LEAF AGUSTIN
"Mommy, parang ang hirap yata ng hiling mo?" Tanong ko kay Mommy. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at pilit ipinapasok sa kokote ko ang sinabi ng Nanay ko.
"Aha! At sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sa lalaking 'yun. And wag mo akong maMommy-mommy hangga't 'di ka pa napirma sa marriage contract niyo!" Minsan naiisip ko kung sa kaniya ba talaga ako nagmana o anak niya ba talaga ako. The rahing voice of her was destroying my eardrums.
"Do I have a choice." Umirap ako sa ere. Just like any other girls who chose to marry an old freak man just to be rich! Perahan lang ika nga.
" 'Wag mo akong mairap irapan, malilintikan ka sa akin Leaf!" Blah, blah, blah. "Balita ko mayaman daw ang lalaki, at isa pa may kotse, at higit sa lahat may sariling kumpanya." Nanuot ang makukulit kong cells sa aking veins. Hearing the word company makes my brain more practical.
"And what company is it?" Kunwari'y wala akong gana sa sinasabi ng mahaling kong ina.
" 'Di ko nasagap eh, basta mayaman kaso 'di ko alam kung matandang hukluban ba o bata pa o kasing edadan ko."
"Mom, what if ikaw na lang kaya ang magpakasal sa lalaking tinutukoy niyo, tutal naman ikaw ang interesado sa kumpanya at kayamanan niya." I was so sarcastic this time. Really para sa pera isasangla niya ang anak niya? This beutiful woman named Leaf Agustin ay ipapakasal niya lang sa 'four M (em)' as in Matandang Mayamang Mabilis Mamatay.
"Leaf, I know that your Mom still has charisma yet I'm married na sa Daddy mo." Sabagay
"Oh speaking of Dad. Where is him?" I asked about where did my Dad go, para lang maiba ang usapan namin.
"Gambling." What?! Wala na ngang pera naggamble pa?! Tsk!
"Really? Kaya naubos pera natin eh." 'Di ko maitago ang pagkasarkastiko ng boses ko.
"Nagbabakasakali lang s'ya na muling maibalik ang pera natin. Buti nga at pinautang ako ng tita mo." Really? Nangutang para lang makapag-gamble? Nice!
"Ay s'ya. Mabalik tayo sa usapan." Umusog siya nang kaunti papalapit sa kinauupuan ko. This urge of her smells like a CHISMIS o 'di kaya ay may gusto itong ipagawa sa akin. "Ngayong araw din mismo ay pupuntahan mo ang kumpanya ng lalaking binanggit ko sa'yo at make sure that you will sign the contract!" She sounds like a boss na nagpapamadali ng mga research para sa isang proyekto. I hate this side of my Mom. As in I REALLY HATE IT.
Isang malakas na kalabog at pagbukas ng pinto ang sumira sa ngiti ng nanay ko "Talo na naman!" Sinundan naman ng malakas na pagkabasag ng vase malapit sa katapat namin sofa. Natamaan ito ng bag ni Dad na inihagis niya matapos niyang dumating mula sa-SUGAL! Talo na nga makuwa pang magbasag!
My Dad changed a lot ever since he entered that nonsense gambling. Mabilis siyang nagagalit o naiinis, madalas din silang nagtatalo ni Mom and the reason is MONEY! Nawala ang kumpanya sa amin dahil nga sa nalugi sa gamble at noong wala ng pera para isakatuparan ang kaniyang bisyo ay walang pakundangang isinanla sa isang kalaban niya ang kumpanya. But he ended up defeated. My family lost everything, even a single coin.
Continuation...
Wala akong galang na tumayo at nilisan ang kaninang inuupuan ko sabay lumakad papunta sa kwarto ko. Thank God! He didn't sell our house for his own called game.
"Leaf! Pumunta ka na roon, at may pag-uusapan lang kami ng Dad mo!" Huling litanya ng nanay ko bago ako tuluyang makaakyat at dakuin ang kwarto ko.
Pagkapasok ko ay agaran kong inilock ang pinto at padausdos na napaupo sa likuran ng pinto. I even saw my pictures back then. Mga panahong college ako at pinipursue ko ang modeling. I even made a promise to myself that someday I'll see myself walking at the center stage of next top model. For now bye muna modeling.
My tears dropped as I realized that my plan was continuously breaking into pieces. Agaran ko rin naman itong pinunasan at tumayo ako mula sa pagkakaupo. Tinungo ko ang banyo at walang anu-ano ay binuksan ko ang shower, ang ending basang basa ako. Nakasuot pa sa akin ang damit ko habang patuloy ang agos ng tubig. Maya maya pa ay...
"Nakanang– nawalan pa ng tubig! Moment ko na 'yun eh!" Napahilamos ako sa mukha ko ng wala sa oras, dala ito ng inis at sakit. Aishhh!!! 'Di nakikisama ang tubig!
Napipilitan akong hinubad ang damit ko at nagtapis ng tuwalya bago lumabas ng banyo.
"Mom! Walang tubig!" Sigaw ko mula sa labas ng kwarto ko. Aishhh, no money na nga no water pa!
"Baka sarado ang kontador?" Balik sigaw niya.
No choice bababa ako at bubuksan ang kontador dahil wala na kaming yaya. Part of bankruptcy. Inopen ko ang kontador na medyo naninigas na ang handle at pinihit ito pakanan. Open naman pero 'di gaano nakabukas kaya pinull ko na, mukha yatang mahina ang tubig ngayon.
Kasalukuyan akong nakatapis ng tuwalya at tanging tuwalya lang ang mayroon habang naglalakad pabalik ng bahay. Bago pa ako makapasok ay nasagap ng pansin ko ang isang puting papel na nakasingit sa mail namin.
'Disconnection Notice'
Holy crap! This notice was dated three days ago. And this day was the disconnection of our water supply. Naks! 'Di man lang nagbayad, sabagay wala rin naman kaming ipangbabayad.
Mabigat ang loob kong bumalik sa bahay.
"Oh ayos na ba?"
"Ayos na. Disconnected na." Wala kong ganang tugon.
"Naku naman!" My Mom sounds frustrated. Paano ba ako liligo nito?
Agad akong tumakbo paakyat ng kwarto matapos kong maalala na may miracle wipes pa ako, HAHA!
Punas here, punas there. And boom! Ready to go!
Simpleng white dress lang at heels, sinabayan ko pa ng silver bracelet at necklace and also a silver earings–a small circle shaped earings. Light make up and boom! Ready to go. I hope maging maganda ang daloy ng pagpunta ko sa lalaking 'yun. And I'm hoping he's not FOUR M.
Actually my mind was not that established yet about this–about my Mom's Plan. And all I know now was how to escape this life's suffering stage. Do I have to go with that guy or do I have to find a job?
"Oh holy cow!" Mahina kong saad ng maalala ko na, hindi ko pala naitanong kung sino ba 'yung lalaking 'yun, his company's address, his background profile o kahit anomg detalye lang sa kaniya, all I know was that guy ay kadyot na kadyot na at gusto ng mag-asawa. Oh geez.
Aissshhh! Kung kailan kilometro na ang layo ko sa bahay saka ko lang naalala! Nice! Masakit pa naman sa paa ang takong na kasing taas ng Eiffel tower. Buti nagdress lang ako at hindi naisipan na magsuot ng fitted dresses or suits.
Dahil nga sa sakto lang ang pera ko na ipapamasahe ko mamaya papunta sa kumpanya ng lalaki, kaya ito ako ngayon naglalakad sa gitna nang naghuhumindik at tirik na tirik na araw. Sino bang matinong makakaisip ng umalis ng bahay nang alas dose ng tanghali? Ako lang! Kasi mag-iinit lang ang ulo ko kung mag-istay pa ako sa bahay ng ilang oras. Baka maubos lang ang buhok ko sa stress, at mapurnada pa ang magiting na plano ng nanay ko.
And as of the moment I was walking back pabalik ng bahay. Mabuti na lang at nakapagdala ako ng payong kaya medyo nabawasan ang direktang sikat ng araw. And another thing I used sunblock so that I will not get any sunburn after this walk. Dahil ready ang isang tulad ko at nakapagbaon ng flat shoes na nakasilid sa aking medyo classy bag. Agad ko itong sinuot at ibinag ko ang aking heels at tumakbo pabalik ng bahay. Medyo malapit pa naman ako kaya uuwi na muna ako at magpapalipas ng ilang oras bago umalis. Ayaw ko naman na mangamoy araw sa harap ng imimeet up ko, baka masabihan pa ako n'on na bakulaw.
May mga humihinto sa aking tricycle para kuno isakay ako pero dahil nga sa wala naman akong pambayad ay todo tanggi ako, and I know some of them have a bad plan. Tsk.
Taimtim akong pumasok sa bahay matapos magpunas ng pawis na namuo sa aking noo. Sobrang init sa labas as in. Pinas nga naman! A tropical country. I guess umaabot sa thirty eight degrees Celsius ang heat index kanina. Baka sa makalawa ay umulan dahil sa sobrang init.
"Mom, I'm bac--"
"Oo nga, sinabi ko na."
"Teka ano-- Bata pa? And naghahanap ng asawa para magkaroon ng anak para maipamana ang kumpaya?" I heard my Mom, mukhang sumasagap na naman ito ng bagong tsismis.
"As in the company of world's luxurious watches?" Ramdam ko ang gulat sa boses ni Mom. Pag usapang pera malakas talaga antenna niya.
"Mom what is it?" I asked sabay salampak ng pagod kong katawan sa sofa. Nakita ko naman si Dad na kakalabas lang galing banyo at agad ding pumasok sa kwarto nila ni Mom. Until now his face looks so defeated. Ikaw ba naman umutang pa para lang makapaggambling kaso ang ending talo.
"Leaf!!!" Bumalot sa aming mumunting mansyon ang malakas na tili ng aking ina. Kaya ito ako todo takip sa aking tainga. "Mayaman, nagmamayari ng Company that produces the most luxurious watches in the whole world, at higit sa lahat bata pa–kaedaran mo lang." There they go–my practical cells was so active right now. Hearing the word 'Luxurious' and 'Kaedaran' ko lang! Kaso ang tanong-- "At gwapo raw--"
"Address please. Nagmamadali ako."