Chapter 39 - Special Chapter

Special Chapter

Davin

Nakangiti ako habang kausap sina Tita Analea at Aliza na mas lalong gumanda. Kagabi pa ang mga ito dumating sa hotel na tinutuluyan ng mga bisita sa kasal namin ni Alec. Pero hindi ako nagkaroon ng chance na maka-usap ang mga ito dahil sa sobrang busy. Si Tito Armando ay kausap ang Mommy't Daddy ko. Samantalang si Aztiel ay nakikipag-laro sa mga batang nandoon rin.

"Tita Captain, you don't have a chance to date with Tito Gian, you're married already," sabay nguso ni Aliza, kaya sabay kaming natawa ni Tita Analea.

"Who's Tito Gian, Iza?" boses iyon ni Alec na nasa likuran ko na at agad pinulupot ang braso sa beywang ko at humalik sa pisngi ko.

"It's my friend's Tito, Tito Alec. I want him to date with Tita Captain when she was in our house."

"What? You'll let other man to date my wife, Iza?" 'Di makapaniwalang tanong ni Alec. Natawa ako dahil sa reaksiyon nito na parang dismayado.

"You are not yet her husband that time, Tito!" masungit na giit ni Iza kaya napailing nalang ako.

"But she loves me that time already," giit din ni Alec. Sinamaan ko ito nang tingin pero nanatili ang paningin nito kay Iza.

"And Tito Gian is handsome, duhh!" sabay irap ni Iza.

"I'm more handsome than anyone, Iza. That's why your Tita Captain marry me." Nagmamayabang na saad ni Alec bago ito nagpaalam na kakausapin lang ang ibang bisita. I nodded at him bago bumaling sa paligid.

Agad napataas ang kilay ko nang mamataan si Aida at Harry na papasok sa reception area. Magkahawak-kamay ang dalawa at inaalalayan pa ni Harry itong makalakad ng maayos dahil sa mahabang dress nito.

Aida is my maid of honor, at si Harry naman ang best man ni Alec. I didn't know that this two will create something huh.

"I'll just talk to my friend, Tita. Enjoy here, Tita."

"Okay sure, Hija. Spend your time." Tumango ako bago lumingon ulit sa gawi ni Aida.

Mas lumapad ang ngisi ko nang bahagyang yumuko si Harry at may ibinulong kay Aida bago ito mahinang tumango at namula pa. I slowly walked towards their table nang makalayo si Harry.

Mas lalong namula ang pisngi ni Aida nang makita akong papalapit. Kagat-kagat nito ang labi at bahagyang ngumuso. She really looks adorable, no wonder if Harry will fall for this girl.

"It's been so long after the last time we talked, Aida." Nakangiti kong bati dito. "And I bet... you have your Prince Charming now," dagdag ko.

"W-Wala naman, Captain...'saka, playboy 'yon." Sabay nguso nito na ikinatawa ko.

"Hmm... halata naman. But who knows," kibit-balikat ko.

Agad akong naupo sa tabi ni Aida at pinagpatuloy ang pakikipag-usap. I miss this. I miss talking with them. Nakita ko rin si Lawrence na kausap ang iba pang taga QIA's kaya hindi ko na ito inisturbo pa.

"Do you have a plan on going back to work, Captain?" Ilang sandali pang saad ni Aida. Mahina akong tumango.

"Yeah… hindi na yata mawawala sa sistema ko ang pagpi-piloto," natatawa kong saad. "Nakakatakot, pero nagbibigay naman ito ng kakaibang saya tuwing ginagawa ko."

"Hindi ka pipigilan nang gwapo mong asawa?" Aida hysterically said na tinawanan ko.

"He's a pilot too, that's why he understands me. You know how does it feel when you are in the sky. For normal people sky is the limit, but for us, cabin crews, sky is our home." Aida gave me a half shrug at ininum ang wine sa baso nito.

"You know what, Captain, what happened last four years gave me a trauma. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na day-off ko nang mangyari iyon o hindi. Kinakain ako ng takot ko pero hindi ko magawang tumigil sa trabaho dahil aside sa iyon ang bumubuhay sa pamilya ko, mahal ko rin ang ginagawa ko."

I nodded at Aida. She is very lucky dahil day-off niya noong nadisgrasya ang eroplano. Hindi ko rin alam kung pagiging makasarili ba ang ipagpasalamat iyon, pero sobra-sobra ang pasalamat ko.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang makita ko ang nakakunot na noo ni Davin palapit sa pwesto namin.

Bumuntong-hininga ito pagka-upo pa lang, at mas lalong kumunot ang noo.

"What's wrong with you?" Masama ang tinging ipinukol ko dito.

"Nothing," sabay ismid ni Davin sa akin at sinipat si Aida na tahimik lang kaya napataas ang kilay ko.

Nanatiling tahimik si Aida at bahagyang sumisimsim sa baso. Hindi rin ito makatingin sa amin at mailap ang mga mata nitong nakatingin sa pinuntahan ni Harry kanina.

"Oh really? Nothing? When you're face looks like sh*t now?" Pangbabara ko dito kaya masungit ako nitong tinapunan nang tingin.

"What?" I added.

Davin crossed his arms over his chest at siniringan si Aida na parang hindi na komportable sa inu-upuan.

"Nothing, Ate. I just saw a woman with a man earlier. But the man also was with someone else's now."

"Are you really referring someone else's or yourself?" Tumaas ang kilay ko kay Davin, nanghahamon.

Umismid ulit si Davin sa akin. Aida looks fidget on her seat habang patuloy parin nitong tinatanaw ang pinuntahan ni Harry kanina. Napatuwid lang ako nang upo dahil nakita ko na bahagyang natigilan si Aida sa nakita. Napalingon ako sa tinatanaw nito at nakitang may kausap si Harry na babae, at nakikipag-tawanan pa ito.

I looked again at my brother pero nanatiling busangot ang mukha nito at tinungga ang alak sa baso.

"I'll go inside, Ate."

Sabay alis nito at 'di man lang nagpaalam sa kasama ko.

What the hell was that?!

---