Chereads / Magical Academy (on-going) / Chapter 16 - Chapter 12

Chapter 16 - Chapter 12

Chapter 12

By;Rabbit_65

"First DaY"

Sakura Eve Wilson PoV

Matapos ang nakakawalang ganang araw na yon, heto kami sa kwarto, ako nagbibihis at yung isa naliligo...

First day na First day na buwisit na ako. Paano ba naman,

Napaka nakakainis ang iksi ng palda... Buti naisipan kong dalhin yung palda ko na kaparehas ng palda sa School ko, at buti ang nakuha ko ay abot tuhod kaya walang problema. isama mo na yung blouse na, bakat yung ano ko, ahh basta yung ano ko, ilalabas talaga yung hubog ng katawan mo dito. At May necktie din na kasama...

Buti nalang May cout dito pang doble alam mo namang ang daming manyak sa paligid...

A/N;( eto po ang uniform ni Eve)

So eto ang anyo ng palda dito kulay pula at May gintong dalawang line sa ibaba nito. Kulay puti naman ang blouse. Kulay pula naman yung necktie. Kulay itim yung cout at boots na kulay itim na hanggang tuhod na may 4 inch ang tangkad ng takong nito...

Hindi ba sasakit yung Paa ko rito?

Ang taas! Sino ba kasi ang gumawa nito I rerelaklamo ko...

Hays.....

Napatingin naman ako sa body size mirror na nasa gawi ko...

"Kkyyyyaaaahhhhh... Ikaw na girl...." Mapatakip ako ng tenga ng tumili si Wendy sa likod ko...

Kita ko siya sa salamin na nasa tapat ko. Ang ganda niya bumagay ang uniporme sa kanyang katawan... Medyo maikli talaga ang palda....

A/N: ( yan po ang uniform ni Wendy)

"Pwss, tumigil ka nga" inirapan ko nalang ito at tumingin muli sa salamin...

"Alam mo, mas maganda kung tanggalin mo yung wig mo" nagulat ako sa sinabi niya, teka alam niyang May wig ako?..

Sabagay obvious naman na Naka wig ako...

Na itim. Yahh...

Kulay puti ang wig ko noong nakaraan kaya pinalitan ko na ng itim. Ayoko na kasing puro puti nasawa na ako..

"Dali na tanggalin mo na, para makita ko yung true hair mo Eve" lumapit ito saakin at hinila niya yung braso ko at padabog na umupo sa kama ko...

"Tsk... Ang ingay mo ano?"

"Sigina tanggalin mo na" pangungulit nito saakin (✷‿✷)

"Sigi ka ako mag tatanggal niyan" banta nito... Sinong tinakot mo?

"Ok, ok, fine... Mauna Kana sa sala, nakahain na yung pagkain doon, susunod rin ako mamaya" ani ko rito at tinulak palabas sa kwarto... Pagkakaalam ko Naka lock ito ahh...??

"Sige hihihi"

Hays... Hindi ko inaasahang ganoon siya ka daldal...

Napaupo naman ako sa kama habang Naka titig sa salamin...

Tatanggalin ko ba o hindi na?

Hindi nalang...

Tatanggalin ko nalng baka magunaw pa ang mundo sa kadaldalan nya...

Sinimulan ko nang tanggalin ang wig na nakapatong sa buhok ko...

Namangha ako ng masilayan muli ang scarlet blonde hair ko. Humaba nanga ito...

Pinatong ko yung wig na nasa lamesa at agad kong sinuklay ang kulay pula kong buhok...

'mas-humaba ka na ahhh' bulong ko...

"Eveeee!!!" Ng marinig ko yung boses ni Micaela ay kumaripas na ako ng takbo patungo sa sala. Tapos na bang kumain yun?

Wendy Arabella PoV

Ang tagal naman noon. Gutom na ako ehhh. Habang nasa sala ako kinuha ko muna yung phone ko sa bag.

Mmm... Inopen ko yung FB account ko...

Yes hindi magpapatalo ang mundo namin sa Mortal world nohh...

High-tech kaya lahat ng gamit dito... Halos araw-araw maraming naeembento ang SADOM city..

SADOM City isang lugar na nagkontrol sa mga electronic at mga electricity ng Enchanta...

Ito'y pinamumunuan ng kaharian ng Electra Kingdom .

Na May hari at reyna...

Sina reyna Merida Collins

At haring Carac Collins

Nay isa din silang anak na nagngangalang Prinsesa Andrea Collins ng Electra Kingdom...

"Eveeee!!!" Sigaw ko rito. Ang tagal naman non, mag tatanggal lang ng wig mahigit dalawang oras ang kupal...

*Bllaaaggg*

Nakarinig ako nag kalabog na nanggaling sa kwarto. Pagbukas nang pinto....

Wahhhhhhh ang gunda nya..... I like her blonde hair... Nakakaakit plus ang hot niya...

"Ang ganda mo talaga eihhh. Kainggit," lumapit ako rito at hinawakan ko yung hair nya...

Wahhh.... Ang labot...

"Tsk... Ikaw palang ang nakakahawak ng buhok ko" ani nito...

Luhhh... Since birth hindi siya nagpahawak ng buhok?..

Wehh? Since birth din siyang marunong mag suklay?

hhhahhahhaaah... Kahit hindi ko nakikita na iimagine ko...

"Luh, sha, kain na tayo" ani ko rito at nagsandok na ng kanin...

Time to skipppppp>>>>>>>>

Simula makalabas kami sa dorm puro Bulungan ang aming naririnig kagaya ng...

'ang ganda nila'

'diba sila yung nagpakita kay queen?'

'si sila yung Bitch'

'mga papansin'

'ampapangit'

'ang hot nung si miss blonde'

'witwiw... Ang hot nila' tsk mga manyak...

'siya ba yung nakahuli kay Oscar?' sabay turo kay Sofia...

'ayy weh?'

'Ang naman ng itsura niya ngayon kumpara sa itsura niya na nasa poster'

'Ewan ko baka mana, Witch sya?'

At marami pang iba...

Pansin ko rin na iba iba yung mga kulay ng uniform nila... Bakit kaya?

'omayyy..... Taga section Elites sila?'

'so you mean mag kaklase sila ng mga Royalty?'

So kaklase namin ang mga Royalty?... O nagkamali lang ako ng dinig... Si manyakkkkk... Naaalala ko nanaman yung manyak na yun...

Hindi nalang namin pinansin ang mga papansin at nagpatuloy kami sa paglalakad..

Teka.....saan ba kami pupunta?

"Saan punta natin?" Tanong ko kay Eve

"Sa Billboard" sambit nito

"Ahhh... Kabisado mo ba yung pasikit sikot dito?"

"May tracking device etong relo ko"

Kaya pala kahapon may bitbit siyang relo..

"Saan mo nakuha yan"

"Nagembento ako"

"Ahhh... Pwedeng ako din? Please" *pacute*

"Alam ko namang hihingi ka kaya ginawan na kita"

Inabot niya sakin yung kulay blue na relo kagaya rin ng kanya pero kulay asul yung aken..

Mahhh... favorite...

Teka nga!!! Kailan niya nalaman na gusto ko rin ng ganoon?

"At alam ko namang mabait ka" niyakap ko siya ng mahigpit kasing higpit nang pagmamahal ko sayo...

Char~

"I c-can't b-breath"

"Sorey, excited lang, hihi. Thank you"

Sinuot ko na ito at pinagmasdan ang ganda talaga...

"Pwede mo ring ilagay ang mga gamit mo diyan"

"Kahit ano?"

"Oo"

"Kaya pala kokonti yung bitbit mo kahapon"

Hindi nalang ito nagsalita at patuloy parin sa paglakad... Biglang umikot ang kamay ng relo at umilaw ito dahilan upang napatingin ako rito..

Lumitaw ang asul na hologram...

Ang astig May mapa ng buong school...

Ang lawak talaga ng Ilvermony...

Napahinto nalang ako ng huminto si Eve...

"Ba-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita ito...

"Pagkatapos ng first class natin... Pupunta tayo ng gym... Para kunin ang result ng test...

And take note pwede tayong mailipat ng ibang section, hindi permanent yung first class natin..." Sambit nito habang Naka tingin sa Billboard na nasa harapan nya..

Hindi nalang ako nagsalita. Ang wired ko ngayon nohh... Hindi ako maingay, sabagay kasali sa pagpapanggap ko yun...

Roselyn Everett POV

"Narinig nyo yun" biglang sambit ni Cavin..

So nasa royalty office kami ngayon naghihintay ng pizza na pina delivery ni Louis/kuya ko kanina...

"Ang alin?" Tanong ko rito

"Sabi ni HM ipag hahalo nadaw ang Elite Section at silver Section" mabilis na sambit ni  Ariella..

Pero bakit nila ipaghahalo...

"Ano bayan, inunahan mo ko Ariel"

Yung sabon na ARIEL pang asar lang ni Cavin kay Ariella. Malay ko ba Jan sa dalawang yan palagi nalang aso't pusa kung mag away. Never pa yang nagbati sa tanang buhay nila.

"Malay ko bang sasabihin mo"

"Malay Koring uunahan mo ako"

"Abat. Talagang sasagot kapa"

"Oo. Sasagot talaga ako kasi May bunganga ako"

"Ampangit mo"

"Mas panget ka unggoy na TIDE"

ARIEL at TIDE ? Anong klaseng paguutak ang mga to at naisipang Ariel at Tide ang calling sign?

"Oyyy.... Awat na... Baka hindi nyo magustuhan ang susunod na mangyayari sa inyo." singit ni Louis sa kanila. Sigi sumali ka ng.....

"Tumigil ka nga" sabay na sambit ng dalawa...

"Ginagaya mo ba ako?"_ Ariella& Cavin

"Aba-" sabay na sana ng sumigaw si Ashton

"B*LSH*T!!! SH*T THE F*UCK UP, CAN YOU!!!"...

our cursing machine.

Alam nyo naman na isa lang ang kayang magpatahimik sa dalawa. Walang iba kundi ang nag-iisang mainitin ang ulo sa amin. PRINCE ASH may love... Kinikilig na ko...

At kung bakit ba naman mainitin ang ulo Neto dahil. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ang napaka ingay ng paligid. Kung totoosin nga mas kaunti ang pasensya niya kaysa kay Ace na napaka haba.

Ehh yung kay Ace naman kung naabot na sa climax yang pasensya niya, nakapatay na yan. Pero wag kayong mag alala once in a blue moon lang yan kung pumatay. Pwera nalang kung May ipapagawa si HM.

Napatingin ako sa nakasandal sa pinto, Naka cross arm at nakapikit na si PRINCE ACE ang pinaka tahimik sa lahat. Bihira lang yan magsalita at napaka cold pa. Wala siya pakelam sa mundo at kung ano mang walang kwentang bagay. Palagi rin siyang mag-isa at kung mawawala yan, wag ka nang magtaka pupunta lang yan sa kanyang pahingahan ang GARDEN.

'A peaceful place' para sakanya. Ewan ko ba dito...

"Kasi etong si Ariel/Tide kasi!!"_ sino ba sa kanila ang nanggagaya o sadyang sabay talaga... Masyado na silang nahahalata... Mmmmm...

Ng matapos naming maubos ang pizza ay lumabas na kami sa office at sa ngayo'y naglalakad na kami sa hallway...

Wala kasing marunong mag luto saamin at kung ako ang tatanungin nyo, Ang May alam lang sa pagluluto sa amin ay si Ace na bihira lang kung magluto. Nag padala na nga sila mommy ng chief pero ni isa wala namang dumarating. Ewan ko ba !

'kyyaaaa.... Nanjan na sila...'

'i love you prince caden'

'ang gwapo talaga ni prince Ace'

'ang hot ni prince Louis'

'hindi kaya mas hot pa si prince ashton'

'ang gaganda talaga nila Princess'

Mga bulong Bulungan ng mga bubuyog sa tabitabi...

Para kaming bulaklak na dudumugin ng mga bubuyog. Hays....

Kailan pa ba matatapos ito!!!

Tapos etong dalawang lalakeng ito enjoy na enjoy maki landian sa babae na mahaharot.

Princess Andrea Collins PoV

"Hi babe!!"

And here we are...

Dumating na ang reyna ng mga bubuyog na pinaka impakta. Ginamit ang kapangyarihan upang sumikat... At eto na nga siya naka kapit sa braso ni Ace.

Buti nalang at kumalas si Ace. Mukang nadidiri sa pinaggagawa ng impakta...

Isa pa hindi nakikisalamuha ang isang Ace na kilala namin. Kakausapin kalang niya kung may tanong o kailangan. Hindi rin niya hilig na lumandi hindi katulad nung dalawa na nasa harapan ko.

Yung isa hawak ang bewang noong kasama ni Impakta. At yung isa naglalandian sa harap namin nila Roselyn and Arielle.

Si Ariella ang sama ng tingin kay Cavin. Nag selos na tohh?

At si Roselyn naman ayun hawak ang cotton candy na kanina niya pa pinapapak. Nag kakatoncil ba ang babaeng ito? Ang hilig sa matatamis.

Napatingin naman ako sa babaeng pilit na pinapahawak ang d*d* niya kay Ace kala mo naman kalakilaki. Tsk napairap nalang ako sa kawalan.

Sino paba edi si Crystal Ferrer isang torn manipulator at ability niya ay hipnotic. Yes hipnotismo...

Kaasar nga ehh...

'nalaman nyo bang ipinahiya si queen. Kahapon ng transferee' dinig kong bulong ng isang bubuyog

'oo, kalat kaya sa FB at Twitter'

Anong sabi nya? Napahiya si Crystal sa isang transferee?

Si Crystal Ferrer napahiya?

Bakit hindi ko alam toh?

"Haha kaya pala may pasa ka sa pisngi" natatawang sambit ni Cavin.

Bagay lang sayo yan. Tsk!!

"Bwisit kasi yung transfereeng yun!, Tinapunan ako ng kape!" Nag pout naman ito at mas lalong idinikit ang d*d* niya kay Ace.

'SKL?' rinig kong bulong ni Ariella na kanina pa nanlilisik ang mata. Problema ba nito?

"Ok lang naman eto, maganda parin ako diba Ace?"- Crystal

Walang sumagot at napabulong nalang ako sa hangin.

'kala mo kinaganda muka ngang ipis!'

Narinig ata nito dahil kita ang pagtingin niya sa akin.

"May sinasabi ka ba princess Andrea?"- Crystal

"Wala sabi ko ang ganda mo kasi kasing ganda ng singit mo"- sambit ko rito dahilan para mapataw ang ibang studyante.

"Masyado ka namang harsh Andrea"- Crystal

"At masyado ka naring pabidabida"- at sa wakas naka salita na si Ariella. Buti bumalik sa ulirat ang babaeng eto.

"Close tayo?"- maarte kong tanong rito habang nakataas ang isang kilay

"Hoy tumigil na nga kayo!!" Saway ni Louis

Habang nagkatitigan parin kami ni Crystal ay biglang umilaw ng kulay berde ang mata niya...

Nako naman!!!

"SORRY QUEEN CRYSTAL"