Chereads / Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys / Chapter 12 - Chapter 12: Day 3 Mission

Chapter 12 - Chapter 12: Day 3 Mission

MIXXIA

Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang pag-aalala ni Kent sa akin. Pero di ba sila na ni Venice?

Focus ka Mixxia. Si Sam ang gusto mo at hindi si Kent.

Pumunta ako sa sala upang maghanda sa panibagong pagsubok na ibibigay ni Miss A ngayon. Laking pasasalamat ko nang sabihin niya labing-limang misyon nalang ang dapat naming gawin. Natapos na namin ang dalawang misyon kaya meron nalang kaming labing-tatlong misyon na kailangang tapusin.

Nadatnan ko si Sam sa sala na nagbabasa ng libro. Alas sais palang ng umaga kaya hindi nakapagtataka na tulog pa ang iba.

Napako ang tingin ni Sam sa direksyon ko at kaagad akong umiwas.

"Bakit ang aga mong nagising? Hindi ba't alas diyes pa ia-announce ni Miss A ang pangatlo nating misyon?" Tanong niya sa akin habang nagbabasa ng libro.

"A-ah e-eh kasi hindi na ako makatulog eh." Pagdadahilan ko kahit ang totoo ay kukuha sana ako ng makakain sa ref.

Bakit ganito? Hindi ako mapakali.

Pasimple akong tumingin kay Sam.

'Ang gwapo talaga.'

Kung ikukumpara ko siya kay Kent ay mas gwapo si Sam para sa akin. Hindi lang iyon napapansin ng iba dahil sa kaniyang reading glasses. Si Kent naman ay ma-appeal. Kung sa pananamit naman ang pag-uusapan ay mas gusto ko ang kay Sam dahil mala-korean ang fashion style niya, maging ang kaniyang kutis at buhok. Si Kent naman ay mukhang gangster manamit. Para sa akin, mas bagay sa kaniya magsuot ng pormal na damit.

Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv. Hinipan ko ang remote dahil maalikabok ito. Nahuli kong nakatingin si Sam kaya naman ay dali-dali akong tumutok sa tv at nagkunwaring wala akong nakita.

Tumayo si Sam hawak pa rin ang librong binabasa niya at tumabi sa akin. Malawak ang space sa sofa kaya inaasahan kong hindi siya uupo malapit sa akin.

Ang puso ko. Sobrang lakas ng kabog nito. Parang mahuhulog na. Sobrang lapit ni Sam sa akin kahit may espasyo pa sa gilid niya.

Tumutok ako sa pinapanood ko at tumawa. Teka! Bakit ako tumawa? Eh nakakaiyak pinapanood ko.

Nakita kong nagtaka si Sam at tumingin sa akin. Ibinaba niya ang kaniyang hawak na libro nang hindi inaalis ang kaniyang mga mata sa akin.

Bakit ba lagi siyang tingin nang tingin? Hindi man lang siya magsalita. Mas naiilang ako kapag may tumititig sa akin.

Inilapit ni Sam ang kaniyang mukha, sobrang lapit at halos magkadikit na ang ilong namin.

Napapikit ako sa sobrang kaba. Ramdam ko ang hininga niya sa labi ko.

Kinakabahan ako sa gagawin niya. Naramdaman kong gumalaw siya at inilapit ang bibig sa tenga ko.

"Next time, i-check mo muna kung tama ang pagkakasuot mo ng t-shirt ha..." Mahinahong bulong niya sa tenga na labis na nakapagpatayo ng mga balahibo ko.

Tumingin ako sa t-shirt na suot ko at nakitang baliktad nga iyon.

Mixxia naman! Nakakahiya!

Tumakbo ko ng sobrang bilis papunta sa CR. Agad Kong inayos ang t-shirt at napahilamos dahil sa hiya. Sobrang pula ng mukha ko at hindi ko mapigilang mapatili sa inis. Narinig ko namang tumawa ng malakas si Sam.

Kaya pala siya tingin ng tingin!

Nang makitang maayos na ang lahat ay bumalik na ako sa sala. Nandoon na ang lahat at naghahanda na sa panibagong mission.

Nakita kong nakangisi sa akin si Sam that's why I gave him a death glare. Mas lalo pa itong natawa kaya tinakpan niya agad ang mukha niya ng libro.

Nabaling ang paningin ko kay Venice na nakatulala. Mugto rin ang mga mata nito ngunit tila ako lang ang nakapansin.

Akmang pupunta na ako patungo sa direksyon niya upang kumustahin siya ngunit biglang sumulpot si Miss A sa screen.

"Good morning my dear students." Kahit naka-maskara siya ay nai-imagine ko ang ngiti niya. Iniisip ko na siya yung mga kontrabida na nakikita ko sa mga movie. May malawak na ngiti at kung hindi malaking boses ay matinis.

Anong good sa morning? Eh ang aga-aga minamalas ako. Maalala ko na naman ang nangyari kaninang umaga.

"Ngayon ay ang pang-anim na araw niyong pag-tira rito sa 'Haunted House'. Ngayon niyo rin gagawin ang pangatlo niyong misyon." Pagpapaliwanag ni Miss A at sadyang binibitin ang mga sinasabi.

"Masaya to. May mga inihanda akong armas. Huwag kayong mag-alaga dahil hindi kayo masasaktan non. Ang tawag ko sa mga iyon ay

'Ghost Vacuum Machine' pero hindi mukhang Vacuum. Ang gagawin niyo lang ay hulihin ang mga multo dito sa bahay na ito. Huwag kayong magpapadaig sa takot, kundi ay mabibigo kayo. Good luck! Mamaya ko na sasabihin ang mechanics kasi 3 am pa naman tayo magsisimula at tinatamad rin ako magsalita ngayon, masakit ngipin ko, ipapabunot ko mamaya sa dentist. Anyway, galingan niyo." Humalakhak muna siya na parang sinasapian at biglang nawalan ng signal ang tv screen.

"Aba masakit ang ngipin ng bruha." Natatawang sabi ni Venice. Kahit halatang may problema ito, ay pinipilit pa rin niyang tumawa at magtaray.

Kinakabahan ako sa mission na ito dahil takot ako sa multo.

Pero mamaya ko na po-problemahin iyon. Ang mahalaga ay makausap ko si Venice. Para naramdaman niyang may concern pa rin a kaniya.

Naglakas loob akong lumapit sa kaniya.

"Venice, pasensya na ha. Pero napansin kong tulala ka kanina. May problema ba?"

Naluluhang tumingin si Venice sa akin at niyaya ako sa balcony.

Ikinuwento niya sa akin lahat-lahat.

Bata pa lang si Venice ay naulila na ito dahil namatay ang mga magulang niya sa isang car accident. Ang kaniyang masungit na tiyahin ang nag-alaga at nagpalaki sa kaniya. Binigyan siya nito ng marangyang buhay. Wala siyang utang sa kaniyang tiya dahil sa mga magulang niya ang perang ginamit nito. Ngayong nasa tama at legal na edad na siya ay siya na ang may hawak ng pera. Hindi sila magkasundo ng kaniyang tiya dahil doon kaya umuwi siya sa bahay nila. Pinabalik niya ang lahat ng kasambahay nila doon upang samahan siya.

Na-i-kwento rin niya ang lalaking nagngangalang Jake. Sobrang nalulungkot ako sa kalagayan ni Venice.

I hugged her.

She cried.

"It's okay to cry Venice. Ilabas mo lang lahat para hindi maipon. Tapos bangon ka uli."

Humiwalay siya sa pagkakayakap at ngumiti.

First time ko na makitang ngumiti sa akin si Venice. Okay na ako doon dahil magkakaayos na kami.

"Thank you Mixxia. Pero di pa rin tayo friends."

Napakamot nalang ako ng ulo.