Aby POV
'Takbo, takbo pa! Mahahabol Rin kita' Sabi Ng isang lalaki sa isang bata walang ginawa Ang Bata Kung Hindi tumakbo Ng tumakbo habang naiyak. Ang batang Ito ay mga nasa 7 taong gulang.
Dahil nakaramdam Ng pagod Ang Bata sa pagtakbo kaya onting onting bumabagal Ang takbo nya kaya sa Hindi nya inaasahan may kamay na humawak sa magkabilang balikat nya.
'Waaaaaaaaaaaa' sigaw ko at napabangon ako sa aking hinihigaan, nangangatal at natulala na lamang ako, Hindi ko na namalayang lumuluha na pala ako
*Tok Tok* may kumakatok sa pinto pero Hindi ako magalaw sa kinauupuan ko
*Tok Tok*
*Tok Tok*
*Tok Tok*
*TOK TOK*
'ano ba aby buksan mo' kaya nagitla ako Hindi ko namalayang nakakagat ko pala Ang Labi ko at onting onting tumulo Ang dugo dito.
Hindi parin ako nakakagalaw sa kinauupuan ko nagbukas na Ang pinto. Dali daling pumasok sa aking silid sila kuya, mama at papa.
'Aby ayos ka Lang ba?'
'Aby anong nangyare?!'
'Aray' pagkatapos akong batukan ni kuya, kaya sinamaan ko nalang sya Ng tingin.
'Ano ba, bakit kaba nangbabatok dyan?!' Pagalit Kong tanong
'Kanina ka pa namin tinatanong wlaa Kang ginawa kung Hindi tumulala dyan!' Sagot Naman nya
'Aby, hija ano bang nangyare?' Tanong ni mama
'W-wala ma nanaginip Lang ako ng nakakatakot' pilit na ngiting sagot ko
'Oh, anak bakit nagdudugo yang Labi mo?!' Kaya Naman onti onti akong napahawak sa Labi ko, tsk! Ang hapdi ah bwisit...
'A-ah wala pa siguro sa s-sobrang takot nakagat ko.... Yung Labi ko' ngumiti na lamang sya at tumango
'Ayan, makanood yan Ng mga horror movies kaya ganyan Kung ano ano tuloy napapaginipan mo' Singhal ni mama
'Oo nga ma, tignan mo andaming libro dito na puro katatakutan' gatong Naman ni kuya.
'Kaya walang ka thrill thrill buhay mo eh, Kuya!' pang aasar ko, pinangdilatan nya Naman ako Ng mata dinilaan ko Naman sya. Asar
'O sya sya, kami ay tutulog na, at ikaw Naman aby wag ka sisigaw bigla bigla dyan para kang kinakatay eh' sabat ni papa, tumawa Naman Ng malakas sila kuya, tsk
Pagkahiga ko sa kama naisip ko nanaman Yung bata, Hindi ko sya kilala....hays!! Pinilit Kong iwaksi ang aking napaginipan at pinagpatuloy ko nalamang Ang aking pagtulog.
GOODMORNING MONDAY!!!
*TOK TOK*
'Aby magayak kana aalis na tayo' sabi ni papa
'Opo' tugon ko
Nag unat unat muna ako ng katawan at dumeretso na sa banyo, naligo na ako at pagkatapos ang sepilyo pilit kong kinakalimutan ang napaginipan ko kagabe. pagkatapos maligo at magsepilyo tsaka ako nagbihis at dumeretso na sa hapagkainan.
'Ma, san nga ulit tayo pupunta?!" tanong ko habang nag lalagay ng kanin sa aking plato
'Bibisita tayo sa tita Felicia mo' tugon ni mama, si tita felicia ay kapatid ni papa na nakatira sa Batangas may anak itong tatlong lalaki at ang asawa naman nito na si tito mike ay nasa ibang bansa dun naman ito nagtratrabaho, dun kasi ang probinsya nila papa pero dito kame sa Laguna nakatira sa probinsya naman ni mama.
'Mm' tugon ko nalamang, at eto naman si kuya excited syempre makikita nya yung crush nya na dun rin nakatira kababata namen ni kuya, si ate kath
'Uyy si kuya makakasilay nanaman' pangaasar ko, pinandilatan nya naman ako ng mata, hahahha
Pagkatapos namen kumain tsaka kami nag gayak na at dumeretso na sa sasakyan. Si manang Linda ang maiiwan at si manong Jose, mag asawa sila.
'Oh, pano manang kayo munang bahala dito habang wala kame.' habilin ni mama
'Opo mam makakaasa kayo, ingat po kayo sa byahe' tugon ni manang
'Bye manang, manong' sabi ko ng may mga ngiti sa labi
'Bye, ingat kayo ha'
Natulog na lamang ako sa byahe at hindi ako nakatulog ng ayos kagabe.
'Aby andito na tayo'
'Aby' yugyog sa balikat ko ni kuya
'Mm, eto na eto na' tsk kala mo aso lang ang ginigising.
'Kahit kelan tulog mantika ka' singhal ni kuya
'Kahit kelan pakilamero ka' singhal ko naman, inirapan lang ako at tumalikod, aba aba!
'Hoy, asan sila mama?' tanong ko
'Tanong mo sa unggoy, baka sagutin ka' pangaasar nya
'Nagtatanong na nga ko ngayon eh, ayaw naman ako sagutin' pangaasar ko at nagtatakbo papuntang bahay nila tita, sa'an na kaya sila mama, nagugutom na ko eh.
'Ma, Pa' pagtawag ko, nandito na pala sila sa kusina
'Oh nandito ka na pala, halika dito kumain kana' pag ayaya ni mama
'Hello po tita' sabi ko kay tita
'Oh, eto na ba si geil?, aba lalo atang gumaganda itong pamangkin ko
'Kanino pa ba magmamana?' singit naman ni papa at nagtawanan kami
'Asan kuya mo?' tanong ni mama
'Pasunod na rin yon' sabi ko at maya maya ay eto na si kuya na may ngiti sa labi aba tignan mo to anong ni ngingiti neto? samantalang kanina ay magkasalubong na magkasalubong ang kilay nito.
'Oh, anong nginiti ngiti mo dyan?' tanong ko pagkaupo nya sa tabi ko
'Wala kang pakialam' singhal nya saken, aba aba! taray ah kinabog ang bakla.
Nagkibit balikat nalang ako at kumain maya maya ay dumating narin ang mga pinsan namin anak ni tita fely, tatlong lalaki isa ay si kuya Jake ang sumunod naman ay si Kuya Patrick ang huli ay si Kuya Paulo. Close kame ni kuya sa kanila, lagi kasi kami nabisita dito nung bata kami kasi ngayon madalang na lang pag may okasyon o pag nagkakayayaan.
Habang nag kwekwentuhan at nagkakamustahan sila nagpaalam muna ako at may bibilhin lang ako sa tindahan, at dahil probinsyang probinsya ito malayo layo pa ang tindahan dahil puro bukid at mga puno makikita mo. Naglakad na lamang ako papuntang tindahan kahit may kalayuan pa ito para makapag libang libang naren.
Pagkatapos ko bumili ay tinahak ko na ang daan pauwi kila tita.