. Agad kong binati si lola, at inaya sa loob.

"La, bakit naman kailangan mo pang pagsilbihan sila Tito Oliver? Paano kung bigla ka nanamang mahirapan huminga dahil sa pagod? Or baka ma- high blood ka nanaman?" Tanong ko.

"Anak okay pa naman ako." Sagot niya.

"Bakit ba kasi ayaw mo na lang sumama kela tita? doon ka na lang sa probinsya naten, sa Bulacan, o kaya sumama ka na lang sa'kin sa Manila!"

"Anak alam mo namang kailangan ako ng mama mo dito, para may mag-tingin nitong bahay niya."

Lagi kasing lasing si Oliver. Kung hindi lasing, malamang nagsusugal. Lagi din nakaka-away nila mama sila tita dahil sa lalaki niya, kaya si lola nalang ang pinakiusapan ni mama na mag bantay ng bahay habang nasa ibang bansa siya.

Nasa Canada si mama, nagtratrabaho siya doon sa isang kumpanya. Ayaw niyang umuwi dahil sabi niya maganda na raw ang posisyon niya sa kumpanya. Malaki-laki din naman ang sweldo niya kaya yun ang ipinapadala niya kay lola at kay tito Oliver. Siya rin ang nagbibigay ng pang maintenance ni lola, at syempre ang mga luho ng boyfriend niya. Hindi na ako humihingi kay mama, dahil may trabaho na rin naman ako, at kaya ko na ang sarili ko.

"La, magpapahinga na ko ha. Aakyat na ko sa kwarto." Pagpapaalam ko.

Umakyat ako sa kwarto ko at naligo. Nagsuot ako ng oversized shirt at jogging pants. Pagka-higa ay nakatulog din kaagad ako dahil sa pagod.

Maaga akong gumising kinabukasan dahil nga susunduin pa ako ni Kuya Darwin, may mga kailangan pa kasi akong ayusin sa condo ko sa Maynila.

Naligo ako at nagsuot ng black na romper. Kinuha ko na rin ang bag ko at dumiretso sa baba para hintayin si Kuya Darwin.

"Ano ba yan! Pagkagising na pagkagising wala man lang agahan!" Pagdadabog ni Oliver.

"Wala naman kasing laman ang ref, hindi ka pa nagbibigay ng pamalengke.." Sagot ni lola.

"Hindi ba dapat ikaw na ang nagpapaalala niyan sakin! Tangina naman!" Galit na sigaw nitong si Oliver.

"Can you stop?" Inis na pag-singit ko.

"How can you talk to her like that? Wala ka ba talagang respeto?! For God's sake mas matanda si lola sayo! Show some fucking respect."

"Ikaw! Wag kang sumingit. Wala kang alam sa nangyayari dito!" Sagot ni Oliver.

"I swear to God, isang beses pang pagtaasan mo ng boses ang lola ko, o dumampi yang marumi mong kamay sa kanya, ipapakulong kita!" Pagbabanta ko.

Natahimik siya, dahil alam niyang madali ko siyang maipapakulong dahil labas pasok siya sa kulungan. Saktong sakto ay dumating na si Kuya Darwin. Niyakap ko si lola, binigyan ko rin siya ng pera pang gastos niya, o kung kulang man yung pang-bili niya ng gamot dahil nga high blood siya.

Mabilis kaming nakarating sa condo ko. Umalis na si Kuya Darwin at tuluyan na kong umakyat sa unit ko. Habang nag aayos ng mga gamit ay biglang tumawag ang pinsan kong si Isla.

[Girl, asan ka?] tanong niya.

"Nasa condo"

[May pa-party mamaya si Aliyah, nakuha niya daw yung lead role dun sa bagong movie! Hayaan mo kasama din si Jarvis!]

Eto naman kasing si Aliyah, laging nagpapa-party. Lahat yata ng artista ay kaibigan niya.

Bestfriend namin si Aliyah at si Jarvis. Artista din kasi silang dalawa kaya kami lagi ang magkakasama.

"Nako, ayoko mag club."

[Hindi naman as in clubbing, duh! Onting nomi lang, may nirentahan siyang restobar!]

Wala naman kasi akong gagawin ngayon, at off ko parin hanggang bukas. Tsaka wala rin akong magagawa dahil mapilit ang tatlong bruha. Matagal na rin naman akong di nakakainom kaya G na.

"Sige na nga, sunduin mo ko ha!"

[Yayy! Sasabihin ko na kay Aliyah. Wear something nice, nang maka-bingwit ka naman. Madaming mga pogi ininvite si Aliyah!]

Of course, she's Aliyah Deneese Montero

Pinatay ko na ang tawag at tinapos na ang ginagawa ko para makapaghanda na para sa party. Nag bihis na lang ako dahil nakaligo naman na ako kanina, nagsuot ako ng blue fitted dress kaya kitang kita ang kurba ng katawan ko, nagsuot din ako ng white na heels. Nag make up ako ng onti at hinayang nakalugay ang buhok ko.

"Ang ganda naman!"

Napatalon ako sa gulat.

"Ano ka ba! Di ka man lang nagsabi na nandiyan ka na! Pano ka nakapasok?" Gulat na sabi ko.

"You gave me a key, remember? But halika na! Naghihintay na sila Aliyah!"

"Sige wait lang." I grabbed my purse at sinundan na siya papunta sa lobby ng condo ko. Nagbook na lang kami ng Grab dahil hassle kung tatawag pa ako kay Kuya Darwin.

Nang makarating sa party, agad kaming sinalubong ni Aliyah.

"FINALLY! YOU GUYS ARE HERE NA!" Sigaw ni Aliyah kaya napatingin ang lahat samin. Niyakap niya kaming dalawa at naamoy ko na rin ang alak sa kanya, she was already tipsy.

Nasa likod ni Aliyah si Jarvis naka-alalay dahil mukang tutumba na nga itong si Aliyah. Inihatid muna namin si Aliyah sa may table namin bago kami nag-kwentuhan.

"At bakit naman pink na pink ang suot mong bakla ka?!" Pang-iinis ni Isla kay Jarvis.

"Alam na, kailangan umawra! Ang daming mga guash na in-invite nitong lukaret na 'to!" Excited pang sabi ni Jarvis.

"Nako, that's really for Sky. NBSB yang lola niyo! I mean girl its time!" Sabi ni Aliyah.

Totoo naman kasi. Ako pa lang yata ang hindi pa nagkakaroon ng boyfriend sa aming apat, pero okay lang naman dahil lagi naman akong focused sa trabaho.

"True, gusto mo bang tumanda mag isa?" Pang-asar na tanong ni Isla habang naglalagay na ng Cuervo sa shot glass.

Hindi ko naman sineseryoso ang mga sinasabi nila dahil alam naman nilang mapili ako, at wala akong interes sa mga ganyan.

Uminom nalang kami at nagkwentuhan, buti naman at sumama ako, ang tagal ko nang hindi nakakatawa ng ganito!

"Mga baks, cr lang ako." Pagpapaalam ko.

Punong puno na ang restobar, onti na lang mapagkakamalan mo nang club dahil sa dami ng tao at sa lakas ng music. Buti at nahanap ko na ang cr, pumasok na ako at nag retouch. Ilang minuto pa ay lumabas na ko para bumalik sa table namin.

Habang naglalakad pabalik bigla akong bumangga sa dibdib ng isang lalaki. Nainis ako ng kaunti dahil nahihilo na nga ako, tapos nabangga pa ako? Matangkad yung lalaki kaya kinailangan ko pang tumingala para tignan siya. I looked up and our eyes locked. Parang tumigil bigla ang paggalaw ng mundo ko. I just stood there and stared at him, habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. We were staring at each other for who knows how long, habang magkalapit parin sa isa't isa, ang gwapo niya. Ang tangos ng ilong, ang tangkad, mestizo, at naka ayos pa ang buhok. Ang bango niya rin! Amoy mamahalin.

"Bro, lets go na! Nandoon yung drinks!" Pagtawag nung kaibigan niya.

Bigla siya naglakad papaalis, at syempre binilisan ko na rin ang lakad ko papabalik sa table. Pagbalik ko sa upuan namin ay wala na doon ang mga bakla, malamang nasa stage na yon at nakikisayaw.

Habang nakaupo hindi ko parin maunawaan ang nangyari, pati na rin ang sarili ko.

"Ano yun Skyla?!" Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang naramdaman ko, parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Tinamaan na yata ako? Charot ang rupok ko naman kung ganon. Pero ang gwapo naman talaga kasi!

"Hindi, hindi pwede yan. Im a strong, independent woman! Hindi ka marupok self!" Muling bulong ko sa sarili ko.

"Oh what happened to you? Parang gulat na gulat ka yata! Share mo naman yan girl!" Pag-uusisa ni Aliyah.

"Its nothing. Oh bat ka bumalik?" Tinanong ko siya pabalik.

"Iinom lang ng tubig." Sagot niya.

Umupo si Aliyah habang umiinom ng tubig. Tanungin ko kaya siya kung sino yung lalaking yun? Tutal halos lahat naman ng nandito kilala niya.

"Ali." Pagtawag ko.

"Oh?" Agad na sagod na kaibigan ko.

"Sino yun?" Tanong ko, sabay turo dun sa lalaking nakabanggaan ko kanina.

"Why? Do you like him?"

Bigla akong natigilan, namula na yata ako!

"Char! He's Caleb Dein Ferrer. Same network lang natin yan. From the family of Ferrers! Its impossible that you don't know that family." Sagot niya

Caleb Dein Ferrer. Of course artista siya. His parents are one of the biggest stars ng network namin! It must be so easy for him.

"I'll go back na sa dance floor wanna come?" Pag aaya ni Aliyah.

"No, actually im pretty tired na, i'll go home nalang." Pagpapaalam ko.

Bumeso ako sakanya at nagtext na lang kela Isla para mag paalam.

Umuwi na ako at naghanda para matulog. Humiga ako sa kama, naka ilang balikwas yata ako, hindi ako makatulog. Hindi ko maiwasang maalala ang mukha ni Caleb.

"Get out of my mind please."