Chapter 2 - Chapter 1

" class kilala nyo ba si Pura Santillan Castrence?"

Narinig niyang tanong ng kanilang guro.

Pero sa halip na magtaas ng kamay ay nanatili lang siyang nakatingin sa labas ng bintana.

Ganito naman siya palagi sa loob ng klase nakatingin sa kawalan at walang pakialam sa paligid niya.

Wala din namang pakialam ang teacher nya sa kanya.

Ganito lang naman rito walang pakialam sa kanya ang mga tao para siyang isang anino na dinadaan daanan lang.

" Class that's all for today "

Huling salitang narinig niya sa kanyang teacher.

Inayos niya ang gamit at kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bag.

Kinuha nya rin ang kanyang earphone at isinaksak sa kanyang cellphone pagkatapos ay ikinabit nya ito sa kanyang tenga.

Pinatugtog niya ang isang kantang malapit sa puso niya.

Pagkatapos niyang ayusin ang gamit ay sinakbit na niya ang kanyang backpack sa kanyang balikat.

Nang iangat niya ang kanyang tingin ay siya nalang pala ang nasa room.

Iyon na kasi ang huling klase nila kaya nagsiuwian na siguro ang mga kaklase niya.

Nagkibit balikat na lumabas siya sa room ng makasalubong niya ang teacher niya sa math may dala dala itong mga papeles.

" Ms. Fuentes "

" Good day ma'am"

" Tamang tama ang labas mo ija pwede bang pakibigay to kay Mr. President "

Ngumiti siya at tumango

Inabot naman nito ang papeles at kinuha naman niya iyon ng may ngiti sa labi.

" Sige maiwan na kita ija" tumalikod na ito at umalis.

Binuksan naman niya ang papeles.

Ok kay Mr. President

Himala at kilala siya ng teacher niya sa math that's a rare case.

Aalis na sana siya ng mapansin niyang hindi tumutunog ang kantang pinatutugtog.

Mukhang sumuko nanaman si earphone.

Kinuha nya ang cellphone at tinanggal ang earphone na nakasaksak dito.

Itinapon nya iyon sa malapit na basurahan.

Pagkatapos ay nilagay niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.

Inayos naman niya ang hawak sa papeles bago naglakad muli papunta sa dulong hallway kung saan naroroon ang opisina ni Mr. President.

Kumatok siya ng tatlong beses ng makarating siya sa tapat ng pinto.

Nang walang sumagot ay malaya niyang binuksan ang pinto.

Nang makapasok siya sa loob ay sumalubong sa kanya ang tahimig na opisina.

Binaba niya ang papeles sa lamesa nito.

" Mr. President " tawag niya rito.

Mukhang wala ito ngayon may meeting sigurong pinuntahan.

Binalikan niya ang pinto at nilock para walang makapasok dito muna siya.

Ibinaba niya ang bag sa sofa at humiga roon.

Ang sarap magpahinga.

Pinikit niya ang mga mata.

Mukhang makakapagpahinga siya ng matagal.

" You look tired " mabilis niyang minulat ang mata ng marinig ang boses ng lalaking hinahanap niya kanina.

" Akala ko wala ka" bumangon siya at umupo ng maayos umupo naman ito sa tabi niya.

" Bumali lang ako sa labas " sabay turo nito sa pagkain na nasa lamesa.

" Tamang tama gutom na ko " nakangiting sambit niya.

Masiglang tumayo siya sa sofa at lumapit sa pagkaing binili nito.

" Sarap " sambit niya ng makita ang dala nito.

" What's this?"

Binaling niya ang tingin rito

Hawak nito ang papeles na pinadala sa kanya ng teacher niya sa math.

" Pinadala ng teacher ko sa math "

" Ok "

" Pipirmahan mo siguro "

Sambit niya habang nilalantakan and pritong manok na binili nito.

" Hhhmmmm " nakapikit na sambit pa niya.

" Stop doing that Riz "

" Anong masama Mr. President?"

" I'm starting to think something else and you know what I mean "

Ngumiti ito sa kanya at kumindat

Namumulang kumain siya ng tahimig.

Umupo naman ito sa pwesto nito at nag-umpisang harapin ang mga pinipirmahan nitong papeles.

" Anong oras kita ihahatid Riz?"

" Mamaya na, mamaya pa naman ang work ko "

" Your working again "

Tumango siya bilang sagot.

" Riz "

" Ok ok Mr. President alam ko na ang sasabihin mo pero kaylangan ko pong magtrabaho "

Uminom naman siya ng soft drinks na kasama sa binili nito.

Pagkatapos niyang uminom ay naglakad siya palapit sa pwesto nito.

Pinatong niya ang kamay sa balikat nito.

" Naiintindihan mo naman ako diba"

" Alright" hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya paupo sa hita nito.

" Pagod ka na?" Tanong niya rito

" Nope "

Pinatong nito ang baba sa balikat niya.

Nakakatuwang isipin na kahit magkalayo ang kanilang agwat ay nagawa nilang mahalin ang isa't isa.