PAGE TWO
Almost one week na rin pala no'ng huli akong nakapagsulat dito. Medyo busy din kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil sa dami ng requirements sa school na kinokompleto ko kaya palaging bahay, school, bahay, school lang ako. Yeah, same routine. (ভ_ ভ)
Malapit na kasi ang moving up namin at nagsimula ang practice. Magge-Grade 11 na pala 'ko. Ang bilis nga ng araw e. Parang kailan lang, hindi ko pa masyadong kilala ang mga kaklase ko. Sungit pa nga ang tawag nila sa 'kin dahil hindi raw ako namamansin. Hindi nila alam na likas akong mahiyain. Pagkatapos ngayon maghihiwalay-hiwalay na kami. Parang ayoko pa nga dahil close ko na silang lahat. Hays. Ang hirap pala kapag gano'n.
Sa ngayon, ayoko muna masyadong isipin 'yon para hindi ako malungkot. Tutal nand'yan naman ang clown kong bestfriend para pasayahin ako hahaha jk. Pero kanina nga pala, umikot kami sa iba't ibang section para ipakilala ako ni Rinneah sa mga kaibigan niya. Oo, madami. Bawat section yata sa Grade 10 mayro'n siyang kaibigan. Sabi ko nga puwede na siya bigyan ng Miss Congeniality Award sa dami niyang kaibigan hahaha. Tinawanan nga lang ako ng lukaret na 'yon pero sa totoo lang, magaling talaga siyang makisama kaya nakakasundo niya ang lahat. Nagkakaro'n nga lang ako nang ibang kaibigan dahil sa kan'ya.
Sana nga naging friendly na lang din ako tulad ni Rinneah. Kaso hindi, e. Kung hindi nila ako kakausapin, hindi ko rin sila kakausapin kahit matuyuan ako ng laway. Kaya palagi akong napagkakamalan na mataray at masungit kahit hindi naman. Bakit ba kasi mahiyain ako? Hays.
P.S: Pag-Senior High na kami, babaguhin ko na 'to. Magiging friendly na talaga ako. Ultimo Principal kakaibiganin ko hahaha lol. Pero seryoso, susubukan 'ko talaga. o(=´∇`=)o