"What the fuck?"
Yun agad ang sabi ko simula nang makabalik ako sa apartment. Naglinis ako ng katawan dahil basang basa ako. Pumunta ako sa sala at nagpabalik balik ng lakad don
"Nababaliw ka na ba?" bulalas ko sa aking sarili. Hindi parin mag sink in sa utak ko yung mga nangyari. Parang ang hirap paniwalaan na sa likod ng maamo niyang mukha ay….
"Ah basta!"
Ibinagsak ko ang sarili ko sa sora saka tumingin sa kisame. Napaisip ako bigla. Ano nga ba ang meron sa pagitan namin ni Felix. Kakilala ko lang ba siya? Kaibigan?
Hindi naman sigurado kung gusto ba talaga namin ang isa't isa tapos maghahalikan kami na parang may something na samin. Pero teka, may posibilidad ba na magkagusto ako sa kanya?!
Napamaang ako sa sariling naisip
Hindi din naman imposible yon pero pwede ba? Magka iba kami ng mundong ginagalawan. Parang ang hirap naman yata na magmahal ka ng taga ibang mundo. Napatayo ako
"Bakit ko ba iniisip yon?!" tanong ko sa aking sarili
Hindi ko dapat iniisip ang mga 'to dahil in the first place wala talaga kaming feelings para sa isa't isa at baka mapahiya lang ako dahil sa pag aasume ko. Pumasok na ako sa kwarto para matulog. Humiga ako saka ipinikit ang aking mata
1:00 am
.
.
.
1:30 am
.
.
.
2:00 am
Napabalikwas ako ng bangon. Naiinis na nagkamot ako ng ulo
"Bakit ba hindi ako makatulog?" naiinis na tanong ko
Ilang beses na akong nagpabaling baling sa kama pero hindi parin ako makatulog. Halos gumulong na ako dito pero heto parin ako at gising na gising. Dahil hindi ako makatulog ay napadesisyunan ko na lang lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kusina saka kumuha ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. Lumapit ako sa bintana saka tinignan ang buwan. Napakaganda at bilog na bilog ito. Maraming ding kumikinang na mga bituin. Wala sa sariling napangiti ako. Bumalik na ako sa kwarto pagkatapos non saka sinubukang matulog
Kinabukasan ay nagisng ako dahil sa tunog ng phone ko. Kahit inaantok pa ay sinubukan kong abutin ito sa side table ko. Umusog ako ng kaunti para maabot iyon pero wala na pala akong uusugan kaya nahulog ako sa kama
"Hello?" inaantok na sabi ko sabang pipikit pikit ang mata
"Love, kamusta ka naman diyan?"
Nawala bigla yung antok ko ng marinig ang nasa kabilang linya. Boses pa lang alam na alam ko na
"Ayos naman po ako Tita" magalang na sagot ko
Love ang tawag sakin ni Tita at hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro si Aphrodite ang goddess of love
Wala namang masyadong sinabi sakin si Tita at tinanong lang ako kung kamusta na daw ako at yung pag aaral ko. Kung kumakain daw ba ako ng tatlong beses sa isang araw at kung sino ang mga nakakasama ko. Sinabing ayos naman ako at hindi masyadong gumagala dahil wala naman akong maraming kaibigan. Nasa Manila si Tita dahil don siya nagtatrabaho at doon din nag aaral ang dalawa nitong anak na kaedad ko lamang. Paminsan minsan ay umuuwi sila dito para bisitahin ako. Para kasi naging ako na ang nagbabantay dito sa paupahan na pagmamay ari nila.
Pagkatapos ni Titang tumawag ay bumangon na ako at niligpit ang higaan. Napatingin ako sa orasan. It's already 9:30 in the morning
Napagdesisyunan kong hindi na lang ako papasok tutal late na din naman ako at saka hindi ko din trip pumasok dahil baka makita ko na naman yung mga babaeng mukhang coloring book yung mukha at mabadtrip pa ako. Paktapos kong mag ayos ng konti sa apartment ay pumunta na ako ng Ekbasis
Hindi ko na hinanap si Felix pagdating ko 'don. Bahala siya sa buhay niya. Naglakad lakad muna ako sa buong Ekbasis hanggang sa naisipan kong puntahan yung Lignum Vitae. Hindi ko alam basta may kung anong nag uudyok sakin para puntahan yon. Gusto ko ulit masilayan yung ang bagay na yon. Hindi nagtagal ay narating ko ang kakahuyan na may kakaibang liwanag senyales na malapit na ako sa pupuntahan ko. Mabagal ang lakad na aking ginagawa. Gusto kong masilayan lahat nang ito. Kahit maliit o malaking bagay man. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa aking pupuntahanan
Talagang kahanga hanga ito. Hanggang ngayon ay patuloy akong namamangha sa lugar na 'to. Nasa harap ko na ang Lgnum Vitae. Naglakad ako palapit dito saka ko ito hinawakan. Timingala ako para makita ang kumikinang na dahon nito. Tunay na napaka ganda niito. Kumunot ang noo ko ng makitang unti unting nalalaglag ang mga dahon nito. Saka ko lang napansin na ang dami na palang dahon na nalagas dito sa lapag. Bakit kaya naalagas ito? Baka hindi binabantayan o dinidiligan ng mabuti ni Felix pero sabi naman nito ay may sariling buhay ang puno at ito pa daw ang taga bantay sa Ekbasis
Dahil sa biglang pagkalagas ng mga dahon sa puno ay napagdesiyunan kong bumalik para hanapin si Felix. Sasabihin ko kanya ang tugkol dito sa puno
Una kong pinuntahan ay ang water falls kung saan madalas ko siyang makita pero bigo ako dahil wala siya doon. Sunod ko namang pinuntahan ay ang tree house. Paakyat pa lang ng jagdan ay tinatawag ko na ang pangalan niya hanggang sa makapasok ako sa loob pero wala din siya doon. Napakamot ako ng ulo. San ko na naman ba hahanapin 'yon
"Taga lupa!"
Napalingon ako sa labas ng marinig kong may tumawag. Boses pa lang malalaman mo na kung sino at lalong lalo na sa paraan ng pagtawag niya sakin. Siya lang naman ang kaisa isahang tuatawag sakin ng ganon. Lumabas ako at doon ko siya nakita sa pangatlong baitang ng hagdan na kumakaway sakin at syempre hindi mawawala ang malawak na ngiti niya. Napairap ako
"Kanina ka pa dito?" tanong niya
"Oo" maikling sagot ko
"Saan ka galing" tanong niya ulit
"Dyan lang" sagot ko naman
Malapit na sayo ako sa kanya ng apat na baitang ang layo ko sa kanya ay namali pa ako ng tapak saka dirediretsong nahulog. Naipikit ko na lang ang mata ko sa kaba. Ilang saglit pa ay inaasahan ko ng mamagsak ako sa lupa at pagtatawanan ni Felix pero hindi ko naramdamang bumagsak ako sa malamig na sahig
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Saka ko lang na namalayan na nasa ibabaw pala ako ni Felix
Shit
Nanlaki ang mata ko. Mahigpit ang hawak niya sakin. Nakita ko siyang nakangiwi na kaya dali dali akong umalis sa ibabaw niya
"T-taga lupa ang bigat mo" sabi niya sakin
Napamaang ako. Ganoon na ba ako kabigat?! Grabe naman to
"Grabe ka naman" reklamo ko
Nakitang kong nahihirapan siya tumayo kaya namna tinulungan ko siya. Nag pagpag ako ng damit pagkatayo namin
"Gaano ba karami ang kinakain mo sa isang araw at ganon ka kabigat" tugtong pa niya. Hindi na ako nakatiis at hinampas ko na siya sa kaliwang braso. Nagulat naman ako ng mapahawak siya bigla doon. Napadaing siya sa hampas ko
Lumapit agad ako sa kanya. "Ayos ka lang" nag aalalang tanong ko
Hinimas niya muna ang braso niya at tumayo ng diretso saka tumango
Hindi ako kumbinsido kaya tinanong ko ulit siya. "Sigurado ka?" tanng ko ulit
"Ang kulit mo" sabi niya saka ginulo ang buhok ko
"Nagtatanong lang naman eh"
"Siya nga pala, bakit ka nandito?" tanong niya sakin
"Bakit ayaw mo ba akong nandito? Edi wag" sabi ko saka kunwaring aalis na pero hinili niya agad ako pabalik
"Nagtatanong lang eh" sabi naman niya kaya natawa ko. "Ang alam ko kasi sa ganitong oras ay nandon ka sa mundo niyo at may ginagawa"
Napakamot ako sa batok at napaisip. "A-ano kasi…. " wala akong maisip na isasagot sa kanya
"Ano?"
"K-kasi nga ano…."
"Ano nga"
"Basta wala akong gagawin samin"
Yun na lang ang naisagot ko sa kanya. Wala na akong maisip na iba
"Saka magpasalamat ka na lang at nandito ako ngayon" mayabang na sabi ko sa kanya
"Magpasalamat ka din at sinalo kita kanina" ganti naman niya. Aba palaban ka na. Tignan natin ang galing mo
"Hindi ko naman sinabing saluhin mo ako"
"Pero kundi dahil sakin ay bumagsak ka na sa lupa habang pinagtatawanan lang kita"
Ganti naman niya. Napairap ako. As I expected. Ganon nga ang gagawin niya
"Ikaw ang nagkusa sa ating dalawa tapos ngayon ako pa ang magkakaroon ng utang na loob dito" sabi ko sabay pameywang
"Kung alam ko lang na ganyan ang sasabihin mo sakin edi sana hindi na lang kita sinalo" sabi naman niya at tinaasan ako ng kilay sabay paweywang din
Pota. Walang aawat. Maatitude vs. maatitude
Napabuga ako ng hangin. Grabe. Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to. Sa inis ay bahagya ko siyang tinulak. Nanlalaki ang matang tinignan niya
"Aray ko naman! Tinulak ba kita" maarteng sabi niya. Tinulak din niya ako biglang ganti. Mahina lang naman. Hindi na ako gumanti dahil ako naman ang nauna dahil baka kapag ginawa ko 'yon ay magtulakan lang kami sa dulo dahil dahil wala ni isa samin ang papaawat. Walang magpaparaya. Parehas palaban
"Pero kahit anong manyari ay sasaluhin parin kita"
Natigilan ako. Nagugulat na tinignan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng ngisi
Shit. That smirk
Sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko na naman yung ngisi na 'yon. Hindi maganda ang kutob ko dito dahil nang unang beses ko itong nakita ay nung hinalikan niya ako. Isang gabi din akong hindi nakatulog dahil doon
Bigla siyang sumeryoso saka unti unting naglakad palapit sakin. Kinakabahang napaatras ako. Hindi mawala ang ngisi niya na nagbibigay sakin sakin nang libo libong paru paro na sumasakop sa buong sistema ko. Sinisira nito ang pagiging kalmado ko
Umatras lang ako ng umatras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil kung bakit napaupo ako sa ikatlong baitang ng hagdan paakyat sa tree house. Patuloy lang siya sa paglapit sakin hanggang sa macorner niya ako. Iniharang niya ang magkabilang braso niya sa gilid ko. Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Dahan dahan niya inilapit ang mukha niya sakin kaya pikit matang napaiwas ako. Maya mya pa ay naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Hindi ako makagalaw. Pigil din ang paghingang ginagawa ko. Ramdam kong sobrang lapit niya sakin
"Kahit ilang beses ka pang mahulog sasaluhin at sasaluhin parin kita dahil hindi ko hahayaang mahulog ka sa iba"
Parang ilang segundo ring tumigil sa pagtibok ang puso ko. Hindi din ako makahinga ng maayos. Parang may kung anong kiliti ang dumaloy sa buong katawan ko. Parang nasira ang buong sistema ko dahil sa sinabi niya
Dumilat na ako at nakita ko siyang malayo na sakin at nakatayo sa harap ko. Nanlalaki ang matang tinigninan ko siya. Walang lumabas na kahit anong salita mula sa bibig ko. Parang biglang naging blangko ang isip ko. Ang tagal mag sink in sa utak ko yung nangyari
Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti saka tumawa ng malakas. Nakahawak pa siya sa tiyan niya at mangiyak ngiyak na nakatingin sakin habang tumatawa. Damn his duality. That why I don't trust this man because he can do a cute and soft boy into a hot and sexy man
Napamura na lang ako ng magsink in sakin ang lahat. Huminga ako ng malalim saka naiinis na tinignan siya. Bigla siyang tumakbo palayo sakin habang hindi oarin nawawala ang tawa niya. Yari ka saking tukmol ka
"FELIX!!!!!"