[Male Lead's POV]
Natutulog ako ng mahimbing nang biglang...
May bumukas sa cabinet na tinutulugan ko.
Though my world's upside down, I can still see the face of the bastard who opened the cabinet. Pero teka, wala naman akong karapatan para magalit, diba?
I stared at her while seeing her face panicking.
"U-um, Sir. M-mali ka ata ng pinasukang cabinet." Wika niya at napalunok.
"Oo, alam ko. Sorry." Aalis na sana ako sa cabinet nang aksidenteng nauntog ang ulo ko sa ibabang bahagi ng cabinet at napa-front flip palabas.
"H-hoy, ok ka lang? P-p*ta, wag mo'kong patayin. M-marami pa'kong p-pangarap sa buhay." Pagmamaka-awa niya at lumayo ito sa'kin.
"G-g*go, di ko trip pumatay ng tao." Dahan-dahan akong umupo sa sahig habang kamot-kamot ang aking ulo.
"P-pa'no ka nakapasok? Alam mo bang makakasuhan ka ng trespassing dahil sa ginawa mo?"
"Sorry, miss. Wala akong ibang mapuntahan." Tatayo na sana ako nang biglang dumilim ang aking paningin at natumba sa sahig. Dagli siyang lumapit sa'kin at inalalayan akong tumayo at pinaupo sa sofa sa kanyang maliit na sala.
"Ang payat-payat mo tas ang putla. Kumakain ka ba ng maayos?" Tanong niya sa'kin habang nagtitimpla ng kape.
"Ikaw ba. Hindi ka ba natatakot sa'kin na bampira ako?" Tanong ko sa kanya at siya nama'y tumingin sa'kin at biglang napatawa.
"Ikaw? Bampira? Siguro namalik-mata lang ako kanina-"
"Totoo yung nakita mo." Pag-putol ko at nabitawan niya ang kutsara. Umiwas siya ng tingin at nawala ang kanyang ngiti.
"Aww, ok. Pero di halata." Saad niya at tumawa ulit.
"Pa'no mo nasabi?" Tanong ko.
"Sa ganyang hitsura mo, di halatang bampira ka. Yung mga bampira kase, diba dapat nakabihis sila ng desente tas hindi sila basta-basta pumapasok sa cabinet ng iba?" Sarkastiko siyang ngumiti na ikinakulo ng dugo ko.
"Oh, heto kape mo." Wika niya at inabot sa'kin ang tinimpla niyang kape.
"Umiinom ka rin naman ng kape, diba?" Tanong nito at ako nama'y tumango lang. Tinanggap ko ang kape at humigop ng konte.
'Ang sarap.'
'Ang init.'
"Faye Casquejo pala. Ikaw?"
"Vladimir Silas von Kaizer y Tepes."
🥀
[Faye's POV]
"Faye Casquejo pala. Ikaw?" Tanong ko sa kanya at tumigil siya sa paghigop ng kape.
"Vladimir Silas von Kaizer y Tepes." Sagot niya at napanganga ako.
"Tepes? As in Vlad Tepes yung Vlad the Impaler?" Tanong ko sa kanya. Since bata pa'ko, mahilig ako sa history, lalo na sa mga bampira nung sinaunang panahon.
"Hindi! Ang tanda ko na siguro kung ako yan." Sagot niya at humigop ulit ng kape.
"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko.
"91. Naabutan ko pa ang labanan ng Axis at Alliance nung Ikalawang Digmaang Pandaigdig."
Mas lalo tuloy akong namangha sa sinabi niya. Tumingin siya sa'kin at napasimangot.
"Înfiorător."
"Ha?"
"Hakdog."
'Anong isasagot ko sa hakdog? Haktigididog?'
"Oy, may banyo ka?" Tanong ni Vladimir sa'kin.
"Opo, Sir Vladimir. Yang pintuang yan sa gilid ng kusina, yan ang banyo."
"Vlad nalang itawag mo sa'kin, wag 'Sir Vladimir.' Nakakahiya."
'Waw, may hiya ka pala.'
"Sige, sige. Ikaw bahala." Sagot ko at pumuntang kusina para magluto. Pumasok siya agad sa banyo at bahala na siya sa gagawin niya.
🥀
[Third Person's POV]
Sa isang madilim na eskinita sa siyudad ng Leiden...
"Hanz, may balita ka na ba kay Silas?" Tanong ng kausap ni Hanz sa telepono.
"Wala pa, Amber. Natakasan niya ako, p*ta." Nanginginig sa galit na saad ni Hanz habang kagat-kagat nito ang kanyang kamay.
"Magpatuloy ka sa paghahanap. Hindi natin makukuha ang kapangyarihan kapag hindi pa uuwi si Silas-" Binaba na agad ni Hanz ang telepono at naglaslas sa pulsuhan gamit kutsilyo. Hinayaan ni Hanz ang kanyang dugo na pumatak sa sahig hanggang sa ang kanyang dugo ay naghugis daga.
"Răzvan, hanapin mo Silas at babalik ka lamang dito pag nahanap mo na siya." Utos ni Hanz sa daga at tumakbo ito papalayo.
🥀
- To be continued...