Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ang Titser kong Dragon

Lazy_Writer404
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.8k
Views
Synopsis
Masungit ang Math teacher na si Ms. Velasco. Lahat ng estudyante ay takot sa kanya. Kaya naman nabansagan siyang Dragon Lady ng Purvil High School, much to her joy and amusement. Ika nga, she prefers to be feared than loved. Wala siyang pakialam sa pakiramdam ng mga estudyante niya. She loves Math more than her students. Bagsak kung bagsak. Tapos ang usapan. Pero nang masuspinde siya sa school nang dahil sa kagagawan ni Miya, isa niyang estudyante, tila gumuho ang lahat sa kaniya. Dragonslayer: Ang bansag ngayon kay Miya! Malaking kahihiyan sa pangalan at reputasyon niya bilang isang guro. At tulad ng isang dragon, nag-aalab na poot ang bumabalot ngayon sa buong pagkatao ni Ms. Velasco. Gagawin niya ang lahat makaganti lang kay Miya.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 1

"Parating na ang dragon!" Nakangisi si Kobe habang kumekembot na tumatakbo patungo sa silya nito. Muntik pa itong matapilok nang maapakan ang nakakalat na balat ng saging. "Nand'yan na ang dragon!"

Mistulang tumigil ang oras sa loob ng Third Year-Section A. Tanging ingay na lang ng mga estudyante sa magkabilang silid-aralan ang maririnig.

At ang pagtama ng mga takong sa aspaltong sahig mula sa labas ng pasilyo. Palakas ng palakas. Palapit ng palapit.

Nanindig ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko mahihimatay ako sa sobrang takot at kaba.

Umayos kaming lahat sa pagkakaupo, ang mga mata'y nakapako sa nakabukas na pintuan, hinihintay ang pagdating ni Dragon Lady.

Tumilaok ang manok mula sa labas ng bintana, tila nang-aasar pa sa gitna nang nakabibinging katahimikan. At paano nagkaroon ng ligaw na manok sa loob ng compound ng Purvil Highschool? Iba na talaga ang mundo. Full of mysteries. I hate mysteries.

Napalunok ako at lihim na napadasal ng Hail Mary.

Sobrang awkward kapag sa first row nakaupo. Hindi maiiwasan ang mapansin at mapagpiyestahan ng tingin lalo na ng mga manyak at mahihilig mangopya sa tuwing exam.

Dreadful naman sa ganitong pagkakataon. Siguradong mapapansin na naman ako ni Ms. Velasco dahil bukod sa alam niyang hate na hate ko ang Math subject, isa lang naman ako sa mga estudyante na naglakas ng loob na magsumbong sa prinsipal tungkol sa pagiging bully teacher nito sa amin. Or should I say superbully! Pero as usual, mas pinanigan pa ni Mrs. Villarica si Ms. Velasco, kesyo ang oa daw naming lahat. Wala naman daw physical abuse na nagaganap at sadyang mataray lang talaga si Ms. Velasco. Mataray in a good way, pagdidiin Mrs. Villarica. Sadyang over-sensitive lang daw kami at ayaw nang napapagalitan. Puro reklamo lang daw ang alam namin. Kung ipagpapatuloy daw namin ang pagiging reklamador, pinapatunayan lang daw namin na nagkamali si Dr. Jose Rizal nang sabihin nito na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Gosh! What's happening to this world! Crazy planet!

Hindi naman talaga ako takot kay Ms. Velasco. Takot ako na ipahiya niya sa harap ng buong klase. God knows kung ilang beses na akong pinahiya ng dragon na ito. Super galing mamahiya. Expert pagdating sa paninirang-puri. Nakapagtataka kung bakit hindi ito makita ng prinsipal. Or marinig since dinig na dinig sa buong school compound ang boses nito sa tuwing sumisigaw. Siguro sadyang nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan lang talaga si Mrs. Villarica dahil magaling mambola si Ms. Velasco. Or pera-pera lang din talaga ang labanan. Palakasan. Or baka lihim na relatives ang dalawa. Who knows? In this uncertain world, anything is possible, right?

"Miya!" May kumulbit sa balikat ko.

Napalingon ako. Si Layla. Nakatingin siya sa akin nang seryoso. Pinigil ko ang nagbabadyang tawa na nais kumawala sa bibig ko. Si Layla ang may hilatsa ng mukha na bibigyan ka ng impresyon na tila ba sinusubukan niyang pigilang magpakawala ng isang matinding utot. Sa itsura niya ngayon, tila tae na ang sinusubukan niyang pigilan. Haha! Kinagat ko ang labi ko. Nagtaas ako ng isang kilay sabay tango ng marahan.

Nagtaas din ng isang kilay si Layla, signifying na nakuha niya ang ibig kong sabihin. May maliit na ngiti na kumurba sa mga labi niya. Nagbuklat siya ng aklat at umaktong nagbabasa.

Muli kong tinuon ang paningin sa pinto. Ilang segundo na lang at darating na ang dragon. Handa na ako. Pasimple kong tinapik ang kaliwang bulsa ng uniform ko. Nasalat ko ang ballpen na nakaipit dito. Lihim akong napangiti. Hindi ito simpleng ballpen lang. Ngayon ko mapapatunayan na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na pen is mightier than sword. Matatapos na ang mga maliligayang araw ni Ms. Velasco a.k.a Dragon Lady. And that's a promise.

Tingnan natin kung sino sa atin ang may huling halakhak, Ma'am. Tingnan natin.

Napalunok ako nang tuluyan ng pumasok sa loob ng silid ang dragon.