CHELSIE.
Papunta na ako ngayon sa howard's university gamit ang McLaren 720S ko. Nasa loob na rin ng kotse ko ang uniform, gamit ko sa school at dalawang maleta na ang laman ay iba't ibang klase ng damit ko.
Pagkarating ko doon at tumambad sa akin ang naglalakihang gate at sa taas nito ay nakalagay ang pangalan ng university.
Pagkabukas na pagkabukas ng gate ng school ay dumeretso na agad ako sa parking lot nito saka lumabas.
Syempre napag-uusapan nanaman ako dito, sino ba namang hindi. Isang babae, idradrive ang McLaren 720S? marami ring iba na pinupuri ang kagandahan ko, magaganda rin naman sila ehh.
Pagkarating ko sa dean's office ay agad kong binuksan ito at nakita ko ang may katandaang babae na nakaupo sa swivel chair.
"I bet you are Chelsie Ambroise? the granddaughter of Laine and John Ambroise, the daughter of Melissa and Benedict Ambroise and lastly the sister of the actor and the owner of the 5 star hotel here in manila, Jonathan Ambroise. Am I right?" napa-irap naman ako dahil sa sinabi niya. Wow alam na alam ha.
"Yes, tama ka ng sinabi. Are you related to my family?" napangiti naman siya ng mapait.
"No, it's just that your family is famous worldwide." napatango naman ako doon.
"So nandito ako para kunin ang dorm keys and schedule." napatango naman siya at kinuha na ang schedule at keys?
"So? bakit ang apat na susi itong binigay mo?" tanong ko.
"Ahh, yung dalawa susi ng kwarto mo at yung dalawa pa ay susi ng buong bahay. Kayong lima meron niyan." what? did i heard it right? five?
"Five? so lima kaming nandoon?" napatango naman siya at napangiti.
Seriously huh? so kwarto lang pala ang pagmamay-ari ko doon, good just good. Tumayo na ako at nagpaalam sa kaniya at pumunta na sa 'bahay' naming lima.
Pagpasok ko doon ay bumungad sa akin ang tahimik na paligid. Pumunta ako sa nagiisang bukas na kwarto. It's just an empty room, well para sa akin ata talaga toh haha.
Kinuha ko muna yung tali ko at ginawang messy bun ang aking buhok saka inayos ang lahat ng gamit ko.
Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko ay lumabas muna ako para may makain. Pagkapunta ko sa kusina ay inabot ko agad ang cerial box pero may naramdaman akong patalim sa tagiliran ko.
Inusog ko agad iyon at saka humarap sa kaniya. Nakauniform na siya na parang papasok na.
Nginitian ko siya ng malapad saka dumeretso sa dining table at umupo.
"You know, it's rude to stare at a person while she's eating. Pwede mo bang sabihin pangalan mo sakin?" sabi ko sa kaniya habang binubuhos yung gatas sa cerial ko.
"Paul Huang, you what's your full name Chelsie?" i smirk. Paul Huang the 5th richest son in the wholewide world.
"Chelsie Ambroise, Paul Huang. May klase ka nga pala ngayon, bakit hindi pa gising mga kasama mo?" ani ko habang kumakain.
"Pababa na yon mamaya. Would you mind if i sit here besides you?"
"You can sit there, patapos na rin naman ako kumain." at nagpatuloy sa pagkain.
Saktong pagkatapos kong kumain ay sabay sabay na bumaba yung tatlo sa pagkaka-alam ko.
"Aga-aga may chix ka na agad paul?" ani sa kaniya nung babae. Tumingin naman sakin si paul ng alinlangan kaya inilingan ko siya.
"Oo nga naman Paul. Why don't you introduce her to us?" ani ng lalake. Nakita ko naman na napalunok si Paul kaya medyo natawa ako.
Lumingon na ako sa kanila saka ngumiti, bakas sa mukha nila na nagulat sila.
"Sabi ko kasi sayo Jamaica hindi chix ni Paul ehh, ikaw kasi ehh!" sisi sa kaniya ng lalake.
"Hoy Aaron, tantanan mo nga ako diyan. Hindi ko naman alam na si Chelsie yun nandiyan noh! paano ba naman kasi araw-araw may dala si Paul na babae dito kaya akala ko babae niya rin siya!" habang nakatingin kay aaron ng masama. Tinignan ko naman yung lalakeng nasa gitna nila na parang gulat na gulat pa rin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Hi ate, Jamaica Buenatura and this is my Kuya Sebastian Buenatura, the 2nd richest in the wholewide world." saka siya ngumiti sa akin.
"Chelsie Ambroise." saka ako ngumiti sa kaniya at tumingin sa isa pang lalake na hindi pa nagpapakilala.
"Uhh? Aaron Zhao." napatango nalang ako. Zhao? the 4th richest eh?
So the 5th richest is not here then? dapat anim kaming nandito?
"I'm sorry pero lima lang talaga ang nandito. The 5th richest kasi is not here, hindi niya gustong mag-aral dito. Nasa france siya, he's name is Alfred Joles." nanlaki naman mata ko doon, that bitch!! Yung pinsan ko? seriously? bakit hindi ko man lang alam na sila ang 5th richest sa buong mundo?
"Ahh sige, akyat na ako ha, mamayang hapon pa ako papasok. Ingat!" pamamaalam ko sa kanila at umakyat na sa kwarto ko. Ang awkward kasi doon sa labas kaya hindi na ako nag-tagal.
Nang maramdaman kong umalis na sila ay bumaba na ako at kinuha yung walis at dustpan sa'ka umakyat na ulit. Una kong nilinis ay yung sa parte sofa ko tapos sinunod naman yung kama ko sa'ka yung banyo. Nang matapos na akong maglinis ay bumaba na ulit ako at ibinalik yyng walis at dustpan sa'ka ako naligo dahil malapit ng mag-lunch.
Pagka-tapos kong maligo ay kinuha ko na yung uniform sa'ka ito isinuot. Maganda naman uniform nila, white long sleeve na merong next tie na black at name tag sa gilid, black mini skirt at black high socks. Sinuot ko na yung sapatos ko sa'ka kinuha yung kutsilyo ko sa damitan ko at inilagay sa bulsa, for emergency.
Nang nasigurado ko ng handa na ako ay kinuha ko na yung bag ko at lumabas na. Ni-lock ko yung pinto dahil baka pasukan at sa'ka may kaniya-kaniyang susi naman kami ehh. Pumunta muna ako sa cafeteria dahil hindi pa ako naglulunch at walang laman ang ref nila.
Mga hindi nag-grogrocery!
Pagka-dating ko roon ay biglang tumahimik. Ngayon lang ba sila nakakakita ng diyosa na naglalakad? Umirap muna ako sa'ka pumila at dahil wala ng tao sa pila ay mabilis akong nakakuha ng pagkain ko.
"Isang beef steak at two cups of rice." ani ko na agad niyang binigay.
Nang maibigay niya na sa'kin ay inabot ko sa kaniya yung black card ko, actually kaming anim lang ang meron niyan kasi kami lang may afford. Humanap muna ako ng upuan sa'ka umupo at nag-simula ng kumain.
Kung kanina ay tahimik, mas tumahimik pa nung pumasok yung apat. Famous ba sila dito? malamang Chelsie!
"Uyyy Chels! andito ka na pala!" ngumiti naman ako ng sarkastiko kay Aaron.
"Nasa bahay pa ako, hollogram lang kasi talaga ako pre." sa'ka ako nagpatuloy sa pagkain. Rinig ko naman mga tawanan nung kasama niya habang si Aaron ay hindi maipinta ang mukha.
"Pilosopo ka pa rin sa'kin tulad nung dati," bulong niya na hindi ko narinig.
"Sa'yo what?" tanong ko na ikinagulat niya.
"A-ah wala!" sa'ka tumakbo sa likod ni seb na ikinatawa ko.
Napatigil lang ako sa pag-tawa ng maramdaman kong nasa akin lahat ng tingin.
"Woahh ngayon lang ba kayo nakakita ng diyosang katulad ko?" full confident kong tanong.
"Hindi naman! palagi ka kasi naming nakikita sa billboard so hinde." nginitian ko naman ulit si Aaron sa'ka tumayo.
"Alam mo! kanina ka pa ha!" sa'ka ko siya hinabol dahil tumakbo siya.
SEBASTIAN.
"Woahh ngayon lang ba kayo nakakita ng diyosang katulad ko?" full confident niyang tanong kaya napangiti ako. Chelsie will always be Chelsie.
"Hindi naman!" sa'ka ngumiti si Aaron. "Palagi ka kasi naming nakikita sa billboard so hinde." nginitian naman siya ni Chelsie kaya nagsimula ng magtatatakbo si Aaron.
"Alam mo! kanina ka pa ha!" sa'ka niya hinabol ito.
Ngingiti-ngiti ko naman silang tinitignan. Mag-kakaibigan talaga kaming lima noon pero mas close kaming dalawa ni Chelsie sa kadahilanang masyado siyang clingy na sakin.
"Alam mo kuya," paninimula ni Jamaica na naka-ngiti ring pinapanood sila Aaron at Chelsie. "Ok na sa'kin ang kasama na ulit na'tin si Ate Chels," she sighed. "Pwede pa naman tayong gumawa ng bagong memories with her ehh." then she smiles.
"Yeahh," pagsasang-ayon ni Paul. "Pero mas maganda kung naaalala niya tayo diba? kita mo reaction niya nung minention natin si Alfred, which is pinsan niya biglang nanlaki mata niya so naaalala niya siya pero tayo hinde." malungkot niyang ani.
Nang makabalik na si Aaron at Chelsie dito ay tatawa-tawa na sila at nagkukulitan. Tumigil si Chelsie at lumapit sa'kin at sinuri ang mukha ko.
"Alam mo," panimula niya sa'ka mas linapit pa mukha niya. "May kamukha ka, kayo." ani niya saka kami tinuro. "May kamukha talaga kayo sa panaginip ko pero," umiwas siya ng tingin.
"Do you know Stein?" tanong niya dahilan para magulat kami. "Nevermind! pero kamukha mo talaga siya. I wonder if it is you." then she smirked and leave the cafeteria leaving us here dumbfounded.
"W-what the hell happened?" kumukurap na tanong ni Aaron.
"She slowly remembering us," bulong ni Jamaica.
"May himalaa!" sigaw ni Paul dahilan para mapatawa lahat ng tao sa cafeteria.