Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Eye Of Death

Issa_Glimmer
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.3k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

"189 pesos po ang lahat, Madam." Marahang saad ng babaeng nasa harap ng counter. Bakas ang saya sa mukha ng babae dahil marami ang costumer sa pinapasukan niyang coffee shop. Araw ng linggo kaya naman wala siyang pasok sa eskwela. Siya na ang nagtratrabaho para sa sarili niya dahil ulila na siya at wala ng natirang pamilya para gumabay at mag sustento para sa mga kailangan niya sa buhay. Hindi naman big deal sa kaniya ang pagtatrabaho, mas gusto niya pa ngang magpakapagod para mabuhay. Hindi kagaya ng mga kaklase niyang ubod ng mga yaman na halos ipamukha sa kaniya na hindi siya nababagay na makihalubilo sa mga kagaya nila.

Ibinigay ng babaeng costumer ang bayad para sa inorder niyang isang slice ng cake at cappuccino. Masaya namang tinanggap iyon ng babaeng nasa counter ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagdampi ang mga daliri nila. Bigla ay maraming imaheng nakita ang babae. Napakalinaw ng pangyayaring nakita niya, mabilis lamang iyon pero kitang kita niya kung paano nasagasaan ng truck ang babaeng kaharap niya. Bigla siyang napaatras at napatitig sa naguguluhang costumer. Bata pa ito at sa tingin niya ay kasing edad niya lamang. Mayroon itong mataray na mukha, pero bakas ang kagandahan. Makikita rin ang hubog ng magandang katawan dahil sa suot nitong fitted dress na kulay pula.

Bigla siyang kinabahan ng dahan dahang pumihit ang babae para umalis. Hindi siya nagdalawang isip na tanggalin ang apron at dali daling umalis sa counter area. Nasa labas na ang babae kaya naman binilisan niya pa ang pagtakbo. Narinig niya pang sumigaw ang boss niya pero hindi niya ito pinansin. Nakatuon ang atensiyon niya sa babaeng malapit na sa tawiran. Tumakbo siya ng mabilis at sa wakas ay naabutan niya ito.

"Miss! Sandali lang." Hinihingal niyang pigil sa braso nitong may hawak pang cup ng cappuccino.

"What?" Mataray nitong saad. Nakakunot ang noo at kitang kita na nagmamadali ito.

"Wag ka munang tumawid please. Kahit mga 5 minutes lang, dito ka muna." Pagmamakaawa niya pero hindi siya nito pinansin bagkus ay tinanggal nito ang kamay niyang nakahawak sa braso ng babae.

"Sandali lang! Dito ka na lang kasi. Hindi ka pwedeng tumawid." Sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan niya ulit ito.

"Can you please get out on my way!? Hindi sayo ang daan kaya pwede ba umalis ka! May ka-date pa ako, for gods sake!" Galit nitong bulyaw. Bahagya pa siyang napaatras dahil sa pagtulak nito.

Nagulat siya ng dali daling tumawid ang babae sa kalsada. Sinubukan niyang habulin ulit ang babae ngunit gaya nga ng nakita niya kanina sa pagdampi ng mga daliri nila ay nasagasaan ang babae ng rumaragasang truck. Nakaladkad ang babae ilang metro ang layo sa kinatatayuan niya. Gutay gutay ang damit at basag ang bungo. May mga naiwan pang laman sa kalsada. Nasira ang magandang katawan dahil sa natamong mga sugat. Umagos ang pulang likido ng dugo ng babae sa kalsada. Hindi nakagalaw ang mga nakakita. Kitang kita sa mata nila ang gulat at takot dahil sa nangyari.

Napaluhod na lamang siya dahil sa nangyari. Sa ika-apat na pagkakataon ay hindi niya na naman naligtas ang buhay ng iba. Una ay ang kaniyang ama, alam na niyang mababaril ang kaniyang Ama sa oras na pumasok ito sa trabaho pero wala siyang nagawa kundi ang tumunganga. Pangalawa ay ang kaniyang Ina na dapat ay bibili lang ng laruan niya pero nasagasaan rin ito kagaya ng babae. Ang pangatlo naman ay ang lola niya na nahulog sa hagdan. Pinipilit niyang hindi sisihin ang sarili sa pagkamatay ng kaniyang mga mahal sa buhay pero hindi niya magawa. Kung sana nailigtas niya ang mga ito sa kamatayan ay may pamilya pa sana siyang masasandalan. Galit siya kakayahan niya. Galit siya sa kung anong meron sa pagkatao niya. Iniisip niyang hindi siya kagaya ng mga taong nasa paligid niya. Isinusumpa niya ang mata niyang nakakakita ng kamatayan ng iba.

Naglandas ang mga luha niya pababa sa kaniyang pisngi. Dumating na rin ang mga ambulansiya para makuha ang bangkay ng babae. Habang siya ay nakatulala pa rin sa kawalan. Nakita niya ang kamatayan nito, hindi niya pa rin mapigilang sisihin ang sarili sa nangyari. Kung sana lang nailigtas niya ito ay baka masaya na itong nakikipagdate. Kung sana lang....