Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

17-YEARS OLD

🇵🇭Zhyllien_Writes
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4k
Views
Synopsis
Is BREAK UP worst than having a broken family ? Is BREAK UP worst than having no one besides you rather than yourself ? Is BREAK UP worst than a feeling of being treated like you are not belong to this world ? Is BREAK UP worst than being alone ? Wanting someone to comfort you , will hug you and will say , everything will gonna be alright ? Is BREAK UP worst than having all the responsibilities you carried alone while dealing your everyday life ? No ! Definitely not. What's worst is being alive but definitey dead inside. I am Phoebe Inez Samaniego , a 17-year-old teenage girl who stands and battling alone in this cruel world at such a young age.
VIEW MORE

Chapter 1 - LIFE IS .... (ONE SHOT)

A U T H O R ' S N O T E

This is a work of fiction. Names , characters , places , events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons or dead are merely coincidence.

Happy reading ...

------------

They said , "Everything happens for a reason"

People change so that you can learn to let go.

We believe people lies so we eventually trust no one but only ourselves.

Things go wrong so that you can appreciate them when they're right.

People leaves so someone will come and treat you the way you deserve to be treated.

Pero para sakin , "Everything happens because it is meant to happen" kung ano ang nakatadhanang mangyayari , ay mangyayari.

Sometimes , we have have to put things that were once good to an end before it turns toxic to our wellbeing.

There is always an end .... there is always a boundary ... and not all things are meant to last forever.

I saw a random post of some teenagers like me saying "BREAK UP IS THE WORST THING THAT HAPPEN" , I frown while reading while getting some unanswered questions popping out in my mind.

Is BREAK UP worst than having a broken family ?

Is BREAK UP worst than having no one besides you rather than yourself ?

Is BREAK UP worst than a feeling of being treated like you are not belong to this world ?

Is BREAK UP worst than being alone ? Wanting someone to comfort you , will hug you and will say , everything will gonna be alright ?

Is BREAK UP worst than having all the responsibilities you carried alone while dealing your everyday life ?

No ! Definitely not. What's worst is being alive but definitey dead inside.

I am Phoebe Inez Samaniego , a 17-year-old teenage girl who stands and battling alone in this cruel world at such a young age.

--------

"Phoebe ! Tapos na ba yan ? Bilisan mo !" tawag sakin ni Mang Arnold. Ang may-ari nitong karenderyang pinagtatrabahuhan ko.

"Opo ! Tapos na po to" sagot ko sa kanya saka nilalagay na sa isang bowl ang niluto kong nilagang baboy.

Maliban sa pagseserve ko sa mga customers dito ay ako rin ang minsang nagluluto kapag wala si Aling Maring ang asawa ni Mang Arnold.

Bitbit ko ang isang bowl ng nilagang baboy at saka nagmamadaling isenerve ito sa isang lalakeng nakaupo sa medyo sulok na mesa.

"Enjoy po" nakangiti kong sabi sa kanya at saka di na ako nag-abala pang hintayin ang sagot nya , agad akong bumalik sa kusina.

Sabado at linggo ako nandito dahil may klase ako mula lunes hanggang huwebes lang. Yung biyernes naman ay nagtatrabaho ako sa isang fast food delivery . Walang araw na hindi na wala akong pinagkakaabalahan.

Tinanggal ko na ang apron na suot ko at saka nagpaalam na kay Mang Arnold. Hanggang alas 5 lang naman ako dito.

"Mag ingat ka Phoebe" pahabol sakin ni Mang Arnold at saka ko naman sya nakangiting tinanguan.

Tinignan ko anh oras mula sa keypad kong selpon at pasado alas 5 palang ng hapon. Dumeretso ako papunta sa public library para maghanap ng libro na pwedeng maging source sa homework namin.

Ganito lagi ang routine ko. Walang araw na hindi ako pumupunta ng library , kaya nga nasasanay na sakin ang mga librarian na nagbabantay dito.

Abala ako sa paghahanap ng libro ng makita ko na ito sa wakas , kukunin ko na sana ng may nakahawak din nito sa kabilang parte ng library. Sumilip sya sa mga aklat na hindi maayo nailagay ng mga gumagamit siguro ...

"Ms. Ako ang nauna nito" mahinahon nyang sabi sakin.

"Nako. Ako po ang nauna nito" magalang kong pagkakasabi. Pero hindi nya parin ito binitawan.

"Pwede bang ako na muna gagamit ? Kailangan ko lang kasi para sa assignment namin" pakiusap ko sa kanya. Pero nabigla ako ng marahas nya itong hinablot mula sa pagkakahawak ko kaya nakuha nya ito.

"Pasensya na Ms. pero ayokong bumagsak sa subject na to" saad nya saka umalis at nagtungo sa tabke kung saan nakalagay ang mga gamit nya.

Hindi na ako nag-abala pang makipag-agawan niyon. Masyadong pagod ang katawan ko para makipag agawan sa kanya. Niligpit ko nalang ang mga gamit ko at saka umalis na sa library. Nagpaalam ako kay Mrs. Castro na naka assign sa pagbabantay ngayon.

Umuwi nalang ako sa bahay kong nasa eskwater. Mabaho , amoy alak at sigarilyo , amoy rin ng mabahong kanal , dikit dikit yung bahay na gawa sa mga kahoy at plywood.

Malayo sa mga bahay ng mga kaklase ko. Nakapasok lang naman ako doon sa campus na iyon ay dahil sa scholarship na natanggap ko.

Pero kabilang banda kahit nasa eskawater ako nakatira hindi maipagkakailang masaya rin naman mamuhay mula harap. Yung kahit gaano kaliit ang isang bagay nagagawa mo itong pahalagahan.

Pumasok ako sa mismong bahay na inuukupa ko mula pa noong magsimulang dumating ang malaking dagok sa buhay ko. Namatay sa isang aksidente ang nanay at tatay ko kasama ang dalawa ko pang kapatid. Lulan sila ng isang bus papuntang Maynila habang ako naiwang mag isa sa lola ko.

Kagagaling ko lang sa skwela nung panahong iyon , labintatlong taong gulang ako , nang agad sumalubong sakin ang lola kong di magkamayaw sa pag-iyak. Nagtataka akong tinignan sya , nagdadalawang isip pa sana syang sabihin sakin ito pero sa huli ay napilit ko rin sya.

Alam mo yung pakiramdam ng bigla ka nalang nawawalan ng lakas at di mo manlang naramdaman ang malakas mong pagbagsak habang walang humpay sa pag agos ang mga luha mo ?

Yung pakiramdam na wala ka manlang makuhang sagot sa tanong na "bakit nila ako iniwan ?"

Yung pakiramdam na alam mong araw araw hindi mo na sila masisilayan at maramdaman ang yakap mula sa kanila.

At yung pakiramdam na buhay ka naman pero unti unti ka ring pinapatay sa loob loob mo.

Siguro nga ay wala silang ideya kung gaano kasakit ang ganuong pakiramdam. Dahil kadalasan , ang alam lang nila ay mamuhay ng marangya at mamuhay ng laging nananakit ng kapwa.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa unang subject ko , ang Chemistry. Eto yung subject na sinadya ko talagang ipinunta sa public library kahapon para maghanap ng reliable source pero sa hindi inaasahang mangyari ay nakuha ito ng isa pang nangangailangan.

"Okay students. Pass your assignments" biglang saad ng prof. Ang pinaka terror sa lahat ng prof na nandito.

"Excuse me Ms" sabay taas ko ng kamay.

"Yes Ms. Samaniego ?" sagot nya di manlang ako tinatapunan ng tingin.

"I failed to find some reliable source Ms. Pwede ho bang bukas nalang ako magpasa ?" nakikiusap kong sabi sa kanya na agad akong tinignan.

"You already know the rules Ms. Samaniego. No extension for passing of any projects or assignments. You failed for this time" seryoso nyang sabi sakin na agad namang ikinangisi ng iba kong kaklase.

"But Ms...." she signals her hands as if she wants me to stop talking.

"No buts" nanlulumo akong napayuko saka ko tinitigan ang assignment kong nasa desk. Bagsak ? Hindi pwede iyon.

Pagkatapos ng klase ay dumeretso agad ako sa Dean's office para makausap ito mismo.

"Nasa rules na yan Ms. Samaniego. Alam kong binasa mo naman siguro iyon diba ? Scholar ka sa skwelahang ito , dapat ay pinagtuunan mo ng pansin ang pag-aaral mo kesa pakikipagsideline sideline mo Ms. Samaniego. I understand na wala kanang pamilya para tumulong sayo but please , wag mong hahayaang matanggal ang iskolarhip mo" mahaba nyang sambit sakin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Bagsak na ako sa Chemistry subject ko. Eto yung unang pagkakataong bagsak ako. Pumunta ako sa likod ng building. Dito ako tumatambay kapag lunchbreak. Sariwa ang hangin at tahimik ang buong paligid.

Nabigla ako sa lalakeng tumalon mula sa sanga ng punong sinisilungan ko. Gulat ko syang tinignan at saka ko sya nakilala nung nagkaharap kami. Sya yung lalakeng nasa public library kahapon.

Aalis na sana ako ng bigla syang magsalita.

"I'm sorry about yesterday" panimula nya na ika

ikinahinto ko.

"Okay lang" sensiro kong sagot sa kanya.

"No. Hindi okay yun. Nabagsak ka sa chemistry ng dahil sakin" pano nya nalamang bagsak ako ?

"Pano mo nalamang bagsak ako sa chemistry ?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Hindi mo man napansin pero magkaklase tayo sa subject na iyon. At nagiguilty ako sa di malamang dahilan"

"Okay lang yun. Mahahanapan pa naman siguro ng paraan" saad ko at saka nagpaalam sa kanya.

Mahahanapan ng paraan ? Anong paraang sinasabi mo Phoebe ? Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa sinabi ko , bahala na nga to.

Lumipas ang ilang mga araw pero eto pa rin ako , nagtatrabaho para mabuhay , pupunta ng library bago umuwi ng bahay. Papasok sa University ng halos takbuhin ang buong hallway para hindi lang malate sa unang subject. At tungkol naman dun sa subject na nabagsak ko hindi na talaga napapakiusapan ang prof ko. May red mark na sa report card na ang pinakaiiwasan ko.

Mas lalo akong nanlumo ng pagkarating ko sa barangay namin ay nagsikumpulan ang mga tao habang nagsiiyakan naman yung iba. Ngayon ko lang napansing may mga malalaking hydraulic excavator , yung ginagamit para mag demolish ng mga bahay , anong nangyayari ?

"Aling Myrna ! Ano ho bang nangyayari ?" tanong ko kay Aling Myrna na pinapatahan si Nanay Ester dahil kanina pa daw ito umiiyak.

"Nako Phoebe , i'dedemolish na daw ang mga bahay dito para gawing isang mall" kita ko ang lungkot sa mga mata ni Aling Myrna. Hindi. Hindi pwede to.

Lumapit ako sa isa sa mga nag organisa ng mga hydraulic excavator doon at saka nagmamakaawang itigil nila ang operasyon , pero tinulak lang nila ako dahilan para mapasubsob ako sa maputik na lupa. Kita ko kung paano nadumihan ang mga dala kong aklat at ang uniporme ko.

"Phoebe ! Nako ineng halika dito" sabay akay sakin ni Aling Maring ang asawa ni Mang Arnold , yung karenderyang pinagtatrabahuhan ko.

"Aling Maring. Hindi ho dapat nila ginagawa iyan. Wala manlang silang pahintulot sa mga taong naninirahan dito" naluluha kong saad sa kanya. Hinagod nya ang likod ko para pakalmahin ako.

Mula dito , tanaw ko ang mga bahay na unti unti nang nasisira. Saka ko lang naalala na may kailangan pa akong kunin sa bahay ko. Tumakbo agad ako para tumuloy sa bahay ko , rinig ko ang mga sigaw nila na pinabalik ako pero umasta akong parang walang narinig.

Iyon nalang ang tanging meron ako , hindi ko hahayaang mawala yun. Pagkabukas ko agad sa bahay ay nagtungo agad ako sa isang mesa kung saan ko nilagay ang isang picture frame kasama ang buo kong pamilya. Napapangiti ako ng makuha ko ito at saka mahigpit na niyakap. Ito nalang ang tanging alaala nilang meron ako.

Saka lang may mga taong pumasok sa loob ng bahay at malakas na hinila ako papalabas nito. Unti unting tumulo ang luha ko nung makitang sira na ang lahat ng kabahayan dito sa barangay namin. Mga nag-iiyakang mga bata ang nauulinigan ko , mga malulungkot na mukha ang nakikita ko. At mga pamilyang halos mawalan na ng pag asa dahil sa ginagawa ng mga taong to.

Bakit ? Ito nalang talaga ang unang sasagi sa isipan mo. Bakit nangyayari ang lahat ng to ? Bakit ganito ka unfair ang mundo para sa mga mahihirap ? Para sakin ?

Siguro nga ay ito talaga ang naging tadhana ko. Ang palaging MAWALAN ...

Mawalan ng pamilya at mag-isang lumaban sa ganitong buhay.

Mawalan ng pag-asang magpatuloy pa dahil sa mga problemang laging nakaabang. Yung tipong kahit nalampasan mo na ang isa , may bago na namang darating.

Pagod na akong mag isang lumaban. Pagod na akong gumising araw araw na hindi maeeksayt sa kung ano ang mangyayari. Pagod na akong humarap at tumayong mag-isa at subukang ngingiti habang sinasambit ang mga katagang "kaya ko to ! Malalampasan ko rin to".

Panahon na siguro para umiyak naman ako. Umiyak sa naging kapalaran ko. Umiyak sa mga nangyayari sa buhay ko.

I am Phoebe Inez Samaniego , a 17-year-old teeange girl who is now ready to take a rest for battling alone in this cruel world.