Chapter 9:start of the mission
Vanessa pov:
Nagising nalang ako na may mabigat na bagay sa bewang ko at may tumatapik sa mukha ko.
"Mommy, daddy wake up, you said you have a mission today and you need to pack your things" sabi ni zyler kaya minulat ko na mata ko bumungad sa akin isang gwapong nilalang at ayun ay si zach at nakadagan sa amin si zyler na ginigising kami.
"And mommy i'm hungry" sabi ni zyler habang hinihimas ang tyan nya "sige baba kana hintayin mo nalang kami, gigising ko lang to" sabi ko tumango naman sya at kumaripas ng takbo palabas.
"Huy, gising zach gising" sabi ko habang tinatapik ang pisnge nya "hmm" at minulat ang mata nya " morning *tsup*" at hinalikan ako sa noo " morning bangon na at mag ayos luluto lang ako" sabi ko.
Bumangon naman sya at dumeretso sa cr at ako bumangon din at bumaba nakita ko si zyler ayun naka upo sa upuan nakasimangot.
"*chuckle* ganyan ka na gutom at ganyan ang mukha mo ha *tsup*" sabi ko sabay halik sa pisnge nya "*pout* yes mommy so hurry up and i'm hungry" sabi nya kaya nagluto na ako ng eggs, bacon, ham, at sinangag.
At hinanda na ang lamesa at may pumulupot na kamay sa bewang ko mula sa likod nakita at pinatong ang baba nya sa balikat ko "morning*smile*" sabi nya at hinalikan ako sa cheeks "morning rin*smile*" sabi ko at umupo na sya sa upuan "morning dad" sabi ni zyler "morning son*tsup*" sabi ny zach at hinalikan nya sa noo si zyler.
"O sya kumain na tayo at ako ay mag aayos pa" sabi ko at nagsimula na kumain pagkatapos niligpit ko ang pinagkainan namin at tinabi ang natira marami kasi niluto ko, yung mag ama ayun umakyat aayusin nya raw si zyler at mag aayos ng gamit pagkatapos para sa mission mamaya.
4:30 palang aga no, may inasign si tanda na babysitter ni zyler pero tumanggi si zyler sabi nya kaya nya raw kaya di natuloy yung balak na magpa assign na babysitter pag katapos nun naligo na ako at nag ayos at inayos rin ang gagamitin ko para sa mission.
Nakita ko si zach naghihintay sa baba yung iba malay ko dun "si zyler andun sa kwarto nya dun nalang raw sya tatambay kompleto naman gamit nya, pupunta dito si tanda para mag hatid ng pagkain, at nilagyan ko na to ng barrier na tayo, si tanda at ang mga majesties ang pede pumasok" sabi ni zach tumango tango nalang ako "ang galing mo ang raming mo sinabi" sabi ko at ngumite ng matamis.
"Ako pa, ehh sayo at kay zyler lang naman ako nagsasabi ng mahaba at pinapakita ang emosyon ko" sabay akbay sa akin umalis na kami at dumiretao sa gate dahil kami nauna
napag isipan namin tumambay sa taas ng puno, gamit ko ay magic bag ganoon rin si zach.
"Zach gisingin mo nalang ako pagnandyan na sila" sabi ko tumango naman si zach at bumaba sa puno
**few moments later**
"Van nandito na sila" rinig kong sabi ni zach kaya tumalon na ako pababa mg puno at nakita ko sila kasama si tanda, tingin ko kakaalis lang nila sa loob.
"Sige mag iingat kayo mga bata at kuhanin nyo yun ha, walo yung crystal isang water element, thunder element, earth element, air element, ice element, light element, fire element at elemental crystal, kung magtatanong kayo nasaan ang dark element at ang life element nasa satin yun at safe na yung iba nalang" mahabang sabi ni tanda "okay tanda" sabi namin ni zach.
"Wait lang hm diba yung elemental crystal ay makukuha lang ng prinsesa sa phrophecy at ang nakatakda sa kanyang prince?" Sabi ni aaron.
"Oo pero wag kayo mag alala makukuha nyo yan" sabi ni tanda na nakatingin sa amin "sige alis na kayo mahaba pa ang lalakbayan nyo, chupi , chupi lalong kayong dalawang yelo para di ako tumanda ay meron papala mini yelo dyan ayy basta shoo, shoo" sabi ni tanda "banaman yan hm pinagtatabuyan nyo na ba kami" sabi nila except sa min ni mr cold.
"Basta alis na babush" sabi ni tanda at nag lakbay na kami papapunta sa forest.
Hm Alvin pov:
Wag kayong mag alala kasama nyo na ang princess, alam na ng lahat ng reyna at hari di lang namin sinasabi sa inyo royalties, at alam ko na alam mo vanessa na ikaw ang nawawalang princesa.
Di lang namin sinasabi sa inyo baka mahalata ng darkians at alam namin may magpapanggap na sya ang nawawalang princesa sa future, at alam ko malalaman mo rin ang totoo tyler during your mission
Mag iingat kayo royalties...
Someone pov:
"Magpakasaya kayo royalties na buo pa kayo sooner or late watak na kayo sa aming patibong na ihahanda namin para sa inyong lahat"
"Hahahahahaahah *cough *cough tubig penge bili *cough san nyo"
Tyler pov:
We been walking for exactly two hour, 33 mins, and 56 seconds, the others ay nagrereklamo na masakit na ang paa nila, nangangalay na sila, ar iba pa.
"Let's rest for a while" cold na sabi ko, at naghiyawan naman sila except kay van na naka poker face lang at walang pakialam at parang di mo halata kung nangangalay kaba o hindi.
Umupo nasila ako ito malayo sa kanila nakita naramdaman ko naman may lumalapit sa akin at pamilyar ang presensya na yun at alam ko si van yun, umupo sya sa tabi ko.
....silence.....
"Sa tingin mo, makukuha ba natin ang elemental crystal?" Tanong ko sa kanya at tumingin at nakita ko sta nakatingin rin sa akin
"Malalman natin kung nadun na tayo at malalaman natin na sino kukuha nun.....di pa natin napag isipan na sino kukuha nun" sabi nya tumango tango naman ako.
"Diba dapat dalawa taong kukuha nun?" Tanong nya "oo" sagot ko napa ahhh naman sya.
"HOY!!! Kayong dalawa nagmomoment pumunta nga kayo dito mamaya na kayo maglambingan at bigyan nyo kami ng foods-ARAY!!" Sabi ni thunder at nabutukan ni trisha" hayaan nyo na yung dalawa ang sweet nga ehh" sabi ni icy "gusto mo gayahin natin sila?" Sabi ni val na may nakakalokong ngite, namula naman si icy" che, tigilan mo nga ako" sabi ni icy.
"Titigil lang ako kung sasagutin mo ako!" Sabi ni val kaya nagtawanan ang mga iba o naghiyawan bumalik na kami dun at nagpahinga.
"Guys lika we don't want the whole day hanging in here we need to get moving we need to find the crystals" sabi ni van " yeah baka maunahan pa tayo" sabi ko kaya nag ayos na kami at nakapunta na sa forest.
"Guys may nakikita ako waterfalls dun ohh mag hanap kaya tayo dun" sabi ni trisha kaya naglakad kami papunta dun ako naghanap.
"Guys sa likod ng waterfall nadoon, trisha kuhanin mo na dahan dahan lang crystal doon na matutulis" sabi ni van'tama nga si hm marami syang alam nakatayo lang sya dun at nalaman agad may crystal na matutulis agad dun' sabi ko sa isip ko.
Trisha pov:
Papunta na ako sa waterfall hinawi ko sa gitna ang tubig, at tama nga si van may crystal na matutulis duon kaya dahan dahan ako pumunta ako duon at kinuha ang water element crystal, lumabas na ako at pinakita sa kanila ang crystal.
"Goodjob trisha" sabi ni ashley
"Yehey nakuha na natin, good job trisha" sabi ni icy
"Good job bebeloves" sabi ni thunder
Namula naman ako at ang mga lokong kong kaibigan ayun nagtitilian ang mga babae at ang mga lalaki nakangite na nakakaloko habang papunta ako sa kanila.
"Lika na nga next is thunder element kaya tara lets na" sabi ko kaya nag simula na kami maglakbay.
Vanessa pov:
Naglalakad kami ngayon papunta sa southwest part of the forest duon mo makukuha ang thunder element.
Few moments later ay nandun na kami kaya nag simula na kami sa paghahanap at nakita ko ay may tatlong bato pinalilibutan ng isang malaking bato.
"Guys tingnan nyo may tatlong bato pinaliligidan ng isang malaking bato, kaya thunder kuhanin mo na, lagyan mo ng kuryente ang tatlong bato para ilabas ng malaking bato ang crystal" sabi ko kaya pumunta na si thunder duon at pumwesto.
Thunder pov:
Nandito na ako nakapwesto hinanda ko na kamay ko at nilagyan ng kuryente ang tatlong bato ilang minuto lumipas lumabas na ang thunder element crystal at konuha ko iyon at bumalik sa kanila.
"Ayos 2 down 6 more to go lika na" sabi ni val " ahmm ano next guys ?" Tanong ni ashley "the earth element" sabay na sabi nina van at tyler kaya nagkatinginan sila.
"Ayieee inlababo na talaga si tyler" sabi ko at umakbay kay trisha " shut up or i will burn you into ashes" sabi ni tyler " sabi ko nga tatahimik na ako" sabi ko at nag piece sign.
Tyler pov:
We are now walking toward south east dahil nandoon ang earth element kaya papunta na kami duon pagpunta namin doun maraming puno nandito
"Ahmm guys paano natin mahahanap ang earth element crystal dito?" Tanong ni ashley "easy" sabi ko na nakangite na nakatingin sa isang puno " nandito na tayo ang hahanapin lang muna natin ang pinto at ayun ang lagusan papunta saan natin mahahanap ang crystal" sabi ni van nakangite rin na tumitingin sa puno na tinitingnan ko rin.
Tinangal namin ang bush na nakaharang sa puno na tinitingnan namin at may pinto na may dalawang bilog duon " pag nakita natin ang pinto ay ilalagay natin ang kamay duon at sabay sabihin ang password" sabi ni ko "at ano naman ang password?" Tanong ni icy, lumawaka ang ngite naming dalawa at nilagay namin ang isang kamay naming dalawa sa dalawang bilog at sabay sinabing "SECRET" at bumukas ang pinto at oumasok na kami at bumungad sa amin ang garden.
"So sa ditna ng garden nadoon ang crystal kaya..." sabi ni ko "ashley pumunta ka doon ikaw lang kasi pagtayong lahat pumunta mapapahamak lang tayo kasi may vines doon na may lason kaya ikaw nalang ang pumunta kasi kaya mo iyon labanan" sabi naman ni van.
Kaya pumunta na doon si ashley....
Ashley pov:
Naglalakad na ako papunta sa gitna at tama nga si van may vines dito kaya inalis ko sila gamit ang power ko at nagpatuloy sa pag lalakad at nakita ko na ang crystal kaya kinuha ko na iyon at bumalik na at nakita ko sila andun nakatayo
"Guys nakuha ko na" sabi ko at umalis na kami doon sa garden.
Habang naglalakad nakita ko naman ang dalawang yelo magka hhww.....holding hand while walking kaya nilabas ko ang cp ko at pinicturan sila at pinakita ko sa kanilang lahat ang nakikita ko ngayon ang kyut nila dalawa bagay na bagay.
"Hayss kaya pala nilalanggam ako fito ang sweet pala ng yelong kaharap namin" sabi ko at at hinook ang kamay ko sa katabi ko na di ko alam kung sino kasi tutok na tutok ako sa dalawang yelo.
"Gusto mo tayo rin tingnan mo kamay mo saan nakalagay" sabi ni aaron at tiningnan ko katabi ko at sakanya pala ako naka hawak " che " sabi ko
Vanessa pov:
Hayy palakad na kami papunta northeast dahil nadoon ang air element at magka holding hands kami ni tyler wala kami pake sa mga sinasabi nila na nilalanggam chu chu basta ang alam ko i - oppss secret muna.
Nandoon kami at may nakita kami isang malaki ma tower ngumise naman ako at tumingin kay zach si zach ganun din at dahan dahan kami tumango parang nagkaintindihan kami through looking at each other.
"Hoy kayong dalawa bat ganyan na para bang may masama kayong balak" sabi ni val, humarap kami sa kanila "doon sa tuktok ng tower ay don nakalagay ang crystal" sabi ni tyler " yun naman pala ehh bat kayo nakangise?" Sabi no aaron " sa bubong doon nakagalay kaya ikaw aaron lumipad ka doon at dahan dahan lang kasi may kidlat baka matamaan ka t*nga ka panaman" sabi ko "sobra kayo maka t*nga kayo sa akin ang bad nyo *pout* " don' pout you look like a pato" sabay na sabi namin ni zach kaya tumawa naman ang iba.
Aaron pov:
Lumilipad na ako papunta sa tuktok ng bwiset na tower na ito at mga ilang sandali muntikan na ako matamaan ng kidlat.
"Tama nga si van may kidlat nga dito" sabi ko sa sarili ko at kinuha na ang air element crystal nung nakalapit na ako at bumalik sa kanila at pinakita sa kanila ang crysta .
Kaya papunta na kami sa north doon kasi ang ice element pero during walking tumigil kami
"Guys pahinga na tayo gabi na dahil 3 days ang ating mission itapos na natin ang ang paghahanap bukas at the day after tomorrow mag papahinga para may lakas tayo pabalik ng academy" sabi ni van
" magkatabi tayo sa tent ashley ha" sabi ko na may nakakalokong ngite " che, kasama ko si trisha wag ka" sabi ni ashley.
"Haha okay lang pre the feeling is mutual kasi tinanggihan rin ni trish ang alok ko *kamot sa batok* " sabi ni thunder.
"Icy babe ko tabi tayo please" sabi ni val " sige, tabi tayo *tsup*" sabay halik sa pisnge "hoy kayong dalawa kailan kayo nagkaroon ng relasyon?" Tanong ng mga babae except kay mrs yelo.
"Ahh ehh 3 months na kami ehh" sabi ni icy " kyaahhhhh suppurt kami sa inyo yieeee!!" Sabi ng dalawang babae " ayy binata na pala si pareng val ahh" sabay na sabi namin ni thunder " wag kayo ako meron na jowa ehh kayo ang totorpe nyo blee" sabi ni val
Pagkataps non inayos na namin ang tent namin yung dalwang yelo kanina pa tapos nagluluto na ng pagkain, pagkatapos namin mag ayos kumain na kami nakapaligid kami sa fire ginawa ni tyler
Tyler pov:
Nandito kami kumakain pagkatapos ehh pinatay na namin ang apoy at pumunta sa tent kasama ko si van ko.
Nakahiga na sya ako nag aayos ng gamit ilang sandali natulog na sya ako naman eto tapos na humiga katabi ni van at yinakay sya at hinalikan sa noo
"Goodnight love" then i fell asleep.....
To be continue...
_______________________________