Chereads / Primrose Clementine / Chapter 2 - Prologo

Chapter 2 - Prologo

"Let's give this toast to our friend who just passed the Physician Licensure Examination. Cheers!"

"CHEERS!"

"Congratulations Zekhie!"

"Thank you" nakangiting sagot nito sa mga kaibigan bago ininom ang hawak.

"Grabe Dr. Ezekhiel Saige Farren! I can't believe na magkakaroon ako ng bestfriend na doctor!"

"Thank you Aubrie"

"And its not just passed ha, you are on the third rank! I'm so proud"

Nakangiting napailing na lang si Ezekhiel at itinaas muli ang baso. "Cheers"

"So what's the plan now Doc. Ehekhiel?" pang-aasar ng isa pang kaibigan nito na si Asano Hattori, isang successful na businessman na rin.

"I'll rest for a week, Zaylee requested. Alam mo naman yun walang ibang kalaro kung hindi ako" tawa niya. "I'll be on my mom's clinic also" napangiwi siya sa pait ng ininom at ibinaba ito sa lamesa. "My request"

"Tita's a Clinical psychologist right? How is she?" tanong ni Lennox Artegas, isa sa mga kaibigan niyang engineer.

"She's fine. Ganun pa rin naman, helping people"

"Not to be insane?" pabirong tawa ni Lennox. Bahagyang kumunot ang noo ni Ezekhiel pero ngumiti na lang siya. Yun naman talaga ang trabaho ng ina pero alam niyang higit pa yun kaysa nakikita ng iba. Isa ang ina nito sa mga naging inspirasyon niyang maging isang doktor.

"Don't be serious about it. Lasing na siya" nabalik lang siya sa reyalidad nang bumulong si Aubrie. Napansin niya ang pag-aalala ng matalik na kaibigan.

"I know" tipid na ngiti niya.

"I miss Zaylee" ngumuso naman si Aubrie. "I miss your sister"

"Hinahanap ka nga niya sa'kin"

"And?" lumiwanag ang kanyang mukha. Bahagyang natawa si Ezekhiel sa reaksyon nito.

"I said you're a busy woman"

"I can make time naman. Basta para kay Zaylee!" palakpak niya.

"Dinadaan mo pa sa kapatid eh si Zhekie lang naman ang rason"

"Shut up Japanese!" hampas nito sa braso ni Asano na tawang-tawa. Nagbaba ng tingin si Ezekhiel sa baso at dun ngumisi at napailing bago nilagnok ang natitirang laman ng baso nito.

Mas lumakas ang tugtog ng disc jockey sa entablado. Dahil sa bagong kanta, karamihan sa mga nandoon ay tumayo para sabayan ang party music. Natawa naman sila nang biglang tumayo si Lennox at sumayaw ng nakapikit. Napailing ang tatlo at nagkatinginan. Iginala naman ni Ezekhiel ang paningin sa mga taong nandoon; mula sa malaking center floor kung saan sumasayaw ang karamihan sa gitna ng malaking ball lights at yung mga tao namang nagtatawanan habang nag-uusap sa kanilang lamesa.

"Let's dance Zhekie dali!"

"N-No way"

"Come on! sige na" pilit ng kaibigan.

"Hindi ako sumasayaw Aubrie" pilit niyang inilalayo ang mga kamay.

"Sige na please"

"No, go dance with Lennox"

"I don't like that asshole" natawa siya sa sinabi nito. "Come on dali! Zaylee told me before na sinasabayan mo siyang mag ballet sa kwarto." nanlaki ang mata niya at napahiya nang matawa ito. "Come on, gusto kong makita kang sumayaw"

Nag-init ang mukha niya. Hindi siya makapaniwalang kwinento pa talaga yun ng nakakabatang kapatid sa kaibigan. Zaylee's a seven year old kid. Malayo ang agwat nila pero hindi yun naging hadlang para hindi sila magkalapit dalawa.

"Halika na Brie!" si Lennox na mismo ang humila dito na iritado namang kumawala pero hindi nagtagumpay dahil sa mas malakas ito kaysa sa kanya. Kumindat pa si Lennox kay Ezekhiel bago tuluyang makuha si Aubrie. Napabuntong-hininga si Ezekhiel at uminom ulit ng panibagong baso.

"Ballerina huh?"

"Tsk, shut up Asano" napahalakhak ang kaibigan. Walang tigil niyang inubos ang baso para itago ang pagkapahiya niya. That's embarassing for him na malaman iyon ng mga kaibigan nila. Dahil sa bukod sa alam nilang hindi talaga siya sumasayaw ay ang pangit niyang sumayaw.

"She's hot Zhekie what do you think?" kumunot ang noo niya matapos maubos yun. Pinunasan niya ang labi bago sinundan ng tingin ang mga mata ni Asano. Natigilan siya nang makita na ang tinutukoy niya.

"She's hot"

"Yeah" ngiwi ni Ezekhiel.

"Not your type huh?" nakangising tanong ng Hapon.

Sinulyapan niya ulit ang babae na ngayon ay nakatingin sa kanya. Nag-iwas siya agad ng tingin. "Yes"

"Tsh, make a move doctor" natatawang tinapik siya nito sa balikat bago tumayo. "Nature's calling me" kumindat pa ito bago umalis. Napabuntong hininga na lang siya nang maiwang mag-isa sa pwesto. Nakamot niya ang sentido at tumunganga sa baso habang pinapaikot ang laman nun.

"Hindi magandang mag-isa" halos mahulog siya sa kinauupuan nang may biglang nagsalita sa tabi niya ilang minuto matapos umalis ni Asano. Umayos siya ng upo at tumikhim bago pinasadahan ng tingin ang babae nang nakakunot ang noo. Iyon yung kaparehong babaeng tinitignan nila kanina. Maganda ang ngiti ng babae at may angkin itong nang-aakit na awra. Pinilit niyang ngumiti na lang at itinuon sa baso ang tingin.

Imbes na umalis ang babae ay umupo pa ito sa pwesto kanina ni Aubrie, sa tabi niya. Palihim niyang pinasadahan ng tingin ang suot nito at nagulat nang makitang nakatingin pala ito sa kanya, nakangiti pa rin.

"You're creepy what do you want?" may inis na sa boses niya. Mahinhing tumawa ang babae, kabaliktaran sa postura at suot nito ngayon.

"Wala ka kaseng kasama kaya lumapit ako"

"I have friends"

"Pero wala sila dito, baka mapano ka"

Really? Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Siya pa talaga ang inalala niya at hindi ang pwedeng gawin ng ibang lalaki dahil sa suot niya. "I know how to defend myself"

"Hmm" nakangiting tumango-tango ang babae bago nag-ipis sa basong nasa lamesa. Napanganga si Ezekhiel nang walang tigil na inubos niya yun habang nasa kanya ang paningin. Nag-iwas siya ng tingin nang punasan nito ang labi niya.

"Wala kang kasama?" nakita niya kung paano magulat ito sa tanong niya. "Its not safe to get drunk ng mag-isa. Dapat alam mo yun"

Ilang segundo pa bago nakabawi ang babae. Unti-unting itinikom nito ang bibig at lumunok. Sumama ang tingin niya sa babae at nagtaka kung bakit ganun na lang ang pag-iiba ng ekspresyon nito.

"People aren't safe" tumikhim siya at pormal na nilingon ang babae. "W-Whatever" iwas niya ulit nang ngumisi ito sa kanya.

Nagulat na naman siya nang mag-ipis ulit ang babaeng yun at uminom ng nakatingin pa rin sa kanya. Alam niya ang ginagawa nito. He knows she's flirting him. Sa kilos at kung paano daanan ng kamay ng babaeng yun ang sariling labi nito pababa sa dibdib niya. Bumuntong hininga siya at inis na hinanap ang mga kaibigang hindi na niya makita.

Sa huli ay narinig niyang bumuntong-hininga ang babae at tumawa. Inihilig pa nito ang ulo para matignan siya sa mukha.

"I'm sorry miss but I don't-

"I know" naestatwa siya nang ilagay ng babae ang isang daliri sa labi niya. Pareho silang nagbaba ng tingin doon bago sila magkatinginan ng diretso sa mga mata. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan bigla. Kumikinang ang mga mata nito at hindi mapagkakailang maganda ang babaeng ito sa harap niya. Pero alam niyang hindi niya iyon kayang patulan. May kung anong kilabot siyang naramdaman nang sinadyang pisilin yun ng babae bago inalis ang daliri sa labi niya. Sumama kaagad ang mukha niya matapos nun. Hindi niya nagawang makapagsalita.

"Hmm" nakangiting tumayo ang babae at lumayo sa gawi niya nang nasa kanya pa rin ang paningin. Nag-iwas siya kaagad ng tingin at napailing.

"Nawala lang ako saglit ah, who's that bitch?" napaayos siya ng upo nang tabihan siya kaagad ni Aubrie. "Zhekie?"

"I don't know her"

"You didn't ask her name?" hindi makapaniwalang sumabat si Lennox. "What the?"

"He's not a fucker kagaya mo Lennox!"

"Tsk, hindi ako interesado dun" ininom niya ang panghuling baso niya. "Let's go home" bago tumayo.

"Hoy Hapon san ka galing ha?" tawa ni Lennox dahil sa nakitang ngisi ng kaibigan.

"Uwi na tayo?"

"Yeah yeah our doctor's tired" natawa sila nang suminghal ito. "He's not into girl you know Asano"

"Buti nga hindi yan kagaya ninyo!"

"Gusto mo naman?" nang-aasar na ngumisi ito.

"Of course!"

"Let's go" natigilan ang tatlo nang magpaumuna itong maglakad sa kanila. Nagkasamaan pa ng tingin sila Aubrie at Lennox bago sumunod ang tatlo dito.

"Seriously hindi mo tinanong ang pangalan Zhekie?!" akbay ni Asano sa kanya matapos malaman iyon mula kay Lennox na nasa likuran nila. "Seriously?"

"Tsk eh di sana ikaw na lang ang nagtanong" tanggal nito sa kamay na nakasabit sa kanyang balikat. Lumaylay ang balikat ni Asano pero pinagtawanan lang siya ni Lennox.

Sasakay na sana sila sa kanya kanyang sasakyan nang matigilan dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng parking lot. Walang anu-ano'y pinuntahan nila ang kumpulan ng mga tao doon at mas umingay pa dahil sa tunog ng mga sasakyan ng pulis.

Nasapo ni Aubrie ang bibig matapos makita ang duguang katawan ng isang lalaki na siyang kinukuhanan ngayon ng litrato ng mga nag-iimbestigang pulis. May kadiliman sa bahaging iyon pero nakita nila ang sinapit ng katawan ng taong yun na halos hindi na makilala ang mukha dahil sa iilang saksak sa mukha maging sa buong katawan. Napayakap si Aubrie kay Ezekhiel na niyakap kaagad siya. Natulala rin maging si Lennox at Asano habang nakatingin doon.

"I have to help"

"What?! no!"

"I'm a doctor Aubrie" mariing bulong niya.

"Pero patay na siya!"

"I'm going to check it"

"Are you sure dre?" hindi rin makapaniwala ang dalawang kaibigan nito.

"Umuwi na kayo"

"No, hihintayin ka namin" angal ni Aubrie.

Bumuntong hininga siya at mabilis na pumunta malapit doon. Nagpakilala kaagad siya sa mga pulis kaya naman pinayagan siyang makapasok sa yellow lane. Iniluhod niya ang isang tuhod at sinubukang pulsuhan ang katawan ng lalaki pero patay na talaga iyon.

"What happened sir?"

"Ayon sa isang nakakita, may kasamang babae ang lalaking ito na sinubukan niyang hilayin" sagot ng pulis kaya naman kunot noo siyang nagbaba ulit ng tingin dito. "Nakatakas ang babae at hindi na nakita"

"WHO DID THIS?" bulong niya habang pinapasadahan ang bawat saksak na natamo nito. Hindi iyon basta saksak lang dahil alam niyang puno iyon ng galit ng kung sino man ang gumawa noon.