Sana hindi na lang ako umalis. Sana hindi na lang kita iniwan. Sana hindi ako naging masyadong makasarili. Sana mas pinili ko na lang manatili. Kung hindi lang sana ako umalis ng mga panahong 'yon edi sana nagkasama pa tayo nang matagal. Kasalanan ko lahat nang 'to. Masyado akong nagpadala sa nararamdam ko. Ni hindi ko man lang inisip yung mararamdaman mo kapag umalis ako
Pero eto siguro yung parusa para sakin at yon ay ang kunin ka. Bakit ngayon pa?
Hindi ko man lang nasabi sayo yung nararamdam ko. Hindi ko man lang naiparamdam sayo yung pagmamahal ko sayo. Yung pagmamahal na ilang beses kong itinanggi sa sarili ko na wala talaga akong nararamdaman pero niloloko ko lang ang sarili ko. Ilang beses kong itinanggi sa sarili ko dahil kahit saang anggulo mo tignan ay hindi tayo pwede dahil magkaiba ang mundong ating ginagalawan pero nagbaka sakali parin ako. Nagbaka sakali na may pag asa tayo kahit konti kasi ipiglalaban ko naman. Ipiglalaban kita. Sadyang natakot lang ako dahil baka hindi pala tayo parehas ng nararamdan at takot na mapahiya lamang ako sa iyong harapan pero hindi ko inaasahan ang huling sinabi mo bago ka tuluyang kunin sakin.
Sinabi mo na mahal mo ako pero paano mo nakayanang iwan ako ng mag isa. Sino na lang ang kasama ko? Sino na lang ang aalalay sakin? Ikaw na lang ang meron ako tapos iniwan mo pa ako. Sobrang sakit para sakin
Sinubukan kong kalmahin ang aking sarili sa pag iyak dahil hindi na ako makahinga nang maayos. Nag angat ako ng tingin pero laking gulat ko nang makitang wala na ako sa loob ng Ekbasis. Naghihina na tumayo ako. Pinilit ko ang aking sarili kahit naubos na ang aking lakas dahil sa matinding pag iyak
Laking pagtataka ko nang makita ang aking sarili sa Bridge. Nasa malawak na lupain ako. Ang lugar kung saan matatagpuan ang pinto papuntang Ekbasis. Agad kong hinanap ang pinto kung saan ako pumapasok papunta sa kabilang mundo. Natanaw ko ito sa gitna ng lugar kung saan ko ito madaas makita. Tumakbo ako palapit doon. Sinukan kong buksan pero tila nakakandado na ito.
Napaiyak na naman ako nang hindi na ito bumukas. Tila ba ayaw na akong papasukin. Ilang beses kong kinalampag at sinipa ang pinto para lang bumukas ito pero walang nangyari
Bigo na lumayo ako doon. Baka may ibang paraan pa para mabuksan ito. Inilibot ko ang aking tingin sa lugar at naghanap ng bagay na pwedeng makatulong sakin upang mabuksan ko 'tong pinto pero wala na akong ibang nakita bukod sa mga bulaklak
Wala sa sarili na napaupo na lang ulit ako. Ayokong mawalan ng pag asa pero wala akong magawa. Nag unahan na namang tumulo ang aking mga luha. Kanina pa ako hindi matigil sa pag iyak. Ramdam ko nadin na mugto na ang aking mata. Humiga ako sa damuhan saka doon ipinag patuloy ang pag aking pag iyak. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy ngayong wala ka na dahil hindi ko kaylan man naisip na dadating tayo sa ganito at iiwan mo akong mag isa
Napatingin ako sa langit. Ngayon ko lang napansin na papadilim na pala. Ilang oras akong nagtagal sa ganong posisyon. Hinayaang ko na lang ang sarili ko na umiyak nang umiyak hanggang sa kusa na itong huminto. Malamang ay napagod na dahil ilang oras narin akong ganon. Huminga ako nang malalim bago magpakawala nang isang malalim na buntong hininga. Napagdesisyunan kong bumangon na dahil kanina pa ako nakahinga sa damuhan at isa pa ay gabi nadin
Mabagal ang lakad na umalis ako sa lugar na 'yon. Hindi ako susuko. Gagawa ako nang paraan para mahanap ka
Pagkadating ko sa aking apartment ay dumiretso na agad ako sa kama. Ibinagsak ko ang aking sarili doon. Pagod na pagod ako. Halos maubos ang lahat ng lakas ko.
"Magiging maayos din ang lahat" pagpapalakas ko sa aking loob dahil walang ibang gagawa non kundi ang sarili ko lang din
Tumagilid ako pero may kung anong bagay akong nahigaan. Inabot ko ito. Picture frame ito kung saan naglalaman ito ng litrato naming dalawa ni felix. Ito siguro yung iniwan ko bago ako bumalik sa Ekbasis
I forced a smile the moment I see him at the picture. Malawak ang kanyang ngiti dito. I hope that I would see his smile again but I remember, he's gone now. He left me all alone
The smile I failed to protect
Yun ang huling natatandaan ko bago ako tuluyang makatulog