Chereads / The Wedding Prophecy (Tagalog) / Chapter 13 - Kabanata 13 - Oddly Strange

Chapter 13 - Kabanata 13 - Oddly Strange

Isang linggo matapos ang ginawang pagbabakasyon nina Aleman at Marco ay bumalik na rin sila sa kanilang trabaho. Noong una ay halos ayaw pang pumasok ni Aleman dahil baka masabon na naman sila ng kanilang magaling na Manager. Pero ganoon na lamang ang kanilang pagkabigla nang mapagtanto nila na iba na ang nasa posisyon nito. Ang rinig ni Aleman ay napunta na raw ang tsismosong lalaking iyon sa 15th floor kung saan ay ito ang nagpatuloy ng trabahong iniwanan niyong Manager na lumipat sa kabilang branch.

Sa nalamang iyon ay tila ba tuwang-tuwa ang kanilang puso at kaluluwa. Ngunit ganoon na lamang din ang kanilang kaba dahil wala silang ideya kung anong klaseng tao ang kanilang makakaharap sa mga susunod na ilang buwan.

Strikto, mapanlait, poker face, at iwas sa tao. Iyan lang naman ang ilan sa mga bagay na ipinaalam sa kanila ng kanilang editor tungkol sa bago nilang Manager. Sa katunayan ay hindi naman maitatanggi dahil unang kita palang nila rito ay parang pinagsakluban ito ng langit at lupa.

Pero ang tanong ano kayang naging problema at bigla na lamang nagdesisyon ang CEO na ilipat sa kabilang floor si Mr. Georgico?

"Nandito lang pala kayong dalawa, ang akala namin lumayas na naman kayo," Maya-maya'y rinig nilang anas ng isa sa kanilang kapwa employee na kapapasok lang mula sa coffee room. "Himala at napadpad yata kayo ngayon dito. Anong meron?"

Bahagyang natawa si Aleman. "Hindi ba dapat kami ang nagtatanong sa inyo ng ganyan?" anito sabay hinto sa kanyang pagkain. "Anong meron at bakit parang pakiramdam namin ay nandito kami ngayon sa loob ng opisina? Hindi ba dati ay binabalewala niyo kami? Anong himala at pakiramdam namin ay hindi na kami out of space?"

Sa sunod-sunod na tanong niyang iyon ay hindi kaagad nakasagot ang binata. Napangiti lang ito sa kanya at pagkuwan ay napabaling kay Marco na nawalan na yata ng pakialam sa mga katrabaho nito.

Sino ba naman kasing hindi?

Magmula pa kasi noong pumasok sila sa loob ng opisinang iyon ay ngayon lamang nila naramdamang parte sila ng workforce na iyon. Ni kahit minsan ay hindi man lang nila naranasang tawagin o imbitahan sa anniversary ng kumpanya o di kaya ay sa birthday party ng isa sa kanilang mga katrabaho.

They are completely out of space and maybe those people were only forcing themselves to be with them. But when they got back from their leave, there was something strange - oddly strange, specifically.

Kung noon ay panay ang pag-iwas ng mga ito sa kanila, ngayon naman ay nakikipagkwentuhan na ang mga ito sa hindi nila malamang dahilan. At dahil ayaw makipag-usap ni Marco sa kanilang mga katrabaho ay siya nalang ang humaharap sa kanila.

Sa pangalawang pagkakataon kasi ay muli niyang naramdaman na bumalik siya sa pagiging Aleman. He was Marco's sidekick and assistant but aside from that, he's the comic relief of the group. Sanay siya sa pagpapatawa at pagiging isang masayahing tao sa harap ng ibang tao. Gusto ulit niyang maranasan iyon na hindi man lang nagiging awkward ang sitwasyon.

Pero mas pipiliin niya ang kanyang kaibigan kaysa ang ibang tao at ang kanyang sarili.

"Hinahanap kasi kayo ni Mr. Walton," Muli ay basag nito ng katahimikan.

"Bakit naman?" Kunot-noong tanong niya. "Wag mong sabihing may mali na naman sa ginawa namin? Halos ilang ulit na naming ipina-check 'yun sa editor, don't tell me that we still messed up?"

Pagak na natawa si Marco. "Kailan ba tayo naging tama sa ginawa nating trabaho?" anito na agad na ikinatitig sa kanya ng lalaki. "Wag ka ng magtaka, Aleman dahil halos lahat naman ay mali. We're trying our best but it's still not enough," Dagdag pa nito at muli ay humigop ng kape nito.

Napailing siya kasabay niyon ang nakakalokong-tinging ipinukol niya sa kaharap nilang lalaki. "Sang-ayon ako sa sinabi niya. Kung minsan pa nga ay wala kayong ibang ginawa kundi itapon sa'min ang halos lahat ng projects at mga paperworks. Pero sa kasamaang palad ay natapos na pala ang mga iyon noong nakaraang buwan," Nakangisi niyang anas.

Humugot ng malalim na buntung-hininga ang lalaki. Ngunit bago pa man ito makapagsalita ay isang baritonong boses lalaki ang siyang narinig nila mula sa kanilang likuran.

"That's awful," anito kasabay ng mas mabilis pa sa alas-kuatrong paglingon nila rito. "Ginagawa ni Mr. Georgico 'yun sa inyo? What a jerk?"

Ang lalaki ang nagsalita. "Sir, kayo po pala," anito sabay tayo sa kanyang kinauupuan. "Pasensya na ho kayo kung natagalan, hindi ko ho kasi masabi sa kanila dahil sa kadaldalan ni Aleman," Paliwanag nito.

Napatango ito. "Ayos lang Mr. Montago. Siguro ay ako nalang ang magsasabi sa kanila," Tila ba walang pag-aalinlangan nitong sambit at pagkuwan ay ipinukol ang tingin kina Aleman at Marco. "Saka nakasisigurado ako na sa tono pa lamang ng kanilang pananalita ay mas malabo pa sa sikat na araw na mapapayag mo sila,"

Nagkasalubong ang mga kilay ni Aleman. "Mapapayag saan?" tanong niya at muli ay nagbaling ng tingin sa kanilang katrabaho. "Fraternity? Group chat? O Albino Group?"

Natawa si Mr. Walton. Pero imbes na sagutin nito ang kanyang tanong ay dali-dali nitong pinaalis ang kanilang ka-trabaho sa loob ng coffee room na iyon. At matapos ang ilang minutong panay buntung-hininga lamang ang kanilang nagiging sagutan ay nagpasya na ring basagin ng kanilang Manager ang katahimikan na iyon.

Napatikhim ito. "Alam niyo naman siguro na nanggaling ako sa kabilang branch ng kumpanya, hindi ba?" Maya-maya'y pagsisimula nito. "At ang sabi sa'kin ni Georgico noong nagkaroon kami ng Board meeting ay isa kayo sa mga hawak niyang empleyado na mahirap pakiusapan lalong-lalo na sa pagpunta sa mga okasyon na meron ang kumpanya. I heard from him that both of you have never been into the company's anniversary. So, as your new Boss, I want you to make time for it and be available when that day comes," Mahaba nitong paliwanag.

Matapos sabihin iyon ay isang buntung-hininga ang pinawalan ni Aleman. Habang si Marco naman ay agad na nahinto sa paghigop ng kanyang kape.

Kapwa sila napatitig kay Mr. Walton at pareho rin silang walang ibang maisip na pwedeng sabihin sa kanilang Manager. Hanggang sa hindi nagtagal ay mas mabilis pa sa alas-kuatrong napahagalpak sina Aleman at Marco na siyang agad na ipinagtaka ng kanilang kaharap.

"Anong meron?" Di nito nakatiis na tanong. "Is there something wrong?"

Ngunit imbes na sagutin iyon ay tila ba mas lalo lang tumindi ang paghagalpak ng dalawang magkaibigan. Dahilan para mapatitig lang sa kanila si Mr. Walton na hindi alam kung ano ang meron sa sinabi nito.

Aleman exhales and afterwards, stopped from laughing. "We're sorry, Mr. Walton. Talagang hindi lang namin maatim na marinig 'yung sinabi sa inyo ni Mr. Georgico," anito at pagkuwan ay napailing. "That man was such a liar,"

Napailing ito. "Liar? Mr. Georgico? I don't think so,"

Si Marco ang nagsalita. "Kung ayaw niyong maniwala, ayos lang at walang problema," anito sabay sandal sa kinauupuan nito. "Pero ang totoo niyan ay wala kaming karapatan na pumunta sa kahit na anong okasyon meron ang kumpanya,"

Napakunot-noo si Mr. Walton. "For what reason?"

Marco took a deep breath. "Because of my-"

"Mas mabuti pa siguro kung wag na kayong mag-abalang imbitahan kami sa anniversary ng kumpanya," Maya-maya'y sabat ni Aleman. "Saka sanay naman na kaming hindi pumupunta sa ganyang klaseng okasyon. At sigurado kaming sanay na sanay na ang lahat na hindi kami nakikita sa mga okasyon na 'yun," Dagdag pa niya.

Napailing ang huli.

"I can't do that," Kunot-noo nitong anas at pagkuwan ay napahalukipkip sa kanilang harapan. "Parte kayo ng kumpanya at nararapat lang na pumunta kayo. Kung sa pamamalakad ni Mr. Georgico ay hindi pwede, iba naman ang sa 'kin,"

Matapos marinig iyon ay hindi kaagad nakasagot si Aleman. Habang si Marco naman ay napapailing nalang sa mga sandaling iyon. Honestly, he knows exactly what was running on Marco's mind for that moment. And he will definitely said no to that offer.

Sa katunayan ay ilang beses na rin silang inimbitahan ng ilan sa kanilang mga katrabaho na tunay na may pakialam sa kanila. Pero wala silang ibang ginawa kundi ang tumanggi. Ang problema ay hindi tulad ng mga iyon si Mr. Walton.

"Mapapahiya lang kayo sa oras na inimbitahan niyo kami sa event na 'yun," sagot ni Marco. "Ayaw niyo naman sigurong pagtawanan kayo ng mga kasamahan niyo kung magkataon, hindi ba?"

Pagak na natawa ang huli. "Ilang beses na 'kong napapahiya sa harapan ng mga kasamahan ko, Marco at dahil do'n ay sanay na sanay na 'ko," He grinned. "Saka ano bang pakialam nila kung imbitahan ko kayo sa okasyon na 'yun? You are one of the reasons why M.G.C.C. was still standing at its peak. Kung hindi dahil sa inyo, matagal nang bumagsak ang kumpanyang kinauupuan niyo ngayon. O baka naman hindi niyo alam 'yun dahil walang nagsasabi sa inyo?" Mahaba nitong sambit.

Aleman shrugged. "We know that. Sadyang hindi lang kami sineseryoso ng lahat," Natatawa niyang anas na kunot-noong ikinatitig sa kanya ni Mr. Walton. "Besides, that event was such a waste of time and-"

"You're going," Mabilis nitong putol sa kanya. "Wala 'kong pakialam kung anong klaseng dahilan meron kayo basta ang gusto ko ay makikita ko ang pagmumukha niyo sa event na 'yun," Tiim-bagang nitong anas. "You are a part of the team, you deserved to be there,"

"At paano kung ayaw namin? Anong gagawin mo?" Walang reaksyong tanong ni Marco na agad na ikinatitig sa kanya ng huli. "Make us?"

"You haven't seen the worse of me, Mr. Silva. But if you wanted to, then don't show up," Napangisi nitong anas.

Matapos sabihin iyon ay mas mabilis pa sa alas-kuatrong nilisan ni Mr. Walton ang coffee room na iyon. At kasabay niyon ay ang napapailing na pagtayo ni Marco sa kinauupuan nito. Agad itong nagtungo sa lababo at pagkuwan ay hinugasan ang ginamit niyang tasa.

Tahimik lamang ito at walang kung anong naging reaksyon sa sinabi ng kanilang Manager. Pero nakasisigurado si Aleman na sa kabila ng katahimikan nito ay ang lubos na inis naman nito sa mga sandaling iyon.

Aleman took a deep breath. "Now this is the worse case scenario that I have to fix for the next hours," Bulong niya sa kanyang sarili at napatango nalang kay Marco na napabaling pa sa kanya bago tuluyang nilisan ang lugar.