Chereads / Linya (Lines) / Chapter 3 - Chapter 2: Bended Line

Chapter 3 - Chapter 2: Bended Line

-Araw ng Groupings-

"Uy sorry nalate ako!"

"Alam ko."

"Huh?"

"Ah I mean. Anong bago? Hahaha. Tara na?"

Muntikan na namang madulas si Zech. Palibhasa isa itong araw na ito sa mga hinding-hindi niya malilimutan sa college life niya. Ang isang malaking misunderstanding na mangyayari maya-maya.

-meeting time-

"So ang idea ko is ganito, pa-game show style 'yung gagawin natin." Ani ni Macy.

Biglang may naalala si Zech. Game Show 'yung ginawa nila the last time at pinaulit sila rito. Kaya naisipan niyang kontrahin ito para maiba. Magtataas na sana siya ng kamay para mag-salita ng...

"Interview na lang kaya. Mas madali 'yun."

Nagulat si Zech sa narinig niya dahil sa pagkakaalala niya, wala kumontra noon sa suggestion ni Macy. At ang kumontra ay si: Rosalie.

Napaisip ngayon si Zech, epekto ba ito ng pagbalik niya sa nakaraan o hindi lamang siya ang bumalik rito.

"Gusto ko rin nun. Haha" sabi ni Ana.

Isa pa ito sa ikinigulat ni Zech. Dahil sa huling pangyayari nito, si Ana pa ang naging scriptwriter para sa Game Show.

"Malamang epekto nga ito ng pagbalik ko." Ani niya sa sarili.

Makalipas ang ilang oras, napagpasiyahan na nga na ang gagawin nila ay Interview. Ngunit ang inaabangan ni Zech na mangyari ay pagkatapos pa nito.

"Uy Zech didiretso na ako sa Lola ko malapit dito." sabi ni Ana.

"Sige okay lang. Para mabilis din ako makauwi. Bagal ko pag kasama kita. Hahaha"

"Ang sama mo talaga. Hahaha. Sige Bye!"

Hindi pa man nakakalayo si Ana ay dumating na ang hinihintay ni Zech.

"Oy, Pwede ba mag-usap tayo?"

Paglingon niya ay nakita na niya ang kanyang hinihintay. Si Rosalie.

"Okay lang naman. Tungkol ba saan?"

"'Wag tayo dito."

-sa isang fast food chain-

"Ikaw na muna umorder."

"Isabay na kita. Para isang hakutan na lang."

"Okay. Burger lang. Eto bayad."

"Sige wait."

Matapos umorder ni Zech, habang pabalik sa table nila pinagmasdan niya si Rosalie habang nasa phone nito. Bumalik sa isip niya ng mga nangyari, pinalalayo siya nito sa kaibigan niyang si Fleur. Noong mga panahong iyon ay siyempre nabigla siya at medyo nagalit pa nga. Pero ngayong alam na niya ang dahilan kung bakit siya pinalalayo nito, wala na sa kanya iyon.

"Oh ba't ang tagal mo?"

"Sorry na. Mahaba 'yung pila. Fries?"

"Sige. Penge mamaya. Unahin ko muna sasabihin ko."

"Kain na muna. Baka nakakawala 'yan ng gana."

"Edi okay."

-makalipas ang ilang minuto-

"Bago bang fries 'to? Ba't iba 'yung lasa?"

"Oo bago nilang flavor 'yan. Sarap 'no?"

"Oo—Ehem. Balik na tayo sa ipinunta ko dito. Layuan mo si Fleur."

"Bakit?"

"Kasi ayoko siyang nakikitang nasasaktan."

"Bakit siya masasaktan?"

"—!!! MANHID KA BA?! Alam mo naman siguro na may gusto siya sa'yo?!"

"Paano kung sabihin kong hindi? Ang policy ko, hanggang hindi 'yung mismong tao nagsasabi sa akin, hindi ako maniniwala."

"HUH?! Sira ka ba??!"

"Hindi. Pero bakit naman siya masasaktan kung wala naman akong jowa?"

"Wala ka diyan. Eh ano kayo ni Ana?"

"Close friends?"

"Mukha mo."

"Oo nga. At tsaka tinanong mo ba ako kung sino gusto ko?"

"—'Wag mong sabihing—?"

"'Yep. May gusto ako sa kaibigan mo."

Hindi iyon palusot. At some point bago siya nagkagusto kay Ana, nagka-crush siya kay Fleur.

"Wa— Huh?!"

"Tubig gusto mo? Parang kailangan mo pa ata ng time para maniwala ah?"

"Eh kasi— Huh?!"

-sighs- "Basta bahala ka kung sasabihin mo sa kanya o hindi. Uwi na ako. Taga dito ka lang naman 'di ba?"

"Huh? Ay oo. Teka lang may sasabihin pa ako."

"Ano 'yun?"

"MAG-INGAT KA KAY MACY."