Chapter 5 - Kabanata 04

Kabanata 04

First Mission

Alas singko pa lang ng umaga ay tapos na akong mag-ayos sa sarili. Handa na rin ang mga gamit ko para sa trabaho. Nasa isang luggage ang uniporme ko, ang combat boots, ang soldier's cap ko at iba pang gamit na related sa trabaho. Sa isang luggage naman ay mga normal na damit ko lang kasama ang mga importanting bagay katulad nalang ng laptop ko.

Naupo ako sa harap ng salamin at napabuntong hininga nalang habang pinagmamasdan ang aking repleksiyon. I looked liked my father, a girl version.

Ilang minuto ko iyong ginawa bago nagpasyang lumabas na ng kwarto. Dumiritso ako sa kusina para magtimpla nh kape, at naabutan ko si Marianne na kumakain ng oatmeal.

"Good morning, Ate Laney...." Halatang inaantok pa naman ang itsura nito pero agaf na ngumit sa akin.

"Hmm....morning. Bakit sobrang aga mo yata?" I went to the coffee maker at naghanda ng kape para sa sarili.

"Baka kasi pag late akong nagising ay umalis kana noon." Nakanguso man ay napakaganda parin nito. I stared at Marianne for a while at nginitian ito.

"Hmm...You woke up so early just to see me?"

"Uhuh...Ang tagal mo kayang wala, tapos ilang araw ka lang dito, aalis kana naman. Hindi man lang tayo nakapag spend ng more time."

Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi ni Marianne. Pero ito yung gusto kong gawin, and it makes me happy.

"I'll visit pag may time ako. And if that's happened, ililibre kita sa favorite botique." Agad na lumiwanag ang mukha ni Marianne nang marinig ang sinabi ko, pero agad ring ngumuso.

"Talaga?" pigil ang ngiti nito, pero kalaunan ay tuluyan na ngang napangiti. Tumango ako kaya mas lalong lumapad ang ngisi nito.

Alas said nang saby-sabay kaming kumain ng agahan. Tita Metchelle, Marianne, Tito Eduardo and Daddy. Puno ng kwentuhan ang hapag kaya hindi ko maiwasang wag makaramdam ng lungkot, dahil sigurado akong mamimis ko ito.

Hinatid ako nina Daddy sa airport habang nakasakay ito sa wheelchair.

"Always take care of yourself, Hija." Nakangiti pero naiiyak na saad ni Daddy, kaya mahigpit ko itong niyakap.

"I will, Dad. I love you po."

Pagkatapos yumakap kay Daddy ay sumunod naman si Tita Metchelle at Marianne.

"Keep my promise, dahil tutuparin ko iyon pag uwi ko."

I waved once more bago tuluyang pumasok sa airport.

Nang tuluyan nang mag takeoff ang eroplano, doon ko lang naramdaman ng tuluyan ang pangungulila ko sa pamilya ko. Kakatake off pa lang pero namimis ko na agad sina Daddy. I blew a loud breathe bago bumaling sa bintana at hinayaan ang sariling dalawin ng antok.

Hapon nang dumating ako sa Camp Crame. Nandoon na rin ang ibang kasamahan ko noong nag te-training palang kami. I can see the excitement in their eyes, just like mine. Pero hindi ko rin maiwasang di makaramdam ng lungkot.

"May plano pa sana ang batch mates at mga barkada ko'ng mag hiking this week, kaso nga, tawag na nang trabaho kaya wala akong magagawa," natatawang saad ng isang sundalo malapit sa akin. He's wearing his Type B uniform, may nakalagay na Lt. Esperanza, katulad din ng sa akin. Tinatawanan ito ng mga kausap, at katulad din sa kanila ay naka Type B na.

"Tss! Hiniwalayan ako ng girlfriend ko dahil dito," himotok ng isa, kaya napailing nalang ako.

This is the reason why I don't want to jump into a relationship. I'm busy at kaunti lang ang oras na maibibigay ko kung sakali. Kahit pa sinabi ni Ashton na maghihintay ito, hindi rin naman ako mag-eexpect na totohanin niya.

"Kaya dapat Air Force Rin ang magiging girlfriend natin. At Lea sila, alam nila at maiintidihan nila kung bakit busy tayo, kasi ganoon rin naman sila."

Napaismid ako dahil sa narinig. Kung mahal mo ang isang tao, iintindihin mo siya at ang trabaho niya! Tss!

"Lietenant Monroeville."

Napatayo ako ng tuwid mula sa pagkakahilig ko sa dingding dahil sa pagtawag ni Major Eliazar sa akin. Natahimik rin ang mga sundalong nasa malapit sa 'kin at nagsi-ayos nang tayo.

"Good afternoon, Major," sabay sabay na nagsalute ang mga sundalo sa malapit ko, ganoon din ang ginawa ko. Matapos nagbaba ng kamay si Major Eliazar ay agad itong bumaling sa akin.

"Prepare your chopper at may assignment kayong pupuntahan, kasama kayo doon Lieutenant Espacio at Lieutenant Esperanza," tukoy nito sa dalawang sundalong nag uusap kanina at ang sundalong brokenhearted.

"30 minutes at aalis na kayo. May mga makakasama kayo mamaya."

Agad na nagsalute ulit kami bago umalis si Major Eliazar. Sabay na sumunod sa akin si Lieutenant Esperanza at Lieutenant Espacio at nag-ayos na rin sa sarili. I climb up the chopper at sinubukan itong paandarin nang ilang minuto bago pinatay muli.

Nakapagbihis na kami ng complete uniform nang dumating si Major Eliazar, kasama ang apat pang mga sundalo, tatlo doon ay mga babae na hindi ko kilala at isang lalaking sundalong nakikita ko na dati pa dito sa crame. Sinipat ko ang tatlong babaeng sundalo at nakita ang mga apilyedo nito sa badge ng uniporme. Hindi ko kasabayan sa training ang mga ito, kaya sigurado akong galing ang tatlo sa ibang Infantry Batalion.

"Lieutenants and Cadets, Lieutenant Monroeville will be your pilot. Just like what I'd instructed, eche-check niyo lang ang isla sa West dahil may namataang rebelde na nagkakampo sa islang iyon. Eche-check lang, is that clear?"

"Sir, yes, sir!" sabay sabay na sagot namin.

"Good. Maghanda na kayo."

"Yes, sir!"

Sinipat ko ang mga bagong dating na kasamahan nang umalis si Major Eliazar. The guy seems friendly, but the girls are..... nevermind. Hindi ko gusto ang timpla ng mga mukha nito.

"Are you good at operating a chopper? Baka hindi pa man natin na re-reach ang destination natin, we crashed na already."

Agad napataas ang kilay ko dahil sa kaartehan ng boses ni Cadet Del Rosario. Tumango-tango rin ang dalawang kasama nitong babae na puro rin mga kadete.

"Why? Do you know how to aviate a chopper or a plane?" balik tanong ko.

"I don't, that's why I'm making sure."

"If you don't know anything about aviation, stop questioning us, pilots. And if you can't trust my knowledge about this, feel free to tell that to Major Eliazar. Ayaw kong may kasama sa isang eroplanong wala namang tiwala sa kakayahan ko. Baka imbes na maayos ang assignment natin, ay iba pa ang pagkakaabalahan mong isipin," mahabang litanya ko.

Tumahimik ito, pero nanatili parin ang pagtataray nito sa mukha.

"Don't underestimate our Lieutenant, Cadet Del Rosario. She can make a plane swim and fly back in no time," natatawang dagdag ni Lieutenant Espacio sa akin kaya iningusan ko ito.

"Pang aasar galing sa isang brokenhearted, huh. Nice try," balik asar ko kaya ito sumimangot.

"Let's go," seryoso kong saad kaya tahimik na sumunod sa akin ang anim palapit sa chopper. Sinipat ko muna ang mga ito bago minaniubra ang chopper paalis sa lugar.

Sinamaan ko nang tingin si Lieutenant Espacio matapos itong lumipat sa right cockpit. Pero nagkibit-balikat lang ito at isinuot ang headphone sa tabi nito. Napailing nalang ako at hinayaan nalang ito sa ginawa.

Halos isang oras bago narating namin ang islang tinutukoy ni Major Eliazar. Hindi ito crowded katulad ng mga kalapit nitong isla. Medyo binabaan ko ang pagpapalipad ng chopper at nilingon si Lieutenant Espacio sa tabi na may hawak na telescope.

"May napansin ka bang kakaiba?" pasigaw na tanong ko para marinig nito ng maayos ang tanong ko.

"I can't see any in this side. Try to the left, Lieutenant."

Kaagad kong minaniubra ang chopper, at doon pinatingnan. I heard Cadet Del Rosario said something, pero hindi ko iyon masyadong narinig kaya nagtanong akong muli.

"What is it, Cadet Del Rosario?" medyo pasigaw ulit na tanong ko.

"Why don't you palapagin ang chopper so we can check the area ng maayos?" tunog pagsusungit iyon.

"Hindi natin kailangang ipalapag ang chopper kung titingnan natin ang area. We can do that while we're here. Use your telescopes to check the place, hindi natin kailangang bumaba pa."

"But we can check it more kung ilalapag mo!"

"I said I won't go lower! If there are rebels in this area, mapapahamak tayong lahat sa desisyon mo! I am the pilot and my decision is final. If you want, you can go there, alone!" naiinis na saad ko. Masyadong pinapairal nito ang pagiging masungit sa oras ng trabaho.

"Kung hindi mo iniisip na maaari tayong mapahamak sa desisyon mo, Cadet Del Rosario, please, just shut your mouth," dagdag ko pa.

Natahimik ito at hindi na rin kumibo ang iba, tanging kaming tatlo nalang nina Lieutenant Espacio at Lieutenant Esperanza ang nagpapalitan ng salita.

"Let's turn to East side, baka doon....."

"Fuck! Prepare yourselves! Walang magpapaputok!" sigaw ko nang bigla kaming paputukan.

Mabilis na minaniubra ko ang chopper paalis sa lugar at agad naman iyong ipinaalam ni Lieutenant Espacio sa Camp Crame.

My heart is beating so fast at puno nang galit ang isip ko.

"What the fuck was that!"

Ngayon pa yata nakabawi si Cadet Del Rosario nang makalayo na kami at tinatahak na ang malawak na karagatan pabalik.

"This is what Lieutenant Monroeville mean. Kung bumaba pa tayo kanina, siguradong bukod sa sabog ang chopper na to, sabog din ang mga ulo nating pito."

Si Lieutenant Esperanza ang sumagot noon at tumahimik na ang mha ito hanggang sa nakarating kami sa Camp Crame.

----

GorgeousYooo 🍀 💜