I got up from my bed, still half asleep.
"Ash! Lumabas ka na d'yan, handa na ang almusal!" Aunt Nellie shout, I live with her since day 1, she said my mom died after giving birth, I didn't get to see my mom's picture or even dad.
We live in a small house, we're not poor but not rich... we just... live a normal life... yes... that's it.
"Okay! I'll be there in a minute!" I answered back, then shrug all the negative vibes in me.
I took a quick shower and get myself ready for an interview.
I got the scholarship, from Hex University. The school name sounds odd and... creepy, but, in a time like this, I won't be too much picky. We don't have money to get into a super nice school, and I didn't want to bother my aunt more about money.
"Good morning, auntie!" I chirped smiling from ear to ear.
"Good morning, Ash. Maganda yata ang gising mo?"
Umupo ako'ng agad sa upuang para sa akin bago humigop ng kape, na inihanda para sa akin ni Aunt Nellie.
"Not at all..." I answered, trying to suppress the smile...
But, failed.
"Good news ba 'yan? Atsaka, tumigil ka nga sa kaka-inglis-inglis mo ha? Dumudugo ilong ko sa'yo, e." Giit niya, habang naghahain ng almusal.
Napatingin ako sa hawak niyang plato na may lamang tocino, atsaka dalawang sunny side up na itlog.
My favorite.
"Well, nakapasa ako sa scholarship, sa Hex University." Proud kong anunsyo sa kaniya habang nagsasandok ng kanin sa aking pinggan.
Ramdam kong bahagyang natigilan si Aunt Nellie, kaya mabilis akong napatingin sa kaniya ng may pagtataka.
"What's wrong? Hindi ka ba masaya na nakakuha ako ng scholarship?" Pag uusisa ko, pilit na hinuhuli ang kaniyang tingin na pilit umiiwas.
"W-wala... Pero alam mo namang gagawin ko ang lahat mapag aral ka lang diba? Hindi mo kailangan ng scholarship, mas nakaka pressure 'yon dahil may hahabulin at pananatilihin kang taas ng grades."
"Pero kasi... Auntie naman... Hindi habang buhay naka-asa ako sa'yo, hindi palaging sa'yo ako sasandal... Hindi laging may pera tayo... Ayokong magdoble-doble kayod ka na naman."
"O, s'ya... Ikaw ang bahala... E, paano 'yon? Malayo sa bahay ang papasukan mo?"
"Wag kang mag alala, kasama na ho Doon ang boarding, libre pagkain na rin. Wala kang aalalahanin, auntie." Saad ko, matapos malunok ang nginunguyang pagkain.
Isang tango na lamang ang isinagot nito sa akin bago nagpatuloy na sa pagkain.
"Aalis na ho ako, kailangan ko kasing mag submit ng mga papel sa school ngayon. Babalik din ako, siguro by lunch? Bye-bye!" Kaway ko kay Aunt Nellie habang malawak na naka ngiti sa kaniya.
"Mag iingat ka, may dala ka bang pera?" Pahabol nito.
I pout.
"Meron na po, don't worry." And once again, I wave my hands then bid her goodbye.
Did she just... smirked at me? Uhh... maybe not...
I shrugged it off and make my way to the bus stop.
After twenty minutes of walking, nakarating na rin ako sa bus stop.
And the good thing is, saktong may tumigil na bus sa aking harapan, kaya agad na akong sumakay.
"Good morning ma'am, saan po kayo?" Tanong sa akin ng konduktor habang hawak ang ticket.
"Hex University," maikling sagot ko sa kaniya bago bahagyang ngumiti.
Isang tango lamang ang isinagot nito bago binutasan ang ticket atsaka iniabot sa akin.
"One hundred fifty pesos po, ma'am." He said, then made his way to another passenger to give them their bus tickets.
Dinukot ko yung wallet ko sa aking bulsa bago kumuha ng perang pambayad.
Natanaw kong pabalik na muli ang konduktor na nagbigay sa akin ng ticket kaya agad ko nang iniabot ang bayad sa kaniya pagka-lapit na pagka-lapit nito sa aking puwesto.
Matapos matanggap ang bayad, umalis na rin ito agad para mangolekta ng bayad mula sa ibang pasahero.
Sa kahulihang upuan ako nakapuwesto sa kalapit ng bintana, ito na lang kasi ang bakante kaya wala akong choice.
Pansin kong kanina pa may sumusulyap sa akin dahil kita ko ito sa aking peripheral vision, or baka nag a-assume lang ako na sa akin siya natingin...
Sa pagkakataong sumulyap siya sa aking muli, sisiguraduhin kong hindi na siya makakaiwas pa ng tingin.
Agad ako'ng lumingon sa kaniya, hindi naman ako nabigo dahil nahuli ko siya sa akto, at hindi na rin ito umiwas pa.
Maputi, malapad ang noo, may taling malapit sa labi niyang kulay pink, mahaba ang straight na buhok, at mukha pa'ng rich kid.
Tinaasan ko siya ng kilay sa sobrang asar ko, kahit na hindi naman ako ganoon kasigurado kung sa akin talaga siya natingin kanina pa.
She did the same, with a smirk plastered on her face.
Which made me more furious.
"What?" I mouth.
But, instead of giving me an answer, she just rolled her eyes at me.
"What a bitch..."
"Yung mga bababa sa HU, nandito na ta'yo." Malakas na anunsyo ng konduktor, kasabay ng paghinto ng sinasaktan kong bus.
Agad na ako'ng tumayo, at mabilis na naglakad pababa ng bus.
I looked around, "tch."
Mabilis ako'ng lumingon sa aking likuran ng bigla akong nakarinig nang kaluskos, "ugh! It's her."
Tinalikuran ko na yung babaeng nasa likuran ko, bago naglakad na papunta sa aking destinasyon.
"Ito na ba ang tinutukoy na University? Wala akong ibang makita kundi mataas na pader, kailangan bang ganito ka-secure? Panigurado malayo ang lalakarin ko bago makarating sa pinakang school."
"This is tiresome..."
May nakita ako'ng lalaki sa labas ng gate, mukhang kasing edaran ko lang ito, nakatingala sa itaas at walang kibo habang nakaharang sa daan.
Tumikhim ako ng bahagya ngunit parang wala lamang itong narinig, dahil hindi manlang ako nito nilingon o di kaya'y tumabi.
"Get out of the way, kung wala kang balak pumasok d'yan at tutunganga ka lang." I stated, with a hint of sarcasm.
He sigh, then look at me with an annoyed expression.
Tinaasan ko na lamang siya ng kilay sa sobrang asar ko dahil hindi pa rin ito natabi.
"Move." I said, with full of authority.
Agad naman na itong tumabi, kaya pumasok na ako ng tuluyan sa loob.
Bumungad sa akin ang mapunong kapaligiran, at sa hindi kalayuan nandoon matatanaw ang pinakang building ng Hex, sa tantya ko ay mayroon itong sampung palapag.
"Nakakalula naman sa taas..." Naisaisip ko na lamang.
It's not that I'm scared of heights, pero hindi ako fan ng mga matataas na bagay, hindi pa nga ako nakakasakay ng ferris wheel.
"Excuse me, miss. By any chance, are you miss Ashley Praelin?" A man asked, looking at me intently.
He's wearing a black suit.
His hair is also well comb, but that's not it… this man in front of me, has earrings… it's kind of disturbing when he is well suited.
"Yes," I nodded.
"Then, come with me. I'll take you to the Dean's office, she's expecting your presence."
Nagsimula na siyang maglakad pero agad din namang tumigil, "wait for me here, miss. I'll go get the car."
"Umm," before I get to say a thing, he's gone.
"Great!" I stated.
"Everything in here is unbelievable!"
"Why do we need to ride a car? E, hindi naman ganon kalayo yung mismong building?" I mumbled.
Mahihinang yabag ng paa ang narinig ko mula sa aking likuran, papalapit ito ng papalapit sa akin.
And before I knew it, someone throw a dagger at me. Mabuti na lang at sa braso lang ako tinamaan, "I should be more cautious next time." I told myself.
Lumingon ako'ng agad para makita kung sino ang hinayupak na bumato sa akin, and I see no other than 'that' girl from the bus I rode.
"Welcome to Hex University, the name is Jamie Forte. Sorry about the dagger, but you're lucky, hindi ka tinamaan—dinaplisan lang. By the way, this is how we welcome a new stupid student."
Hindi na ako sumagot pa dahil pumagitna sa aming dalawa iyong lalaki kanina na kausap ko, nakatalikod ito sa akin habang nakaharap kay Jamie.
"Miss Praelin, pumasok ka na sa kotse, susunod ako. And as for you Miss Forte, she's with the Dean. Hindi mo siya pwedeng galawin." Giit nito kaya kahit na nagtataka ako ay pumasok na lamang ako sa nakaparadang kulay itim na kotse.
Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin kung mamahalin ba ang kotse or what, dahil wala akong alam sa mga kotse, but I do know how to drive a car, tho mas sanay ako sa motor.
After a minute or two, pumasok na rin ng kotse yung lalaki, at nagsimula ng mag maneho.
"I'm Red, head of the student council. Nautusan ako ng Dean na sunduin ka, dahil wala ang secretary n'ya, ang banas talaga ng suit, nakakainis."
"Uh, bakit pa natin kailangang gumamit ng kotse? Ang lapit lang naman ng building oh," naguguluhan kong tanong sa kaniya at binalewala ang pag mamaktol nito tungkol sa suot niyang suit.
"Ah, that… ewan ko rin, siguro dahil ikaw ang kaunahang binigyan ng scholarship dito? Ewan, basta kasama ito sa utos ng Dean." Pagpapaliwanag nito sa akin, tumango na lamang ako bilang sagot.
"Atsaka, malayo pa 'yan. Mukha lang malapit, dahil sa mataas na pader na harang, kita mo 'yong gate na malaki? Nandon pa 'yung pinakang building ng Hex, kumbaga 'yung pinuntahan mo kanina ang garden, at itong dinadaanan natin ngayon ay nandito ang mga kailangan nating lahat, coffee shop, book shop, basta mga shop… may groceries din." Dagdag pa nito sa mga tinuran.
"Ah… okay."
"Pasok ka na daw," seryosong sabi sa akin ni Red.
Nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ba akong tanggapin ang scholarship na inaalok sa akin, dahil sa nangyari kanina.
Ang akala ko ay simpleng laro lang ang tinutukoy sa sulat, ngunit nagkamali ako…
Pero kung a-atras ako ngayon, baka wala ng ibang opportunity ang dumating sa akin at hindi ako makapagtapos ng highschool.
Huminga ako ng malalim bago pinihit ang doorknob at pumasok sa loob ng silid.
Pinakiramdaman ko ang paligid, baka mamaya may patibong na namang nag hihintay sa akin na maaari kong ikamatay.
Una kong napansin ang sa gitna ng silid sa tapat ng pinto ang Dean's table, malinis itong tingnan kung hindi pag tutuunan ng pansin ang ibang parte ng silid.
Magulo iyon, nagkalat ang niyamukos na papel, ang wall clock ay nasa sahig na imbes na nakasabit sa dingding.
Ngunit isang bagay ang pumukaw sa aking atensyon.
Ang log book.
Akmang lalapitan ko na sana ang libro ng biglang may tumikhim sa aking gilid.
"Take a sit, Miss Praelin."
And I did what I was told, ayaw ko namang maging pangit ang unang pagkikita namin ng nag bigay sa akin ng scholarship.
"Tatapatin na kita, Ashley. Wala na itong atrasan, nakarating ka na sa loob ng opisina ko at mukhang may nangyari ng hindi mo inaasahan kanina, tama ba? Bukas na bukas din ay ipapasundo kita sa aking secretary, eight am sharp. Mga importante lamang na gamit ang dadalahin mo, don't bother to bring too much clothes, dahil nag po-provide kami non sa bawat estudyante, kompleto na ang gamit mo sa loob ng dorm. Ikaw na lang ang kulang," she paused.
May binuklat siya sa kaniyang cabinet, bago iniabot sa akin ang kulay itim na card.
"Ang laman n'yan ay pera, every week may papasok sa card na 'yan na nagkakahalaga ng twenty thousand pesos, allowance mo. You may go now, and oh! Hold on, if anything happens… stay out of it, got it? Wala kang sasabihan kahit kanino."
Tumango na lang ako bago mabilis na tumayo at lumabas ng silid.
I sigh.
"Grabe, ano kayang ibig n'yang sabihin? Nevermind, ang mahalaga ngayon naka survived ako sa pagpunta dito, ang po-problem-ahin ko na lang ay kung paano makakalabas ng buhay." Mahinang usal ko.
I heard a chuckle at my right side, kaya napatingin ako ng wala sa oras.
"What's so funny, Mr. Red?"
"You are," he smirked.
"Whatever, ihahatid mo na ako palabas dito." Utos ko sa kaniya na ikina-iling naman nito.
"Sure, no problem. But, in one condition… you should give me your phone number."
"That's it? Okay, give me your phone, i-ta-type ko."
Iniabot naman nito agad ang cellphone niyang mamahalin.
"0939-727-0***" I typed.
"Here you go," umirap ako ng bahagya habang iniaabot sa kaniya pabalik ang cellphone.
"Okay, let's go. Ihahatid na kita."
It's already nine pm, and I couldn't sleep.
Ang lakas ng ulan sa labas, masyadong maingay.
Napabalikwas ako ng bangon dahil biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa kalapit ng hinihigaan kong kama.
Kinapa ko ang switch ng ilaw malapit sa headboard ng kama, atsaka iyon ini-ON.
Kinuha ko na ang cellphone at binuksan iyon.
Bumungad sa akin ang isang text message mula sa isang unknown sender.
Imposibleng si Red naman ang nagtext dahil tumawag na ito kanina kaya na-i-save ko na ang number nito sa aking contacts.
Ini-click ko ang message.
"Hello, Ashley Praelin. You are now officially one of the Witch hands, your first mission is to send a person you hate a black rose, and we will do the rest.
Always remember Ash, hindi ka pwedeng tumiwalag, dahil kami ang nag i-sponsor ng mga gastusin mo at hindi ang Dean.
She know us, but doesn't, and so do you… you know me, but you don't.
Hindi mo pwedeng ipagsabi ang kasunduan, dahil buhay mo at ng pamilya mo ang nakataya as well as your soon-to-be friends.
—Dielxykil."