Journey to find the Lightning Sorceress

🇵🇭Aerenux
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.8k
    Views
Synopsis

SIMULA

The academy

NYX'S POV

Nagising ako sa ingay na narinig ko sa kabilang kwarto. It was mom and dad, nagtatalo nanaman silang dalawa, as usual ganyan ang almusal naming, char! Syempre kumakain naman kami, lumabas ako ng kwrto para marinig ang pinag-uusapan nila, chismosa ako!

"Nigel, kailangan na nyang malaman ang totoo! Hindi nating pwedeng itago kay Nyx ang katotohanan habang buhay! Naks! Lakas ko makateleseye!" narinig kong bulyaw ni mommy.

Ganyan talaga sila mag-away, abnormal. Parang ikaw---este ako!

Pinihit ko ang pintuan, hindi ito naka-lock gaya ng inaasahan ko. Pumasok ako at nagsalita, "Anong katotohanan?" pak! Panteleserye, pwede na ako sa love thy woman kaso sarado na pala ABS-CBN

"A-anak…" halos pabulong na sabi ni Daddy.

"Dad.."

"Ang galling ng entrance mo! Bongga!" sabi ni Daddy habang napapa-palakpak pa.

"Ay Barbie!" Sabay naming tili ni Mommy.

"Pero seryoso, anong totoo?" The intense feeling inside the room is higher than earlier. Waw english.

"Anak...Hindi ka tao.."

"Oh my gosh! Wag mong sabihing alien ako Ma! Oh my god! Hindi ko naman naipadala pangalan ko sa NASA!"

"Sira ulo hinde!" Ani ni Mama sabay tapik sa noo ko. #Panginoo

"Isa kang—" Dad cutted of Mom's neck—chos! Phrase kase yon!

"I will show you something." Dad exclaimed.

"So show me." I'll show you.. army ako ba't ba?

Sumunod ako kay daddy, pumunta sya sa isang corner ng masters bedroom at may pinindot. Nakarinig nalang ako ng ingay na nagmumula sa parang nagkikiskisang mga bakal.

Then something opened up. It was a secret room, Nananaginip ba ako?

"Hindi." Huh?!

"Nakakabasa ako ng isip anak, wag tanga." Nag-roll eyes si Daddy.

"We??! Pano basa?"

"Tigilan mo'ko untog kita jan—char! Yoko nga mabantay bata pa ako."

Pumasok kami sa loob ng secret room at tumambad saamin ang mga armas—no..no... Parang yung sa mga armas sa Encantadia. Uwe...Uwe...Uwe...

"Anak, isa kang Celestian." Sabi ni Mommy.

"Ano t'yan? Ito oh." Turo ko sa t'yan ko.

"Baliw. Ce-les-tian, hindi ka nabibilang sa mundo ng mga tao. Isa kang elementalist, kailangan mong ma-discover ang kapangyarihan mo."

Hanu dawww??!! Celestian?? Elementalist?? Kapangyarihan?? Epekto ba 'to ng Quarantine?

"Yung totoo? Naka-shabu ba kayo?" Jusko lord! Kuhanin mo na si Author—char!

[A/n: ako tigilan mo'ko, baka mamaya ikaw mauna sa'ting dalawa. -,-]

Char lang e!

"Hindi, totoo ang sinasabi namin ng Mama mo, kailangan na nating pumunta sa Celestia, hinahanap na sya ni Head Master." Tumingin si Daddy kay Mommy.

"Head master? Sino yun? Master? Diba yun yung cleanser ng mga lalaki?" Naguguluhan na talaga ako!!

"Anak, tama na ang biruan. Hindi lahat ng oras, kailangan laging magbiro, tara na." Naglakad si Daddy, papasok sa isang pintuan, sumunod naman ako, sumunod na din si mama saamin.

Sa kabilang dako ng pintuan ay nakakita ako ng isang malaking Gate kung saan may nakasulat na "Ćélèßtîà" ano yun?

"Pumasok ka na." Sabi ni daddy.

"H-Hindi po kayo sasama?" Kinakabahang sagot ko.

Sino ba namang di matatakot?! Ang creepy kaya nung lugar, yung gate kulay itim, tapos yung mga puno tuyot at walang ka dahon dahon? Tapos wala pang tao.

"Wag kang mag-alala, isa 'yang unibersidad ng Celestia para sa mga trainees." Ngumiti si Mommy.

"T-Trainees? Tsaka anong university? Wala pa namang august ah? Diba sabi din ni Duterte no Vaccine no Classes? Bat may University dito?"

"Malalaman mo, ayan na sya." Kinilabutan naman ako sa sinabi ni mama habang nakatingin sa likod ko.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko na naging dahilan nang pagkagulat ko. Napaharap ako sa lalaking naka-suot ng isang long sleeved polo at black necktie, nakasuot din sya ng fitted nablack slocks.

"K-Kuya??" Napangiti ako sa nakita ko. Na agad ding napalitan ng curiosity

"Diba nag-aral ka sa CTS? Bat nandito ka sa Celestia? Tama ba?" Tumingin ako kila mommy.

"Nasa CTS nga ako, Celestian Training School." Then he smirked. What? Watawat.

"P-Paano?" Gulong gulo na ako, nauubos na Braincells ko!!—Cells lang pala, kase wala akong Brain.

Nakatanggap ako ng isang malakas na batok mula kay kuya. "Sira ulo! Tara na sa loob." Sabi nya na akmang tumalikod.

"Sandali sila mama.."

"Umalis na kanina pa." Sabi nya pa, nilingon ko ang pinanggalingan namin nila Mommy. At nakita kong wala na yung pinuan pati na 'rin sila Mommy.

"Sabi ko nga tara na." Sabi ko saka sumunod sa kanya.

Habang naglalakad kami ay naramdaman kong may sumusunod saamin, napakapit ako sa damit ni kuya.

"Kuya, may sumusunod..." Nakita ko namang natawa si kuya saakin.

Humarap sya sa gawi ko at saka nag-salita. "Kurt, lalabas ka o ibabaliin ko spinal cord mo." Tila may bakas nang pag-babanta si kuya.

"Hey they us!" Ansave?

"Shuta ka!" Sigaw ko dun sa lalaking sumulpot. He must be kurt.

"Welcome to Celestia! Kurt Delgado from section S" He laid his hand.

Agad namang hinawi ni kuya ang kamay ni Kurt. "Wag mo syang hawakan." Sungit naman.

"Hindi lahat ng nakikita mo dito sa University ay totoo." Pag-papaalala nya sakin.