Chereads / Witch With Fangs / Chapter 1 - PROLOGUE

Witch With Fangs

Ritmcxx
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

"Maraming salamat po, ginoong Harquez" nakangiti kong sabi at nakipagkamay.

"Ah sige na hija, humayo ka na." Nakangiti akong tumango sa matandang ginoo.

"Mauna na po kayo." Sabi ko at galak naman s'yang ngumiti at nagpaalam na.

Nang mawala na s'ya sa paningin ko ay nagsimula na akong maglakad ngunit sa pagharap ko ay nakita ko ang mukha ni Hireya na nakapag pagulat sa akin ng bahagya.

"Hireya, and'yan ka pala."sabi ko at ngumiti naman s'ya sa 'kin.

"Pauwi ka na ba? Halika sabay na tayo." Sabi ko.

"Hindi na. May lilinisin pa akong sagabal."tumango na lamang ako at nagpaalam na s'yang umalis.

Sinundan ko pa s'ya ng tingin bago lumisan sa lugar upang makauwi na sa aking tirahan.

Tiningnan ko ang orasan at napag alaman na walong minuto makalipas ang ika-walo ng gabi na. ( 8:08 PM)

--

"Hierarch Ylbriar, iniimbitahan ka namin sa himpilan---"

"P-po bakit po?" Gulat kong tanong habang nakatingin sa dalawa kong kamay na ngayon ay nakaposas.

"Ikaw ang pangunahing suspek sa pagkawala ni Ginoong Ignacio Harquez."si ginoong harquez?

"H-ha---"

"Dalhin n'yo na 'yan!"

Hinila nila ako kaya napwersa ako at sumubsob sa lupa.

"Tayo!"

Pilit akong tumayo at sumama nalang para hindi na masaktan.

Hindi pa din malinaw sakin ang mga nangyayari. Pagkawala ni Ginoong Harquez?

Kapag ako ay nakawa dito ako mismo ang hahanap sa salarin ng pagkawala ng ginoo.

Idinala nila ako sa isang silid na nahaharangan ng bakal at rehas. Hindi ko magawang magsalita dahil malabo pa din sa 'kin ang lahat. Tila ba ang bilis ng mga pangyayari.

Sa inis ko ay napaupo ako sa sahig at napakagat ng ibabang labi. "Wala ho akong kasalanan!" sigaw ko.

"Manahimik ka!"

Nanahimik ako ng ilang saglit at dumating ang isa pang kawal na may dala dalang kape.

"Kelan daw nangyari ang krimen?" Lumapit ako upang marinig ng maayos ang pinag uusapan ng dalawa.

"Kahapon ng Ika-siyam ng gabi nangyari ang krimen. Ang huling kasama ng biktima ay si Ylbriar."

Lalo akong lumapit nang marinig ko ang pangalan ko. Ika-siyam ng gabi?

"Ylbriar? Yung babaeng nagtitinda ng mga mahikadong produkto?" Tumango ito at bumaling ang tingin sa 'kin.

"Anong tinitingin tingin mo d'yan!?"

Naaalala ko bigla si Hireya. Nakasalubong ko s'ya kahapon ng gabi! Maaari ko s'yang maging testigo.

"Lalabas din ang katotohonan bukas." Mahina kong sabi.

Kinabukasan, ay inilabas na ako sa kulungan para pumunta kung saan gaganapin ang paglilitis.

Nagsimula na ang paghuhukom at sinabi ko sa hukom na nakita ko pa si Hireya kahapon.

Alam kong lalabas na ang katotohanan na inosente ako. Wala akong kasalanan.

"Nagsisinungaling ang nasasakdal, punong hukom."

Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig.

Tumayo ako."H-hindi totoo yan!"

Nagsalita pa si Hireya pero wala akong maintindihan kahit isa.

Pinagmasdan ko ang mga taong nag iingay.

"W-wala akong kasalanan!"

"Ikaw ang dahilan ng pagkawala ni Ginoong Harquez, Hierarch. Dahil ayaw mong maging masaya ang anak n'ya dahil wala kang pamilya." sigaw n'ya at dinuro duro pa ako.

Gusto kong sabunutan si Hireya sa pagkakataong ito.

Nagpatuloy na ang paglilitis at hindi na ako umimik pa.

"Ikaw, Hierarch Ylbriar ay aalis sa bayang ito at hindi na babalik pa."

Bumuhos ang luhang matagal ko nang pinipigilang pumatak. Sariling kaibigan ko pa ang tumraydor sa akin.

Hireya...

--

Nakatungo kong tinatahak ang daan palabas sa bayan ng Grimstone.

"Umalis ka na, salot!"

"Mangkukulam!"

"Dapat kamatayan ang hinatol sa kan'ya!"

"May mga usap usapan din na isa sya sa mga umiinom ng dugo ng tao kaya dapat palayasin yan!"

"Nakita ko rin ang pagpula ng mata nya noon!"

Pinilit kong wag pakinggan ang sinasabi nila at pinagpatuloy ang paglalakad.

'Sa'n na ako pupunta ngayon?'

Napapikit ako nang maramdaman ang pagtama ng isang bagay sa likod ko. At may tumama pang isa kaya naman napalingon na ako.

Nanlaki ang mata ko at tumingin sa mga taong may dala dalang mga itlog. Nakangisi sila sa akin at sabay sabay na ibinato sa akin ang mga itlog kasama ang masasakit nilang salita pero hindi ko nalang ininda ang sakit. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung saan ako pupunta.

Nang matapos na sila ay tumayo na ako at kinuha ang maleta kong ngayon ay nasa lupa at may talsik din ng mga itlog. Buntong hininga kong tinanaw ang langit at napamura nang makita ang mga itim na ulap. 'Talaga namang malas ang araw na ito.'

Nagkagulo ang mga tao nang magsimulang magpatakan ang tubig ulan at pumasok sa kan'ya kan'yang bahay habang ako ay andito pa din sa labas. Ang iba ay nakisilong dahil sa malayo ang kanilang tahanan.

Ayan nanaman ang nakakapang insulto nilanh mga tingin.

Nagsimula na akong maglakad muli at hinayaan ang ulan na tumama sa akin. Hindi ko nalang din pinansin ang lamig na naidudulot nito sa aking katawan. Bahala na. Wala din namang tutulong sa 'kin.

Liningon ko ang bayan bago tuluyang humakbang palabas sa pultahan nito. Limang taon din akong namuhay dito at talagang mangungulila ako pag maalala ko ang masasayang araw sa Bayang ito. Nakakalungkot lamang na ambilis nila akong husgahan kahit hindi nila alam ang buong k'wento. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil sa trabaho ko.

Naalala ko si Hireya at napakuyom ng kamao. 'Traydor'. Muli akong tumingin sa bayan.

Pilit akong ngumiti at kumaway sa mga taong nakasilip sa kani kanilang bintana at sa inaasahan ko nga ay masasamang tingin ang ibinalik nila sa 'kin.

"Paalam, Grimstone."