Chereads / The Girl behind the Mask / Chapter 3 - Treehouse

Chapter 3 - Treehouse

Chapter 3: Treehouse

Maagang nag handa ang mga Royalties. Hindi naman kalayuan ang pupuntahan nila kaya naisipan nilang maglalakad nalang papunta sa pupuntahan nila.

"Ready na ba lahat?" Salubong sa kanila ni kenneth na may dalang backpack.

"Yup! I'm so excited na!" Masayang tugon ni Ashera sa mga kasama niya

"Let's go!" Sulpot ni Jack at umalis na sinundan naman ng iba.

"MALAYO pa ba?" Tanong ni Althea sa kanila.

"Malapit na!" Sagot sa kanya ni alizeh at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit napahinto agad sila ng may marinig na kaluskos sa unahan.

"Maghanda kayo, may paparating" kenneth.

Pero nagulat sila sa taong bumungad sa kanilang harapan.

Isang taong naka cloak ang naglalakad papunta sa direksyon nila habang na tungo ito na tila hindi alintana ang mga taong nasa harapan niya ngayon.

Napahinto ito ng maramdaman niyang nakatingin ito sa kanya. Kaya napaangat ito ng ulo. Ni Hindi man lang nagulat sa mga nakita niya na parang inaasahan na niya ito.

"ASHA?" tawag ni Althea sa babaeng nasa harapan nila.

Kitang Kita nila ang pagkunot ng noo nito na parang tinatanong kung bakit alam nito ang pangalan niya, sa pagkakaalam niya hindi naman niya nabanggit sa kanila ang pangalan niya.

"Ahm! yun kasi tawag sayo ng babae kahapon eh! Hehe" paliwanag ni Althea sa babae.

"Okay!" Tanging sagot nito.

"Ano pala ginagawa mo dito?" Tanong sa kanya ni Asherah

"Galing akong Ellesmerre village"

"Saan ka pupunta ngayon?" Tanong sa kanya ni Abigail.

"Actually, hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na yun pero natatandaan ko ang daan papunta dun. Maganda kasi ang tanawin sa lugar na yun. Kaya parati akung pumupunta doon."

"Kayo? San punta niyo? Alam niyo ba na dilikado ang gubat nato? Dito mismo sa kinatatayuan niyo" tanong niya sa royalties na walang emosyon sa mukha nito.

"We're going to have a camping sa bundok na malapit sa Ellesmerre village" sagot sa kanya ni Gale.

"Okay! Alis na ako" sabay talikod nito sa mga royalties na nakatingin lang sa papalayong babae.

"Wait!" Pigil ni Althea sa babaeng papalayo na sa kanila.

Tumigil ito sa paglalakad.

"What?" Bungad nito using her cold voice. Habang nakatalikod pa rin sa kanila

"Ahm! Can we join you?" Napatingin Ang mga royalties Kay Althea na magpagtatanong sa mukha nila. "You know! Gusto din kasi namin na makadiskubre ng ibang lugar. So, can we come with you? Nabanggit mo kasi na maganda ang lugar na pupuntahan mo. Okay lang ba?" Pagpapatuloy ng kanyang sasabihin na hindi alintana ang mga tingin ng kanyang kasamahan.

Nagpatuloy sa paglalakad si Asha na walang sinabi.

"What are you doing ate? Bat tayo sasama sa kanya? Kilala mo siya? Paano kung kalaban pala yan?" Tanong Ni Anthony sa kanila gamit ang kanilang mga isipan

"Akala ko ba sasama kayo? Ano pa ginagawa niyo diyan?" Tanong sa kanila ni Asha na malayo na sa kanila.

Napalingon silang lahat kay Asha.

"Sabihin niyo lang kung hindi kayo sasama, sayang ang oras" sabay talikod nito sa kanila. Habang sila ay nakatingin pa rin kay Asha

"And I am not an enemy!" Dagdag pa nito atsaka nagpatuloy na sa paglalakad.

Tila nagulat naman naman ang mga royalties sa sinabi ng babae.

How did she know that?

She's creepy!

"I'm not" sagot ni Asha sa kanilang mga isipan

Mas lalo silang nagulat sa pagsulpot nito sa isipan nila.

"I'm going! I want her to be my friend" Sabi ni Althea sabay takbo papunta npapalayong asha

"I'm also in" sabay alis ni Asherah.

"Will, she's cool so I'm going too" sabi ni abigail sa mga na natirang kasama.

"Bro! Wala namang masama kung makipagkaibigan tayo sa babaeng yun. You see her face? Ang layo naman sa pagiging kalaban. Ni Wala ngang pakialam satin eh!" Sabay alis ni Tyson at sumunod sa mga babae. Sinundan naman siya ng apat na naiwan.

WOW. Sabi sa kanilang isipan nang bumugad sa kanila ang napakagandang tanawin ng lugar. Napaka aliwalas ng lugar. Tanging Ang huni ng ibon at agos ng tubig na nagmumula sa falls ang maririnig mong ingay.

"Kyaaahhh! Ang gandaaaa! Bat di ko alam to?" Bungad agad ni Althea habang iba ay hindi pa rin naka get over sa ganda ng lugar na ngayon lang nila nakita.

"Diyan na lang ba kayo?" Sabi ni Asha na napapailing nalang sa mga reaksyon nila.

Agad naman na sumunod sa kanya Ang mga royalties.

"This is the place that I always visit. Dahil na rin sa ganda ng lugar at peaceful. Kaya naisipan ko nalang na magtayo ng matutuluyan ko para hindi naku mahihirapan Kung sakaling magtagal ako rito." Sabi ni Asha habang naglalakad parin.

Nagtataka naman Ang mga royalties sa sinabi nito kasi Wala naman silang nakikitang bahay sa paligid.

Napahinto si Asha sa paglalakad kaya napahinto rin sila na maypagtataka sa kanilang mga mukha

"Look up!"

Nagtataka man, tumingin sila sa itaas gaya ng sabi ni Asha sa kanila.

Tila nagulat naman sila sa bumungad sa kanilang mga mata.

Isang simpling bahay na nakapatong sa pinaka mataas na kahoy. Natatabunan ito ng mga sanga Kaya hindi halatang may bahay dito.

"WOW!" Sabay na Sabi ng mga royalties

"That's the house that I said a while ago"

"Pasok na!"

Napatingin nman sa kanya Ang mga royalties na may pagtatanong.

How can they even climb that house? Eh napaka taas niyan? There's no ladder

" Oh! my bad" napatampal nalang ito sa kanyang noo nang may ma realize siya

"Sundan niyo ako" tuloy tuloy ito sa paglalakad papalapit sa puno. And then she disappear.

"What was that?" Biglang tanong ni Anthony sa kanila.

"Hey! Gawin niyo lang yung ginawa ko kanina" sabay silang napatingin sa taas. Nakita nila si Asha na prenting nakaulo sa itaas.

"Come on! Kilos na"

Kaya agad silang naglakad palapit sa puno. At bigla nalang nagbago Ang paligid tila nasa loob sila ng bahay.

Nilibot nila ang kanilang paningin. Makikita mo ang magagarang kagamitan. May bookshelf sa may sala. May mga libro then sa ilalim namg mesa dito sa sala. May veranda. May kusina na kumpleto sa kagamitan. Mababakas ang pagiging lively ng bahay na Ito.

"Argh! Akala ko tatayo nalang kayo dun sa labas" bungad sa kanila ni Asha. sabay punta sa kusina.

Sila Naman ay namamangha parin sa bahay Ni Asha.

"Maupo muna kayo diyan. Ipaghahanda ko kayo ng tanghalian"

"Worth it talaga ang pagsama sa kanya." Sabi ni Althea na may ngiti sa labi.

"This treehouse is amaziiiing! Hindi lang sa loob ng bahay ang maaliwalas. Pati sa labas ang ganda!" Singit Ni Ashera habang nasa veranda. Kaya lumapit sa kanya Ang iba.

"WOW" sabay na Sabi nila. Tanaw na tanaw mula sa veranda Ang ganda ng lugar. Kita dito Ang malaking falls.