Chereads / The Wedding Prophecy (Tagalog) / Chapter 14 - Kabanata 14 - Shocking News

Chapter 14 - Kabanata 14 - Shocking News

Dalawang oras at kalahati na ang nakararaan simula nang dumating sila sa kanilang apartment. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ni Aleman si Marco sa pangungulit tungkol sa pagpunta nito sa anniversary ng kanilang pinagtatrabahuang kumpanya. Kanina pa nalusaw ang kanyang mga dumi sa tenga dahil sa kadaldalan ng binata at kulang nalang ay hampasin niya ito para lamang matigil ito sa kadadada.

"Pwede bang tigilan mo na 'ko, Aleman? Aba't kanina ka pa. Hindi ka ba nagsasawang nagsasalita dyan? Para kang sirang plaka," Iritable niyang anas at pagkuwan ay sinamaan ito ng tingin.

Napangisi ito. "Kung pwedeng magdamag akong magdaldal para lang pumayag ka ay-"

"Subukan mo at nang makita mo kung ano ang hinahanap mo," Putol niya kasabay ng kunot-noong pagtitig sa kanya ng binata.

"Bakit ba kasi hindi ka nalang pumayag?" Nakasimangot nitong tanong. "Di ba pwedeng hayaan mo namang sumaya 'yang sarili mo kahit saglit na oras lang? Halos palagi kang nandito sa loob ng apartment. Hindi ka ba nabo-boring?" anito na ikinailing lang niya. "Nagsasaya na ang buong mundo pero ikaw ay hindi pa rin makalimot sa nangyari sa nakaraan. For once, would you please take sometime to think about that? Believe me, that habit is not healthy for a human being. You need some social life,"

Matapos sabihin iyon ay dali-daling nilisan ni Aleman ang kanyang kwarto at pagkuwan ay pabagsak na isinara ang kanyang pinto. Habang siya naman ay naiwan doon na mas mabilis pa sa alas-kuatrong napatigil sa narinig niya mula sa binata.

Sa mga sandaling iyon ay agad siyang napatayo mula sa kanyang swivel chair at maya-maya ay napahiga sa kanyang kama. At kasabay ng paghugot niya ng isang malalim na hininga ay ang muling pagrehistro ng mga salitang narinig niyang sinabi ni Aleman.

Nagsasaya na ang buong mundo pero ikaw ay hindi pa rin makalimot sa nangyari sa nakaraan.

You need some social life.

At the end of that thought, he laughed. Sa katunayan ay tama si Aleman sa sinabi niyang iyon. No man is an island. Pero paano niya magagawang makisama kung pakiramdam niya ay hindi siya tanggap ng karamihan?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip na iyon ay muli siyang nahinto nang marinig niya na tila ba may kung anong maingay sa living room. Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata kasabay ng pagtanggal niya ng nakakabit na headset sa kanyang magkabilang tenga. At mula roon sa labas ay rinig na rinig niya ang tawanan at hagalpakan ng ilang mga taong kadarating pa lamang.

Napangiti siya.

Ngunit agad din namang nawala ang ngiti niyang iyon nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang computer. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay dali-dali siyang napatayo sa kanyang kinauupuan at tinungo iyon.

He received one email.

Pero wala siyang ideya kung sino ang nagpadala niyon dahil ang ginamit nitong pangalan ay tila ba ginawa lamang sa isang Username Generator website. He shook his head and he thought to himself that maybe it was just a spam message or a scam. But as he opened the email, he was shocked to his very core to read the following news that he didn't imagine that he would be seeing right now.

Headline: Marco Silva, the new face of the M.G.C.C. Graphics Monster Company

Matapos basahin iyon ay agad na nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Ngunit akmang babasahin pa sana niya ang nilalaman ng balitang iyon ay muli siyang nahinto nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto.

"Have you read the news?" Bungad na tanong sa kanya ni Roja na naglakad patungo sa kinalulugaran niya.

"Kababasa ko lang," sagot niya at muli ay itinuon ang kanyang tingin sa kanyang computer. "Pero hindi ko alam kung sino ang nag-send sa 'kin ng email na 'to. How about you? Sa'n mo nabasa 'tong balita? Did someone also sent it to you?" aniya.

Napailing si Roja at kasabay niyon ay ang kunot-noong pagtitig sa kanya nito. Sa mga sandaling iyon ay hindi siya sigurado kung ano ang ibig sabihin ng kanyang kapatid sa reaksyon nitong iyon.

Hanggang sa hindi nagtagal ay muli na naman siyang nahinto nang marinig niya ang mga sumunod na sinabi ng binata.

"No one sent it to us," Iling nito kasabay ng paglapag nito ng isang dyaryo sa ibabaw ng kanyang keyboard. "TJ was reading that newspaper without even knowing that you were its headline. Nalaman na lamang niya nang makipag-agawan sa kanya si Aleman dahil sa comics," Paliwanag nito.

"This is ridiculous," Gigil niyang anas kasabay ng paglukot niya ng dyaryo na nasa kanyang harapan.

Sa pagkakataong iyon ay walang isang salitang napatayo si Marco mula sa kanyang kinauupuan. Dali-dali siyang lumabas mula sa kanyang kwarto kasabay ng pagsuot niya ng kanyang leather jacket. Ngunit akmang tutungo na sana siya sa main door ay saka naman siya nahinto nang biglang humarang si Elton sa kanyang daraanan.

Napabuntung-hininga ito. "At saan ka pupunta?"

"Wala kang-"

Sumabat si Aleman. "Paniguradong pupuntahan niya kung sino mang taong naglabas ng balitang nababasa ng buong mundo ngayon," anito na agad niyang ikinabaling dito. "Pero ang tanong, kilala mo kung sino?"

Napailing siya. "Wala 'kong pakialam kung libutin ko ang buong mundo, basta malaman ko lang kung sino ang naglabas ng lintik na balitang 'yan," Tiim-bagang niyang anas.

Si Phoebe ang nagsalita. "Ayaw mo ba no'n?" anito na bahagya niyang ikinatigil. "Nang dahil sa balitang 'yan ay paniguradong marami ang magbabago ang tingin sa'yo. At imbes na hamak-hamakin ka nila tungkol sa ginawa mo noon ay mapapalitan 'yun ng paghanga dahil sa pagsalba mo ng M.G.C.C. Graphics Monster. Isn't that a wonderful news?"

Pagak siyang natawa. "It is a good news," Ngisi niyang sambit. "Pero paano kung imbes na maging matagumpay ang tungkol sa balitang 'yan ay mapunta sa kabaliktaran? Paano pala kung magwala ang mga tao? What would happen next?" Sunod-sunod niyang tanong na naging dahilan ng pagtitinginan nilang lahat. "Ako na naman ang sisihin? Pangalan ko na naman ang madadawit? Mabuti sana kung ako lang ang mahila sa kumunoy pero ang problema, pati kayo ay kasama,"

Right after he said that, there was a total silence. Hindi kaagad sila nakaimik sa sinabi niyang iyon at kahit pati siya ay napailing nalang. Sa mga sandaling iyon ay imbes na pilitin niya si Elton na padaanin siya sa pinto ay nagpasya nalang siyang maupo sa couch.

Kung tutuusin kasi ay tama naman si Aleman. Hindi niya alam kung sino ang naglabas ng balitang iyon. Pero mayroon siyang ideya na baka si Mr. Walton ang nagkalat ng impormasyong iyon. Natatandaan pa niya ang mga huling sinabi nito: "You haven't seen the worse of me, Mr. Silva. But if you wanted to, then don't show up,"

It was all making sense but even if he's right, does he have any proof?

Sa kasagsagan ng mga sandaling iyon ay muli siyang bumalik sa kanyang ulirat nang may marinig silang ingay mula sa labas. Kaya naman hindi nagtagal ay mas mabilis pa sa alas-kuatro silang napatayo sa kanilang kinauupuan. Dali-dali silang nagtungo sa terrace at mula roon ay labis na lamang ang kanilang pagkabigla nang matanaw nila ang ilang mga reporters na nasa harap ng gusali ng kanilang apartment.

Pero bukod doon ay hindi lamang mga reporters ang siyang nagpahinto sa kanila. Ngunit pati na rin ang pagtunog ng telepono na agad nilang ikinabaling doon.

Napailing si Aleman. "Kung isa 'to sa mga hiling ko kay Genie, mas pipiliin ko pang ibalik niya tayo sa nakaraan," anito na naging dahilan ng pagpukol nila ng tingin sa kanya.