BLAIR'S POV
Na-alingpungatan ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock, tinignan ko ito at 7 am na. Humikab ako at pagkatapos ay bumangon upang magtungo sa banyo.
Inaantok pa ako pero kailangan ko pumasok sa paaralan, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang panget mo pa din Blair; kita ko sa salamin ang magulo ko na buhok at mga muta sa mata.
Binuksan ko ang gripo upang maghilamos at tumingin uli sa salamin, "Wala pa din at di nagbago." Sabi ko saka umiling. Pagkatapos mag hilamos ay nagsipilyo na ako at nagtungo sa ibaba.
Nasa hagdan naman na ako pababa at naririnig ko ang tunog mula sa tv, may na-aamoy din ako na pancake. Mukhang nagluluto na si mama ng almusal namin.
"Ma?" Sabi ko.
"Si Axel?" Tanong ko dahil wala ito sa sala, tuwing pagkagising ko kasi ay lagi ko itong nakikitang nanonood ng cartoons sa tv. Ayaw na ayaw nitong nahuhuli pagdating sa pinapanood niya.
"Sumasakit ang ngipin, sabi ko kasi wag siyang kumain ng chocolate.. Natulog uli siya." Sagot ni mama.
Napangiti naman ako dahil binigay ko ang kalahating parte ng tsokolate kahapon. Umupo ako sa sofa at nanood ng tv, ang palabas dito ay ang YSS news kaya naman hindi ko na ito nilipat pa. Nabasa ko naman sa ibaba na tumaas ang bilang ng mga suicide attempt sa Santa Barbara, nasa 156 na ang bilang at lahat ito ay puro kalalakihan.
"Aisha Miller mula sa Santa Barbara pasok." Sabi ng newscaster.
"Maraming salamat, Ted.. Kasalukuyan po na pumalo sa 156 na puro kalalakihan lamang ang bilang ng suicide attempt dito sa Santa Barbara. Karamihan po sa mga ito ay galing sa farm at nagsimulang maging bayolente ang mga ito. Kahapon lamang ay puro suicide attempt ito pero kaninang madaling araw ay may mga kaso na nangangat ang mga ito at nagiging bayolente. Yan pa lamang ang update na maiibigay ko Ted dahil hindi pa malaman ng mga doktor o awtoridad ang nangyayaring mysteryo dito sa bayan ng Santa Barbara. Back to studio.." Sabi ni Aisha Miller na newscaster.
Natawa ako dahil sa sinabi nito, "Grabe pala madepress ng mga lalaki." Sabi ko.
"Maraming salamat, Aisha.. Dumapo naman tayo sa ibang balita. Starrex Inc, kinasohan umano dahil sa mga ilegal nitong research facility? Di umano ang Starrex ay nag coconduct ng mga human tests at nagdulot ng ilang kamatayan sa mga test subjects nito. Makailan lamang ay naglabas ang isang netizen ng mga sensitibong file o documents na nagsasabing gumagawa daw di umano ng mga human test o trials ang Starrex... Totoo nga ba ito o isang fake news lamang?" Sabi ng newscaster.
"Blair! Maligo kana! Aba, malalate ka na naman sa school!" Sigaw ni mama.
"Opo saglit lang." Sagot ko.
"Ito po ang pahayag ng CEO ng Starrex Inc. na si Ivan Aguirre ukol sa kumakalat na files sa social media. 'Lahat ng mga bintang at paratang laban sa Starrex Inc. ay hindi totoo, lalaban kami sa korte at sasagot sa batas kung kami man ay nagconduct ng mga ilegal research at human trials.' Sinasabi nito na hindi totoo--" Sabi ng newscaster.
"Blair! Patayan mo na yan at maligo kana!" Galit na sabi ni mama.
"Sinasabi nito na hindi totoo ang mga kumakalat na balita sa so--" Sabi ng newscaster at pinatay ko ang tv.
Balak ko sanang taposin ang balita pero nagagalit na si mama kaya naman nagtungo ako uli sa itaas upang maligo. Makalipas ang ilang minuto ay tapos na akong maligo at nakapagbihis na, pagkatapos ay nagtungo ako sa ibaba upang mag almusal.
Nalakad ako patungo sa kusina at naupo sa may counter, "Kumain kana." Sabi ni mama at naglapag ito ng pancake na may chocolate syrup sa ibabaw saka gatas.
"Gatas?" Pagtataka ko.
"Inumin mo na, ayaw kasi inumin ni Axel.. Sayang naman." Sabi ni mama habang naglilinis ito ng kusina.
"Luh.. Sige na nga.." Sabi ko at naghiwa ng maliit na pancake saka kumain.
"Bilisan mo na kumilos Blair, malalate kana.." Sabi ni mama.
"Ma, 7:40 pa lang.. 8:30 ang pasok ko.. Chill ma." Sabi ko.
"Chill, chill.. Pag ikaw nalate.. Sinasabi ko sayo Blair! Umayos ka." Sabi ni mama at napatigil sa pagpupunas.
"Opo.. Uminom na ba ng gamot si Axel?" Tanong ko.
"Oo, pinainum ko na.. Talaga yang batang yan, nako." Sabi ni mama at natawa lang ako.
Hindi ko na naubos ang pancake at gatas dahil hindi ako masyadong kumakain sa umaga. Nagpaalam naman ako kay mama upang umalis. "Alis na po ako, ma" Sabi ko.
"Bat hindi mo inubos? Sige na umalis kana.. Mag-ingat ka, Blair." Sabi ni mama.
Lumapit ako dito upang halikan sa pisnge, "Iloveyo." Sabi ko.
"Iloveyou too, anak.. Sige na at ikaw ay baka malate pa.." Sabi ni mama at natawa ako dahil napaka OA nito na malalate ako.
"Opo," Sabi ko at nagtungo sa sala upang kunin ang aking bag pagkatapos ay lumabas ako ng bahay.
Paglabas ko ng bahay ay dumampi agad sa balat ko ang sikat ng araw, hindi pa ito masakit sa balat at ang sarap ma-arawan. Kinuha ko ang aking bike at nilabas, kita ko naman ang ilang kapitbahay namin na nagdidilig ng kanilang mga halaman.
"Blair! Papasok kana!?" Sigaw ni mang Teddy, nakaupo ito sa kanyang upuan tuwing umaga habang may hawak na dyaryo.
"Opo!" Sagot ko.
"Mag ingat ka!" Sigaw nito at nagpatuloy sa pagbabasa ng dyaryo.
Si mang Teddy dati ang nag-aalaga kay Axel kaya medyo malapit ito sa aming pamilya. Isang marine dati si mama, nagretired ito upang alagaan kami dahil nakafocus sa kanyang trabaho si papa.
Nagbisikleta ako papunta sa paaralan, di naman ito medyo malayo at tatlong kanto lamang ang pagitan mula sa aming bahay.
Pagkadating ko sa may tapat ng entrance ng school building ay napakdaming estudyante na ang pumapasok. Kasama nito ang kanilang mga kaibigan at nagkwekwentuhan.
Bumaba ako sa bisikleta at tinali ito kung saan naka-park ang mga bisikleta. Naglalakad na ako papasok ng hallway sa entrance ng school ng bigla ko makita si Zach, kumaway ito sa akin at hinabol ako pagkatapos ay umakbay.
"Yow." Sabi ni Zach.
"Hi?" Sabi ko habang naglalakad kami sa hallway.
"Tapos mo na ba yung essay sa--" Sabi ni Zach.
"Sa english kasi kailangan ko ng tulong." Dugtong ko sa sinabi nito, natawa naman si Zach.
"Yeah," Sabi nito na parang nahihiya at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin.
"I'll treat you lunch, kailangan ko lang kasi talaga yung essay mapasa.. Promise i-ibahin ko yung mga words, kukuha lang ako ng ideya... Hindi ko kokopyahin." Sabi ni Zach.
"Please? Please? Please? Please?" Paulit-ulit na sabi ni Zach.
"Oo na," Sabi ko at nasa tapat naman na ako ng locker ko. Binuksan ko ito upang kunin ang essay ko sa english.
"Nagaaway pa rin kaya si Elaine at Nash?" Tanong ni Zach.
"Syempre naman.. Pero magbabati din yan, may mga sapak yan sa ulo eh.. Magbrebreak tapos magbabalikan uli." Sagot ko.
"Sabagay." Sabi ni Zach at inabot ko ang papel na may laman na essay.
"Ayan na, wag mo lulukutin ah.." Sabi ko habang sinasara ang locker.
"Naman, ako pa.." Sabi ni Zach at naglakad na kami papunta sa first period.
Sa paglalakad, ay nakasalubong namin si Natalie. Mukhang haggard ito at may hangover pa dahil medyo pasuray-suray ito maglakad.
"Blair!" Sigaw nito at niyakap ako, nagulat naman sa ginawa nito. Napatingin naman sa akin Zach at natawa.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa ginawa nito kaya niyakap ko na din ito. Inakbayan ako ni Natalie at nilayo kay Zach. "I'll make this quick.. Wala ka sasabihan tungkol sa nangyari kahapon at sa mga ginawa ko, okay ba yun?" Sabi nito.
"O-- okay?" Sagot ko.
"Good." Sabi ni Natalie at ngumiti sa akin saka kay Zach pagkatapos ay umalis ito.
"Ano yun?" Tanong ni Zach habang pinagmamasdan palayo si Natalie.
"Wala yun, nahihiya lang siya sa pinag gagawa niya kahapon." Sabi ko at umiling saka natawa.
Nasa pinto naman na kami ng classroom namin para sa first period, rinig ko ang mga tawanan at asaran ng mga ito. Pagpasok namin ni Zach ay kanya-kanyang kompulan ang mga ito; may mga busy sa panonood ng anime, mga nagkwekwentuhan, nagmamake-up at huli ang grupo namin na matamlay.
Si Eron naman ay nakayuko sa desk nito samantalang si Elaine at Nash ay nag-aaway. Naupo kami ni Zach at nilapag ko ang aking bag, katabi ko si Eron at Zach habang nasa harapan namin si Elaine at Nash.
"Eron? Okay ka lang?" Tanong ko.
"Oo, nahihilo lang ako.." Sabi ni Eron.
"Alak pa, sarap ba? Ping pong pa!" Sabi ko saka napailing, nag bad finger naman si Eron sa akin.
"Bakit ka nga umalis!?" Rinig ko mula sa pagtatalo ni Elaine at Nash.
"Im drunk, babe.." Sabi ni Nash.
"Argh! Buti pa yung ibang tao may pake.. Samantalang yung boyfriend ko mismo, wala! Pingpong pa! Hampas ko sayo yung ping pong eh!" Galit na sabi ni Elaine.
"Sorry na, babe.. Babawi ako promise." Sabi ni Nash.
"Sorry, sorry.. Lagi na lang sorry! Tapos uulitin mo uli!" Sabi ni Elaine.
"Hindi na, babe promise.." Sabi ni Nash.
Pinagmamasdan ko ang dalawa at natatawa ako. Kaya ayoko nagjojowa eh, dahil ganto ang kalalabasan.. Puro away at non sense na lang, mag aaral na lang ako mabuti pa.
Busy naman si Zach na gumagawa ng essay nito, malayo pa naman ang subject ng english dahil pagkatapos ito ng vacant.
"Yan! Di kasi gumagawa sa bahay.." Sabi ko.
"Mamaya mo na kasi gawin, sa vacant.." Pangdedemonyo ko dito.
"Ehh.. Tataposin ko na agad." Sabi ni Zach.
"Mamaya na, ano ka ba! Madami pang oras." Sabi ko at hinahawak ang kamay ni Zach upang magulo ito sa pagsusulat.
"Ang tunay na estudyante, pag checking na gumagawa.." Sabi ko.
Napatigil naman si Zach at tumingin sa akin, "Alam mo napakademonyo mo, talaga!" Sabi ni Zach sa akin. Natawa lang naman ako sa mga sinabi nito.
Maya-maya pa ay pumasok na ang guro namin para sa first period; naka-suit ito, may hawak na suitcase at naka salamin. Ito yung guro, na alam mo na boring magturo dahil sa pormahan nito pero magaling.
Tumayo ang lahat, "Good mornig Sir." Sabay-sabay naming bati dito at sumenyas naman ito na maupo na kami. Nagulat naman si Zach at agad na niligpit nito ang kanyang sinusulat na essay.
"Good morning," Sabi nito at nilapag ang kanyang suitcase sa lamesa. Kumuha ito ng marker saka nagsimulang mag sulat sa whiteboard.
"Gawa pa more.." Bulong ko dito at natawa siya.
Paborito ko na guro ito dahil straight to the point siya magturo, wala ng paligoy-ligoy pa di katulad ng iba na kailangan mo pa kumanta o sumayaw.
Nagsulat ito ng dalawang salita, "Kung makikita niyo ay nagsulat ako ng word na 'Ethics' at 'Morality', Ano nga ba ng pinagkaiba nito? Yan ang tatalakayin natin ngayong araw." Sabi ng guro.
"Ang ethics ay ang rules samantalang ang morality ay.." Sabi nito at binilugan ang ethics na word.
"Mortality ay ang pagpapasya mo kung susundin mo ang rules na yun. Wala ng iba pang explaination, ganun lang yun ka-simple." Dagdag pa nito at nilagyan ng check ang word na morality.
"For example ako, kunyari ang code of ethics namin ay bawal magkaroon ng relasyon sa estudyante. Nasa moralidad ko iyon kung susundin ko ba ang ethics o hindi. Gaya nga ng sabi ko ito ay rules at ang morality ang pagpapasya mo kung susundin mo ba ito o hindi." Sabi nito at namangha ang lahat dahil sa napakasimpleng pagpapaliwanag nito.
Natuloy ang discussion ng kalahating oras at pinalabas na kami nito. Nasa pintuan naman na ako ng bigla akong tinawatag nito.
"Blair." Sabi nito sa'kin
"Bakit po, sir?" Tanong ko at lumapit.
"I just wanna say that keep up the good work, ikaw ang may pinakamataas na grade sa lahat ng hawak ko na section. Ayoko sayangin mo ito, favourite kita na student simula noon.. Pero it doesn't mean na may ginawa ako sa grade mo. You deserve it and enjoy, Blair." Sabi nito sa akin sabay tapik sa balikat at umalis.
Nagulat naman ako sa mga sinabi nito dahil unang beses ko makarinig ng compliment galing sa kanya, medyo hindi kasi maganda ang naging nakaraan namin ni sir dahil nakasagotan ko ito habang nagkaklase. Ako kasi yung tipong ayaw magpatalo sa isang argumento, habang may lusot pa ay hahanap at hahanap ako ng paraan para manalo.
Nakangiti ako habang pinagmamasdang lumabas ng silid si sir. Mga ilang segundo pa ang lumipas ay luumabas na din ako kwarto, inaantay naman ako ni Zach sa labas.
"Ano yun? Bat sobra ang ngiti mo." Tanong niya.
"Wala, about academics.." Sagot ko at naglakad kami patungo sa susunod na subject.
"Di nako magtataka.. Ang galing mo kaya, Blair.. Palit tayo utak," Sabi nito.
"Bola bola ka na namn para pakopyahin kita." Sabi ko at natawa ito.
Nakita naman naming lumabas uli ang mga kaklase namin na kakapasok lang sa kwarto. Sumenyas ang isa sa amin na wala daw ang guro.
"Weird, absent si mam Pordales?" Sabi ko.
"Oo nga, di naman uma-absent yun.. Pero okay lang para makagawa ako ng essay sa english." Sabi ni Zach at abot langit ang ngiti nito.
"Tara na sa canteen." Sabi ko, nakasalubong naman namin si Elaine at Nash sa may pinto ng canteen na nag-aaway pa din.
"Hi Blair," Bati nito sa akin at ngumiti saka nagpatuloy lang sila sa paglalakad.
"Hi." Sabi ko.
"Plus 50 points friendship with Elaine." Sabi ni Zach sa akin.
"Friends? Friends ba kami nun?" Tanong ko.
"Depende, what does friend mean to you? What are your qualifications to consider someone as a friend?" Sabi ni Zach at pumasok kami sa loob ng canteen.
Napaisip ako tungkol sa sinabi nito, ano nga ba ang bantayan sa friendship? Pag kinamusta ka ba ng isang tao ay friends na agad kayo? Pag ba sinasamahan ka niya lagi ay friends na kayo? Mga tanong na tumatakbo sa isipan ko.
Bumangad sa amin ang napakadaming estudyante; sobrang ingay at kita mo ang mga nagkokompulan, nagtatawanan at mga nagtitiktok na mga estudyante.
"Cancer." Mahinang sabi ko.
"Ano ba bibilhin mo?" Tanong ni Zach.
"Huh? Wala ah.." Sagot ko.
"Bat moko inaya sa canteen?" Pagtataka nito.
"Wala lang, akala ko kasi bibili ka kaya sumunod ka noong sinabi ko na 'tara canteen'. Anong ginagawa natin dito?" Sabi ko.
"Aba ewan ko.. Akala ko bibili ka eh.." Sabi ni Zach at natawa kami pareho sa katangahan namin.
"Milo shake na lang tayo, tapos gagawa na din ako dito ng essay.." Sabi ni Zach. Naupo kami sa may dulong gilid ng canteen dahil walang tao at hindi gaano maingay.
Nilabas ni Zach ang papel saka ballpen nito. "Hmm, ano kaya ipapalit ko na word dito." Sabi ni Zach na kunyaring nagiisip.
"Lumang style na yan Zach, sige na kopyahin mo na.. I-summarize mo na lang para maiksi." Sabi ko at nilapag ang bag ko sa lamesa.
"Ang iksi nun." Angal nito.
"Okay na yun basta may mapasa." Sabi ko.
"Sabagay.." Sabi ni Zach at nagsimula itong magsulat.
"Gusto mo ba ng milo shake?" Tanong ko.
"Gusto.. Ko.." Sagot nito at ngumiti.
"Baliw." Sabi ko at tumayo upang bumili ng milo shake.
Sobrang haba ng pila dahil halos lahat ng mga guro ay wala, i-ilan lamang ang mga pumasok na guro na malapit ang bahay sa paaralan. Nakita ko naman ang isang kaklase ko na si Ava na binubully kasama si Jill.
Si Jill kasi ay laging inaasar dito sa buong campus dahil galing ito sa mahirap na pamilya at nakatira sa bukid malapit sa Cristina River. Si Ava naman ang lagi niyang kasama at kasabay laging kumakain.
"Jack and Jill went up the hill... To fetch a pail of water.. Jack fell down and broke his crown. And Jill came tumbling after..." Kumankanta ang isang grupo ng mga kalalakihan na galing sa 4th year upang asarin ito.
Tumayo si Ava, "Di kayo titigil? T*ngina niyo ah!" Sabi ni Ava at binato ang bag nito. Nakailag naman ang binabato nito kaya naman nilapitan ito ni Ava para kunin at batuhin uli. Naging ganito ang eksena ng ilang minuto hanggang sa nagsawa ang mga lalaki at umalis.
"Tama na, Jill." Sabi ni Ava habang yakap si Jill. Maraming ang nagtinginan dito pero hindi na bago ang pangbubully dito kaya nasanay na lang ang lahat. Mga school donor kasi ang grupo na iyon kaya hindi mapatalsik ng principal.
"Iha! Ano sayo?" Tanong ng tindera dahil ako na pala ang susunod, na-aliw kasi ako sa nangyari.
"Dalawang milo shake po tig-kinse.." Sabi ko at inabot ang bayad. Nakahanda naman na ang milo shake sa blender kaya sinalinan na lang niyo ito sa baso at nilagyan ng onting toppings.
"Ate baka naman, onting milo pa sa taas." Sabi ko.
"Hay nako, Blair.. Malulugi na ako." Sabi ng tindera.
"Parang hindi naman tayo friends ate." Sabi ko at napilitan magdagdag ng tindera ng toppings.
Dala-dala ko ang dalawang milo shake, habang papalapit ako sa kina u-upuan namin ay bakas sa mukha ni Zach na nahihirapan ito sa essay.
"Oh, milo ka muna.." Sabi ko at nilapag ang milo shake.
"Kastress naman nito, bat mo ko ini-engles sa bayan ko! Punyeta!" Sabi ni Zach na parang ginagaya ang linya sa Heneral Luna, natawa naman ako sa sinabi nito at naupo.
"Kaya mo yan, laban lang heneral." Sabi ko.
"Ayoko na nga! Bahala na!" Sabi ni Zach at binitawan ang ballpen na parang naiinis na ito.
"Gawin mo, baliw ka talaga." Sabi ko.
"Nakakapagod, hayaan mona." Sabi ni Zach at humigop ito sa straw ng milo shake niya.
"Tamad mo talaga." Sabi ko.
Wala naman kaming magawa ni Zach sa canteen kaya nagpalipas muna kami ng oras dito. Naglalaro si Zach samantalang ako ay nakikinig ng music sa aking earphones.
Mag-iisang oras na ang lumipas, kaunti na lamang ang estudyante sa canteen. Naglilinis naman ng lamesa ang mga
tindera.
Habang nakayuko ako ay kita ko mula sa malayong ang dalawa na si Ava at Jill, nagtatawanan ito habang nagtatali ng buhok si Ava...
AUTHOR'S NOTE
wag ka maboring mahar.. Nagiinit pa lang ang ating story..