"Elai, gising na anak," napakamaliyar ng boses na iyon, isa sa mga paborito ko at ang pinaka-magandang boses sa buong mundo na narinig ko.
Dahan dahan akong luminga sa paligid habang inaayos ang aking pwesto sa higaan. Ngumiti ako ng bahagya nang ramdam kong nasa paligid lang si inay.
"Elai, dali na. Hinahanap na tayo ni madam Cora," muli niyang utal. Kung kaya't iminulat ko na ang aking mga mga at dahan dahang iginusgos ang aking kamay sa mga mata at niyugyog ang katawan upang manatiling gising.
Bumangon ako sa papag, at itinali ang aking di-ganon kahabang buhok gamit ang ibinigay ni nanay na ipit, "Nay, ako na ho riyan." alok ko kay inay na abala sa pagliligpit ng aming pinaghigaan.
"Elai, ako na rito. Bumaba ka na lamang at paghandaan ng tsaa sina Madam," tumango naman ako bilang tugon.
"At tsaka, nak," dagdag ni nanay kaya napalikod ang tingin ko kay nanay.
Hindi ko mawaring nagtatrabaho lamang si nanay bilang kasambahay ng pinakamaimpluwensiyang pamilya sa buong isla. Sa bawat tingin ko kay inay ay para akong naluluha at hindi ko iyon kayang pigilan.
Dahan dahan siyang lumapit sa aking kinaroroonan kasabay ng pagluha ng aking kay babaw na luha.
Simula ng hinapo ang buhay ni itay, lumugmok ang pag-asang makararanas kami ng masaganang buhay. Nalugi ang pagawaan ng alak ni itay na siyang negosyo niya simula pa noong ako'y isinilang. Hindi ko man lang nakasama ng matagal ang aking itay. Madami akong hinanap kung saan ako nagkulang. At isa na ang kawalan ng isang ama.
Hindi ko namalayan na tagaktak na pala ang aking luha na pumatak na hanggang sa laylayan ng aking bestida,gayon din si nanay na kanina pa nakayakap sa akin, at hinahaplos ang aking likuran, "anak, tahan na. Magiging maayos din ang lahat, ha."
Tumango ako bilang tugon. Hindi ko namalayan ang oras na nakunsime dahil sa aking pag da-drama.
"Elai, dalian mo na sa baba nang hindi na magalit pa si Madam." punto ni inay, kung kayat dali dali kong binaba ang napakahabang hagdan patungo sa baba ng tila mansiyon na tirahan nina Madam.
Ulit kong ini-ayos ang aking hitsura, at ang aking bestida bago ko tuluyang pasukin ang mala-panaginip na mundo ng kapita-pitagang pamilya ng isla.
"Magandang umaga," bati ko sa mga tagaluto sa mansiyon, bitbit ko naman ang ipinapagawang tsaa ni Madam. Ako ang pinagagawa niya ng kaniyang tsaa dahil iba ang lasa ng aking gawa kumpara sa mga sikat na taga-timpla ng tsaa. Siguro, mana nga akong tunay kay itay.
"Magandang umaga rin, binibini." Sabay na bati nilang lahat sa akin.
Lumuhod ako at nginitian ko silang lahat para bigyan ng galang, "Sarapan niyo pa mga ginoo, paalam!" ikinumpas ko ang aking kamay sa kanila hudyat na ako'y dapat nang humayo.
Mabilis kong nilakad ang pasilyo ng mansiyon. Nasa dulo kasi ang kuwarto ni Madam, na talagang naghihintay na kanina pa. Tumingin naman ako sa napakalaking mga bintana ka kanan ko at nakita ang mga kalalakihang ginagawa ang kulungan ng mga hayop.
Binati ko sila, "Magandang araw!" Sigaw ko dahilan para umalingawngaw ang boses ko sa pasilyo.
"Kay ganda kapag ikaw ang araw, binibini," sabat ng isa sa mga lalaki. Bahagya naman akong natawa sa kaniyang sinabi. "Nangbola ka pa, mag-ingat na lamang kay-" putol kong sabi. Nabasag naman ang platito at
Ang tasang tsaa, nagkalat ang bubog sa paligid pati narin ang laman nito.
"Patay, anong gagawin ko? Paano na?"
Tarantang utal ko sa kawalan, habang abala sa pagkukup-kop ng mga bubog sa sahig.
Mas nagulat ako noong nakitang may tao sa harapan ko. Patay na talaga. Lamunin mo ako o, lupa!
Baka isa siya sa mga bisita nina Madam, o di naman kaya isa sa mga anak niya?
"Baka masugat ka, ipagsawalang bahala mo na lamang muna yan sa ngayon." direktang saad ng lalaking aking nabunggo.
Anong hindi ipagsasawalang bahala? Kasalanan ko ito. At talalagang malalagot ako kay Madam.
Tumayo ako ng dahan dahan habang nakatukod ang aking ulo. Wlaa akong mukhang mai-haharap sa taong nasa harapan ko.
"Why are you hiding you're face, binibini?" Mahinahong saad ng lalaki sa mababang tono.
Ako nama'y mistulang nawalan ng lakas at hindi makaharap sa kaniya. Kahit na alam ko ang ibig sabihin niya'y hindi ko pa rin mabigyan ng tingin ang ginoo.
Kita ang pumapatak na tsaa sa kaniyang pantalon, "Are you deaf?" Seryosong tanong ng lalaki sa akin. Parang ngayon ko lamang uli nadinig ang kaniyang boses, napaka-pamilyar nito, parang galing sa ibang bansa, at may halong banyaga ang aksento ng pananalita.
"Elaithra, is this your welcome?"
Siya nga, ang boses na hinanap ko sampung taon ang nakalilipas. Ang taong hinanap ko, matapos ang mga taong 'di ko kayang lampasan.
Unti-unti kong itinaas ang mukha ko para masabi kong siya nga.
"Aren't you going to see me?" Biro niya. Hindi ko iminulat ang mga mata ko matapos kong initaas ang mukha ko. Ayoko siyang makita. Hindi ko dapat siya makita.
Ngunit hindi kaya ng puso kong hindi siya makita. Kaya iminulat ko ang aking mata upang tuluyan ko siyang makita.
At hindi nga ako nagkamali saaking hinala. Siya nga iyon.
"J-jandro?"