07/08
Dear dairy:
"Zhap!!zhap!!" Sigaw nanaman ng isa.
"Ano nanaman ba yun? Kita ng nasa cr eh" inis kong sigaw pabalik sakanya.
"Oh eto naman napaka. May chika ako si man nasa kabilang apartment lang. Kalilipat lang ngayon pinapasabay tayo sakanya" laking ngiti nyang sabi.
"Oh edi sabay sabay na tayo papasok, oh ano nginangawa mo dyan?" Sarkastokong sabi.
Inirapan nya ko bago sumagot. "Kinikilig ako sainyo" at umastang parang kilig na kilig.
"Tss.. kung alam mo lng" kinikilig sya eh sya naman ang gusto ni man. Tsk tsk ang slow naman neto.
"Na ano? Kayo na ba? Bat di ko alam yun?" Sunod sunod nyang tanong.
"Napaka kulit mo noh, walang ganon tss.." nagayos na ako ng gamit lumabas ng cr.
"Takteng yan. Sr kayo ah" nagtaka ko naman syang tinignan.
"Anong sr nayan?"
"Sr. Secret relationship" napairap nlng ako.
"Tss.. tumigil ka na nga baka nagiintay na yung tao"
"Yeeii... ayaw paghintayin ang manliligaw nya" tss.. parang ewan eh.
Hindi ko na sya pinansin at naunang lumabas, pagkalabas ay nakita kong nakahilig sa dingding si man.
"Kanina kapa? Sorry" hingi ko ng pasensya.
"No ah, ok lng hehe" kamot sa ulo nyang sabi.
"Nasan si..." hindi nya natuloy ang sasabihin ng lumabas na si tiana.
"Andito na" sarkastiko kong sabi sabay tapik sa balikat nya.
"Hoy, kayo ah" may himig ng pangaasar na itinuro nya kami.
"Parang ewan nanaman sya. Halika na" inis kong sabi at nauna ng naglakad.
Habang naglalakad ay walang tigil sa kakadada ang isa tawa lang ng tawa sa kwento ni tiana si man.
"Oh oo nga pala, uy yung tungkol sa sobre ano na balak mo dun" pagbubukas ng ibang topic nya.
"Ewan ko" kibit balikat kong sabi.
"Uy bukas na yun ineng wala paring plano, ako papasok dun. Aba sayang din yun" tiana.
"Ano yun?" Tanong ni man samin.
"Ah may nakuha kasi syang sobre. Laman non na enrolled daw sya sa kung ano man ang university na yun" kwento ni tiana at tango naman ang isinagot ni man.
"So titigil ka muna sa pagtratrabaho" tanong sakin ni man.
"Ewan, hindi ko pa nga alam kung tunay yun or ano" sagot ko.
"Tinext ka nat lahat di mo pa din alam. Yung place at mga kailangan tinext na rin ano pa ba?" Oa na sambit ni tiana.
"Tss... malay mo scam" sagit ko.
"Takte. Utot mo scam" natawa naman si man sa sinabi ni tiana.
Ano kaya nakakatawa dun palibhasa may gusto kaya todo support. Tss...
"Oo nga naman zhap, sayang din yun. Opportunity din yun" napanguso naman ako ng gatungan ni man.
Tss... bahala kayo magsama kayo jan. Pagtulungan ba naman ako hirap kaya magdesisyon. Malay ko ba mamaya ikapahamak ko pa pagpasok ko dun matuntun pa ko ng tatay ko. Tss... delikado. Nag in na kami sabay at nagpalit sinuot na rin ang kailangan isuot.
"Welcome to McDo" sabay sabay naming sabi.
Tss... ayan nanaman yung feeling. Sino ba kasing nagmamanman samin, no sakin. Tss... pagnahuli kita lagot ka sakin.
Ordinaryong araw lang ang nangyari pero hindi pa rin mawala ang mga matang animong tinitignan ang bawat galaw ko. Na parang isang presong mawawala pag nalingat ang tingin sayo. Bwiset sila nawawala ako sa focus sa ginawa ko dahil sakanila.
"Ok guys see tommorow again"
"Yes po" sabay sabay naming sagot.
"Uy sunday nga pla ngayon di tayo nakapag simba kaninang umaga, simba tayo ngayon" pagaaya nya sakin na agad ko namang sinang ayunan.
"Sama ka?" Tanong ko kay man.
"Sige ba, pero gabi na wala ng misa" man.
"Magdadasal lang naman tayo, ilang beses na rin naming ginawa yun" tiana.
"Ah sige sige sama ako" sagot ni man.
"Saglit ibibigay ko lang to sa mga bata" sabay pakita sa pagkaing kinupit ko.
Actually di ko naman kinupit bawas sa sweldo ko yun ah. Tumango naman ang dalawa kaya sinamahan nila akong ibigay sa mga bata. Masaya akong nakakatulong kahit sa ganitong paraan lang.
"Hati hati kayo jan ah" ngiti kong sambit na tinanguan naman ng mga bata.
"Ang bait mo talaga zhap noh" manghang sabi sakin ni man.
"Gusto kong makatylong sa mga nangangailangan, masarap sa pakiramdam na nakakatulong ka" ngiti kong sagot.
"Oo kaya bansag sayo.." pagpaparinig ni tiana sa mga bata na agad namang sinagot nila.
"Supergirl" sigaw ng mga bata at sabay sabay kaming nag tawanan.
Pagkatapos non ay dumaan talaga kami sa simbahan at nagdasal. Hindi nanamin kailangang kumain pa dahil bago umalis kumakain na kami sa trabaho. Yung mga natirang unti yun ang kinakain namin para paguwi hindi na kakain tulog nalang deretso.
Habang naglalakad ay hindi ko pa rin maalis ang pagiging alerto ko at nahahalata na yun ng dalawa.
"Anong meron zhap bakit palinga linga ka dyan?" Tanong ni man sabay tingin sa paligid.
"Huh? A-ano wala yun, alerto lang baka may magnanakaw ganon" palusot ko. Tumango tango lang sya at luminga linga rin.
"Hay nako, hayaan mo yan ganyan talaga yan. Ang talas ng pakiramdam pati pusa nararamdaman" tiana.
"Hoy hindi ah, kumalabog yun kaya akala ko may sumusunod satin, akala mo naman di din natakot" pagtatanggol sa sarili.
"Takteng yan. Di nalang aminin na napraning ka kahapon" pangaasar nya sakin.
"Tss.. hindi nga kasi" tawa naman ng tawa ang isa dahil sa pagbabangayan namin ni tiana.
Ganon kami hanggang may humarang samin. Hindi ko mamukhaan dahil masyadong madilim ang nilalakaran namin at pawang mga nakaitim ang mga ito. Prinotektahan ko ang dalawa.
"Sino kayo? Anong kailangan nyo?" Matapang kong tanong.
"Nakuha mo ba ang ibitasyon Ms.Santos?" Lalaki ang boses nito. Pero hindi ko pa rin malaman kung sino ito.
"Sino ka?" Ulit kong tanong.
"Aalis kami agad basta pumunta ka at umattend sa paaralang iyon, walang masasaktan sainyo" sagot nya.
Hindi nya sinagot ang tanong ko. Syempre sino naman tanga ang sasagot sa tanong mo eh hostage ka nga eh. Engot self engot.
"Tss..."
"Sabihin mo muna samin kung payag ka?"
"Ganto ba kayong magaya ng studyante nyo?" sarkastiko kong tanong.
"Hindi naman, masyado ka lang kasing matigas ang ulo kaya kailangan ka naming pwersahin" sarkastiko rin nyang sagot.
Tss.. kilala nila ko. Pero pano wala pa kong text na natatanggap kay red na alam na ng tatay ko kung nasan ako. Kung ganon sino sila.
"So? Prin... mali zhappir lang pla. Ms.Santos maaasahan ka ba namin" napatingin ako sa sahig at pinipilit na gumawa ng plano.
Kung lalabanan ko sila madadamay ang dalawa. Delikado. Tss.. wala akong magagawa sa ngayon kailangan kong umoo.
"Hm. Magaaral ako" seryoso kong sambit.
Dehado ko ngayon magpasalamat kayo ngayon. Humanda kayo pag wala tong dalawa patay kayo sakin.
"Good choice, may magsusundo sayo at pupuntahan ka sa tapat ng apartment mo" pagkasabi nya non ay agad silang umalis.
Wala narin ang mga matang nakatingin kanina. Mukhang sila iyon minaman manan kung anong desisyon ko. Tss... tuso. Tuso rin naman kami pero hindi, wala pa talagang text mula kay red. I trust red.
"Ha ha" kabadong tawa ni tiana.
"Sino sila?" Seryosong tanong ni man.
"Hindi ko pa alam, at yun ang kailangan kong malaman" seryoso kong sagot.
"Pwede na ba tayong umuwi?" Kabado parin si tiana hanggang ngayon.
Tumango naman ako at naglakad kasabay sila pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung sino sila kung sa tatay ko ba o sa kalaban.
"Sige na magpahinga na kayo" nakangiting sabi saamin ni man at pumasok na sa apartment nya.
Pumasok na rin kami at pabagsak na umupo si tiana maging ako rin ngunit nakatingin sa kawalan.
"So, pupunta ka talaga bukas?" Halata pa rin ang takot sa tinig nya.
"Hm. Wala nakong magagawa kundi sumangayon"
"At yun ang ayaw ng isang zhappir na kilala ko" tiana.
Bumuntong hininga muna ako bago sagutin sya. "Dehado ko kanina, dahil nandoon kayo. Tsaka marami sila pero nandoon pa rin kayo"
"Takteng yan"
"Matulog ka na, magliligpit pa ko" at iniwan sya doon sabay pasok sa kwarto ko.
Tss.. hindi ko naman kailangang gawin ito diba. Arghh... hindi ako makapagisip ng maayos. Pagkatapos kong magayos ay nagbanyo na agad ako.
The only way that i have to do is go with the flow. Maldicion!!
Ace's POV
"So whats inside the notebook?" Tanong sakin ni will. (Si will po yung cute na bata)
"Yeah is it cursed?" Dagdag naman na tanong ni sid.
"Nope, its just an old dairy"
"Dairy of a wimpy kid?" Joke na tanong ni sid.
"No, its a someones dairy. Im still at the second page still reading it" paliwanag ko.
"Do you feel weird?" Nagtaka naman ako sa tinanong ni will.
"Weird, what do you mean?" Tanong ko.
"You know, youll feel weird when its a cursed" napamake face nalang ako.
"Still not get over about that cursed?" Natatwang tanong ko.
"No, im still scared" sagot nya.
"Dont be will like ace said its not cursed" sid.
"Yeah its not. Im alright" nakangiti kong sabi.
Lumiwanag naman ang kaninang takot na ekspresyon nya. At tumango.
"Ok"
"You know lets just play xbox so we can forget about the 'cursed notebook'" may diing sambit ko at tumawa.
________________________
"Being kind is nice but be careful. Sometimes they are....scammers - by kuya scam
________________________