"Shana maniwala ka hindi yan masakit!"
"Christopher first time ko 'toh!"
"Pero kasama mo ko mag-tiwala ka!"
"Ano ma'am ready na po ba kayo?" Sabi nang lalake na mag-ta-tattoo.
Tiningnan ko s'ya, at tunango nalang ako. Kasama ko s'ya, ang taong mahal ko.
"Opo kuya! CMK po ha!" Sabi ko kay kuya.
"Sige ma'am!"
Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang karayom na dumadampi sa balat ko hawak n'ya ang kanang kamay ko habang ang kaliwa naman ay tinatatuan sa may bandang palapulsuhan.
CMK.
______________________________________
"Shana anak okay kalang ba?"
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakita ko na umiiyak si Mama sa harap ko.
"Ma? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Nahimatay ka nung pauwi na tayo, Kaya humingi ako ng tulong para mauwi ka dito" tinig ng babaeng nasa likod. Walang iba kundi si Elle.
Ano yon? Ibig sabihin nanaginip ako? Ang sakit ng ulo ko. Pero bakit ganon? Bakit ganon yung panaginip ko sino si Shana at si Christopher? At ano ang ibig sabihin ng CMK?
Habang masakit ang ulo ko, dahan-dahan kong hinihimay ang mga pangyayari sa panaginip ko. Anong ibig sabihin noon?
"Buti nalang naiuwi ka dito ng kaklase mo!" Sigaw ni papa sa likod ni mama. Di ko alam kung galit ba s'ya o sadyang ganon lang yung boses nya.
Pagkatapos ng pangyayari iniwan muna nila ako mag-isa at si Elle naman ay umuwi na.
Pinakiramdaman ko ang pulso ko, para bang ramdam na ramdam ko yung karayom na natusok sa akin sa panaginip ko.
Kinabukasan pag pasok ko sa school di mo na ako ganon nag lulumabas. Hindi na ako lumabas ng recess. Iniisip ko lang kung ano nga ba ang ibig Sabihin nung CMK na ipapatatoo ko doon sa panaginip ko. Sa kabilang banda iniisip ko ren kung sino ba yung lalakeng kasama ko na tinatawag kong Christopher di ko kase naaninag ng maayos yung mukha nya.
Dalawang linggo na ang lumipas ay iisang senaryo pa rin ang nasa isip ko at yun ay yung panaginip ko.
Iba kase yung impact nya sa akin parang ramdam na ramdam ko sya.
Sa loob ng dalawang linggo naging malapit pa kami nila Elle, Natalie at Nicole, nila Morgan at Thea. Pati na rin sila Zachary, Arkiel, Blake at Tyrone.
__________________________________
Recess ngayon at nandito lang ako sa room. Onti lang din ang tao dahil lumabas sila para bumili ng makakain.
"Pre preeee preee!" Tawag sakin ni Morgan sabay hinawakan pa ang braso ko dahilan ng mabilis na pag tibok ng puso ko.
"Ano anooo?" Tanong ko sa kanya na para bang ginagaya ko ang paraan ng pag tawag nya sa akin.
"Pre tignan mo oh! Eto si Jay crush ko yan! Ang gwapo diba?" Sabi nya sa akin habang pinapakita ang profile ng guwapong lalake.
"Oo nga gwapo nga." Sabi ko sabay umalis na ako. Hinila ko rin si Elle.
"Hoy bat mo ba ako hinihila?" Tanong n'ya sa akin habang nakanguso at bibit pa ang kanyang cellphone. Nag-babasa ata s'ya ng Wattpad.
Hinila ko lang s'ya papunta sa rooftop.
"Hoy inday anong drama yan? Bat tay-" hindi ko na sya pinatapos at bigla nalang nag-salita.
"Kung ligawan ko kaya si Morgan?"
"Ha? Anong ligaw?"
"Si Morgan liligawan ko!"
"Hoy! Calla Hillary! Hindi porket di ka na namin shiniship kay Dewei eh gaganyan ka na! Atsaka kailan lang kayo nag-kakilala. Wag kang padalos-dalos ng desisyon sa buhay! Parang awa mo na!" Sunod-sunod n'yang sabi sa akin na para bang sinesermonan ako.
"Ganto Elle makinig ka simula pagkabata ko alam ko na sa sarili ko kung ano ang pag-katao ko. And I'm already 16, I'm already 3rd year highschool at sa lahat ng babaeng nagustuhan ko kay Morgan lang ako nakaramdam ng iba."
"Sige mag-padalos dalos ka! Paano kung 'di ka nya gusto kase babae ka? Tapos masira yung friendship nyo dahil sa gagawin mo! Sige nga mas gugustuhin mo ba s'yang malayo sa'yo dahil sa balak mo?"
"Pero Elle gusto ko s'ya!"
"Calla kailan mo lang sya nakilala! At Hindi ka lalake para mag-desisyon nalang ng ganyan!"
Nakikita kong tama naman s'ya at may point s'ya. Naluha nalang ako dahil hindi ko magawang aminin yung nararamdaman ko sa taong gusto ko.
"Nung una nga di ko inakalang tomboy ka pala!" Sabi nya sa akin sabay tinapik ang likod ko.
"Alam mo kase babaeng-babae ka, siguro kaya kalang nag-kakaganyan eh dahil nagagandahan ka sa kanila baka di ka pa nakakahanap ng katapat mo, kaya mo nasasabing ganyan ka."
"Anong katapat?"
"Yung lalaking mamahalin mo"
Mamahalin mo...
Mamahalin...
Mahal...
Biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako ng mahigpit sa ulo ko at pumikit.
"Calla? Anong nangyayare?"
May mabilis na pang-yayaring umandar sa isipan ko. Argh sobrang sakit.
"Ang sakit ng ulo ko."
"Halika bumalik na tayo sa classroom baka masyadong mainit dito." Sabi ni Elle sabay inalalayan akong bumaba para makarating sa room.
Pag-dating namin umupo ako at hawak ko pa rin ang ulo ko? Anong nangyayare tanong ni Zachary.
"Sumasakit daw yung ulo n'ya kaya dinala ko s'ya dito!" Pag-eexplain ni Elle. "Calla okay ka pa ba? Ayan ka na naman Calla!"
Nakita kong nag-kakagulo na ang mga kaklase ko dahil nakikitang nahihirapan ako sa tindi ng sakit ng ulo ko.
"Dewei kumuha nga kayo ng Wheelchair doon sa baba! Bilisan nyo"
Dumilim ang paligid at tuluyan nang napapikit ang mga mata ko sa sobrang tinding sakit ng ulo ang nararamdaman ko.
"Shana wag mo kong iiwan! Please lumaban ka! Andito na ako Shana mahal-" Ito ay ang boses ng taong mahal ko masaya akong narinig ko 'to kahit sa huling hininga ko.
.
.
.
.
.
.
"Ayan d'yan pisilin nyo d'yan" rinig ko ang boses ng isang babae at dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
"Guys gising na si Calla" sabi ni Natalie na nasa Left side ko at hawak-hawak ang kamay ko. Sa kabila naman nakita ko na hawak ni Zach ang kamay ko inagaw ko ito sa kanila. Sabay umupo
Sa pag-upo nakita kong pumasok si Tyrone, Dewei, At Arkiel sa puwesto namin. Nahahati kase ang mga puwesto sa pamamagitan ng kurtina.
"So far nakikita kong okay naman s'ya bantayan nyo nalang at kausapin nyo para di sya makatulog ulet." Sabi nung nurse na babae. Sabay umalis.
Umupo naman sila sa couch na katabi ng kama.
"Ano ba nangyari?" Tanong ni Tyrone.
"Si Elle kase hinila ako papunta sa Rooftop para may sabihin na importante tapos habang nag-uusap kami bigla nalang sumakit yung ulo n'ya." Pag papaliwanag ni Elle.
"Gaano ba kaimportante yon bat di nyo nalang sa room pinag-usapan?" Tanong ni Nicole kay Elle.
Tumingin sa akin si Elle at parang humihingi ng permiso kung sasabihin nya ba. Umiling lang ako.
Tumingin-tingin ako sa paligin tinitingnan kung nandito ba si Morgan. Wala s'ya, siguro wala s'yang pake saken.
"Para sa amin nalang 'yon atsaka okay na naman ako."
"Nako sa susunod Calla ha! Mainit pa naman don! Nag alala kami" sabi ni Zachary.
Nakakatuwa nga eh kase kahit mag-iisang buwan palang kami mag-kakakilala malapit na kami sa isa't-isa.
Makalipas ang ilang minuto bumalik na kami sa classroom nagulat ako dahil may biglang yumakap sakin. Si Morgan.
"Calla okay ka lang? Nag-alala kami!" Sabi ni Morgan na bakas ang pag-aalala.
Wala namang pag-aalinlangang niyakap ko sya. "Ayos lang ako"
Tumingin ako kay Elle halatang nag-aalala sa nararamdaman ko.
Si Morgan 'toh eh ang babaeng mahal ko.
Babae ako pero babae rin ang gusto ko.
___________________________________________
This story is UNEDITED. Sorry sa mga Typographical Errors at sa mga Wrong grammar hehe. Di po ako isang professional writer. Thanks for reading! Lovelots <3