"Nagmahal lang ako, pero bakit ganito? Kailangan bang may kalakip na sakit 'pag nagmamahal?"
Paulit ulit ang mga tanong sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang sagot. Bakit nga ba kailangan pang masaktan kapag nagmamahal? Eh nagmamahal lang naman tayo hindi ba?
Napabuntong hininga ako at napatingin sa kape kong malamig na dahil ilang oras kong hindi nagalaw. Malamig ang umaga sa Baguio at tanaw ko mula sa veranda ang papasikat na araw. Rinig ko ang mga huni ng ibon na nagpapaganda lalo sa natural na tanawin sa labas. Ngunit kung gaano kapayapa ang umagang ito ay kabaliktaran naman ang laman ng puso at isipan ko. Inaalala ang bawat kahapong nagdaan at kung paano nga ba nagsimula ang pagmamahal ko sa isang tao na kahit masakit ay patuloy ko paring minamahal.
"Sab!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Kasalukuyan kasi akong nakikipag-usap sa isang lalaking kakikilala ko pa lamang.
Nasa isang bar kami sa Laguna. Kasama ko ang mga kaibigan kong nagyaya dahil sa celebration ng kaarawan ng isa naming kaibigan.
"What?" Medyo inis kong tanong sa bestfriend kong si Gi short of Gilbert.
"Ay mataray ganun? Porke't gwapo yung kausap?" Nakaismid pa nitong sabi sa akin kaya napairap ako.
"Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita at tumingin sa lalaking kausap ko bago ako hinawakan sa braso at hinatak.
"Teka... ano ba?"
"Uy pogi, pahiram muna nitong kaibigan ko ah? Gwapo ka naman kuya." Bola nito sa kausap ko.
"Sure," tanging sagot lang ni Lance.
Pagkatapos marinig ni Gi iyon ay hinatak na niya ako pabalik sa lamesa namin. Nagpahatak na rin ako dahil um-oo na si Lance.
"Teka, ano ba kasi ang kailangan mo ha?" Irita kong tanong sa bestfriend ko.
"Maglalaro tayo tutal ang boring eh,"
"Kung bored kayo, 'wag niyo akong idamay!"
"Gaga may ipapagawa ako sa'yo,"
Tumaas ang kilay ko at hinintay ang sasabihin niya.
"Naalala mo yung pustahan natin?" Tanong niya kaya napaisip naman ako. May pustahan ba kami?
"Diba ang kasunduan, kung sino yung matalo may gagawin na dare?"
"Teka, anong pustahan ba?" Lito kong tanong sa kanya kasi wala naman akong naaalala.
Napairap siya sa hangin bago ako sinagot.
"Nakausap lang ng gwapo nagka-amnesia na. Hay. Yung pustahan natin sa basketball 'te!"
"Ay oo nga pala..." Napakamot ako sa batok. Sa pagkakaalala ko ay talo ako sa pustahan naming dalawa. Kaya pala nakalimutan ko. Saklap naman.
"Naalala mo na? So yun nga, dahil talo ka gorl, may ipapagawa ako sa'yo," napaayos ako ng upo nang sabihin iyon ni Gi. Alam ko naman kasing kalokohan na naman ang ipapagawa niya. Sana naman hindi yung makipag-one night stand ako sa kung sino dito. Yaks.
"Naalala mo si Callix?"
"Callix?"
"Hay naku babae, saan ba nagpunta 'yang utak mo at lahat nalang 'di mo maalala? Naiwan ba sa planet Nemik?"
"Pinagsasabi mo Gi? Sinong Callix nga?" Konti nalang at sasabunutan ko na 'tong baklang 'to.
"Callix! Callix Dave Montier! Yung bayaw mo bruhilda ka!Sarap mo sabunutan. Pati kapatid ng gf ng kuya mo kinalimutan mo. Alam mo--"
"Hindi," putol ko sa kanya. Kasi hindi ko naman talaga alam 'diba? 'diba?
Sinamaan niya ako ng tingin. Yung tipong ipapatapon niya ako sa planet Nemik 'pag hindi ako tumigil. Bwahahahha.
"Oh tiger kalma, oh ano meron kay Callix? Type mo ba? Gusto mo ireto kita?" Sunod sunod na tanong ko.
"Tss.." umirap pa siya. "Ganito ang gagawin mo. Gasgas na 'to pero I dare you to make Callix fall inlove with you. Walang time duration basta mainlove siya sa'yo. Then, break him. Walang rule, basta ma-inlove siya. Ano?Game?"
Napaisip ako saglit. Oo nga't gasgas na ang mga dare na 'yan. Pero make Callix fall inlove with me? Mas matigas pa ata yun sa bato eh. Paano ko mapapa-inlove yun?
"Huy! Ano na? You'll do it or You'll do it? Remember, talo ka sa pustahan natin. You need to do this," seryosong sabi ni Gi.
Napabuntong hininga ako. Ewan, bahala na.
"Pwedeng or?"
"Sapakin kita diyan eh,"
"Gaga, sipain kita palabas ng bar makikita mo.Tse!" Inirapan ko siya at kinuha ang bote ng alak sa harap ko at tinungga iyon. Hindi ko na binalak na hanapin pa si Lance dahil alam ko namang may ka-flirt na ito.
"Siguraduhin mong gagawin mo ah?"
"Ewan ko sa'yo,"
Hindi ko na siya pinansin pa at pinagpatuloy na lang ang pag inom ng alak. Hindi na rin naman na siya umimik pa.
Pero sa isip isip ko, tinatanong ko sa sarili ko kung kaya ko bang gawin ang dare niya? It's too risky and I might risk my own feelings and heart. Pero wala naman sigurong mawawala 'pag sinubukan ko 'no?
Sana nga... dahil hindi ko alam ang gagawin kapag pumana si kupido sa maling pagkakataon.
*****************************
(・∀・) first story yay!