Author's Note:
This is work of Fiction. Names, Characters, events, Business and incidents are product of author's imagination any resemblance to actual persons living or dead,or actual events is purely coincidental.
This story is not edited so i will apologize ahead of time for any mistakes and grammatical errors and typos.
Enjoy reading guys.I really Appreciate if you will leave a comment or review. Thank you.
SIMULA
"oh my ma-late na naman ako nito," Kinuha niya ang bag niya at ang susi ng kotse niya saka lumabas ng kwarto niya.
She is Rubie Jane Estrada was twenty-Three years old a simple yet gorgeous woman living in a small province in the Philippines.
"Hoy bata kumain ka muna bago pumunta sa work," saad ng papa niya ng makita nito na nagmamadali ang anak na uminom ng kape.
"Papa late na naman ako nito, papa ha dalaga na ang anak niyo pwede na nga mag-asawa," pagmamaktol niya ayaw na ayaw niya kasi na tawagin siyang bata ng papa niya.
"Hoy babae ka anong asawa ka diyan bumalik ka dito hoy"
Tumakbo siya papunta sa kotse niya hinabol siya ng ama niya tuwang-tuwa pa siya. Nakakatawa siyang tingnan dahil habang kagat-kagat niya ang tinapay na kinuha niya sa kusina at ang isang kamay niya ay hawak ang baso na may laman na kape hindi nman puno iyon dahil nakunan niya na ito .
"Nako anak ibalik mo dito ang cup ha mahal pa naman ang basong iyan"
"Opo haha "
Hinagis niya ang kanyang bag sa backseat ng kotse niya at inibos muna ang kape niya bago umalis.
"Aish ano ba naman to ang aga naman ng bangaan " saad niya sa sarili niya ng may nadaanan siyang dalawang koste habang papunta sa trabaho niya isa siyang chef sa isang sikat na restaurants sa lugar nila.
Nakapagtapos siya sa kursong Business and management pero magaling siya sa pagluluto kaya siya na hire sa restaurant, malaki naman kasi ang sahod dahil branch ito ng isang sikat na restaurant na nasa Manila. Agad niyang kinuha ang uniform niya sa locker at saka sinuot niya ito nakasalubong niya ang maldita nilang manager.
"Ms.Estrada go to my office now!" singhal nito sa kanya agad naman siyang sumunod sa manager niya
papagalitan na naman ako nito saad niya sa sarili niya
Kabado siyang umupo sa upuan na katapat ng manager niya yumuko siya at humungi ng tawad.
"I'm sorry po manager kung na late ako sa ngayon"
"papalampasin ko ang ginawa mo, iba ang dahilan para ipatawag kita dito" Nanatili lang na tahimik si Rubie at hinintay kung anong sasabihin ng manager niya
"alam mo ba kung sino ang nagkalat ng recipe ng iilang ulam dito? nakopya ng kabilang restaurant ang niluluto mo at maraming tao ang kumakain doon sa ngayon dahil may pakulo silang ginagawa"
"nako po, hindi ko po alam iyon"
"kung ganon siguraduhin mo lang, dahil pinapahanap namin ngayon kung sino ang may gawa nito. okay go back to work"
Lumabas siya sa office at pumunta sa kitchen nadatnan niyang sobrang busy ng mga kasama niya habang nag-uusap.
"nangaganib ang restaurant ngayon baka ipasara ito dahil mahina at wala masyadong kumakain dito" saad ng kasama niyang chef
"hindi naman sguro kuya Trent we just need to plan para bumalik ang mga customers natin"
"yun na nga ang problema dahil ayaw makinig ng manager natin sa suggestions namin kanina"
"Hayaan mo yun susunod din yun sa gusto natin maganda din naman kasi ang suggestion niyo sguro . Magbabago din ang isip noon" saad niya at bumalik sa trabaho niya kumuha siya ng bawang at slice iyon.
Hindi naman napagod si Rubie sa pagluluto sa katunayan nga eh mas nakakapagod noon dahil maraming customers ang kumakain .
Nag-alala siya na baka mawalan siya ng trabaho dahil sa nangyayari ngayon sa restaurant. Ang trabaho niya ang isa sa dahilan kung bakit siya nagkaroon ng kotse though second hand na ang kotse binili niya na lang dahil nga nakakatulong ito sa transportation niya.
Alas tres ng hapon ng umuwi siya pinauwi na rin kasi sila ng manager nila. Nadatnan niya ang papa niya na nanonood ng tv agad naman siyang umupo sa tabi nito.
Bata pa lang siya tanging ang ama lang niya ang kasama niya sa buhay hindi niya alam kung nasaan ang mama niya ayaw kasing sabihin ng papa niya ang totoo. Umiiwas ang papa niya sa tuwing tinatanong niya ito tungkol sa mama niya noong bata pa nga siya ay nagalit sa kanya ang ama niya kapag magtatanong siya kaya yun ang lagi niyag tinatandaan.
'ang aga mo naman bata " napa pout nalang si Rubie dahil tinawag na naman siyang bata ng papa niya
"Tss. Papa talaga, walang masyadong costumers kaya ayon pinauwi na lang kami"
"Ganun ba? Anak pahiram ng car mo bukas ha may pupuntahan lang ako " inakbayan niya si Rubie malapit talaga sa isa't-isa ang mag-ama kahit wala siyang kilalang relatives eh masaya naman siya kahit papa lang niya ang nagpalaki sa kanya, ang sabi ng papa niya nasa manila daw ang mga kapatid nito habang ang mga magulang daw nila ay namatay na.
"Sure ka pa? Hindi ka pa naman masyadong marunong ha" reklamo niya sa papa niya bago pa kasi natutung mag- drive ang papa niya.
"Oo naman nak, Marunong na ang papa mo nuh believe me ihahatid kita bukas bago ako pupunta doon" ngumiti ito ng napakalapad.
"Oo na,papayag na ako haha. "
Kinabukasan
Naiinip na naghintay si Rubie sa papa niya kanina pa kasi nakaharap sa salamin ang papa daig pa siya na wala namang ka artehan sa buhay.
Tininan niya ang relo niya 6:30 am na malapit na siyang ma late hindi kasi siya ginising ng papa niya.
"Papa kanina ka pa po diyan, umalis na kasi tayo. Para ka namang may ka date ha" saad niya at umupo sa couch nila
"Asus pagbigyan mo na ako anak ngayon lang tuh haha ayan na tapos na ako kaya arat na"
Napangiti na lang siya ang gwapo ng papa niya napa-isip aiya tulong kung anong itsura ng mama niya wala naman kasi siyang larawan nito.
"Mag-inggat ka po sa pag-drive papa ha " saad ni Rubie. Nakarating na kasi sila sa restaurant, panatag naman ang loob ni rubie dahil maayos naman at marunong ngang mag drive ang papa niya.
"Oo naman bata haha pumasok ka na doon" Nagpaalam siya sa papa niya at naglakad na pero bigla siyang tinawag nito kaya napalingon siya.
"Bakit po papa ?may kailangan po ba kayo? " Tanong niya sa ama na nasa gilid ng kotse niya
"Halika nga anak e hug kita , mag-inggat ka ha love na love ka ni papa" niyakap niya naman pabalik ang papa niya minsan lang kasi itong ganito.
"Papa talaga alam ko po love naman kayo, ano ka ba umalis ka na papa papasok na po ako. Take care po papa, sunduin niyo po ako ha"
"Oo naman anak "
"Aasahan ko iyan papa
Bumitiw siya sa yakap nito saka tiningnan ang ama na makapasok sa kotse, kumaway siya sa papa niya saka pumasok sa loob ng restaurant.