Chereads / Deeply Inloved / Chapter 5 - Kabanata 3

Chapter 5 - Kabanata 3

Teach

"Na naman Mohini?!" si mommy. Pagkapasok namin sa study room ng bahay.

"Dati lalaki rin ang dahilan iyung nasangkot ka sa away."

I pouted and sat on the sofa.

"She started me suddenly." I insist.

"Hayaan muna Darling, tapos na iyon". Si daddy. Pinapakalma si mommy.

Kanina pinatawag sila mommy at daddy sa restaurant. Ganoon rin kina Kyla at Eliot. Mabuti nalang at kakilala nila daddy ang may ari ng restaurant kaya napakiusapan nila. May hindi lang napagkaunawaan kaya ganoon ang nangyari.

Kanina habang nag-uusap-usap sila. Tingin ng tingin si Eliot sa akin kaya puro irap lang nakuha niya.

"Malaki kana Mohini kaya you should act like a grown woman."

I was just quiet. Daddy leaned against the table. Mommy stood while scolding me.

"And You're woman for pete sake and yet mahilig ka paring makipag-away!"

"Iiwasan ko na nga, mommy!" I said.

We stayed a few more minutes inside. After mommy's sermons I was out. I went out first because I wanted to rest. I laughed at what I said before leaving.

"Napagod ako sa away kaya mapagpapahinga na ako, mom, dad." natawa si daddy, nailing naman si mommy. Ngumiti ako kay mommy bago isira ang pinto.

Bukas na iyung alis namin kaya nag-empake na ako. May mga damit ako doon kaya isang maleta lang ang gamit ko.

I reached for the phone as it rang. Lots of messages there. I read Clare's message.

Clare:

Open your account!

My forehead furrowed. I opened the account and looked at what was there. My eyes widened when I saw that I had a video there and it was still tagged on me. I opened the video and watched.

I was irritated watching the whole clip. All I got there was that I punched Kyla and kicked Eliot! and didn't include that Kyla pulled me and slapped me!

Earlier, the owner took care of it without a video coming out and it still got through!

Pumunta ako sa comment section.

Yumi Montesa: Grabi ang sakit siguro ng suntok niya!

Emmadon: once a warfreak, always a warfreak!

Ysa_mrgrt: Slut! Nilalandi si Eliot! #Mang-aagaw!

Nangunot ang noo ko. Ako nanaman ang mali! Ako itong umiiwas! Ako pa ang may kasalanan! Sobra na talaga sila! Walang magawa! Nagtsi-tsismis na nga lang mga mali pa!

Kinalma ko ang sarili at nagbasa pa ng iba.

Clare Mendoza: Bitches! Maganda lang talaga si Mohini kaya naghahabol si Eliot_the_bobo!

Natawa ako.

Kerstin Avila: Kulang pa nga iyan!

Kahit papaano may mga maganda parin namang comments. Binasa ko rin ang mga mensahe at nireplyan na rin. Tinanggal ko muna ang tag sa akin bago pinatay ang cellphone at hinagis sa kama.

Nakaka-stress ang araw na ito. Lumabas lang kami ni Randelle tapos naging ganito na. Si Randelle...ni hindi man lang niya ako tinulungan. Umalis nalang bigla. Sa bagay... Ikaw ba naman na maabutan na may kasamang lalaki sa girls room tapos gusot pa ang damit. Pero may kasama naman kami doon. Hindi nga lang nila nakita. Lalong nadumihan pa ang utak nila nung sinabi ni Eliot na inakit ko siya na nagpapahiwag na may ginagawa talaga kami sa loob. Kaya ganon nalang mag react sila. Pero diba atleast tinanong man lang ako.

Nakakaturn off si Randelle. Tss...hindi siya kawalan. Crush ko lang siya. Madali akong magsawa...

Kaya kinabukasan. paalis na kami ay nilambing ko si mommy at daddy sa sasakyan.

Nasa gitna nila ako nakaupo. Hindi naman galit si daddy sa akin pero nilambing ko parin. Kay mommy lang ako nahirapan. Medyo inis lang ng konti si mommy dahil kababae kong tao lakas daw makipag-away. Ayun nagbati naman kami ni mommy. Nagkuwentuhan ng kung ano-ano, pinag-uusapan ang mga damit, sapatos, girls stuff. At nang makarandam ng mapagod ay sumandal kay daddy at natulog.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay huminto kami sa isang drivethru restaurant. Alas-dose na ng tanghali kaya nakaramdam na rin kami ng gutom.

Alas-dos na ng makarating kami sa mansyon. Bumaba ako.

Kinuha ng mga kasambahay ang dala naming bagahe sa likod ng sasakyan at pinasok sa loob. Pumasok na kami sa mansyon.

The large chandelier greeted us on the ceiling. The large painting of the front wall hanging on the wall grabs attention. It was family picture. Grandpa and grandma were sitting on the sofa. The two children were standing behind them. Mommy is behind grandma. And the younger brother is behind grandpa. Si kuya Vicento.

Sumalubong sina lolo at lola sa sa amin. Kakababa lang galing ng hagdan.

"Nandito na pala kayo Emilia, Roman." bati ni lola.

Yumakap ako kay lola at humalik sa pisngi.

"Lola!"

"Dalaga na talaga ang apo ko!" tumawa si lola at sinipat ako.

Sinipat ko rin ang sarili ko.

Naka suot ako ng floral print off-shoulder cropped top and a line mini skirt naman sa baba.

Ngumiti lang ako.

Yinakap ko rin si lolo.

Pumunta kami ng dining room. Marami na ang nakahain doon. Nag-uusap sila habang kumakain. Minsan, sumasali ako kapag alam ko ang pinag-uusapan. Tatahimik lang kung tungkol na sa hacienda ang pinag-uusapan. Wala akong alam tungkol sa pamamalakad ng hacienda. Wala rin akong balak na matuto. Wala akong kahilig-hilig sa trabahong bukid. Iba ang gusto ko.

Wala pa si kuya Vicento. Nasa Hacienda. may inasikaso pa. Mamaya pa raw ang dating. Actually, Tito ko si kuya Vicento. Nag-iisa siyang Kapatid ni Mommy. Tinatawag ko lang siyang kuya dahil pakiramdam ko ang wierd pakinggan kung tatawagin ko siyang Tito, e. Limang taon lang naman ang agwat namin and boy! His fucking only seventeen!

"Hija, apo. Akala ko ay doon ka sa labas ng bansa mag babakasyon ngayong bakasyon at sa kataposan pa dito." si lola.

"Dito nalang po muna ako, lola. Hindi po kasi ako masasamahan ngayon nila Mommy at Daddy doon." tumingin ako sa banda nila mommy.

"May mga kabayo naman diyan. hija, pwede ka namang magpaturo sa mga trabahador kung gusto mong matuto."

Ngumiwi ako. Noong huling punta ko dito ay sinubukan kong magpaturo ng kabayo. Muntik na akong mahulog dahil ang likot ng kabayo at hindi ko pa masyadong maabot ang apakan.

"Para naman may pagkakaabalahan ka at hindi ka mabagot, Apo." dagdag niya.

Tumango nalang ako sa kanya.

Kalaunan, ng matapos ang hapunan o tanghalian ba yun dahil alas-dos palang naman ng kumain kami ay umakyat na ako sa dating silid ko. Sila naman ay tinuloy ang kuwentuhan sa sala.

Umupo ako sa kama. Chineck ko kanina kung nandito pa ba ang mga damit ko. Nandito pa naman. Hindi naman na ginalaw. Natawa ako ng wala namang gagalaw ng mga damit ko dito.

Rinig ko sa labas ang yapak ng mga kabayo. Sumilip ako sa bintana.

Nandoon ang mga ilang trabahador. Pinapaliguan ang mga kabayo. Napansin kong nandito na pala si kuya Vecento. Bumaba na siya sa kabayo.

Tumangkad lalo si kuya Vicento. Dati hanggang tainga ako ni kuya. Pero ngayon para atang hanggang leeg nalang! Seriously!? Tumangkad din naman ako ah?

May lumapit sa kanya na lalaki. Mas matangkad sa kanya ng kaunti. Nakasuot ito ng gray t-shirt at hapit na pantalon. Naka boots rin ito tulad ni kuya Vicento.

Nag-usap sila saglit ni kuya. Pagkatapos ay lumakad na si kuya papasok.

Naiwan iyung lalaki at ang ilang trabahador na pinapakain na ang mga kabayo. Kumuha siya ng pagkain ng kabayo at tumulong sa pagpapakain.

Hindi ko siya nakikita dati dito. Sino ba siya? Kaibigan ni kuya Vicento? Trabahador?

Nag-uusap sila habang pinapakain ang kabayo. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Maya maya nagtawanan ang mga trabahador. Tumawa din iyung lalaki. Shit!

Kahit malayo alam kong guwapo iyung lalaki! Nakangisi siya kaya mas lalong gumwapo! Damn! He's hot!

Madilim na sa labas ng bumaba ako. Nagpahinga ako saglit sa kuwarto at inayos ang mga dalang gamit.

"Nasira ang isang truck kaya natagalan pa sa paglipat ng tubo sa bahay imbakan." si kuya Vicento.

Nasa dining hall kaming lahat. Kumakain nanaman. Medyo hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

"Diba naayos na iyun?" si lolo. Medyo nakakunot ang noo.

"Iyung isang truck na naman ang nasira, pa."

"Ano raw ang sira?" si lola.

"Putol-putol ang wire, Ma. May butas din iyung dalawang gulong."

Nag-uusap sila tungkol sa hacienda. Hindi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nila. Ang alam ko lang may problema ang hacienda ngayon.

Kanina pa ako nababagot dito. Tapos na silang kumain pero patuloy parin sa usapan. Buti nalang sinali nila ako sa usapan.

"Dapat ngayon palang sinasanay na iyang si Mohini, Roman." si lola.

Bumaling siya sa akin.

"Lumalaki kana hija. Dapat ngayun palang matuto ka nang mamalakad ng hacienda." dagdag ni lola.

Tumawa lang si daddy.

"Naku mama, walang hilig si Mohini diyan, pagmomodelo ang nasa isip niyan." umismid si Mommy sa akin.

Kuya smirked at me.

Inirapan ko siya.

"Si kuya nalang, Lola. Tutal lalaki naman siya, kaya niya na iyan." walang saysay kong sinabi.

Ayoko talaga magtrabaho sa hacienda. Wala akong hilig.

The next day I woke up early. I just went down to eat. Then back to the room. I can't think of anything to do today. So I just climbed on the bed. Turning on the cellphone.

Kahapon, gusto ko sanang itanong kay kuya Vicento kung sino iyung guwapong kasama niya kanina. Pero parang masyado atang akong kuryuso. Baka magduda lang siyang masyado akong interisado sa lalaking iyun.

Sumilip ako sa bintana. Inaabangan ang iyung lalaki. Hindi ko siya makita. Saan iyun nakatira? Kung nagtatrabaho iyun dito baka nasa paligid lang iyun.

Bumaba ako. Wala na sila daddy at lolo. Si mommy naman at si lola ay nasa may garden. Nagkakape Siguro.

Lumabas ako. Pumunta ako sa kuwadra ng mga kabayo. May dalawang trabahante doon. Naglilinis sa loob ng kuwadra.

Binati nila ako ng makitang nakatayo ako sa may bandang pinto. Nakasilip.

Tumango lang ako sa kanila.

Umatras ng makitang wala doon ang hinahanap ko.

Baka naman kasama iyun ni kuya Vicento doon Hacienda? Hindi ko na nakita si kuya kanina kaya siguradong umalis na iyun.

Bumalik ako sa loob ng mansyon. Pumasok ako ng kusina ng maramdam ng uhaw.

Nandoon si Manang Rosa nagluluto. Bumati siya ng makita ako.

Ngumiti ako at bumati sa kanya pabalik. Ngayon ko lang siya nakita simula kahapon.

Kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator at uminom.

"Anong niluluto mo manang Rosa?" baling ko sa kanya.

Lumingon siya saglit bago bumalik sa niluluto niya.

"Ah...Kalderitang baboy ito hija."

Lumapit ako at tumingin sa niluluto niya.

"What's kaldereta?" tanong ko. Ngayon ko lang narinig ang salitang iyun.

"Masarap ba iyan?" tanong ko uli.

Tumawa siya ng mahina.

"Aba'y oo hija, masarap ito. Isa ito sa mga paborito ni Madam Veronica." binuksan niya ang takip kaya naamoy ko ang mabangong amoy.

"Ang bango! Parang gusto ko tuloy matutong magluto ng ganyan!" wala akong maisip na gawin kaya pwedeng magpractice nalang ng pagluluto.

"Pwede naman kitang turuan hija, kung gusto mo." suhestiyon niya.

"Talaga manang!?" nae-excite kong tanong. Tumango siya.

"Oo naman, hija. heto tikman mo." kumuha siya ng isang piraso ng karne na may kunting sarsa at tinapat sa akin.

Tinikman ko at napamaang ako sa sarap ng lasa! Ang sarap! Mas masarap pa ata sa mga mamahaling restaurant!

"Ang sarap pala!" ngumiti ako sa kanya.

I even watched the others she was cooking. Then I went up to the room. The first day I was bored. Fortunately, I saw a disturbance.

Nagbabasa ako ng libro.

Napaangat ako ng marinig ang mga yapak ng kabayo. Dumungaw ako sa bintana. Nanduon ang lalaki!

Tumingin muna ako sa salamin. Ng makitang maayos naman ang damit ko ay bumaba na.

Nakasalubong ko pa si mama pababa ng hagdan.

"Oh? Saan ka pupunta darling?" tanong niya. Nang makita nagmamadali ako.

"Sa labas lang mommy" humalik ako sa kanya bago nagpatuloy.

Nangmakalabas ay huminga ako ng malalim. Nanduon din si Kuya Vicento. Lumapit ako sa kanila.

"Kuya."

Napatingin sila sa akin ng magsalita ako.

"Mohini saan ang punta mo?"

"dito lang, kuya. Naiinip na ako sa loob e." tumingin ako sa guwapong lalaki. Nakatingin din siya sa akin.

"Pwede namang mamasyal ka sa hacienda, Mohini. Kung naiinip kana dito." suhestiyon ni kuya.

"Pwede rin, kuya..."

Patingin tingin ako sa lalaki.

Nang makitang nakatingin ako sa katabi niya ay pinakilala niya ang lalaki.

"Si Jaxin nga pala, Kaibigan ko, nagtatrabaho rin siya dito. Jaxin, si Mohini, pamangkin ko." humarap sa akin si Jaxin kuno.

"Jaxin" ang lalim ng boses niya at ang lamig. He held out his hand. I accepted his hand.

"Mohini ..." I smiled broadly at him. His rough hand covered my little hand.

I was saddened when he immediately withdrew his hand.

Tumalikod na siya at inasikaso ang kabayo. Nagpaalam na si kuya na papasok kaya tumango ako at sinabing susunod.

Tiningnan ko iyung lalaki. Hinihila niya ang kabayo papuntang kuwadra.

Sumunod ako.

"Kaibigan mo pala si Kuya Vicento...?" simula ko. Wala akong maisip na itatanong kaya iyun nalang kahit nabanggit na kanina ni kuya iyun.

Bumaling siya sa pwesto ko saglit bago bumalik sa ginagawa.

"Oo." Ang tipid ng sagot niya.

Lumapit pa ako sa kanya at dumungaw sa ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Nawawalan ako ng sasabihin sa tipid ng sagot niya.

Nilingon niya ako. Nakakunot na ang noo niya.

"Huwag kang lumapit masyado, baka madumihan ka." ani niya sa baritonong boses.

Lumayo siya ng kaunti.

"Matagal kanang nagtatrabaho rito? Ngayon lang kita nakita." ngayun ko lang nakita na may guwapong trabahador pala kami.

"Bago lang."

Tipid...

"Marunong kang mangabayo...?"

"Oo."

Naisip ko. kung pagluluto lang ang pagkakaabalahan ko siguradong magbabagot rin ako. Kaya susubukan kong sumakay ng kabayo rin.

"Puwedeng turuan mo akong sumakay?" nag-angat siya ng tingin. Ang kanyang kulay kayumanggi niyang mata ay nakatuon sa akin.

"Si mang Celso nalang magtuturo sayo."

"Ikaw nalang. Hindi ko naman kilala iyun e." nakakunot ang noo ko. Hindi ba ako maganda? Busy ba siya?

"Sa kuya mo nalang." tinapos niya na ang ginagawa niya at naglakad.

Naglakad din ako. Sumunod sa kanya.

"Busy iyon. Laging nasa hacienda."

"Tsaka magkakilala naman tayo a? Kaya ikaw nalang Jax." nagsalita ulit ako ng hindi nagsasalita.

Huminto siya bigla at humarap sa akin. Nabangga ko siya sa biglaang paghinto niya.

Lumayo ako kunti. Nakita kong umigting ang panga niya.

"Kanina mo lang ako nakilala." Malamig niyang sinabi.

Napakunot ako.

"Ano ngayon? Basta kilala kita kaya ayos na iyun." ngumiti ako. Iyung abot sa mata. 

Umiwas siya ng tingin.

He sighed before looking back into my eyes.

"fine." napalunok ako ng marinig siyang nagsalita ng ingles. Shit!

"B-Bukas...? Gusto ko bukas na. Puwede...?"

Hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin.

Hindi ako mapakali. Ang mga mata niyang nakatuon sa akin ay parang nanunuot sa kaluluwa ko. Nanunusok. Ang lalim ng tingin. Pakiramdam ko ako lang ang nakikita niya.

"Bukas ng hapon. Alas-singko, para hindi masyadong mainit."