Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

When A Goddess Fell Inlove

Gugudoji
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.8k
Views
Synopsis
Pag ibig , Sakripisyo, Kapangyarihan at Kasinungalingan Ang kwentong Nag papatunay na kahit ang mag kaibang lahi ay malayang umibig. Kahit ang mag kaibang mundo ay maaring mag tagpo. Mundo na siyang patuloy na may digamaan. Sakripisyo ang magiging sandata. at matapang ang siyang mauuna. isa ang magiging kalaban , dalawa ang may kaalaman, kabutihan sa kasamaan, kasamaan sa kabutihan. kapangyarihan niyang taglay, ang siyang magiging kapantay, kasanayan ang siyang gagabay kamatayan ang kaagapay. Sino ang pagkakatiwalaan niya? Sino ang magliligtas sakanya?. Sino ang kalaban? Sino ang totoong kakampi? "oram mizer nyu lus fireyam realum bera feromba" sabay sabay nating abangan ang mga magaganap!!!......
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

This is the first story that I write here in Webnovel :-)

~~~~~~~~~~~~••••••••~~~~~~~~~~~

"Amang! Antagal mo naman eh....dalian mo naman po..sabi mo may ikwekwento kapa sa akin tungkol sa mga diyosa! " sigaw ng batang si manuelito na bungibungi pa ang ngipin

"Saglit lamang lito!" habang tumatakbo sa bukirin ang kanyang ama papunta sa maliit nilang kubo

"Dios ko! pwermi santo ka lito! hindi ba't sinabi ko ng maghugas ka na ng iyong mga kamay" ika ng inay nito.

sakto namn bumukas ang maliit na pinto ng kubo at iniluwa nito ang ama ni manuelito na pawis na pawis.

"Lita hayaan mo muna siya't may ikwekwento pa ako sa batang ito hahahaha..."pag saway nito habang nag pupunas ng pawis.

"Oo nga namn inang! hindi ba't sinabi mo na dadalhan mo ng ulam sina aling melin.Puntahan mo na po siya ngayon.

Tiyak na tapos na ang kwento ni Amang pagdating mo.hehehe...."

Pabirong sabi manuelito

"Yan ! diyan kayo magaling! ang pag tulungan ako. Hala sige! pupunta muna ako sa kabila at nang mabigyan ko na ng monggo si na aling melin." lumabas ng bahay si lita ng may ngiti.

Tumitig namn ang batang si manuel sa ama nito.Parang mga bitwin ang mga mata nito dahil kumikinang.

"Ama!dali simulan mo na ang iyong kwento!."

"sige sige "

"Ang ating mundo ay nahahati sa tatlong bahagi o parte" panimula ni ama nito.

"Ang unang bahagi nito ay ang Meralias .Ayun sa kasaysayan ang meralias ay ang sinasabing pinag mamalagian o tinitirhan ng mga purong dugong Ora mizer o diyosa at Ora mo zarl o diyos.Ang meralias ay maituturing na napakaganda.Ito ay Binubuo ng Apat na kaharian at ang bawat kaharian ay may kanya kanyang kakayahan. Ngunit ang ikatlog kaharian ay matagal ng nawasak kung kaya't itunuring nalamang itong tribu.Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng natitirang tatlong kaharian na pinangunahan ng unang kaharian. Kung kaya't napag pasiyahan ng ikaapat ng kaharian na makipag sanib pwersa sa ikalawang kaharian. Dahil ayaw rin nilang mamuna sa buong meralias ang unang kaharian sapagkat mga sakim raw ang mga ito.

at ang pangalawa ay ang

Divaria sinasabing ang bahaging ito ay matagal ng wala.Sapagkat wala ng natitirang lahing ganito.Ngunit sila ay binubuo ng mga kalahating tao at kalahating diyos o diyosa o mas madaling sabihin na may dugo silang meralias.Tinuturing na sumpa ang ganitong lahi sapagkat hindi raw kaayayang tingnan.Kung kaya't kung sino man ang mabatidan ng ganitong lahi ay agad pinapatay .

at ang pinaka huling bahagi ay ang bahagi ng Moradevir  naninirahan rito ang mga purong dugo ng tao o mga mortal na gaya natin.Magkakasama raw dati ang tatlong lahing ito. Ngunit dahil sa paggamit ng mahika ng kabilang lahi ay naisip ng kataas taasang diyos na pag bukudin ang mga ito.Sinasabing mayroong lagusan papunta sa bawat bahagi ngunit masyadong delikado.At matagal nang isinira ito ng taga Meralias dahil sa di pag kakaunawaan." Pagpapatuloy ng ama nito.

"hindi ba amang kathang isip lamang ang lahat ng iyan? pano mo naman po mapapatunayan na totoo ito" Ika ng munting si mauelito

"sapagkat may nag sabi sakin" taas noong sabi ng ama nito

"Talaga amang!? sino naman po"

"Isang dyosa. siya ang dyosa ng karagatan" napatingin naman ang ama ni manuelito sa mga mata nito.

"At ang kanyang pangalan ay-" bigla-biglang inubo ang ama nito hanggang sa mapahawak naman ito sa balikat ng anak.

"Ama!"sigaw ng batang si manuelito

"Tulong!tulungan niyo po ang ama "

umiiyak na sabi ni manuelitl habang inaalalauan ang ama nito papunta sa higaan.

"Manuelito!dios ko manuel" biglang dumating ang ina nito na sobrang nag aalala sa asawa.

Agad namang tumakbo ang ina ni manuelito sa kusina upang kumuha mona ng inumin.

"m-manuelito,Ora medevire hum des reali mosre d-devaria,ru le tos kunla ma duwe".

"a-ama? "

dumating naman ang ina nito at saktong dating narin ang nakarinig ng saklolo ni manuelito kanina,kung kaya't lumabas muna pansamantala si manuelito sa maliit na kubo upang magpahangin.

~~~~~~••••••••••~~~

P.S.

The language is called Merians, And the author make it only for this story.

Thank you!

^0^