Chereads / The Wedding Prophecy (Tagalog) / Chapter 15 - Kabanata 15 - The Phone Call

Chapter 15 - Kabanata 15 - The Phone Call

"No, you're not going in here," Mabilis na sagot ni Phoebe sa kabilang linya. "Then what? Ano na namang kalokohan ang sasabihin mo sa kanya kapag nagkataon? No, you don't. I don't trust you and believe it or not, I never will. Ha! Oo, mas pagkakatiwalaan ko pa siya dahil...Yes! You're my brother but you're nothing but a douchebag to me! Don't you dare come in here or else-"

Nagsalita si Aleman. "Let me guess, he cut you off?"

Napatango si Phoebe kasabay niyon ay ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. "Oo. Ano pa nga ba? Palagi naman, hindi ba?" Iling nito. "Kung pwede ko nga lang itanggi ang lalaking 'yun bilang kapatid ko ay gagawin ko. At kung pwede ko lang palitan ang apelyido ko ay hindi ako magdadalawang-isip na gawin 'yun. Kaya lang baka tuluyan na rin akong hindi kilalanin ng mga magulang namin,"

"Ano ba kasing meron sa kapatid mong 'yun at mas gusto nila siya kaysa sa'yo?" Maya-maya'y tanong ni Miguel na pinutol ang pakikipag-usap nito kay Fernando. "Ganon ba talaga siya ka-espesyal sa kanila at kayang-kaya ka nilang kalimutan?"

Napakibit-balikat ang dalaga. "Ewan. Kung minsan nga, iniisip ko na baka ampon lang ako," anito sabay tayo sa kanyang kinauupuan. "Pero mas mabuti na rin 'yun dahil kahit papano ay hindi ko kadugo ang bwisit na lalaking 'yun,"

Matapos sabihin iyon ni Phoebe ay agad na napailing si Marco. Kasabay niyon ay ang pagtitinginan nilang dalawa ni Roja na agad na nahinto sa ginagawa nito.

Sa katunayan ay alam nila ang tungkol sa magkapatid na Ramirez. Orlando told them that a long time ago. And even though they part ways with him, they're still trying to withhold that information no matter what happens. Ayaw nilang masaktan si Phoebe at hindi pa oras para malaman nito ang totoo.

"Ano nga palang dahilan at bakit pupunta rito 'yung magaling mong kapatid?" Maya-maya'y tanong ni Roja at muling ipinagpatuloy ang paghihiwa nito ng sibuyas.

"Oo," Mabilis nitong sagot. "Tulad din daw kasi natin ay maraming mga reporters ang nakatambay do'n sa harap ng kanyang condo. Marami ring nag-e-email sa kanya at tumatawag tungkol sa balitang 'yun. At dahil wala siyang maisagot sa kanila, pupunta siya rito para tanungin niya ang totoo,"

Si Elton ang nagsalita. "Pupunta lang siya rito para magtanong? Bakit hindi ka nalang nagsinungaling?"

"Tama si Elton," Sang-ayon ni Roja. "Kung magkataon na hindi niya makuha 'yung gusto niya o di kaya ay walang magbigay sa kanya ng tamang sagot, baka sa huli ay magrambulan lang tayong lahat dito," Dagdag pa nito sabay baling sa kanyang kapatid. "Saka hindi ka na ba nadala? Nang huling magkita sina Marco at Orlando ay wala silang ibang ginawa kundi ang magsapakan. Gusto mo ba ulit mangyari 'yun?"

Napailing ito. "Siyempre, ayokong mangyari 'yun," Dabog nito. "Kaya lang, kahit anong idahilan ko ay ipipilit pa rin niya ang gusto niya. Parang hindi niyo naman kilala 'yun,"

Phoebe was right. Kahit pati sina Marco at Roja ay walang naging panalo sa kakulitan ni Orlando. Ipipilit nito ang kanyang gusto at hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto nito.

Si Orlando iyong tipo ng tao na gusto mong sapakin ngunit hindi mo magawa kaya sa utak mo nalang siya susubukang i-torture.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng kanyang mga kasamahan ay agad na tumayo si Marco sa kanyang kinauupuan at pagkuwan ay muling nagtungo sa terrace. Mula roon ay tanaw pa rin niya ang mga reporters na nakatambay sa kabilang kalsada at tila ba hinihintay ang kanyang pagbaba. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mapabuntung-hininga nalang.

Matapos niyon ay agad siyang naupo sa bench na nakapwesto roon. Bagamat alam niyang tanaw siya ng mga lintik na reporter na nasa ibaba ay wala siyang pakialam. At tulad ng sinabi niya ay sanay na siya lalo na sa nangyari noon.

Agad na naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang mapansin niya si Elton na naupo sa kanyang tabi. Napabaling siya rito ngunit abala naman ang mga mata nitong nakatutok sa labas.

"Kung pagpipiliin ka, anong mas gusto mo? Ang bumalik sa nakaraan o ipagpatuloy ang hinaharap na sobrang daming problema?" tanong nito na hindi man lang tumitingin sa kanya.

He shrugged. "Kung sakaling pagpipiliin ako, pipiliin ko ang nakaraan," sagot niya.

"Paano kung pagbibigyan ka ng pagkakataon na baguhin 'yun? Gagawin mo ba?" tanong nitong muli.

Bahagya siyang natawa. Pero imbes na sagutin ang tanong na iyon ay bigla siyang natahimik. Kung sakali mang pagbigyan nga siya ng pagkakataon na baguhin ang kanyang nakaraan, napakaimposible naman niyon dahil walang paraan para mangyari iyon. Sa panaginip, pwedeng maaari pa. Pero kung tototohanin, mas malabo pa sa sikat ng araw iyon.

He took a deep breath. "I will do it in any way I can. Pero paano naman mangyayari 'yun kung saka-sakali?" Natatawa niyang anas na ikinatitig sa kanya ni Elton. "Me and my friends, we're stuck in this current time and there's no way to go back. All we have to do is to accept the fact that this is our future,"

Napatango si Elton. Ngunit akmang magsasalita pa sana itong muli ay agad itong natigil. Mula kasi roon sa terrace ay rinig nila ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Agad silang napatayo sa kanilang kinauupuan ganon din ang kanilang mga kasamahan na nasa loob.

Ngunit imbes na tumayo ang isa sa kanila upang buksan iyon ay wala ni isa man sa kanila ang gumawa niyon. Ang balak kasi nila, kung sakaling si Orlando iyon ay hindi nila bubuksan ang pinto. Manigas siya na maghintay doon hanggang sa tuluyan na siyang magsawa sa kahihintay.

Pero sa kasamaang palad ay hindi iyon ang taong kanilang inaasahan. Sa pangalawang pagkakataon na kumatok ito ay narinig nila ang boses nito. It was a woman's voice - a familiar one. But from the way they heard it, that woman was not alone. She's with someone - a woman that they didn't realized would be visiting them after four long years.

"Is that Claire?" Maya-maya'y basag ng katahimikan ni Aleman sabay lapit nito ng kanyang tenga sa pinto. "And Klesha?"

Humugot ng malalim na hininga si Phoebe. "Actually, tinawagan din nila 'ko kanina at-"

"You didn't," Agad na putol ni Roja sa dalaga at pagkuwan ay napakamot sa batok nito. "Dapat pala ay nakinig na 'ko kay Marco noon na wag kang patuluyin sa apartment namin. Matapos ka naming tulungan, kami pa ang tatraydurin mo?"

Pagak na natawa si Phoebe. "Pagtatraydor na kaagad 'tong ginawa ko? Hindi ba pwedeng ikaw lang 'tong may kasalanan kina Claire at Klesha kaya ngayon ay ayaw mo silang makita? Pwede ba, Roja wag mo 'kong baliktarin?" Ngisi nitong anas.

Sa sinabing iyon ni Phoebe ay mas mabilis pa sa alas-kuatrong napatango ang halos lahat sa kanila. Ang iba ay natawa at napatitig pa kay Roja na napakamot nalang sa kanyang batok. Habang si Marco naman ay napailing nalang at maya-maya ay nagpasyang tuluyan nang buksan ang pinto.

At mula roon ay bumungad sa kanya sina Claire at Klesha na tila ba nahinto sa kanilang pag-uusap. Napatango siya sa dalawa habang ang mga ito naman ay agad na napangiti sa kanya.

"Ang sabi namin kay Phoebe-"

"Ayos lang," Mabilis niyang putol sa mga ito na agad nilang ikinahinto. "Paano nga pala kayo nakalagpas sa mga buwaya sa ibaba?" Maya-maya'y kunot-noo niyang tanong.

Klesha shrugged. "Parang hindi mo naman ako kilala, Marco. I know my way out, I know my way in," Kindat nito sa kanya na agad niyang ikinailing.

"Mas mabuti pa siguro kung tumuloy na kayo dahil baka may makapasok na reporter sa building at magkagulo pa rito," Muli niyang sambit. "Just make it sure that don't let Roja ruin your day," Dagdag pa niya.

Matapos niyang sabihin iyon ay mas mabilis pa sa alas-kuatrong napatango sa kanya si Klesha at kasabay niyon ay ang tuluyang pagpasok ng mga ito sa loob. Ngunit hindi pa man umaabot ang ilang minuto matapos ang eksenang iyon ay muli na naman silang nahinto dahil sa sunod-sunod na katok na narinig nila sa pinto.