[Vlad's POV]
Mag-iisang linggo na ata ako dito sa apartment ni Faye. Dito na rin ako kumakain at naliligo sa apartment niya. About my drink (blood, of course), siya na rin ang bumibili, pero hindi sa black market kundi sa blood bank ng Leiden.
"Oy, Faye. May maire-reto ka ba sa'kin na trabaho?" Tanong habang kagat-kagat ang aking kuko sa hinlalaki.
"Ewan lang dun sa pinagtratrabahuan ko. May bakante kase dun eh." Sagot niya habang nagsasampay ng mga damit sa may maliit na balkonahe ng kanyang apartment.
"Teka, ano nga ba trabaho mo?" Tanong ko ulit sa kanya. Huminto ito at napalingon sa'king direksyon.
"Computer programmer. Bakit? Mag-a-apply ka?" Tanong nito pabalik sa'kin.
"Pwede naman siguro ako mag-a-apply, diba?"
Napaiwas siya ng tingin at bumalik ulit sa pagsasampay ng mga damit. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Oy, p*ta. Kailangan ko ng trabaho. Ayokong maging palamunin dito." Saad ko at huminto ito.
"Kompleto ba mga papeles mo?" Tanong nito sa'kin at napahinto ako.
"So, pa'no ka makakapag-apply niyan?" Humarap ito sa'kin at nagkibit-balikat.
"Oo na! Oo na! Wala akong kompletong mga papeles kase naglayas ako. Yan. Period." Sagot ko at umupo ulit sa sofa.
"Wow! Naglalayas din pala mga bampira. Amazing!" Sarkastiko niyang paghanga at sarkastiko din siyang pumalakpak.
"Eh may malalim akong rason kaya ako naglayas. So?" Tanong ko at nag-ekis ng kilay.
"Ba't ka ba kase naglayas?" Tanong nito sa'kin at umupo sa kabilang sofa. Kung maka-upo, parang lalake. Babae ba talaga 'to?
"Hoy! Sagot!"
"Eh-" Sasagot na sana ako nang may biglang sumira sa pinto ng apartment ni Faye.
"Yow, bunso. Long time no see. But now, see now. How are you now? Are you ready to be killed by me now? HAHAHAHAHA-"
"P*TANG*NA, YUNG PINTUAN NG APARTMENT KO BAYARAN MO L*TSE KA @#*#*$#$@#!"
🥀
[Faye's POV]
Sasagot na sana si Vlad nang may biglang sumira sa pintuan ng apartment ko.
Oo...
MAY SUMIRA SA PINTUAN NG APARTMENT KO!!!
Pumasok ang weirdong sumira sa apartment ko at sumasayaw-sayaw pa. Kumukulo ang dugo ko #$@!&%.
"Yow, bunso..." Pagbati ng weirdo.
Teka... bunso?
"Long time no see. But now, see now. How are you now? Are you ready to be killed by me now? HAHAHAHAHA-"
"P*TANG*NA, YUNG PINTUAN NG APARTMENT KO BAYARAN MO L*TSE KA @#*#*$#$@#!"
OO, NAPASIGAW AKO SA GALIT! WOOOH!
Napatigil ito sa pagsasayaw at tumingin sa'kin. Akala ko nung una itutulak niya ako gamit ang baston niya pero sa halip ay lumuhod ito sa'king harapan at humingi ng patawad.
"ÃŽmi cer sincer scuze! ÃŽmi cer sincer scuze!"
"Oy, ano sabi niya?" Bulong ko sa tenga ni Vlad.
"'Patawarin mo'ko,' yan sabi niya." Bulong ni Vlad sa'kin pabalik. Humarap sa'kin ang 'kapatid' kuno ni Vlad at tinitigan ko ito ng matalim.
"Siguraduhin mo lang na bayaran mo'ko, l*tse ka." Malamig kong sambit at lumuhod ito pabalik.
"Ba't ka naparito, Hanz?" Seryosong tanong ni Vlad sa 'kapatid' kuno niya.
"Is that how you treat your older brother, Silas?" Tanong nitong Hanz kay Vlad.
"Nagpakalayo-layo na ako sa inyo, hindi pa rin ba yan sapat?" Tanong ni Vlad pabalik kay Hanz.
"We want you back. 'The King's' orders."
'The King?' Sino?
"What in the name of the Tepes?! Pinapalayo niyo ko noon tas ngayon pauuwiin niyo ko? I'm already happy here in Leiden. I don't wanna go back to that sh*tty mansion-"
"Stop acting like a brat for f*ck's sake, Silas! Sa tingin mo ikaw lang ang ayaw?" Napahinto si Silas sa sigaw ni Hanz. "Si Amber mismo ang nag-utos sa'tin. Wala akong laban sa kanya kaya't kailangan nating sumunod."
"Bakit? Ano bang problema?"
"Tepes bloodline's in danger. Vampire hunting-"
"What?!"
"Kung ayaw mong mabura ang pangalan natin sa mundo, meet us at Tartarus..." Wika ni Hanz sabay abot ng isang invitation letter kay Vlad.
"And... miss?" Tawag niya sa'kin at napalingon ako. In just a snap of his fingers, ang sirang pintuan ay bumalik na ulit sa normal.
"La revedere." Huli niyang sinambit at tumalon ito sa bintana.
"Kapatid mo yun? Legit?" Tanong ko kay Vlad.
"Vladimir Hanz el Toreador y Tepes, pangalawa sa'min magkakapatid. Magkapatid kami sa ina." Dun ako nagulat.
Tepes? Bale ang ina nila ang Tepes?"
"Sino naman si Amber? Babae ba yan?" Tanong ko at tinutukan niya ako nang matalim na siyang ikinamanhid ng buo kong katawan.
"Wag ka nang magbiro diyan. Lalake si Amber. Vladimir Ambrogio Caramilla y Tepes. Ang pinakamatanda sa'ming tatlo..."
Caramilla? Support hero yan sa ML, ah.
"... at siya rin ang mas makapangyarihan sa'ming tatlo, as expected from a Caramilla."
"So, magkaiba pala ang mga ama niyo? Kaya pala." Wika ko at umupo sa sofa.
"Kaya pala ano?" Tanong nito sa'kin.
"Wala lang." Sagot ko.
Kaya pala magkaiba ang presensya at awra nila.
Ano kaya ang ama ni Vlad?
🥀
[Third Person's View/POV]
"Kegaling ko nga naman umarte, HAHAHAHA!" Umaalingawngaw sa bawat sulok ng silid ang tawa ni Hanz habang si Amber ay nakaupo sa trono nito at umiinom ng dugo.
"Job well done, Hanz. Bumalik ka na dun sa lungga mo." Utos ni Amber at napatigil sa pagtawa si Hanz.
"Naku naman, ang bitin naman ng kaligayahan ngayon."
"Eh di magpakamatay ka." Saad ni Amber at nagbasa ng libro.
"Ano ba yang binabasa mo?" Tanong ni Hanz kay Amber.
"Fifty Shades Darker."
"Naku, bahala ka na nga diyan. Umiiral na naman pagka-chixboi mo. Adios."
Naglaho si Hanz ng parang bula at naiwan si Amber sa silid.
"Magugulat ka sa sorpresa ko sayo, Silas."
🥀
- To be continued...