Chereads / So-called You / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

The Dept

"Wala ka man lang manners,  your just a highschool student nga lang pala" sabi ng hindi ko kilalang babae na may mga kasama pang malalanding kaibigan.

Kahit binibingi kami ng napaka lakas na music at sigawan dito sa bar, dinig ko pa rin ang inis na inis niyang tono.

"Ano ngayon kung highschool lang ako? di mo matanggap kasi mas maganda pa ako sayo?" pang aasar ko sa kanya.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi ko siya kilala pero base sa nangyayari ngayon ay may gusto siya kay Paolo.

"Love, let's go" pigil sakin ni Paolo

"No" sabay tanggal ko ng kamay niya sa braso ko. "Look girl, ano ba ang gusto mo? Si Paolo? E hindi ka nga daw niya kilala"

"Ang lakas mo rin naman, palibhasa pera lang habol mo kay Paolo kaya mo pinatulan, di ka ba nahihiya? Boyfriend mo yung teacher mo sa P. E class at mas matanda sayo ng five years" malakas na sigaw niya saken habang tinuturo ako, nagtawanan naman ang mga kasama niya.

Nandilim ang paningin ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung pano ko ipaglalaban sarili ko, ayoko sa lahat yung pag uusapan kung anong meron samin ni Paolo

"Diane stop! wala kang alam kaya sige na, tumigil kana please. Tapos na tayo kaya wala ka nang babalikan" humarang sa pagitan naming dalawa si Paolo

"Paolo wake up! Ang bata pa niyan para patulan mo, masaya naman tayo sa relationship natin dati diba, hindi naman malabo na sumaya ka ulit sakin. Paolo nandito ako" halos maiyak iyak na sabi ni Diane

Gusto kong umiyak, gusto kong mag tago at lumayo sa magulong lugar na to.

Pero hindi, kailangan ko maging matapang.

"Syndy anak, kailangan mong maging matapang lalo na kapag hindi mo ako kasama. Hindi mo kailangan maging mabait sa lahat ng pagkakataon. Matuto kang lumaban para walang mananakit sayo. Tandaan mo mga pangaral sayo ni Daddy, okay?"

Sa hindi ko inaasang pagkakataon narinig ko ang mga pangaral sa akin ni Daddy.

Tumingin ako sa mata ni  Diane. Bigla na lamang tumulo ang luha ko kahit pinipigilan ko. Gusto kong makita niya na sa murang edad ko, nabubuhay na ako sa reyalidad.

"Ayan ba pinalit mo sakin, batang iyakin Paolo?"

Sabay ng pagpatak ng luha ko ang pagpatak din ng palad ko sa muka niya

"Love!"

"Omayghaaad Diane"

"Diane are you ok?!"

"Nakakaawa ka naman, sinasampal sampal ka na lang ng highschool student" pang aasar ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan yung inis ko.

Ayoko makasakit pero mukang naghahanap talaga ng sakit ng katawan tong babae na ito.

"How dare you!" balak niya pang gumanti sakin pero pinigilan siya ni Paolo

"Diane please stop, nakakahiya na sa mga tao" sabi ni Paolo

Tumingin ako sa paligid at totoo nga, pinagtitinginan na kami ng mga tao

"Diane let's go, pinag titinginan ka na" bulong ng isang kaibigan ni Diane

"No" pag mamatigas niya

Napapangiti na lang ako sa ginagawa niya. nagmumuka siyang batang sabik na sabik sa matamis na candy.

"Diane umalis na tayo"

"Ano ba? Hindi pa ako tapos sa babaeng to!" sigaw niya sa mga kaibigan niya. Napalayo na lang ang mga ito kay Diane dahil hindi na nila mapigilan. 

Lumapit siya sa akin at medyo bumaba para tumapat sa muka ko.

"Akala mo ba mahal ka ni Paolo, katawan mo lang habol niyan" sabi niya habang nakangiti at nakatitig sa mata ko

One

"Pero dahil malandi ka at pera lang ang habol mo sa kanya, nagpapagamit ka" pag papatuloy niya, hinawi niya ang buhok ko saka nag patuloy muli sa pagsalita

Two

"Bata ka pa lang, wala ka pang alam, marami ka pang dapat matutunan. Hindi mo ba naiisip magulang mo, pinag aaral ka pero kalandian lang inuuna mo, pag nagamit kana ni Paolo iiwa--"

Three

"SYNDY!"

"OMG"

"ARE YOU OKAY?!"

"Love anong ginawa mo?! Umuwi na tayo" sigaw sakin ni Paolo

"Sinapak ko, di mo ba nakita? Sayang naman" sagot ko sa kanya habang hinihimas ang kamao ko

"Umuwi na tayo, masyado na kayong nakakahiya"

"Okay" nakangiting sagot ko sa kanya.

Lumapit ako kay Diane na kasalukuyang nakaupo sa sahig at pinupunasan ang dugo sa labi.

"How was it? Kamusta pakiramdam ng napaka daming sinasabi pero bagsak naman" lumapit ako lalo sa kanya at bumulong "Dyan ka bagay hindi kay Paolo"

Matalim na tingin ang sinagot niya sakin. Pagkatapos ko yon sabihin ay lumabas na kami ng bar.

Pinagbuksan ako ni Paolo ng pintuan ng kotse

"Get in" madiin niyang sabi pero hindi ako gumagalaw

Nanginginig yung kamay ko, alam kong tama lang yung ginawa ko pero bakit ganito ako ngayon. Hindi ko kayang manakit ng tao, wala akong nagawa para pigilan yung sarili ko kanina.

Itinago ko ang kamay ko sa likod ko para hindi makita ni Paolo ang panginginig nito.

"Love"

Hindi ako makatingin ng diretso kay Paolo, nahihiya ako sa mga ginawa ko

"Love"

"Paolo ayoko na" hindi ko na napigilan ang luha ko

"Anong ayaw mo na?" nagtataka niyang sagot

"I can't stay with this relationship, teacher kita at mas matanda ka sakin, hindi ko pinapahalata pero nasaktan ako sa mga sinabi ni Diane kanina"

Biglang nag iba ang mukha niya, bakas ang pagtataka at pangangamba.

"Do you love me?" walang emosyon niyang tanong

"Paolo mataga--"

"Do you love me?!" sigaw niya sakin "Yes or no lang Syndy, hindi mo pa masagot!"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Nangangapa ako ng sasabihin. Nabablangko ako sa tuwing sinisigawan niya ako.

"Y-yes"

"Then why?! Bakit kailangan mong makipag hiwalay kung mahal mo ko. Issue pa rin ba sayo yung age, yung sasabihin ng iba?"

Nakita kong pumatak na rin ang luha niya.

Mahalaga sakin si Paolo, teacher ko siya sa P. E and he's 22 years old. Five years ang age gap, yes it's still matter for me.

"Fuck, ano ba talaga ang problema. kung mahal mo ko bakit naiisip mo yan?" lumapit siya sakin at hinawakan ako sa pisngi.

Tinitigan niya ako sa mata. Kitang kita ko yung mga luhang gumigilid sa mga mata niya

"I've promised to your daddy, sabi ko hindi kita iiwan. Hindi kita pinipilit na mahalin ako, kaya everytime na tatanungin kita kung mahal mo ba ako, be honest kasi hindi ko naman alam kung ano na ba tumatakbo sa utak mo"

Napatungo ako sa mga sinabi niya, hindi ko na nga rin alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya, minsan mahal niya ako, minsan nandiyan lang siya dahil kailangan niya ako.

Pero napakaling role ang ginampanan ni Paolo sa buhay ko kaya lahat ginagawa ko mabalik lang yung kabutihang nagawa niya sakin.

"Thank you for staying by my side, utang ko sayo ang maayos kong buhay ngayon. Kung hindi dahil sa pamilya mo baka sumama na ako kay daddy sa langit" pinilit kong ngumiti habang nagsasalita.

"That's why i love you, nakita kitang mahina kaya mas lalo kitang minamahal ngayon dahil nakikita kitang matapang"

"Paolo"

Niyakap niya ako ng mahigpit.

I want to stay like this. Yung may taong takot akong mawala. May taong ipapaalala sakin kung sino ako kapag nawawala ako sa sarili.

Hinatid ako ni Paolo sa bahay dahil may pasok kinabukasan. Pag kauwi ay hindi ako makatulog napaka daming gumugulo sa isip ko.

Family ni Paolo ang tumulong sakin nung panahon na namatay sa aksidente si daddy. Sila yung nag asikaso at gumastos sa pag papalibing. I'm just 10 years old nung nangyari yon.

Ako na lang mag isa sa buhay ngayon. Hindi ko kilala kung sino ang nanay ko, hindi ko alam kung anong itsura o pangalan niya. Ang alam ko lang nasa  ibang bansa siya.

I have a Credit Card na nakapangalan sakin. Ang sabi sakin dati ni daddy every month nadadag dagan ito ng laman, habang lumalaki ako narerealize ko na baka ang nag lalaman nitong Card ay nanay ko.

Binantayan ako ng pamilya ni Paolo dati, every week pumupunta sila dito sa bahay para dalhan ako ng mga stock ng grocery.

Natuto akong mabuhay mag isa dahil bago mawala si daddy napaka dami niyang tinuro sakin na parang alam niyang mawawala na siya.