Chereads / ONE SHOT STORIES COMPILATION / Chapter 2 - SHROUDED WITH VOICES

Chapter 2 - SHROUDED WITH VOICES

I JUST WANT TO BE HAPPY. NOT CONFUSED. NOT SAD. NOT STRESSED. JUST HAPPY.

Tumatakbo na naman ako. Lagi nalang akong nananaginip na tumatakbo ako pero wala namang humahabol sakin. Walang humpay ang pagtakbo ko kahit na nararamdaman ko ng medyo kumikirot ang mga binti ko , gusto kong huminto. Pinagpapawisan ako ng husto. Gusto kong magpahinga pero ayaw ng katawan ko.

Di kalaunan ay napadpad ako sa isang pangpang. Napakunot noo ako kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko pero agad ko rin napag isip-isip na siguro nga nahihirapan na rin ang sarili ko sa mga nangyayari sakin dito kaya ito na mismo ang nagkusang kumilos kahit hindi naman idinidikta ng isip ko. That's why I was here , to end my useless life maybe ?

Sabi nga nila ...

It's okay to give up but at least do something

It's okay to be weak but at least change something

It's okay to be lost but at least wander

It's okay to be stress but don't be shatter

It's not wrong to be wrong at least you stay strong but not wrong pero paano kung hindi mo na talaga kaya ?

Magiging matatag pa kaya tayo sa kabila ng kalupitan ng mundo ?

"Hahaha kahit kailan Vira hinding hindi ka magiging kabilang samin. Never as in never !"

"Hinding-hindi ka magugustuhan ni Johnny ! You trash !"

"Ginagamit lang kita para mas mapalapit ako sa bestfriend mo Vira"

"That girl really sucks ! Hypocrite ! A fame whore !"

"Bunga ka pala sa pagkakagahasa ng nanay mo ? Disgusting Vira !"

"Go away ! Hindi ka nabibilang sa mga kagaya namin. Go away and die !"

Ansarap sa pakiramdam na makakita sa sarili kong dugo na umaagos mula sa pagkakalaslas ko sa pulsuhan ko habang inaalala ang mga panahon na hindi ako itinuring bilang tao. Walang mapaglagyan ang sakit sa dibdib ko habang naalala ang mga masasakit na salita mula sa kanila. Ilang taon akong nagtiis at naghirap sa pakikisama sa ibang tao , sa pagsusuot ng maskara araw araw.

I am Alvira. 17 years old. A highschool student of St. Paul Academy. Only child lang ako at sa kasamaang palad ay wala ring maayos na relasyon sa nanay ko. Pagod na ako sa buhay ko. Pagod na pagod na akong gumising araw araw at iisiping papasok at lalabas na naman ako ng bahay para lang kutyain ng ibang tao pero hangga't kaya ko pa ngingiti ako. Ngingiti ako kahit magulo na ang nasa utak ko.

Pagod na akong mahusgahan kahit alam ko naman talaga sa sarili ko ang totoo pero hindi ko parin maiiwasang masaktan.

"Oooooy Vira. Lika sama ka samin. Naghihintay sayo si Johnny doon" saad ni Adrienne isa sa pinaka mean girl dito sa campus. Si Johnny ay yung lalakeng pinaka crush ko dito sa campus and everyone knows about it. Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko at saka yumuko dahil alam ko na kung ano ang gagawin nila.

"Pasensya na Adrienne may gagawin pa kasi ako eh" mahinahong saad ko at akmang aalis na sana ng hilahin nya ang buhok ko. Masakit.

"Na na na ! Hindi ka pwedeng tumanggi samin Vira" at saka hinatak ako papunta sa likod ng abandonadong building. May mga ibang estudyante ang nakakita samin pero sa halip na tulungan ako ay pinagtatawanan pa nila ako. Habang hinahatak ay pinagbabato ako ng mga estudyante ng mga paper rolls , hindi naman masakit pero alam mo yung totoong masakit ? Nobody cares about my feelings. About what will I feel. Kung masasaktan ba ako o hindi.

Hindi ko alam na mayroong ganitong lugar pala sa campus namin. Malakas nila akong tinulak upang maging dahilan ng malakas ring pagkalagapak ko sa sahig. Ininda ko lang ang sakit at saka tumingin sa kanila isa-isa. Mga nagtatawanang mga mukha ang nakikita ko. Are they happy by just doing this to me ? Ano ba ang nakakatawa sa ganitong mga gawain ?

Biglang tumunog ang bell hudyat na para sa susunod na klase at bago paman ako makatayo ay nagsitakbuhan na silang apat papalabas at saka nagmamadaling isinara ang pintuan at nilock. Hindi na ako nagwala pa dahil inaasahan ko na rin naman ito.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga pinagagawa nila. Hindi na bago sakin ang ganitong set up. Umupo nalang ako sa sulok at saka lihim na umiiyak. Sino ang tutulong sakin sa mga ganitong sitwasyon ? Wala. Wala kang maaasahan sa mundo. Mabibigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. Naalala kong may dala nga pala akong blade , kaya kinuha ko ito at saka nilapag ang bag ko , saka ako nagsimula na namang gumawa ng panibagong cuts sa wrist ko. This really feels so good. These red blood that slowly flowing down from my cuts , is so nice to see. Habang nakikinig ako sa mga boses sa loob ng utak ko na dinidiktang gawin ko pa. Nakakatuwa lang dahil wala akong maramdamang kahit anumang sakit at hapdi sa ginagawa kong ito.

Naalala ko noon...

"Sana hindi nalang kita naging anak "

"Sana hindi nalang rin kita binuhay ! Wala kang kwentang anak. Sana mamatay ka nalang ! Bakit pa nga ba pinalaki pa kita ?"

Mga katagang tumatagos sa puso ko at nagsilbing kutsilyong malalim ang pagkakabaon sa buong pagkatao ko. Iyan ang mga salitang hinding hindi ko makakalimutan mula sa nanay ko. Galit sya sakin dahil ako ang naging bunga ng pagkakagahasa sa kanya noong 18 anyos pa lamang sya. Lagi nyang pinaparamdam sakin na hindi ako kawalan kapag nawala ako sa mundong to. Lagi nyang sinasabi na sana namatay nalang ako simula palang. Masakit. Tagos na tagos sa puso ko yung sakit. Pero ang hindi nya alam ... ang hindi nya alam ay ginahasa rin ako ng mga walang kwentang tao sa mundo !

Yes. I've been raped several times. Pero wala manlang akong napagsasabihan sa mga problema ko , I was 10 years old back then. Hindi ko alam kung paano magsumbong sa mga otoridad kaya mas pinili ko nalang ang manahimik. Kinikimkim ko lahat. Nasusuklam sila sakin pero ang hindi nila alam na mas kinasusuklaman ko ang sarili ko. Life is so cruel to happen these things to me. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit at kailan ako tatayo muli.

I don't think people will understand how stressful it is to explain what's going on in your head when you don't even understand it in yourself. Ang dali lang para sa kanilang sabihin na magiging okay ang lahat. Na matatapos din ang lahat ng paghihirap ko , but little did they know na wapa nang saysay ang buhay ko.

There were so many voices inside my head telling me to end my life this way. Nang sa ganun ay hindi na ako maghihirap , hindi manlang ako nakaisip na malalampasan ko ang lahat ng ito. I've been so down.

Namimiss ko na ang dating ako. Yung masayahing Vira , yung malambing na Vira. Pero alam nyo yung masakit ? Walang ni isang tao ang napapakitaan ko sa tunay na ako. Gusto ko lang namang maranasan ang mapuri at mahalin din. But people are horrible as what the world is , hindi ka nila hahayaang maging masaya.

Itinali ko ang dala kong lubid sa ceiling ng classroom na ito. I guess this were I end up. Kinuha ko ang isa sa mga upuan at saka tumuntong dito. Wala akong ibang salitang binibitawan kundi "I JUST WANT TO BE HAPPY AND BEING ACCEPT BY OTHERS" and then I hang myself as soon as I'm finished uttering those words.

The loneliest moment in someone's life is when they are watching their whole world fall apart and all they can do is stare blankly.

-END