Chandler's POV
Euthanasia.
Euthanasia.
What is that?
Minutes ago, I remembered what Aurisse had said yesterday.
"Weeks have passed right? I wish what I thought was wrong." -Aurisse.
"What?"
"Euthanasia. But anyway, that won't happen to our Ken."
I fished out my cellphone of my pocket and searched for the word. It means, killing a terribly ill-person, that's been comatose for months without waking up, by removing the life support.
I gasped in shock.
But of course, with permission. It stated. No--
"Chan, Hijo. Tara na." Pag-aaya ni Tito.
"Sino po mag-babantay kay Ken?" Because we are going to the orphanage Ken was caring for, when she was still fine.
"Wait." Tito goes out and then I heard some mumblings through the ajar door.
"You're welcome, Hijo. Glad you came home for Ken." Rinig kong saad ni Tito.
Then, pumasok na sila, it was Thaddeus. "Chandler?" He was confused.
"Thought you would not be here. 'Cause you are into Ianne, right?"
"Were."
"What are you doing here?"
"I must be the one asking that. What are you here for?"
"For Kennedia, my childhood friend. Nothing else. I don't mind others' business, Chan." He sarcastically said.
"S--" I was interrupted by Tito. "Tara na Chandler. Lydia's waiting. We will be back at night, Thaddeus! Thank you!"
I saw him smirked but also saw rage in his eyes. I know he loves her, not as a friend but as a woman.
He's the one that suggested the idea of having a restaurant. Ended up na sumali na ako kasi kasama silang lahat, yes, we own a restaurant. Doon dapat ako mag-po-propose kay Ken.
I am not going to let him get Ken from me.
***
Nakisakay na lang ako kina Tito at Tita kasi sabi nila "para sabay-sabay na".
"Chan, may I ask? Hindi ka na ba pumapasok sa trabaho mo?" Tita asked.
"Pinaki-usapan ko po over phone 'yung client, na kung pwede ma-delay ng isang buwan 'yung pagsasagawa ng bahay niya. She said yes, and the team let me leave for a month."
"Well, ilang araw na lang meron ka?"
"A week na lang po, Tita."
"Oh that's sad, buti na lang honey, dumating si Thaddeus." Tita said to Tito.
No, I want to be there for Ken myself, ayokong nasa paligid niya 'yung Thaddeus na 'yun. I want to be by her side and the first she'll see when she will be awaken.
***
Nakarating na kami sa orphanage, pero dahil pinag-hahanda pa ang mga bata, lumabas muna ako at nakipag-usap sa workmate ko.
["You're the head engineer here, Chan. Please, baka magalit na si Ma'am, baka umatras na 'yun, ang dami na nating naumpisahan. Please. Patapos naman na ito. Then, kaysa ka mag-leave, maghahanap na lang kami ng sub mo muna."]
"Fine, fine. Sige. Baka umalis muna ako sa grupo, okay lang na tanggalin niyo na ako. My girlfriend is more important."
["I know, sana lahat may girlfriend. Kumusta na pala si Ken? Improving?"]
"Stable pa rin. Totally unconscious. Dumating na rin galing US 'yung kaibigan niyang baliw sa kaniya."
["Alam mo namang mahal na mahal ka niyang girlfriend mo diba? Hihintayin ka niyan. Hindi 'yan rurupok sa iba, sayo at sayo lang."]
"Yes, hindi talaga, I won't let that happen."
["Sige na, thank you rin pala sa one month leave ha? Baka magka-girlfriend na ako HAHA."]
"Impossible. I'll hang up."
["Okay, bye."]
Bumalik na ako sa loob at nakita ang mga masasayang bata na nakaupo ng tahimik. Nang makita nila ako ay nagsigaw-an sila. May isang bata naman na lumapit at yumakap sa mga binti ko. Ang liit niya talaga. "Prince!" At saka ko siya binuhat.
"Kuya, kumusta po?" Bulol niyang sambit. Ito 'yung batang ka-close talaga namin ni Ken.
"I'm fine." I am not totally fine. Pero bata siya, dapat hindi pinapa-problema ang mga problema sa kanila.
"Nasa-an po si Ate Kennedia?"
Ibinaba ko siya tapos lumuhod ako sa harap niya, "Busy si Ate Ken, 'di niya nagawang magising ngayon sa sobrang pagod." Sa sobrang pagod kaiintindi sa akin.
"Dapat po ginising niyo siya."
"Hindi na, mahal ko siya 'di ba, Prince? Hahayaan ko muna siyang magpahinga."
"Ang bait niyo naman po, Kuya. Pero alam ko po na ganun din po gagawin sa inyo ni Ate." Napangiti ako sinabi niya, sa murang edad na pito, matured siya sa pag-iisip.
Oo, alam ko. Si Ken pa ba? Selfless 'yun 'e. Mahal na mahal ako 'nun.
"Hala, Kuya. Bakit ka umiiyak, 'di kita pinapaiyak ah!"
Napa-singhot ako at pinunasan ang aking mukha. "Napuwing lang ako, Prince. Hayaan mo, pinapangako ko na pagbalik ko rito, kasama ko na ang Queen. Bali, kumpleto tayo kasi ikaw si Prince, ako ang King at si Ate Ken ang nag-iisang Queen natin."
"Opo, miss ko na po siya. Sana po 'di na siya abala next time."
"I hope so, Prince. So, umpisa na tayo."
"Sige po. Thank you po sa pagdalaw ah. Sayang po talaga, akala ko po makikita ko si Ate Ken."
I just smiled. Pumunta na ako sa unahan kasama sina Tita at Tito, at sinimulan namin ang program.
I just can't stop smiling, the children are so happy. Wish Ken was here. I miss her.
In this orphanage, we do charity for the children. Hindi ko pa alam ito dati, until sa niyaya ako ni Ken. Sabi ng parents niya, siya nagsimula nito 'nung 10th birthday niya, hindi siya humingi ng para sa kaniya, sinabi niya lang na gusto niya mag-donate sa orphanage. Iisa lang itong orphanage sa bayang ito. Sa murang edad, naisip niya nang tumulong sa mga bata. Naalala ko nga na isang daan lang daw ipon ni Ken 'nun, pero dinagdagan na lang nila, kahit natatawa sila. They were touched.
The others in this orphanage graduated already, and working. Hinihikayat pa rin nila na tumulong din sa orphanage 'yung mga nag-graduate na.
My girl doesn't only love children, she helps children, especially out-of-school children. Bukod sa kagandahang panlabas na taglay niya, I loved her because of her pure and good heart.