Chereads / Mga Misteryo ni Aling Delya / Chapter 1 - Silong

Mga Misteryo ni Aling Delya

🇵🇭TheCreepyMan
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Silong

Malalim na ang gabi nang mapansin kong biglang bumuhos ang ulan, hindi ko na kinaya ang lakas ng bugso at parang kaunti nalang tatangayin nako. Papunta ako sana sa terminal ng mga bus pero di ako pinalad dahil hindi ko namalayang maling jeep na pala ang nasakyan ko, kaya ito ako ngayon naglalakad at walang masakyan. Ang sabi ng Driver upang makarating agad doon, dito daw sa abandonadong kalsada dumaan at hanggang sa inabutan na ako ng ulan.

Wala ako pwedeng masilungan dahil bukod sa abandonado na ito, wala din bahay o mga nakatira. Hindi aakalaing ganito ako kamalas ngayong araw, wala man lang akong payong o kahit anu pang gamit pangproteksyon sa ulan. kaya sinayang na oras at tinakbo ko nalang ang malahighway na kalsada na to. Mga ilang minuto palang, meron akong napapansin ilaw sa malayo tiningnan ko pa ulit kung namamalik-mata lang ba ako pero walang na dudang bahay iyon. Tumungo sa lumiliwanag na bahay, hindi pako nakakalappit nang mapansin kong sobrang laki pala ng bahay na ito at may mgalumiliwanag ang bawat paligid nito. Di ko masasabi kung bumbilya ang mga iyon pero sa nakikita ko nakalagay sya isang garapon na nakasabit sa tali dun bubong. Nakalapit na ako sa pinto, kaya kumatok nako,

"Tao po!...tao po!!...May tao po ba?...Napadaan lang po ako dito at sakto po nakita ko ang bahay nyo!...Kung maari po ba magpalipas po ako ng gabi dito? Aalis din po ako kung tumila na po ang ulan..."

Lumipas ang ilang minuto ang wala paring sumasagot kaya inisip ko nalang na baka tulog walang talagang tao. Papaalis palang ako nang narinig ang tunog ng dahan-dahang pagbukas pinto. Bigla akong napalingon at napansin ang matang nakasulyap sakin mula sa maliit puwang ng pagbukas ng pinto.

"AHHH!!!..." sigaw ko matapos kong makita ang nakakatakot na tingin, at napatumba sa kinaroroonan.

"SSHHHH!!!...Wag ka maingay, may mga natutulog...iho!" sabi ng babae habang lumalabas sa pinto.

"Ahh...Sorry po!"

"Oh!..Wag kana tumunganga dyan, pumasok kana!" Saka bigay ng tuwalya sakin.

"Salamat po..."

"Delya!, Aling Delya...!" pahabol nya.

"Ah, Salamat po Aling Delya!"

Hindi ko alam ang nangyari kanina, basta bigla nalang ako ng takot at hanggang sa lumabas nalang si Aling Delya. Mga na 60 pataas na siguro edad nya, di ko masabi kung tama pero nakikita ko batay sa kanayang mukha at balat.

Pumasok na ako sa loob, at sa unang pagbungad ko nadatnan ko ang isang "rocking chair" at lamesa sa gilid. Sa palibot nakita ang iba't-ibang uri na manika; gawa sa tela, kahoy o plastik. Di ko na nakita ang iba nang mapansin kong sumisenyas si Aling Delya,

"Maupo ka muna!"

"Sige po." tugon ko,

"Pasensya na po sa abala."

"Okay lang iho!...Matagal-tagal na nung may nakaka-usap ako."

"Kayo lang po ang nandito?" tanong ko.

"Kung ang ibig mong sabihin ay 'katulad natin'...Oo!, ako lang mag-isa."

"Sige... Iho!" sabay tayo.

"Kung may kailangan ka...Sabihin mo lang ha!" at pumunta na sya sa kusina.

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Aling Delya, 'Katulad natin?' anung ibigsabihin nya dun?, at may naala pa akong sinabi niya kanina. 'Wag ka maingay!, may natutulog,' ba't nya nasabi yun eh...kung mag isa lang sya!...Siguro masyado lang ata ako napasobra sa kakaisip. Lumingon ako sa kusina kung nandun parin sya, pero sabay paglingon ko ay ang pagsulyap ng kanyang ulo sa kusina.

"May kailangan kana iho?" sabi nya habang ngumingiti sakin.

Baka nagkataon lang, pero parang pinaghandaan nya kung kailan ako lilingon. Naging kakaiba pakiramdam ko sa matanda; yung tingin nya, ngiti sakin, at ang kinikilos. Parang tuwang-tuwang talaga na makatanggap ng bisita.

"...A-Ahh...Saan po banyo dito?"

"Dumiretso ka lang daanan na yun, nandun lang yung banyo!" sabi nya.

"S-Sige...po!.." tugon ko habang pinigilan ko ang kamay ko sa panginginig.

Dumidiretso na ako sa lugar na sinabi niya, at nang maka-alis na agad dito. Hindi ko na nagugustuhan ang pag-welcome niya sakin, parang...hindi pangkaraniwan. Ayoko mag-isip ng bagay na nakakasama sa kanya pero hindi mawala sa isip ko ang nakikilabot nyang kinikilos.

Tiningnan ang bawat madaanan ko, wala akong masabi sa laki ng bahay nato parang akong naglalakad sa mansyon. Puro mga kwarto ba naman ang nakikita ko, di ko na alam kung gaano kalayo na ang nilakad ko pero bigla akong napatigil nang may naamoy akong masangsang. Kaya hinahanap ko kung san nangagaling at hanggang sa nakarating nalang ko sa dulo ng bahay.

Sa dulo na ito merong hagdan pababa na dumdugtong sa 'Silong' o 'Basement'. Habang papalapit ako mas lalong lumalakas ang mabahong amoy kaya napatakip ako ng ilong at sinundan ko nang tingin, kung saan ito patungo.

Nakulangan pa ako sa pagsilip, kaya bumaba ako at nang makita ko maigi.

Habang sinisilip ko ang kadilim-dilim na bahagi ng basement, aksidente kong nabuksan ang switch ng kwarto.

"AAAHHHHHHHHHHHHH!!!..." Sigaw ko, habang ang mata ko'y hindi makapaniwala sa mga nakikita.

Mga iba't-ibang ulo ng tao, halos lahat na nasa paligid ko puro mga pinaghiwahiwalay mga parte ng tao. Hindi ko na mapigilan masuka, at ang sikmura ko hindi na kakayanin magtagal dito. Ewan ko kung anung meron dito...pero sigurado akong 'Mangkukumlam' ang babaeng iyun. Papunta na ako sa hagdan nang may napansin akong may nakadungaw na ulo sa taas. At walang duda si Aling Delma iyon. Napatiningin kami sa mata at hanggang sa ngumiti sya sakin na pang-asar. Napatigil ako sa kakatakbo nang napaisip ako, base kanyang ngiti ay sa pakiramdam ko may mangyayari.

Lumingon ako sa pinanggalingan at laking ko nalang na may bigla akong narinig na yapak ng mga paa at hanggang sa may humablot sakin at hinila ako pabalik.

"AHHHHHHH!!...TULONG!!!.."

Di ko masabi kung gaanu sila karami, at ang tanging nakita ko na lamang ay...

Ang pagsara ni Aling Delma sa...SILONG.