Chereads / In His Arms at 12:51 / Chapter 6 - Chapter 5: Living Together

Chapter 6 - Chapter 5: Living Together

Yshianna's POV

Nagising ako dahil sa isang message na nag pop out sa phone ko

*daddy*

Ysh, I forgot to tell you sa new york na mag-aaral ang kapatid mo,sabihan mo nalang ako if there's something wrong,saranghaeyo!

-dad

Uwu ang sweet naman ni dad pero why all of a sudden? Pagod na ba si dad sakin na talagang kahit 3rd year palang ako eh inereto na ako sa lalake

Ang swerte naman ni bunso, nasa New York na tapos ako ikakasal na saklap!

Agad akong napasabunot sa buhok ko ng makitang 5:00 AM palang ng umaga tapos ang aga aga mag memessage.

"Ano ba ang gagawin ko?"tanong ko sa sarili nang hindi na ako makatulog ulit. Don ako nakapag isip isip na wala pala ako sa bahay. Agad akong napaupo at tinignan ang ilalim ng kumot.

Thank you lord! Buo pa naman yung ano ko! Continue to guard me angels!

Napag isip isip ko na magluluto nalang ako ngayong araw. Pagkababa ko in-on ko muna yong ilaw para lumiwanag ang buong palapag. Nakakatakot pa naman pag madilim.

Nung nakarating na ako sa kitchen sinuot ko kaagad ang apron, simple lang naman yung lulutuin ko yung hotdog, bacon, toasted bread, sunny side up eggs. Tsaka magtitimpla lang ako ng orange juice o di kaya eh kape nalang. Bahala na yung ugok kung anong kakainin niya pag nagreklamo siya.

Por diyos por santo, nai-imagine ko na ang mga reklamo nito

Anthony's POV

"Hmmm" naggising palang ako dahil sa masarap na amoy galing sa baba kaya bumaba kaagad ako at pumunta sa kitchen

"*cough*cough*" pag ubo ko nang makita si Ysh pala ang nagluluto. Narealize ko na kaming dalawa lang pala ang nandito ngayon

"Uy andito kana pala, hintayin mo nalang tong maluto, upo ka nalang don" aniya at tinuro ang isang high stool

"Ok" sagot ko at umupo na habang pinagmamasdan ito. Hindi ko parin lubos na maisip na nasa iisang bubong lang kami. Maya maya pa ay napansin ko na ayaw niya akong tignan

Pangit ba ako? Imposible naman yata yon

"Bakit ayaw mo kong tignan?"tanong ko

"Uh let's say mag t-shirt ka muna" naiilang nitong tinignan ang kabuuan ko bago tumalikod habang namumula

Pagtingin ko sa sarili ko, wala pa pala akong t-shirt dahil sa pagmamadaling bumaba.

Bumaba lang pala ako kaagad ng hagdan ng walang suot na damit pang itaas kaya umakyat uli ako para makapag t-shirt

Ang OA naman ng panget! Kunwari pa'ng ayaw makita ang abs ko

-DINING AREA-

Direderetso lang ang kain ko dahil sa sobrang gutom. Ang sarap niya palang magluto. Akala ko puro libro lang ang inaatupag nito. Good to know na hindi ako magugutom in the future.

"Anthony, uso yung dahan dahan lang sa pagkain at baka mabulunan ka" sarkastikong sabi nito

"The hell you care?" Inis na sagot ko dahil ini-istorbo niya ako sa pag kain

"Edi mabulunan ka sana!" Inis ri'ng sagot nito

Ang bilis naman mapikon nito

Kaya ayan sobrang awkward nanaman ng atmosphere. I don't know pero parang nakokonsensya ako. Oh come on Anton! You just feel bad kasi siya ang nagluto tapos wala kang ginagawa.

Pagkatapos namin kumain, dumeretso kaagad siyaa sa kusina dala dala ang mga pinagkainan namin

Yshianna's POV

Huhugasan ko na sana yung mga plato kaso hinawakan ni Anthony yung kamay ko. Agad akong napatigil sa ginagawa at parang bolta boltaheng enerhiya ang namumuo sa mga ugat at kalamnan ko.

"Ako nalang ang maghuhugas nakaka konsensya kasi ikaw yung nagluto" aniya habang nakatitig sakin

"hmmm...sige" sagot ko at agarang umalis dahil sa kamay nitong hindi ko alam kung bakit sobrang nakakakaba

"Wag mo isiping nasarapan ako sa niluto mo but it was okay but not----"

"Okay I get it" napailing nalang ako. Him and his pride talagang hindi nagpapa awat, sure ba talaga siya na hindi siya nasarapan sa niluto ko? Kasi naubos niya lahat eh.

"Anthony, paano yung ibang household chores?" Tanong ko

"Sa laundry, kanya kanya tayo" sagot niya habang naghuhugas ng pinggan

"ikaw sa pagwawalis, ako sa pagmo-mop" pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi

"hmm alright, seems fine to me" pagsang-ayon ko. Pagkatapos kong mag bihis dumeretso na ako sa labas ng bahay at dahil wala akong sasakyan mag co-comute nalang ako

Papalapit na sana ako sa entrance ng school nang may mapansin akong mga tambay sa kanto, tatlo silang mukhang buong gabi yatang nag inuman

"Uy chicks pare oh" sambit ng lalakeng malaki yung tiyan

Nahiya naman yung mga buto ko

"Pare, bulag ka ata. Ang pangit naman niyan, pangit na yata ang tipo mo?" sambit ng lalaking nag mumukha ng kalansay

"Okay lang atleast babae" sagot naman nung malaki ang tiyan. Unti unti silang lumapit sakin habang umaatras naman ako.

Hahawakan na sana nila ako kaso may sumuntok na sa kanila isa-isa.Gulat akong napatingin sa taong sumuntok sa kanila

A--anthony..

"Nakit hindi mo 'ko hinintay?!"galit na bulyaw ni Anthony sakin ng nakatulog na yung mga lasing

"Uh kasi kinakahiya mo 'ko diba?"pagpapaliwanag ko

"Engaged na tayo diba?!" Bulyaw niya

"huh? --ah--eh?" Hindi ko naman aakalaing ganyan na pala ang mindset niya ngayon

"Tayo na nga, sakay ka na sa kotse. Lalampa lampa"medyo kalmado niyang sambit nang mapansing nanahimik ako

-KOTSE-

Anthony's POV

Nakakabingi ang katahimikan sa kotse

"S--sorry Anthony.. kanina" paghingi niya ng tawad

"ok lang" sagot ko habang hindi parin siya tinitignan

-KANTO-

"Bababa na ako" sabi nito habang nakatingin sa labas

"bakit?" Nagtatakang tanong ko

"kase paano nalang kung makita nila tayong magkasama?" Sagot niya

"oo nga no, pero parang mas maganda nga yon, mas maraming mambubully sayo" Kunwaring pagsang-ayon ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin at pinandilatan ng mata

"Una na ako" Pamamaalam niya kaagad at bumaba na ng kotse.

Yshianna's POV

Nang makababa ako ng kotse nakahinga kaagad ako ng maluwag since duh hindi kami close and nakakatakot pag mabait siya posibleng may binabalak yon

Pagkarating ko sa eskwelahan pumunta ako kaagad sa classroom.pagkalipas ng 43 minutes dumating narin si ma'am

"Today we should have our official seating arrangement" saad ng prof

"ugh! miss wag po!" halos umiyak na ang mga estudyante dahil wala nang kokopyahan

"hindi na magbabago ang isip ko" sagot ni Ms. Nadelia. Pagkatapos ng pag aayos sa seating arrangement hay after 65738 years nag recess na rin

Actually sa bagong seating arrangement katabi ko yung bintana, 3rd row

Pero absent yata ang katabi ko? Ah baka bagong estudyante, I hope hindi niya ako guguluhin at mananatiling tahimik lang siya, much better pag nerd rin.

Napa tingin ako sa buong classroom at ngayon ko lang napansing absent din si Anthony, baka nag cutting classes na naman yon kaya nevermind tsaka sino ba sya para isipin ko?